AGAD din kaming umuwi ng Manila ni Drake. Parang napaka-importante kasi ng gagawin nito. Halata sa kilos niya na aligaga ito, kaya naman nang makarating kami sa Manila ay hindi ko na mapigilan na magtanong sa kaniya. “Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na balisa ka,” sabi ko sa kaniya. “Babe, siguro kailangan mo na rin malaman ito. Pinapa-imbestiga ko kasi si Raven. At tumawag ang tauhan ko na may nakuha na raw itong impormasyon tungkol rito, at sa iba pang negosyo nito. Kaya kailangan kong makipagkita sa kaniya agad.” Paliwanag niya sa akin. Hindi niya nabanggit na pinapa-imbestigahan niya si Raven, at bakit niya naman kaya naisip iyon. “Bakit mo naman kailangan mo pa siya pa-imbestigahan?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko rin kasi siya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin

