SOBRA ang sayang nararamdaman ko ngayon. Akala ko ay hindi na mangyayri ang pagkakataon na ito. Ang makausap ang babaeng mahal ko, hindi pa kami ganun kaayos. Pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito na gawin ang lahat para sa kaniya. Hindi ko kayang mapunta siya sa ibang lalaki lalong-lalo na sa Raven na iyon. Hinding-hindi ako makakapayag dahil sa ilang beses namin pagkikita, duda pa rin ako sa pagkatao niya. Kaya naman inutusan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan na imbestigahan ito. Sa ngayon ayoko munang isipan ang mga bagay na iyon. Ang dapat kong pagtuonan ng pansin ay ang ngayon, na kasama ko si Sharlotte. Buti na lang ay nakilala ni Ajus ang kaibigan nito, kaya naman heto ako ngayon kasama ang babaeng mahal ko. Kumain lang kami sa bahay ni Ajus, nagkuwen

