NAPAMULAT ako ng mata nang dahil sa lakas ng katok sa pinto ng condo ko. kaya naman agad akong tumayo upang bukasan ito. Kahit masakit ang ulo ko ng dahil sa nainom ko kagabi. Pagbukas ko ng pinto bumungad agad sa akin ang tatlo kong kaibigan. Hindi ko alam kong bakit ang aging namumulabog ng mga ito ngayon dito sa condo ko. Agad naman nagsipasukan ang mga ito sa loob. Kanya-kanyang upo ang mga loko at ako naman ay bumalik sa pagkakahiga sa may sofa. “An gaga-aga ano ang ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanilang tatlo na tila ba parang sinusuri ako. Lahat kasi sila ay nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa kaya naman napatingin ako sa sarili ko. Wala naman mali sa suot ko at sa itsura ko. “Bat ganyan kayo makatingin?” tanong kong muli sa kanila. “Mukha kang pinagsukluban ng langit

