PROLOGUE
16 yrs. Ago...
EUROPE
Casa D'Silva
THERESA'S POV
TOK!
TOK!
TOK!
Bumukas ang pinto at niluwa ito ang ama ng mga anak ko. Nabakasan ko ng pangamba ang kanyang mukha, paniguradong may sinabi o inutus nanaman ang kanyang ama.
Ibinigay ko si heaven sa aking taga pangalaga pra ipagpatuloy ang pagpapatulog sa kanya.
" idala mo muna sya sa kwarto nila... " utos ko dito. At tumango nalang ito sa akin bilang tugon.
Humarap ako sa kausap ko, at Maya maya ay lumapit sa akin si Edwardo.
"nagdesisyon na ang papa, pag-umabot ng 18 yrs old ang mga bata, tuturuan na sila kung paano at anu ano ang pagpapatakbo ng organisasyon—"
"ANO?! " Di ko makapaniwalang sagot dito.
" makinig ka, para sa kanila to, in the future sila din ang maglalakad ng kung anong sinimulan ng pamilya natin, at sa magiging anak at apo nila.. " hinawakan nya ako sa aking balikat.
" sino kayo para pagplanuhan ng kinabukasan mga anak ko?! Edwardo, bakit ba hindi nyo nalang hayaan yung mga bata na lumaki ng normal!? Yung malayo sa gulo! Yung malayo sa mga kademonyohan nyong magama!! Di mob a naisip na babae ang mga anak ko!! Hindi LALAKE!! " pinagdiinan ko tlaga ang salitang babae, para isampal sa kanyang hindi simpleng bata lang ang iniluwal ko!
Umiling lang ito at tumalikod ito sa akin na umiiling.
" WALA KAYONG KUKUNIN OH TUTURUAN SA MGA ANAK KO EDWARDO!! " sigaw ko sa asawa kong mas demonyo pa sa demonyo! Nagkamali ako bakit nagawa kong magpakasal at magmahal ng kagaya nya! Di ko na kaya, noon hindi naman sya kagaya ng kanyang ama pero iba na ngayon! Unti unti na syang kinakain ng Sistema ng kanyang ama. Kasalukuyan kaming andito sa kwarto naming at binanggit nya sa akin ang plano nilang magama sa mga anak ko.
Naglakad ako papuntang bintana at tumingin sa malawak na hardin ng mansion.
" pumayag nalang tayo sa gusto ni papa, para din naman sa mga anak natin to!! " paliwanag nito. Di ako makapaniwalang nilingon sya.
" ano?!! Naririnig mo ba ang sinsabi mo Edwardo? Ha?! Ano kinain ka na ng sistema ng ama mo! Kaya ganyan ka na din magisip?! " sabi ko dito.
" tandaan mo, hindi ko iniisip ang sarili ko dito!! Kaya wag mong pagsalitaan si papa ng ganyan! Kung umasta ka parang wala kang nakuha sa akin a—" di ko na pinatapos ang sinabi nito at isang sampal ang nagawa ko sa kanya.
Maya maya pa ay nilingon nya akong masama ang tingin, at hinawakan ng mahigpit sa aking pisngi.
" e-edward-do! Na-nasasaktan ako!!! B-bitawan mo ko!! " naluluha kong pagmamakaawa sa kanya. Ito ang kauna unahang pinagbuhatan nya ako ng kamay. At di ako makapaniwalang mararanasan koi to sa kanya.
" ito isaksak mo sa kukute mo Theresa! Akin ang mga bata! AKIN! KAYA KUNG BALAK MO KONG KALABANIN GAWIN MO, BALIKAN MO DYAN SA KUKUTE MO KUNG ILANG TAO NA ANG NAPATAY AT DUGONG PINAGAPANG KO SA SAHIG MAKUHA KO LANG ANG GUSTO KO!! " sabay balya nya sa akin sa sahig. Dahan dahan akong bumangon, Npadura ako sa sahig dahil sa dugong nalasahan ko sa loob ng aking bibig, dahil sa higpit ng kapit at pagkakahawak nya sa aking bibig.
Isa lang naisip ko, isang tao lang ang makakatulong sakin para makaalis kami dito. Sya lang ang pinagkakatiwalaan ko. SI MAMA. Kailangan ko ng tulong nya para makaalis kami sa impyernong buhay at bahay na to!
Few days later..
Umalis sila Edwardo at papa, para pumunta sa Europa dahil sa isang anumalya umano na nangyari doon. Ilang araw daw silang mawawala kaya sinamantala ko ng makausap si mama para makahingi ng tulong.
TOK!
TOK!
TOK!
Marahan kong katok sa kanyang pintuan.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob at sumilip sandal kung may ginagawa ba ang mama o wala.
At nang masigurado ko na wala, nilapitan ko ito at napansing nakatingin sya sa hardin ng mansion, malalim ang iniisip.
I make a little sound for her to know that I'm already inside, but she's still looking at the window.
" mama.. " I said.
" alam kong nagtalo nanaman kayo ni Edwardo about sa mga bata. Kung ano man ang plano mo, sabhin mo lamang sa akin agad at ako bahala. " sabi nito habang nakatingin parin sa labas. Nagulat ako sa sinabi nito pero di ko alam at sobrang gumaan ang loob ko. Tama talaga akong sya ang nilapitan ko. Kung wala sya panigurado di ko na alam kanino pa ako lalapit.
"salamat mama, maraming maraming salamat. " humarap ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Bumitaw sya ng panandalian. At tinitigan ang aking mga mata, at dumapo ang mga mata nya sa aking pisngi na may kaunting pasa hinimas nya ito. At kitang kita ko kung gaano sya nasasaktan ngayon sa ginawa sakin ng kanyang anak.
" ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa sayo ng aking anak ko. Alam ko mahal na mahal mo sya, at di ka makapaniwalang magiging kagaya sya ng kanyang ama. Patawarin mo kami Theresa, " naluluha nyang bangit sa akin.
" mama, wala po kayong dapat ipagpatawad. Alam ko na po at pinaghandaan ko na itong araw na ito. Darating talaga ang panahon na magiging kagaya sya ng papa, nagbulag bulagan ako sa pagmamahal sa kanya, kaya ito.. " paliwanag ko dito.
" ano plano mo sa mga bata? " pag iiba nya ng usapan.
" balak ko po sana sila itakas papuntang pilipinas. Bukas po ng umaga, mga alas nwebe. Lahat po ng papeles napasikaso ko para sa mga bata at ang magiging tirahan naming doon. " paliwanag ko dito.
" sige, ipapaasikaso ko na ang private plane na gagamtin nyo papuntang pilipinas at ang iba pang dokyomentong kailangan nyo papunta doon para hindi kayo matrace ni Giovanni, at ako na bahala kay Giovannie, itatago ko ang patakas ninyo at sisiguraduhin kong hinding hindi nila kayo matutuntun. " sabi nito at hinawakan ang dalawa kong kamay.
" lagi kayong magiingat ng mga apo ko, tandaan nyo mahal na mahal ko kayo. " di ko na napigilan ang paglandas ng aking mga luha. Sa hinagap di ko akalaing magiging ganito sya kabait sa akin.
" maraming maraming salamat mama, tatandaan ko po lahat ng inyong bilin. " at hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya na para bang ito na ang huli naming pagkikita at paguusap.
Pero, hindi nila napansing may nakikinig pala sa kanilang usapan.
It's 6 in the morning, this the day. Ito na ang araw na makakaalis na ako sa mala-empyernong lugar na to. Maaga akong nagising para makapagasikaso ako ng mga ibang gamit pa naming na dadalhin. Walang nakakaalam ng pagalis naming maliban kay mama. Inasikaso ko na din ang aking mga anak para dere-deretso na kami ng lakad.
Sinalubong ako ni mama sa may stair case sa baba ng hagdan, at binitbit nya si Neveah para mabitbit ko din ang ibang gamit naming. Nang masigurado ko na ang pagalis naming tatlo, ay bumaba na kami ng aking kambal at dumeretso na sa main door ng mansion takbo lakad ang ginawa ko para di ako maabutan nila Edwardo at papa.
" at saan kayo pupunta? "
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Di maari, sa susunod na araw pa ang balik nila. Paano?
" at kasabwat ka pa pala mama? I did you do this to us? Alam mo bang di sila matutuwa once malaman nila ang gingawa mo?" Ruby. She's the younger sister of my dearest husband. Kung halang ang kaluluwa ng asawa ko, mas halang ito. Kayang kaya nyang pumatay kahit sino.
" R-Ruby? P-paano? Asan ang kuya mo? " kabado kong tanong dito.
" Ruby, wag kang makikialam dito. Parang awa mo na. " pag susumamo ni mama sa kanya.
" why? What's wrong? Ayaw nyo bang andito ako? Hmmm.. si kuya? On the way na, with papa. And no mama.. you don't have a right para pigilan kung ano DAPAT kong gawin. " she said at papalapit na sa amin ni mama.
Di ko napigilang ilabas ang tapang ko sa kanya, kaya hinablot ko ang baril sa aking likod at itinutok ito sa kanya.
" subukan mo Ruby! Baka makalimutan kong kapatid ka ng asawa ko! " pinipigilan kong kabahan dahil alam kong mas matapang pa sya sa kuya nya at mas Malala pa sya sa ama nya.
" ruby, anak.. ako nang nakikiusap sayo.. hayaan mo na silang makaalis.. " pagmamakaawa ni mama, inirapan lang sya nito at naglakad papunta sa dereksyon ko, sa derksyon ng baril kong nakatutuk sa kanya.
" really? Would I be scared now? Hahahaha! Go! Blow it! IF YOU CAN. " she confidently said looking directly to my eyes.
Unti unti akong nanlalambot sa takot pero di ko pwede ipakita dahil ayokong maging talunan sa harap nya. Nararamdaman ko na din ang panginginig ng aking mga kamay.
" why are you shaking? Tsk, tsk, tsk.. I know it from the very first time I saw you, you're really weak. Kaya di ko talaga alam bakit ka pinakasalan ni kuya, even though its just a f*ck*n arrange marriage! " pang iinsulto nya sakin at mabilis na hinablot sakin ang baril na aking hawak.
" tsss.. weakling! " bulong nito sa akin. At binalingan si mama at tinutukan din ng baril. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya kaya di ko napigilang di kabahan sa maaring mangyari.
" give her to me! " utos nito sa kanya, at tumingin sa akin.
"are you deaf? I said, GIVE. HER. TO ME!! " iritadong sigaw nito kay mama. Di ko tlaga alam paano sila tinuturuan ni papa at lumaki sila ng ganito. Isa ito sa dahilan kaya ayokong mapunta ang mga anak ko sa kanila. Kahit sino sa mga anak ko, ayoko!
"RUBY!! " si Edwardo.
nagulat ako sa sumigaw at lalo akong kinabahan dahil ang dalawang taong kinatatakutan kong dumating ay andito na. nanlalambot kong tinignan si mama. Pinipigilan ko dn ang lumuha dahil na rin sa takot at maaaring mangyari.
" tsss! " bulong nito.
" saan mo dadalhin ang mga bata!? So kasabawat ka mama?!! " sigaw ni Edwardo sa amin.
" E-edwardo, pls.. hayaan mo kaming makaalis ng mga bata, may mas maganda silang kinabukasan, hindi sa ganitong paraan.. pls. nagmamakaawa ako. " hangang sa tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
" buo na ang disisyon ko Theresa! Mas maganda ang kinabukasan nila pag andito sila sa poder ko! Kung gusto mo umalis! Umalis ka! Pero iwan mo mga bata! " at tinangkang nyang agawin sa akin si heaven at mabilis akong kumilos at hinablot ang nakatagong baril nya sa kanyang coat. Dati nya akong tinuruan sa mga ganito kaya mas nalalamangan ko sya sa pagkilos kaht may hawak ako oh wala, pero kailangan ko parin maging maingat dahil mga anak ko ang nakasalalay dito.
" magkakamatayan muna tayo Edwardo! " at tinutok ko ang baril na nakuha ko sa kanya, at tinutukan din ako ni ruby.
" ANO NANAMANG KATARANTADUHAN ITO THERESA! " nanigas ang mga katawan naming sa boses nya. Si papa, ang kaisa isang demonyong kilala ko. Si Giovanni D'silva!
" tigas talaga ng mukha mo! Manang mana ka sa mga magulang mo kaya maagang nawala sa mundo eh! " sabi nito. At lalo akong nagimbal sa sinabi nito sa akin. Di maari! Ang mga magulang ko!
" anong ginawa mo sa mga magulang ko?! " at tinutuk ko sa kanya ang baril na kaninang nakatutuk kay Edwardo.
" alam mo kung ano ang patakaran ko, Theresa. Ayoko sa lahat ng manloloko at sumisira sa plano ko. Lahat ng yan may kalalagyan. " sabi nito at nagsindi ng sigarilyo at dahan dahang lumapit sa akin.
" kaya kung ayaw mong makasama ng di oras ang mga magulang mo sa sariwa nilang hukay, at kung mahalaga pa sayo ang mga anak mo, sumunod ka nalang para wala nang gulo. Ok? " sabi nito at dahan dahang tinabig ng hintuturo ang baril na nakatutuk sa kanya.
" mamatay muna ko bago ko gawin yun!! " at binaril ang kanyang binti at unti unti nang nagkagulo.
" AHHHH!!!!!!!!! " sigaw nito.
Inagaw sakin ni Edwardo ang baril na hawak ko at inumpog ko ang ulo ko sa ulo nya. Di ko ininda ang sakit, dahil binabalot na ako ng galit.
" AHH!!! " Edwardo.
Maya maya ay binalingan ko si mama na nasa tabi at yakap yakap si Neveah. Kukunin ko na sana sila pero biglang may nagpaputok ng baril sa dereksyon naming. Kaya napadapa kami at tumakbo palabas. Tumakbo kami papunta sa may sasakyan na nakaparada malapit sa gate ng mansion. Yun ang dapat na maghahatid sa amin sa airport pero ito nangyari.
Asa likod ko si mama at palingon lingon ko syang tinitignan hangang sa makarinig kami ng malakas ng putok ng baril sa dereksyon namin.
Paglingon ko ay napahinto si mama at nakita kong tumagos ang balang galing kay papa.
" MAMA!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko dito. Balak ko sana syang Lapitan pero naabutan sya ni ruby bago ito bumagsak sa lupa ay nakuha na nya si Neveah at tinutukan na din kami ng baril at pinagpuputok sa dereksyon naming.
Todo yakap ako kay Heaven, para di sya mapano oh ano hangang sa nakarating ako sa sasakyan na gagamitin naming at sumakay doon at hinanap ang duplicate key ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan. Wala na akong pake alam kung may masagasaan ako oh may matamaan ako, isa nalang ang nasa isip ko ngayon, ang makaalis dito at maitakas ang anak ko.
" UHUWAAA... UHUWAAA... UHUWAAA... " iyak ni heaven.
"shh...shh..shhh... mama is here, its alright.. " bulong ko dito at unti unti syang tinatapik.
Walang tigil na umiiyak si Heaven sa tabi ko kaya nang makasiguro na akong malayo na kami sa mansion at mailigaw ang mga sumusunod sa aming mga tauhan nila, ay inihinto ko sandali ang sasakyan para mapatahan sya.
Niyakap ko ng mahigpit ang aking anak, at ipinagpapasalamat na nakaalis kami sa empyeronong lugar na yun. Iniyak ko na lahat ng kailangan kong iiyak, humagulgul ako ng humagulgul hangang sa gumaan na ng tuluyan ang loob ko.
" im sorry mama, im so sorry.. " bulong ko sa aking sarili na parang may nakakarinig ba talaga sa akin.
Nang mapatahan ko si Heaven sa pag iyak, hinalikan ko ito sa pisnge at maya maya pa ay napansin kong dumilat si Heaven, at nabigla ako sa aking napansin.
Magkaiba ng kulay ang mata nya, ang asa kaliwa ay kasing asul ng tubig dagat at ang kanan naman ay kasing pula ng dugo. Lalo akong kinabahan sa maaring mangyari sa kanila dapat sa mas lalong madaling panahon ay mahanap ko si Neveah. Ipinapangako ko. Hahanapin ko sya. magkakasama din kaming tatlo at hinding hindi ako papayag na lamunin sya ng kasamaan ng lolo, daddy at untie nya. Maayos ko lang lahat maibalik ko lang sa normal panandalian ang lahat. Kukuhanin ko ulit anak ko. Pinapangako ko yan.
" we're gonna be ok now.. WILL GONNA BE OK NOW. " sabi ko kay heaven at maya maya pa ay ngumiti ito na parang naiintindihan ang sinasabi ko.
Pinaharurut ko na ang sasakyan at tinahak ang daan papuntang airport at sinimulang panindigan ang ipinangako ko.
Babalik ako, at pagbalik ko sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisya para sa mga magulang ko at makukuha ko ang anak ko. Patatatagin ko ang sarili ko para sa mga anak ko.