AKRIM Napalingon sa dereksyon namin si Aling Nora, medyo awang ang labi niya nang makita ako. Parang nakakita ng multo. Napalunok, namutla yata. Kasunod nun ay ang pagkaalarmang gumuhit agad sa mga mata niya. Sigurado akong kilala niya ako, at kung sino ako sa buhay ni Andrea. Agad kong pinunasan ng palad ang mga luha ko at sinikap na maging kaswal ang awra ko sa pagharap sa kanila. Ayaw ko silang matakot lalo na ang anak ko. Pero alam kong sa mga ginawa ko kay Andrea, at sa reputasyon ko bilang gobernador ay hindi nakakapagtakang mapuno ng takot si Aling Nora at pangamba. Parang biglang tumigil naman ang puso ko at kinakabahan akong napalunok nang ang anak ko na ang mapatingin sa akin. Nabasa ko sa napaka inosente niyang mukha at ang pagtataka habang nakatunghay siya sa akin.

