CHAPTER #2.

1042 Words
"Oh! Ano muntik kana kanina noh? Gaga ka kase, na karma is real ka tuloy" Pangangantiyaw saken ni sheena. "Karma ka jan! As if naman na nahuli ako noh! Tsaka kahit na mahuli ako di ako aamin. Matira matalino sa'min ni ma'am no!" Sagot ko, sabay inom sa milktea na binili namin sa canteen. "Hahaha! Baliw ka talaga!" "Baliw man sa paningin mo, mas maganda padin sayo!" "Oh! Pinapasa ko na sayo yung korona ko! Baka confetti gusto mo din?!" Natatawa niyang sabi habang inaabot saken ang walang laman na lalagyan ng milktea. "Tangina mo! Basura mo, kain mo." Sabi ko na natatawa din. "Uwi nanga ko, wala naman akong mapapala sayo!" Paalam niya at saka sumakay sa pila ng mga tricycle. Mas malayo kase ang brgy. Nila kaya hindi kami nagsasabay. Ayoko din naman siya kasabay baka ako pa pagbayarin niya ng pamasahe. Mahilig pa naman mag 123 yon. "Kuya, bayad po is--" Hindi ko na natapos dahil may antipatikong biglang sumulpot sa tabi ko. "Kuya, bayad po. Arkilahin ko na tong tricycle mo kuya. Mag-uusap lang kame ng girlfriend ko." Sabi niyang nakatingin sa'kin. Taasan ko nga ng kilay! "Anong girlfriend? Tiningnan ko ang listahan ko kanina, at wala don ang pangalan mo." Bulyaw ko sa kanya. "Lista-listahan ka pang nalalaman diyan! Dati lang stalker kita ah!" Mayabang niyang sabi. "Feelingerong bisugo mo naman! Sino ka jan?" Pang-uurat ko sa kanya. Akala ko si ibarro ka loveteam ni amihan, kabit lang pala siya. Nandito kase sa tabi ko yung totoong asawa! Err! Lakas ng hangin! "At sino kaya ang panay sigaw sa tuwing may laro ako noh? Yung, Go Arañas! Go my sweet honybee! Pag nanalo kayo ide-deliver ko sarili ko sa bahay nyo!" Sabi nya habang ginagaya yung boses ko. Ang lala! Hindi naman ako pabebe ah! "Bwisit ka!" Sabay hampas ko sa braso nya. Di naman kailangan ulitin pa eh! Move on nako no! Bigla naman niyang hinuli yung kamay ko na pinang hampas ko sa kanya. Aba! Chansing to ah! Mabilis ko ngang kinuha yung kamay ko at kinurot siya . "Aray! Ansakit! Hindi panga tayo ang bayolente mo na, sabagay! I like the violent type of girl. It's sounds you and me in one bed" malandi niyang sabi sabay kindat pa. "Anong bed? Huh? Bed bed ka dyan. Baka gusto mong tumirik yang mata mo sa--" Bigla akong pinamulahan ng mukha at pinagpawisan, nang mapagtanto ko kung anong pinagsasa-sabi ko. "What a bad mouth of yours honey. Tsk!" Sabay iling ng ulo nya. "Bastos ka!" At mabilis ko syang tinulak palabas nang huminto din sa wakas yung trycycle. Grabe! Feeling ko 2minutes nalang life time na eh! san kaya dumaan to si manong. Tch! Nang sa wakas makababa na siya, ay saka ako nagmamadaling bumaba at mabilis na naglakad paalis. Grabe! Nakakahiya! Arrgh! Tumingin pako sa likod ko para tingnan kung sumusunod pa siya. Nakahinga lang ako ng maayos nang wala nang makita. Ays! Grabe pinagpawisan pati singit ko dun ah! Bwisit! Ano ba kaseng trip nya? "Oh? Anong mukha yan?" Tanong ni mama nang maabutan ko siya sa kusina. Nakakauhaw pala kabahan! Peste! "Mukha ng maganda" Sabay bukas ko nang ref. Para kumuha ng tubig. "Alam ko, ako kaya gumawa sayo" Sabi ni mama habang naghahalo ng kung ano sa kawali. "Ma, pengeng pera" Pagiiba ko ng usapan. "Wala akong pera michelle, hindi ka panga nagbibihis nakahingi kana agad diyan" Sermon niya agad. Yan nanaman siya! "Ano kayang pinagkaiba ng naka pambahay sa naka uniforme. Ang daming knows, di naman magbibigay!" bulong-bulong ko sa sarili ko, kaso mukhang narinig. "Anong sabi mo? Pabulong-bulong kapa pasuin ko yang bibig mo diyan!" Napatakbo tuloy ako habang paakyat ng hagdan. Maya nalang nga ako manghihingi. Magpapa mis nalang muna ko sa mga kalandian ko. "Ate! Bumangon kana daw diyan. Tawag ka ni mama, kumain kana daw!" Gising saken ni nica, bunsong kapatid ko. "Bwisit ka! Bat nanghahampas ka! Patulugin kita sa bubog diyan gusto mo?" Paasik kong turan. Kagigil eh! "Bahala ka sa buhay mo! Nasa baba si papa, tawag ka!" Sabay dabog ng pinto. Tamo tong bwisit nato! Siya pa may ganang magdabog. Sarap manakal ng kapatid! Kung hindi lang ako nakaramdam bigla ng gutom, hindi ako bababa eh! Nagmano lang ako kay papa, bago ako umupo sa tabi niya. "Ayan lang kakainin mo?" Tanong ni papa nang makita niyang carbonara yung nasa plato ko. "Opo, pa. Diet eh!" sabi ko nalang. Ayoko kase ng ulam. Ewan ko bat ang pili ko pagdating sa ulam. Choosy nanga ko. Choosy pa pati, tiyan ko! "Hayaan mo nayang, anak mo! Sya naman ang magugutom!" Sabi ni mama. Eh? Bat galit ma? "Bat galit ka ma? Sabihin mo lang habang nandyan pa abogado ko." Sagot ko kay mama, habang nginunguya yung carbonara na sinubo ko. "Abogado, pinagsasabi mong bata ka! Bat sino ba abogado mo?" Pagalit ni mama. "Ayan oh! Si papa." Nguso ko sa direksyon ni papa. "Ikaw, michelle. Tigil-tigilan moko baka mabato kita ng tinidor dyan! Ayus-ayusin mo pagsagot-sagot mo saken!" sigaw ni mama kaya napatayo nanaman ako. Ano ba yan sermon nanaman! Mabilis kong inubos ang pagkain ko bago kinulit- kulit si papa para bigyan ako ng pera. Ayaw pa kase magpa kabit ng wifi. Pareho lang naman. Hindi kami mahirap noh! In between lang. Hahaha! mamatay na nagtanong! Open telegram. Carlo M. : hi, kain kana po. + 1mess. Alex C. : Busy ka? Chat tayo later. Wait kita. +4mess. Allen D. : Master!!!!!!! +4mess. Kent : misis ko!! +8mess. Messenger pop-up Sheena Rose : Hoooy! Ano? Tulog agad? Ganda ka? Hoy! Hika!! May sasabihin ako!! Kiel : sabi mo wala kang boyfriend ;( And the rest na nagchat is history masyadong madami baka mainggit kayo. Char! Hahaha. Walang hiyang sheena to! Sinusubukan talaga yung pasensya ko netong babaeng to eh! Mtchy Rheig V. : Problema mo? Pati hika ko dinadamay mo?! Sheena Rose : gagyu! May naghahanap kase sayo! Wanted ka pala, tinuro ko bahay niyo kaya wag kana magtaka kung may mga pulis na dadating para huluhin ka! Mtchy Rheig V. : thanks for the info. Btw! f**k you from the bottom of my heart! Malunod ka sana sa laway mo! 1message request! Win Rago Arañas : Hal, kumain kana? Mtchy Rheig V. : Hal! Halck you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD