Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ng sobrang higpit ang kamay ko nakanguso pa siya sa akin. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak niya pero mas malakas pa rin siya sa akin.
"Hindi ako aalis dito gusto pa kita makasama sorry na please. Alam ko galit ka sa ginawa ko hindi ko alam anong pumasok sa utak ko. Puyat kasi ako at ang dami ko pang nainom. Diba sabi ko sayo pupuntahan kita dito? Hinintay kaya kita makauwi alam mo ba yun? Kagabi pa ako andito." namumungay pa ang mga mata niya habang sinasabi to. Saan kaya nagstay to? Hindi talaga ako umuwi.
"Sinabi ko bang hintayin mo ako? Ako ba ang may hawak ng susi ng bahay mo?" naiiritang sabi ko, I looked away kasi ayaw ko siyang tignan nawala kasi bigla ang inis at galit ko ang panget niya kasi tignan ngayon parang bata na pinagalitan ng Nanay niya ang itsura niya ngayon. Tapos ang lalim na din ng eyebags niya naawa naman ako bigla.
"To naman eh. Gusto kasi kita kausapin. Gusto ko magpaliwanag sa nangyari kagabi. Please sorry na." nagmamakaawang sabi niya. Inutusan ko siya na tumayo na mukha kasi siyang timang.
"Pwede ba matulog ka muna. Mukha ka ng zombie. Mamaya na tayo magusap. Tama mamaya ka na umuwi baka mapaano ka pa sa daan ako pa ang masisi." Nagalala naman ako bigla. Hays ang g**o ko din diba? Paano naman sabi niya ang dami niya nainom tapos hinintay niya pa daw ako since hindi ako umuwi.
"Salamat talaga, bati na tayo? Tabi ba tayo matutulog?" nakangising sabi niya, umaandar na naman ang pagkamanyak niya. Akala ko talaga kanina mamatay na ako. Sa sobrang kabang naramdaman ko ng halikan niya ako.
Nilamukot ko nga ang mukha niya.
"Ano ka sinusuwerte? Diyan ka sa sofa. Wait mo ako papahiramin kita ng damit pambahay amoy alak ka." napangiti ako ng lihim dahil nakita ko siyang inamoy-amoy ang sarili niya. Sa totoo lang kahit amoy alak naman siya mabango pa rin siya, amoy lalaki. Niloloko ko lang siya.
Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang favorite kong tshirt sobrang luwag nito sa akin kaya masarap itong pangtulog saka yung binigay sa akin ni Mateo na basketball short.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit kaya siya naging ganoon sa akin? Bigla na lang nagbago isip niya at pinagbantaan pa niya si Hampton. At ang hays!....
Ang first kiss namin. Hindi kaaya-aya!
I hate him for doing that to me. Napahawak ako sa labi ko. Damang dama ko pa rin ang labi niya. Pero hindi ko dapat siya bati. Grabe kung makapagsalita siya sa akin kanina. Foul kumbaga! Ang sakit kaya sa damdamin.
Bumaba na ako para iabot tong damit sa kanya para makapagpahinga na din siya.
"Oh eto na, may twalya na din diyan maghilamos ka muna. Amoy alak ka eh. May extrang toothbrush din diyan sa cr ikaw na bahala." Tumango lang siya at nagpunta na sa banyo.
Habang hinihintay ko si Brandon matapos, naisipan kong tawagan si Mama para makibalita. Pero narinig ko ang cellphone niya na nagriring, hindi niya pala nadala ang phone niya. Nag-alala naman ako saan kaya siya nagpunta? Baka kasi magulat siya paguwi niya at makita niya si Brandon na andito hindi ko man lang siya nasabihan. Ayaw ko lang magisip ng masama si Mama.
Paglabas ni Brandon sa banyo ay nakangiti siya na sumalubong sa akin sa sala. Parang hindi yung Brandon na mukhang galit kanina.
"Hi mine, mabango na ako pwede na ba ako tumabi sayo?" with his m******s smile na naman.
"Tsee! hinintay lang kita aakyat na din ako sa kwarto ko." Mataray na sabi ko sa kanya. Aakyat na sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan ang braso ko.
"Mine sorry talaga kanina ah.Tumaas lang kasi ang tama ng alak sa ulo ko hindi ko alam ginagawa ko. Sorry kung nasaktan kita. Tapos nakita pa kitang hinatid ng lalaki mo." Hinaplos haplos niya ang braso ko nakita niya siguro na medyo namumula ito.
"Ayos lang yun. Naiintindihan ko." Sincere na sabi ko. Pero naguguluhan pa din ako bakit naging ganon siya bigla? Kung tama ang pagkakarinig ko sabi niya bawal na daw ako makipag-date sa iba.
"Salamat mine mabait ka din pala kahit gising ka kala ko kasi pag tulog lang." pangaasar na sabi niya. Sabay tawa pa.
"Ah ganon ah may gana ka pang mangasar paalisin kaya kita ngayon din?' inis na sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Wag naman joke lang. Dito lang ako hindi ka pa bayad sa ginawa mo sa akin. Sakit mo kaya manampal. Naalog yata ang utak ko, ipagluluto mo pa ako diba?" parang bata na sabi niya.
"Ganon? Kapal kasi ng mukha mo noh. Hinalikan mo kaya ako kaya nagawa ko yun. Diyan ka na nga." mataray na sabi ko at tatalikod na sana ako at ayan na naman hahakbang na sana ako pero pinigilan na naman niya ako. At hinila ako.
Pero napalakas ang hila niya sa akin dahilan para ma-out of balance siya at mapahiga sa sofa. Kung minamalas ka nga naman kota na ako sa awkward moment ngayong araw.
I saw myself on top of him, hawak niya kasi ako kaya tuloy napasama ako sa pagbagsak niya.
Oh my gulay! Nagtama ang mga mata namin, sana pala hindi ko na lang siya tinignan kasi naman kung makatitig siya parang anytime matutunaw na ako. Mas lalo na ng hawakan niya ako sa mga pisngi ko na feeling ko ay namumula na ngayon.
"Ambigat mo pala" pang-aasar niya sabay ngisi sa akin. Bwiset talaga!
Nagipon na ako ng lakas para tumayo na sana, pero nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko.
Naipikit ko na lang ang mga mata ko sa sobrang hiya at ang naipon kong lakas ay parang nawala ng isang iglap.
He's kissing me!!!
But this time it's gentle unlike the first time he kissed me na sobrang marahas.
He move his mouth along my lips lalo ko pang diniinan ang pagkakapikit ng mga mata ko. Hindi ako gumagalaw hindi ko alam ang ire-react ko. Kung pipigilan ko ba siya? Hindi ko mabuksan ang mga mata ko, natatakot akong makita ang reaksyon niya.
Nagpatuloy siya sa paghalik sa akin. Nauubusan na ako ng lakas. Para bang the only way to get back my senses and energy is to respond to his kisses. Nakakahiya man pero ganon na din ang ginawa ko. I kiss him back. I'm not sure how it happened but i just did, one second i'm walking away feeling absolutely annoyed with him then ngayon eto ako ngayon kissing him. His lips move slowly, at first a few thoughts had been running through my mind.
What is happening?
What are we doing?
He stops kissing me for a fraction of a second at para namang dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan ko. Naramdaman kong umayos siya ng upo then he grabbed me on my waist with his both hands and lead my body to sit on his lap. I didn't know where to place my hands parang ang hirap kasing magbalance, especially na nakapikit ako I dunno how we look like right now, so I put my one hand on his shoulder.
Argh! Super awkward!....
Bakit ganon? Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. I open my mouth when I feel his tongue on my lips. Anong nangyayari sa akin!? Why I'm letting him to kiss me and the worst is I'm really kissing him back.
Nanginginig na ang mga tuhod ko. Pwede ba mag collapse na?
Gusto ko himatayin bigla when I felt something poking me. Don't tell me it's his sensitive part? OMG!
Then he stopped. Buti na lang but I don't have the courage to open my eyes nakakahiya!
Nagkalakas na lang ako ng loob na buksan ang mga mata ko when he whispered my name.
"Velvet" I opened my eyes and see his sweetest smile, that sincere smile I've never seen before. Na kinainis ko talaga.
I tried my best to calm myself down. But my stomach!! Grabe na to..
It is currently filled with a thousand butterflies that are fluttering their wings crazily, it's taking me a lot of effort to simply breathe and my heart? Bakit ganon?!
It's beating faster than the speed of light.