Chapter 24

2684 Words
After the super duper uber awkward na pangyayari agad akong tumayo nakakatuyo ng dugo ang pwesto namin kanina. Nahihiya ako sa kanya, baka ano isipin niya sa akin. Ambilis ko naman bumigay sa kanya. Kainis ka Velvet why you're so easy to get today! Aakyat na talaga ako sa kwarto ko hindi ko na matake ang pinaggagawa ko. At ang ginawa sa akin ni Brandon. Waah! Nakatingin lang siya sa akin he's still have that nakakainis na smile on his face. "Sige B-Brandon aakyat na ako.. Matulog k-ka na diyan okay?" grabe nauutal ako ng bongga. Ang dila ko anong nangyari? Inunahan ko na siya magsalita hindi ko na kaya magstay pa with him right now. Hiyang hiya talaga ako. "Velvet thanks ah, I can't say sorry this time dahil ginawa ko yun. This time kasi I can feel that you like it too. Sige sleep ka na baka hindi na ako makapagpigil pa." sabay impit na tumawa siya pero pinigilan niya ng makita niyang busangot na ang mukha ko. Bwsiet talaga tong lalaki na to pangasar talaga kahit kailan. Grrrr! Hindi na lang ako sumagot pa inirapan ko na lang siya at patakbong umakyat sa kwarto ko. Sinalampak ko kaagad ang pagod na katawang lupa ko sa kama ko. Alam mo yung feeling na lumulutang ka? Ganon ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung anong pagmumukha ko pa ang ipapakita ko kay Brandon after what happened. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip. Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Inalarm ko talaga to para makapagluto ako ng makakain namin para bago man lang umalis tong pasakit sa buhay ko na lalaki na to eh nakakain man lang siya. Pagbaba ko nakita ko na tulog pa rin siya. Buti naman at walang makulit habang nagluluto ako. Buti na lang din at may mga pwedeng lutuin sa ref. I decided to cook something na may sabaw para mawala naman ang tama niya. Mukhang madami kasi talaga siya nainom kagabi. After an hour natapos na din ang niluluto ko. Pumunta akong sala tinignan si Brandon kung gising na siya pero tulog pa din at mukhang himbing na himbing pa. Naupo ako sa upuan sa gilid at nagisip paano ko siya gigisingin. Napangiti na lang ako dahil ang cute pala niya pag tulog. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya, napatutop ako sa mga labi ko ng nadako ang mga mata ko sa labi niya. Hays! Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kanina. Nagulat na lang ako ng biglang nagmulat ang mga mata niya. And he smiled at me habang naguunat unat siya. "Hello Mine are you done checking on me? Matunaw naman ako niyan. Halika nga dito sa tabi ko" umupo siya at sabay kinuha niya ang kamay ko at walang alinlangan na hinila ako sa tabi niya at inakbayan pa niya ako. Napatingin na lang ako sa kamay niya na nasa balikat ko, ano ba tong lalaki na to' kumakabog na naman ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "H-Halika na kain na tayo p-pinagluto na kita." yaya ko sa kanya at dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakaakbay sa akin pero binalik niya din ito. "Maya na, payakap muna ako. Ang sarap ng tulog ko ang ganda pa ng gising ko. Pero mas masaya siguro kung katabi kita." Yung kaninang akbay niya ay naging yakap na. Hindi ko napigilan at kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Kapal mo ah nakakailan ka na sa akin ah. Baka nakakalimutan mo ang terms and condition natin." bulong ko sa kanya habang yakap niya ako, bigla naman lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at tuluyan na siyang lumayo sa akin. "Oo nga pala nakalimutan ko" malungkot na sabi niya. "Halika na kain na tayo gutom na ako. Huling kain ko pa nong gabi sa party." nauna na akong tumayo sumunod naman siya sa kusina at nagprepare na ako ng kakainin namin. "Ayan pinagluto na kita ah nagrequest ka kasi kanina eh. Nakakahiya naman sayo bago ka umuwi para may laman naman ang tiyan mo." sabi ko at sinalinan ko siya ng sabaw sa mangkok niya. "Ang sarap mo talaga magluto. Baka mainlove ako sayo nito pag lagi ko natitikman ang luto mo." anito sabay kindat sa akin habang patuloy sa paghigop ng sabaw ng nilagang baboy na niluto ko. "Tsee! Kumain ka na nga lang diyan okay. Wag mo na ako bolahin. Nakakairita you know?" mataray na sabi ko at sabay pinandilatan ko siya ng mata ng makita ko siyang nakangisi sa akin. Ang dami niyang nakain mukhang gutom nga siya at talagang nagustuhan niya ang luto ko after namin kumain ay tinulungan niya ako magligpit ng matapos naman kami sa kusina ay bumalik kami ulit sa sala. "Mine, gusto mo ba magpunta sa mall?" tanong niya, naupo na siya sa sofa at ako naman binuksan ko ang tv. "Ayaw ko lumabas gusto ko lang magpahinga." Naupo ako sa dulo ng sofa ayaw ko siya katabi. "Sige dito muna ako ah. Samahan muna kita habang wala pa si Mama." tumango na lang ako, nagulat ako ng humiga siya at inunan niya ang ulo niya sa binti ko. Para naman akong nanigas for one moment ng maramdaman ko ang ulo niya sa balat ko. "Nga pala magiging busy ako this week but after that sa Friday I'll fetch you here okay" "Bakit saan tayo pupunta?" curious na tanong ko. "Basta, I will tell you sa Friday I almost forgot when mo balak magresign? Samahan kita mamaya para matapos na.?" napaisip ako bigla ano kaya sasabihin ko sa office. Hays! Lagi kong nakakalimutan pagisipan ang pagreresign ko. "Parang hindi pa ako ready." mahinang sambit ko. "You need to resign now or else ako ang kakausap sa boss mo" pasigaw na sabi niya. "Dapat nakasigaw? Kainis ah umalis ka na nga diyan sa pagkakahiga mo sa binti ko. Alis!" kainis sigawan ba ako. Pabalibag ko na tinaggal ang ulo niya at lumipat ako sa kabilang upuan. "Sorry Mine naiinis lang kasi ako usapan na natin diba magreresign ka then ngayon parang ayaw mo pa. I need that guy out of your life okay. I don't want him near you." matigas na sabi niya na may pagdidiin sa huling sinabi niya. Gumaganun na siya ngayon ah. Nahiya naman ako sa sinabi niya at hindi ko na siya tinignan. Hindi ako kumibo at itinuon lang ang tingin sa tv. "Mine dito ka na ulit sa tabi ko. Sige na hihiga ako." Hinila niya ang kamay ko I tried na hindi niya ako mahila but still he's much stronger than me. Ang hilig talaga niya manakit eh. Kala niya ang sarap sa pakiramdam ng naghihilaan kami. Favorite yata nitong mag tug of war imbes na lubid ang pagagawan namin braso ko pa talaga. "Bwiset ka talaga pwede ka naman mahiga diyan ng wala ako ah may mga unan naman oh."Iritadong sabi ko sabay hagis sa mukha niya ng throw pillow. "Sa mas gusto ko ikaw unan ko. Ayaw mo non ang sweet natin" sabay kindat sa akin. Wala na akong nagawa ng inihiga na naman niya ang ulo niya sa binti ko. "Pacute ka talaga eh noh. Ang pangit mo naman mukha kang eng-eng" inismidan ko siya, tinaas ko ang paa ko sa center table. Ganon lang ang pwesto namin habang nanonood hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako. Nagising ako dahil sumakit na ang paa ko. Ang sarap talaga ng buhay ng lalaking to eh. Habang siya ang sarap ng higa ako naman halos pulikatin na sa bigat ng ulo niya. "Hoy gumising ka nga diyan ang sakit na ng paa ko ang bigat ng ulo mo sobra." sabi ko habang inaalog-alog siya. Tumayo naman siya kaagad at nagulat ako ng hawakan niya ang legs ko at minasahe ito. Napasinghap ako at napaurong ng todo kulang na lang lumusot ako sa pader sa sobrang diin ng pagkakasandal ko. "Saan banda ang masakit? Sorry mine nakatulog pala ako. Eto ba masakit?" pinagpalit palit niya ang masahe niya sa dalawang binti ko. Natuwa na lang ako ng lihim. Thoughtful din pala siya paminsan minsan. "Ok na tama na nakikiliti na ako" suway ko sa kanya ng nawala na ang sakit pinalitan na kasi ng kiliti ang nararamdaman ko, imbes na tigilan niya lalo pa niya akong kiniliti. "A-aano ba hahaha, T-aama na. Hoyyyy" tawa ako ng tawa dahil malakas talaga ang kiliti ko sa paa. Tarantado talaga to talagang nananadya. "Grabe ang lakas pala ng kiliti mo ah now I know." Then he smirk at me. Loko loko talaga tong lalaki na to. Itinayo niya ako imbes na tulungan umupo dahil halos mapahiga na ako sa ginawa niyang pangkikiliti. At niyakap na naman niya ako. "Thanks for making me happy. You don't know that even with simplest things you do I can feel overflowing happiness hindi mo lang alam". Bulong niya. Hinigpitan niya lalo ang yakap niya sa akin. Hindi ko alam if need ko ba sumagot sa sinabi niya or damahin na lang ang mga yakap niya. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko ang pagtibok ng puso niya. "Velvet" mahinang sabi niya naglayo kami ng kaunti then he held my chin para magtagpo ang mga mata namin. "Hmm" yun lang ang sinagot ko. Natutunaw na naman kasi ako, nakatitig siya sa akin ngayon na bakit ba kasi ganito siya makatingin sa akin nakakaubos ng hangin sa katawan. I looked away ang hirap kasi I can't breathe. "You're just mine okay? I decided that I don't want to share you with anyone else while we're on our deal. Gusto ko ako lang ang nakakaramdaman ng saya na to pagkasama kita." ngumiti siya sa akin, at napakabilis ng pangyayari dahil hindi ko namalayan na nanakawan na pala niya ako ng halik pero smack lang. "Sana hindi na matapos tong araw na to na kasama kita." he said softly, anong nagyayari sa kanya bakit ang sweet niya sa akin ngayon? Parang kahapon lang ang ex gf niya ang pinagkakaabalahan niya. "Hoy tumigil ka na nga ang bolero mo talaga. Siguro ganito din sinabi mo sa ex mo kagabi noh?" nagulat ako sa sinabi ko hindi ko inexpect na masasabi ko siya out loud nasa isip ko lang to kanina. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Nagseselos ka ba sa kanya?" pacute na tanong niya. Ako nagseselos? Never! "Hello okay ka lang? Why would I care about it. It's none of my business. You can date whoever you like remember? And I don't care." umalis na ako sa pagkakayakap niya at naupo. I heard him cleared his throat at umupo rin siya sa harap ko then hinawakan niya ang mga kamay ko. "She wants me back, kaya sinamahan ko siya kagabi kasi i know na pwede ka niyang guluhin sa party kaya hindi kita masyadong maasikaso." "Why not kung mahal mo pa naman siya diba. Hindi naman ako hadlang sa inyo. Deal lang naman to eh." "I don't love her, may mahal talaga akong iba pero ayaw niya sa akin. Kaibigan lang ang turing niya sa akin." para siyang bata na nagsusumbong sa akin. "Si Cham ba to?" he nodded as an aswer. "Bakit hindi mo siya ligawan." "I tried pero lagi akong ako basted. Well papakasalan na kita yun ang dapat kong gawin sa ngayon. Kailangan natin gawin yun, hindi ko alam paano siya kalimutan but i will try." "Andito lang ako susuportahan kita Brandon if you still love her go ahead saglit lang naman tong deal natin. Malay mo later marealize na niya na baka pwede na kayo." sana lang sumangayon siya para kahit papaano saglit lang kami magkasama hindi ko pa rin naman kakalimutan ang utang ko sa kanya. "Don't worry about me and my promise, I will still pay you okay" "Ayun talaga ang dahilan bakit kita hinintay I want to explain to you what happened yesterday iba si Amanda mahilig siya gumawa ng eksena ayaw ko na awayin ka niya don and besides i dance with her kasi andon din sila Cham sa dance floor i wanna check her out with her boss. Kaya sorry if na-out of place ka kagabi feeling mo pinabayaan kita." Mahabang explanasyon niya. Ano ba dapat kong maramdaman. Wala naman diba? Pero bakit pagdating sa akin iba ang pinapadama niya. Ayaw ko mag assume dahil alam kong ginagamit niya lang ako. Yun ang pagkakaintindi ko, Kaninang umaga kung umasta siya parang may masama akong ginawa dahil kasama ko si Hampton. Pero eto ngayon siya sasabihin niya na mahal pa niya ang friend niya. Pagkatapos namin maghalikan ganun lang yun. At least nalaman ko ng maaga. Wag assumera Velvet. "It's ok Brandon i know how it feels nagmahal na din ako. Naramdaman ko din yan kagabi, hindi ka nagiisa. Ang pinagkaiba lang natin walang nagmamayari sayo kaya may pagasa pa kayo." Natigilan ako sa realidad na sinabi ko. "Pero ako hindi na talaga kami pwede may nagmamayari na kasi sa kanya at hindi na din niya ako gusto." malungkot na dugtong ko sumilay ang isang mapait na ngiti sa mga labi ko. "Eto ba yung humila sayo kagabi? Siya ba yung ex mo?" I nodded. "Pero yung sumapak sa akin mahal mo ba siya?" nagulat ako sa tanong niya. "Hindi ko alam. He's always there for me, he always made me feel I'm special and I'm worth loving but I think I cannot return him the same feelings." I said sadly. Naalala ko tuloy si Ton paano ko i-explain sa kanya once natuloy na ang kasal namin paniguradong masasaktan siya. Kung hindi lang naman kumplikado ang sitwasyon ko malamang kaya ko siyang bigyan ng pagkakataon. "Ah okay" maikling sagot niya. "Sana sa mga nalaman mo hindi ka mag quit sa deal natin." pahabol niya. "No need to worry tuloy tayo." "Thanks." After ng paguusap namin ay binalutan na ng katahimikan ang sala namin. Nanood na lang ulit kami umakyat ako dahil narinig kong nagriring cellphone ko na naiwan ko sa kwarto. Hindi ko na naabutan ang tumatawag. Ang dami ko na palang text galing kay Hampton at unknown number. Binasa ko muna ang sa unknown number. "Anak baka hindi ako makauwi andito kasi ako sa Tita mo sa Marikina nakikibalita ako sa Lolo mo may sakit daw kasi naghahanap pa ako ng pera gusto ko umuwi ng probinsya at bantayan ang Tatay. Nakalimutan ko pala ang cellphone ko. Pag nakahanap ako ng mahiraman ng pera uuwi din ako kaagad." Hala! Ano kaya nangyari sa Lolo ko. Tinawagan ko si Mama at sinabing umuwi na at ako na bahala sa pera. Hindi ko pa na encash ang checke pero mukhang need ko na siya ngayon after that bumaba na ako sa sala. "Anong nangyari bakit mukang lukot na papel ang mukha mo?" tanong ni Brandon. Halata pala sa mukha ko, nag-aalala kasi ako sa Lolo. "Kausap ko kasi ang Mama, may sakit daw ang Lolo ko mukhang kailangan niya umuwi ng probinsya namin" pumunta muna akong kusina para kumuha ng malamig na tubig nauhaw ako sa mga nalaman ko. Mahal na mahal ko pa naman ang Lolo ko na yun. Sumunod pala si Brandon sa akin at niyakap ako mula sa likod ko. "I'm sorry to hear that. Gusto mo ba sumama sa Mama mo paguwi ng province?" tanong niya. "Oo sana. Gagamitin ko na nga yung ibang pera na pinahiram mo sa akin. Pampagamot niya." mahinang sabi ko. Nilagay niya ang baba niya sa balikat ko. "It's ok you can use it on whatever things you need. Gusto mo ba samahan kita dun sa province niyo? Saan ba yun?" "Hindi ok lang busy ka sa work mo kami na lang ni Mama saka medyo malayo yun, sa Bicol." Tanggi ko, isa pa ayaw ko na makilala pa siya ng kamag-anak ko. Baka hanapin lang siya pag wala na kami pag natapos na ang deal namin. Ayaw ko lang lumalim pa ang koneksyon namin sa isa't isa. Okay na yung Mama ko lang ang nakakaalam about him. About our drama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD