Chapter 25

3268 Words
Gabi na nakauwi si Mama pagdating niya umuwi na rin si Brandon. Kailangan ko na magresign ngayon dahil kailangan ko din samahan si Mama pauwi sa Bicol at baka hindi na rin ako payagan if magleave ulit ako. Tama magreresign na lang talaga ako. Nagpaalam ako kay Mama na may aayusin lang ako at babalik din kaagad. Palabas ng ako ng house ng magring ang cellphone ko. Si Nadine. "Hello bes musta na?" bungad na bati ko sa kanya. "Hoy babaita dumaan ka daw dito nong nakaraan? Anong meron?" nakita nga pala ako ng landlady niya noong nakaraan na pumunta ako sa kanila yung balak ko sana mag sleepover pero walang tao instead kina Hampton na lang ako natulog. "Ah oo kasi galing ako party non gusto ko lang sana makisleepover. Miss na kasi kita bes." "Akala ko pa naman anong nangyari na kung ano. Asan ka ngayon? Wala ka bang gig? Miss na din kitang bruha ka." Shocks nakalimutan ko Sunday nga pala ngayon nakalimutan ko na may gig pala ako. "Naku bes ang galing mo talaga buti pinaalala mo papunta ako ng office ngayon dito pa ako house and wala ako gig magleave muna ako may importante lang akong aayusin." tama kakausapin ko muna si Caleb na magli-leave muna ako. "Okay sige bes wala akong pasok ngayon ingat ka pagpasok ah." After that binaba na niya. Sana wala si Hampton sa office sakto alam ko off niya. Kanina pa kasi siya text ng text at hindi ko pa siya sinasagot. Itatago ko na sana ang cellphone ko sa bag ko ng magring ulit ito. Si Brandon.. "Hi mine sino kausap mo kanina bakit busy ang line kanina pa ako tumatawag? Andito na pala ako sa house" "Si Nadine lang, good nakauwi ka ng maayos. Pahinga ka na ah." "Ah akala ko yung lalake mo kausap mo eh. Ikaw ba matutulog ka na ba?" talagang dapat si Hampton ang kausap ko pag busy ang phone ko. Tamang hinala din tong isang to eh. Napangiti tuloy ako ng lihim, paano kanina napakatsismoso nakikibasa ng messages ko sa cellphone nabasa niya tuloy ang text ni Hampton. Kung umasta akala mo nagseselos na boyfriend sinamangutan ba naman ako tapos saka hinablot ang cellphone ko at binura ang message ni Hampton. "Hindi aalis ako ngayon may aayusin lang ako." Pagkasabi ko agad kong narinig ang malakas na buntong hininga niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka? Talagang pinauwi mo muna ako bago ka umalis." nagtatampong sabi niya. "Eh ano naman ba kung aalis ako dapat ba alam mo lahat?" naiiritang sabi ko. Kasama ba yun sa deal namin? Sa pagkakaalam ko hindi. "Syempre dapat alam ko remember your mine as of today. Saan ka ba pupunta? Sasama ako." Talagang may pagdidiin sa MINE na yan. Ilang beses na niya yan sinabi sa akin sa buong araw na magkasama kami. Hindi ko na lang pinapansin. "Wag mo na ako samahan sasabihin ko na lang saan ako pupunta." Tanggi ko. Kanina ko pa talaga siya kasama mula umaga pati ba naman ngayon gusto niya kasama ko pa rin siya. "AYOKO! SASAMA AKO! HINTAYIN MO AKO PAPUNTA NA AKO" pasigaw na sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil binabaan na niya ako. May choice pa ba ako? Fine hintayin ko na lang siya. Nakakainis dapat pala hindi ko na lang binanggit sa kanya na aalis ako. Nagusap muna kami ni Mama tungkol sa balak namin na paguwi sa probinsya. Masyado siyang nagaalala kay Lolo buti nalang talaga may pagkukuhaan ako ng panggastos para dito. Naramdaman ko na andito na si Brandon umaalingasaw ang pabango niya kahit nasa labas pa lang siya, napatingin ako sa relos ko wala pang 30mins andito na siya kaagad. At hindi ako nagkamali, nakita ko na lang siya na nagbubukas na ng gate at dirediretsong pumasok dito. Talagang hindi na siya kumatok ah. Feel at home talaga na ang peg. Tinapunan niya ako ng isang makahulugang tingin, sabay lapit kay Mama. "Good Evening Mama" anito sabay mano kay Mama."Sorry po andito ulit ako, yung isa po kasi diyan aalis pala hindi nagsasabi gabi na delikado na sa daan tapos gusto niya siya lang magisa ang aalis." Pagsusumbong niya kay Mama, napanguso na lang ako sa inis at tuwa na naghalo na. Talagang graveyard shift ako sa work ko, mapa-callcenter or sa bar parehong gabi ang pasok ko kaya sanay ako umaalis ng gabi. Ano siya nag-aalala sa akin? "Okay lang iho sige ingat kayo ah" nagpaalam na kami kay Mama inalalayan naman ako ni Brandon makapasok sa kotse niya pero padabog niyang sinara ang pinto kaya nagulat ako. "Saan tayo pupunta?" walang ganang tanong niya pag kaupo niya pa lang. "Sa work ko. Magreresign na ako" mahinang sagot ko. Napatingin siya sa akin at biglang nagliwanag naman ang mukha niya at ang laki pa ng ngiti niya. "Buti naman magandang balita yan. Akala ko kasi makikipagkita ka sa lalake mo hindi mo lang alam halos liparin ko ang expressway para lang makarating kaagad dito." Tumingin siya sa akin sabay kindat. Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Kanina pa kasi siya paulit ulit about kay Hampton. Para na siyang sirang plaka. Itinuro ko kung saan ang office namin buti alam niya at hindi na ako nahirapan pa sa direction. Since Sunday walang trapik at 15mins lang nasa Alabang na kami. Andito na kami sa office sabi ko kay Brandon wait na niya lang ako sa parking lot pero ayaw niya kaya wala ako choice sinama ko siya, dito siya sa lobby maghihintay. "Bilisan mo ah baka makipagusap ka pa sa lalaki mo." pabulong na sabi niya. "Maghintay ka diyan, ginusto mo na samahan ako dito." Singhal ko sa kanya. Iniwan ko na siya at pumasok sa production hinanap ko ang boss ko pero sabi ng isang staff ay may meeting daw ang mga manager. Pumunta muna ako sa station ko para makita ko rin ang mga kateam na ako na andon na. "Velvet wala ka pasok today diba? Bakit andito ka." tanong ng isa sa mga ka-team ko. "Magreresign na kasi ako." Malungkot na sagot ko na ikinagulat naman ng lahat buti na lang at avail kaya nakakausap ko sila. Kaya sabay sabay silang nagtanong bakit ako magreresign? "Need ko kasi umuwi ng province with my Mom may emergency lang, baka matagalan kasi." paliwanag ko sa kanila. Nalungkot naman sila sa binalita ko. Natahimik na sila isa-isa dahil may mga pumasok na calls na. Ako naman gumawa na lang ako ng resignation letter. Ayaw ko mang umalis pero kailangan talaga. Pagkatapos ko gumawa ng letter nagbasa muna ako ng mga emails ko. Wala pa rin si boss naisipan kong lumabas muna kawawa naman yung isa dun. Matagal na din akong andito. Paglabas ko ng lobby naabutan ko siyang may kausap sa phone niya. Nagulat siya ng makita ako at bigla na lang niyang binulsa ang cellphone niya. "Ano tapos ka na ba?" tanong niya. "Hindi pa nga eh wala pa kasi yung boss ko nasa meeting pa." sagot ko sa kanya at umupo ako sa tabi niya. "Ang tagal naman what time pa ba yun matatapos?" humihikab na sabi niya. "Sige magreklamo ka. Ginusto mo to diba? Sinamahan mo ako kaya wag ka reklamador. Dadaan yun dito kaya dito ko na lang din siya aabangan." I rolled my eyes, kanina pa kasi paulit-ulit na bilisan ko. Siya nagpresinta na sumama tapos magrereklamo. Tumango na lang siya at nanahimik. Medyo inaantok na ako kahit si Brandon mukhang inaantok na din. "Wala ba coffee shop dito? Kape muna tayo." yaya niya habang humihikab na naman. Sumangayon naman ako dahil any moment makakatulog na ako antok na rin ako. Bumaba kami at bumili ng kape I suggested na don na lang namen inumin sa taas nagtakeout din siya sandwich. Pagupo namen ulit sa lobby ay saktong naglabasan ang mga manager mula sa boardroom. Nakita ko na din ang boss ko at nakita niya din ako. Tinanong niya kung bakit ako andito. Hindi ko na pinakilala si Brandon sinenyasan ko na lang siya na papasok na kami sa loob. "What? Why now? I can't accept your resignation. You're actually a candidate for a promotion, sasabihin ko na sana ito sayo when you come back." Nagulat ako sa nalaman ko. Naguluhan tuloy ako bigla matagal ko ng pangarap ang ma-promote. Eto na yun eh. "Boss sorry talaga I really need to do this." Nakapagpasya na ako and it's final na. No hesitation na talaga. "Hindi ko ba alam sayo anong nangyayari sayo. Pero kung yan talaga ang desisyon mo susuportahan na lang kita. But don't forget about us especially me I'm just a text away. If you need someone to listen I'm just here okay?" tumayo ako at niyakap ko siya at nagpasalamat parang Ate ko na tong Boss ko maasahan siya pag may problema ka andiyan lang siya para makinig. I can't help but to burst into tears, ilang taon din ako sa work ko na to para ko na rin pamilya ang mga ka-team ko. "Thanks talaga boss." Naghiwalay na kami sa pagkakayakap namin pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Nalulungkot ako pero I really need to choose and that is to let go of my job. "Sige pipirmahan ko na tong resignation letter mo. Nga pala sino yung kasama mo sa labas? Bagong papa ba ito? Ang gwapo ah." Sabi na eh hindi makakaligtas sa paningin niya si Brandon. Kala ko hindi na niya itatanong bigla naman akong nahiya at natawa ng mahina. "Wala yun boss friend ko lang. Sinamahan lang niya ako dito" buti na lang hindi nakwento ni Nadine ang about kay Brandon. "Liar." sabay tawa niya."Ako pa talaga niloko mo Vet." at lalong lumakas ang tawa niya. I pouted my lips hindi ko alam if aamin na ba ako. "Para kang showbiz eh. Ayun ba yung bago mong boyfriend? Nachismis na sa akin ni Nadine about don so totoo pala hot ang new bf mo." Napakamot na lang ako sa noo ko, wala na akong ligtas. "Boss naman eh." Nahihiyang sabi ko. Shocks pano yun kakalat na sa office na kasama ko ang BF kuno ko. "Sige na papirmahan mo na yan sa iba pang department ng maclear ka na baka may lakad pa kayo ng boyfriend mo." mukhang kinikilig pa ang boss ko. Inayos ko na ang dapat i-clear. Tumagal din ako ng halos 1hr sa loob. Bumalik na ako sa lobby after that naabutan ko na naglalaro si Brandon sa phone niya bored na siguro siya. "Hi, sorry natagalan ako pero tapos na ako." tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. "Ayos lang ok na ba lahat?" tumango lang ako palabas na kami sana ng may biglang tumawag. Si Hampton, nakatingin siya sa amin. Naalala ko magkahawak nga pala ang kamay namen ni Brandon. Ang sama ng tingin niya kay Brandon. Hindi ko alam ano irereact ko para akong tuod na hindi makagalaw. I tried to remove my hand pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Brandon. "Lets go" yaya ni Brandon na halata naman na galit ang boses niya. Hinila na niya ako palabas at pinindot down button ng elevator. "Velvet teka lang." habol na sigaw ni Hampton lumapit siya sa amin at nagtatakang nakatingin sa akin, sa amin. Parang alam ko na ang nasa isip niya gusto niya tanungin bakit kasama ko si Brandon ang lalaking sinapak niya last time. "Get out of our way we're leaving" pasigaw na sabi ni Brandon sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Ang higpit ng pagkakahawak sa akin ni Brandon. Pumasok na kami ng elevator tinignan ko na lang si Hampton with my im-sorry-look. Nagsara na ang elevator at tinignan ko si Brandon na nagngingitngit ang mga panga niya. "B-Brandon okay ka lang b-ba? Ang sakit na kasi ng kamay ko ang higpit na naman ng hawak mo eh." reklamo ko sa kanya lumuwag naman ng slight ang pagkakahawak niya sa akin. "Sorry hindi ko lang mapigilan nababadtrip ako pag nakikita ko ang lalaki mo." Galit na sabi niya. Saan ba nanggagaling ang galit niya? Kaasar lang. Ang g**o g**o niya hindi ko siya magets. Pagbaba namen ng ground floor hindi ko inaasahan na susunod sa amin si Hampton. Nagulat ako ng may humila sa akin paglabas namen ng building. "Vet bakit kasama mo yan? Pre sensya na hindi sasama sayo si Velvet." gulat akong napatingin kay Hampton. "Bitawan mo siya ayaw ko ng g**o. Wala kang karapatan hawakan siya" hinila din ako ni Brandon at inilagay sa likod niya. "Wag ka na ulit lalapit sa girlfriend ko" pasigaw na sabi ni Brandon at may pagdidiin sa huling salita na sinabi niya. Bakas ang gulat sa mukha ni Hampton. Hinila na ako ni Brandon papunta sa kotse niya. Lumingon ako kay Hampton with my Im-so-sorry-look na naman. Tulala siyang nakatitig lang sa amin Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Masasaktan ko lang siya umalis na kami at sinulyapan ko ulit si Hampton bago kami tuluyang makalayo. Nakatingin lang siya sa kawalan. Gusto ko bumaba at magexplain sa kanya. "Mine sa bar na ba tayo dederesto?" tanong niya sa akin pero sa daan lang siya nakatingin. "Oo thanks." mahinang sabi ko. Wala kaming imikan sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa bar. Pinaupo ko muna siya at pumunta ako kaagad sa office ni Caleb buti na lang andito siya. "Hi Leb musta na?" bungad ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Eto miss na kita hindi ka nagpapakita lately. How are you?" "Eto madaming problema kaya pala ako pumunta dito kasi hihingi sana ako favor sayo if ok lang?" nahihiyang sabi ko. Naupo ako sa tapat niya. "Sure basta ba kaya ko I will do everything for you" lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na kinailang ko. "Ano ba yun?" "Hingi lang sana ako ng leave sa work. I need to attend some important family matters and sana you can still accept me when I come back." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo kunyaring may kinuha ako sa bag ko. Walang reaksyon si Caleb sa sinabi ko. Nalungkot naman ako bigla parang hindi siya payag. "Pwede ko ba malaman gaano katagal? Lagi ka kasi hinahanap ng mga customers lalo na kahapon ang dami pa naman na customer halos lahat ikaw ang hinahanap." May panghihinayang sa tono niya. "Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero sana pwede mo pa ako tangapin once na bumalik na ako." nakatingin siya sa akin na tipong nagiisip. Siya na lang pagasa ko I already gave up my other job. Sana pumayag siya. Imbes na sumagot siya ay niyakap niya ako nanlaki ang mga mata ko dahil ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "Syempre naman tatangapin pa din kita K. Alam ko madami ka pinagdadaanan ngayon sana pagbalik mo ay maayos na ang lahat . Aasahan ko ang pagbabalik mo." Nakahinga ako ng maluwag pero dahil sa yakap niya sa akin parang nahirapan naman ako huminga he pulled away from that hug at hinalikan ako sa pisngi. "Salamat sa pangunawa. Sige alis na ako ah text na lang ako sayo pag pabalik na ako." Agad akong nagpaalam sa kanya baka nababagot na naman si Brandon. Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako ng saktong bubuksan rin pala ito ni Brandon. "Oh bakit ka andito?" gulat na tanong ko sa kanya. "Ang tagal mo kasi. Magpaalam ka lang ang tagal pa baka ano gawin sayo ng boss mong yan" sinigawan na naman niya ako. Ganito ba talaga siya tamang hinala palagi. Buti na lang hindi niya nakita na niyakap ako ni Caleb baka mas lalong lumala ang problema ko at pati dito magresign ako. "Ano bang problema mo lahat na lang pinapansin mo ang init init ng ulo mo. Kanina ka pa nakasigaw." naiinis na sabi ko akma na akong maglalakad pero hinablot niya ang kamay ko lumabas na kami ng bar. Lahat ng staff ay nakatingin sa amin kanina. Nagtataka siguro sila bakit ako hawak ni Brandon lalo na si Jane na akala mo ay nalaglag ang panga. "Wag mo na ako ihatid kaya ko ng umuwi magisa." sabi ko pagkakuha ko ng bag ko sa kotse niya naglakad na ako papuntang sakayan ng taxi. "Velvet" sigaw niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Titigil ka or bubuhatin kita pabalik sa kotse?" kainis talaga! Ang lakas pa ng boses niya. Hindi ako tumigil sa paglalakad ko kanina pa kasi ako naiinis sa kanya lagi niya ako sinisigawan. Dahil hindi ko siya sinunod nagulat na lang ako ng totohanin niya ang pagbuhat sa akin. Para tuloy akong isang sako ng bigas na binuhat niya at nilagay sa balikat niya. "Hoy bitawan mo nga ako. Nakakahiya sa mga nakakakita sa atin. Ibaba mo na ako." singhal ko sa kanya habang sinusuntok siya sa likod niya. "Wag ka na magreklamo diyan ang bigat mo na nga reklamador ka pa." natatawang sabi niya. Parang kanina lang badtrip siya ngayon patawa tawa na lang. Bipolar din tong bwiset na to eh. Ibinababa na niya ako ng nasa tapat na kami ng kotse niya. Pinagbuksan niya na ako ng pinto wala na ako choice sumakay na lang ako. Hindi ko siya kinausap tahimik lang ako sa byahe namin. Nakatulala lang ako sa daan pero naalimpungatan na lang ako ng parang hindi daan pauwi sa bahay ang tinatahak namin. "Bakit iba ang daan natin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Sa bahay muna tayo. Maguusap tayo." natakot ako bigla sa sinabi niya at kinabahan. Iba na naman kasi ang mood niya, seryoso naman siya ngayon. Nakakaloka na! "Bakit sa house niyo pa pwede naman sa bahay namen tayo magusap iuwi mo na ako." galit na sabi ko hindi ako papatalo sa kanya noh. Kung marunong siyang mabadtrip syempre ako din. "Basta ihahatid din kita kaagad." He said without looking at me ano bang balak niya? Nakiramdam na lang ako at hindi na nagsalita. Pagdating namin sa bahay mukhang siya lang magisa wala si Nanay Tere. Lalo akong kinabahan. Ang daming pumapasok tuloy sa isip ko. Baka reypin niya ako... Baka bugbugin... Tapos chopchop lady ang peg ko. Eto ba ang kabayaran ng P700kiyaw? Omg!!! Ayaw ko pa mamatay.... Tumakas na kaya ako? "Magbibihis lang ako diyan ka lang okay." Paalam niya, umakyat na siya sa kwarto niya. Pagbaba niya nakasando na lang siya at short bumungad ang mga tattoo niya sa braso, natulala ako ng slight. Inalis ko din kaagad ang tingin ko sa kanya baka makita niya at dumami na naman ang confidence niya sa katawan. Dumeretso siya sa kusina at pagbalik may dala na siyang juice at donut. "Ano ba paguusapan natin?" tinanong ko kaagad siya pagkaupo pa lang niya. Anong petsa na kasi madami pa ako gagawin bukas. "Hindi ka man lang ba kakain muna? Hindi mo na kasi nakain yun sandwich kanina na binili ko." sinubuan niya ako ng donut. Kinuha ko na lang siya kaya ko naman kumain magisa. "Salamat. Ok lang ba bilisan natin ang paguusap kasi madami pa ako gagawin bukas ng umaga" mataray na sabi ko habang ngumunguya ng donut. "Gusto ko lang sabihin sayo na may terms and condition na din ako. Feeling ko kasi unfair naman kung ikaw lang ang meron" ikinabigla ko talaga yun. Ang daming tumatakbo sa utak ko na pwede mangyari. May Terms and Condition na din daw siya? Tama ba ang narinig ko? Gusto ko sanang magsalita kaagad pero nabulunan ako dahil sa donut na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD