Chapter 26

2783 Words
Nagpaulit ulit ito sa pandinig ko. Feeling ko kasi unfair naman kung ikaw lang ang meron. Natulala na lang ako habang nabubulunan pa rin, pilit kong pinapahiwatig kay Brandon na bigyan niya ako ng juice pero nakatingin lang siya sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. Naubo na ako ng sunod-sunod saka niya lang nagets na kailangan ko ng juice. "P-Papatayin mo yata ako eh." Singhal ko sa kanya after kong maubos ang isang baso ng juice. "S-sorry akala ko kasi you're just drooling coz we're just few inches away baka kasi namamangha ka lang sa kagwapuhan ko." He said while trying to hide his laughter. Kumuha ako ng donut at nilamutak ito sa mukha niya. "Ang k-kapal ng mukha yan ang bagay sayo!" I said while rolling my eyes in 360 degrees. Ako? Drooling? Ang kapal talaga. "Grabe ka naman, ang lagkit ah." Sabi niya at tumakbo siya papunta sa sink para maghilamos ng mukha. I looked at my watch hay naku It's almost 12mn madami pa akong gagawin bukas. "Hoy! Brandon bilisan mo naman diyan ano ba ang sasabihin mo? Uuwi na ako maaga pa ako gigising mamaya." Sigaw ko sa kanya ang tagal kasi maghilamos. After a minute nakita ko na siyang papalapit sa akin while wiping his face with a towel. Tignan mo kanina lang ang kulit niya pero ngayon he looks so serious naman. Nagalit siguro siya sa ginawa ko. Tumabi siya sa akin, hinarang ko ang throw pillow sa gitna namin. "A-ano na? Time is gold." I said without looking at him. "Are you really in a rush? You can sleep here then hatid kita early in the morning." He said flatly, I glanced at him he's actually looking at me. I looked away and sigh. "Just tell me what you want to tell me para matapos na. I really need to go home na." medyo iritang sabi ko. Naramdaman ko na lang na nawala na ang harang sa gitna namin hinagis niya sa kabilang couch ang throw pillow kaya tuloy magkatabi na talaga kami ngayon. Inipit ko ang kamay ko sa gitna ng legs ko nakita ko kasi sa gilid ng mga mata ko na balak niyang hawakan ako sa kamay ko. Tumayo siya at nakita ko na hinila niya upuan sa gilid at umupo sa tapat ko. "Don't worry mine madali lang naman tong terms and condition ko." He said I'm not looking at him at all. Kinakabahan kasi ako sa maaring sabihin niya. His hand grabbed my chin and tilted my face up. I can see a smile in his eyes but his face was serious. "A-ang dami pang ka-echosan. Shoot." Iritadong sabi ko sabay alis ko ng kamay niya sa baba ko at nagiwas ulit ng tingin sa kanya. "Listen.." he grabs my cheeks in between his hands forcing me to look at him, into his eyes. "Look into my eyes, so you could see and feel that I'm serious about the thing I'm going to tell you." "O-okay fine.." I said and gulped para akong nauhaw na naman. Nakakainis kasi tong si Brandon eh parang hinahalukay ang kaluluwa ko kung makatingin. Especially ngayon lalong naniningkit ang mga mata niya. Nagpapacute ba siya sa akin? "I only have two conditions, first is you will not entertain any suitor while we're on the contract." agad na napataas ang kilay ko ng bahagya, paano na ang lovelife ko? Hays! Paano ko mahahanap si Mr. Right ang aking Prince Charming. "M-may choice pa ba ako?" mahinang sambit ko. I saw a small smile on his lips. "Second is..." natigilan siya ginalaw ko ang ulo ko as a sign na i-continue niya ang sinasabi niya. "Y-you will allow me na hindi labag sa loob mo, you know when I wanna hug you and kiss you. Ayaw ko kasi masampal ulit ang sakit mo manampal." After he said that I felt his warm thumb in my cheek then tracing a path through my lips I saw him looking at my lips. Inay! Hindi ako makahinga, his thumb were on my lips it's like he's trying to memorize every bit of it. I'm blushing I can feel it. "What can you say? Any violent reaction?" he said after he removed his thumb on my lips buti na lang dahil hindi na ako makahinga sa ilong na lang ako humihinga. "Kamanyakan mo talaga eh noh. Okay na wala naman akong choice. So pwede na ba ako umuwi?" sa totoo lang naiilang na ako sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit noong una sabi niya we can date whoever we like basta discreet lang walang pakialamanan tapos ngayon ganito inaasta niya. He's acting like I'm his possession now. Tapos kanina nagconfess siya na yung friend niya mahal pa niya. Ano ang eksena ko dito? Nakakatakot lang at nakakakaba. I saw frustrations all over his face. "Sige na nga ayaw mo naman na kasi ako kasama kaya gusto mo na umuwi kakarating lang natin uuwi ka na agad" nakangusong sabi niya. Bigla akong napangiti nakakatawa kasi siya tignan when he's pouting his lips. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Kanina pa tayo magkasama ah." natatawang sabi ko. Saka ko siya kinurot sa pisngi. "Bakit ka natatawa? Seryoso ako gusto pa kita kasama kung pwede nga lang na ikasal na tayo bukas para kasama na kita palagi. Gusto ko pagsilbihan mo na ako. Tapos paguwi ko kakain ako ng luto mo paggising ko paghahanda mo ako ng damit ko papasok sa work" kinaltukan ko nga siya ng marinig ko tong mga pinagsasabi niya. "So gusto mo may katulong ka na dito sa bahay mo? Ganon ba yun? Sabi ko na nga ba dapat talaga maid na lang ang inaplyan ko para hindi pa mabigat sa loob ko." pangaasar ko sa kanya. Pagkasabi ko nun hinawakan niya ulit ang dalawang pisngi ko madami pa sana ako sasabihin but his warm hands on my skin are making me speechless. "Mali ang iniisip mo. Gusto ko lang maranasan na pagsilbihan mo. Diba sabi ko sayo masaya ako pagkasama kita hindi ko alam bakit, pero masarap sa pakiramdam pag kasama kita. Maybe because I can be who I am when I'm with you." napalunok ako. Parang mauubos ang laway ko sa sunod sunod na lunok ko. His face is getting closer to mine. "B-baka masanay ka na kasama mo ako hanap hanapin mo ako pagwala na t-tayo. Sige ka." I said grinning. He didn't respond and the next thing he did made my heartbeat stopped for few seconds. He kissed me on my forehead, down to my eyes, to the tip of my nose and a soft kisses on my cheeks. Hindi ko maexplain kung ano ba tong nararamdaman ko ngayon. I can't hear the loud heartbeat of my heart but I can feel that it's beating hard right now. All I can hear is a beautiful music in my ears. Don't tell me kinikilig ako? Nooooo. Nagproprotesta ang utak ko. When I can no longer feel his breathe, I slowly opened my eyes. And to my surprise I saw a big smile on his face. "Are you waiting me to kiss you on your lips?" he's mocking me. Darn! Waah! Napahiya ako don ng super big time. I bit my lips and looked at him sharply. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas na ng bahay niya. "Joke lang mine, pikon ka naman agad eh." Asusual hinila na naman niya ako sabay yakap sa akin. "Sige hahatid na talaga kita baka hindi nakita pauwiin pag tumagal ka pa dito" Hinatid na ako ni Brandon sa bahay. Buong byahe hindi ko siya pinapansin, gusto ko maiyak sa sobrang hiya sa ginawa niya. Agad ko siyang pinagtabuyan pagbaba ko ng kotse niya. Gusto ko pa sana siya sigawan na lumayas na pero nakakahiya sa kapitbahay. Nang makaalis siya ay agad kong hinanap ang susi sa bag ko hindi na ako kumatok para hindi maabala ang tulog ni Mama. Muntik na akong mapamura ng may biglang humawak sa balikat ko. Napasapo ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Si Hampton..... "Velvet." ang lungkot ng itsura niya. Naglakad ako palayo sa pinto baka marinig kami ni Mama. "Bakit andito ka Ton? Gabing gabi na ah." Tanong ko sa kanya. "Kanina pa kita hinihintay gusto kita kausapin." Eto na hindi ko alam paano magsisimula. Hinanap ko kung nasaan ang kotse niya hindi kami pwede magusap dito sa malapit sa pinto baka sa sala natutulog si Mama. Niyaya ko siya papunta sa kotse niya. Pumasok kami sa kotse niya sabi ko kasi dito kami magusap. "Ton I'm really sorry" ako na ang nauna nagsalita. Ang lungkot talaga ng mukha niya ramdam ko na nasaktan ko siya ng sobra. "Bakit ganon Vet? Bakit hindi mo ako matutunan mahalin? Nasaktan mo na naman ako for the second time." He's voice is shaking, hinawakan niya ang pisngi ko. Nangingilid na ang mga luha niya sa mga mata niya. "Akala ko this time you'll be mine pero parang hanggang pangarap na lang talaga kita." tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. "Ang s-sakit s-sakit Vet.. Bakit hindi pwede maging tayo? Bakit kailangan iba pa? Mahal na mahal kita Velvet sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon akala ko kasi may pagasa na tayo" ang sikip ng dibdib ko ngayon, I don't deserve his tears. "Sorry." yun lang talaga ang alam ko isagot sa kanya. Hindi ko na din napigilan ang mga luha ko. Nakikita ko ang sarili ko kay Hampton. Hindi ko sinasadyang saktan siya. "Vet bakit? Bakit hindi mo ako matutunang mahalin?" he removed his hands on me at napayuko siya sa manibela niya. Ang kaninang hikbi niyang pagiyak ngayon ay hagulgul na. Naaawa ako sa kanya. It's my first time to see a man crying. Kahit si Mateo I never see him cry because of me. "Ton I'm really sorry." hinawakan ko ang likod niya. Siya ang kauna unahang lalaki na iniyakan ako hindi siya takot ipakita sa akin na nasasaktan siya. Kung pwede lang ibalik ang panahon sana noon pa niya ako niligawan ng hindi ganito ka kumplikado. Sana hindi na lang niya hinayaan na mapalapit ako kay Mateo. Sana siya na lang ang minahal ko noon. Baka naging masaya pa ako. Humarap siya ulit sa akin. Hindi ko na siya kayang tignan parang dinudurog ang puso ko. "Vet sagutin mo naman ako bakit hindi na lang ako? Bakit iba pa? Bakit hindi mo ako matutunan mahalin? Ano bang mali sa akin? Kaya ko tumbasan lahat ng ginawa sayo ni Mateo hihigitan ko pa. Andito ako Velvet ako yung tao na hindi ka iiwan hinding hindi kita kayang saktan." "Ton ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Pero sobra sobra to. Hindi ko kayang suklian." Nakatingin lang ako sa labas. Habang kagat ang kuko ko. Nanginginig na ang mga kamay ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sakit na makasakit ng ibang tao. Eto kasi ang pananaw ko sa buhay ko di bale ng ako ang saktan wag lang ako ang makasakit. Di bale ng ako ang iwan wag lang ako ang mangiwan. Pero ako eto nabali na ang pangako ko sa sarili ko. Hindi ko kasi pinangarap makasakit ng ibang tao dahil alam ko ang pakiramdam pero eto si Ton na walang ginawa kundi mahalin ako ay nasaktan ko lang. "Velvet hindi ko hinihiling na suklian mo ang pagmamahal ko gusto ko lang naman makamit ang pangarap ko. Lahat na nasa akin ikaw na lang ang kulang, matagal na kita pangarap makasama, pero bakit ngayong abot kamay na kita ngayon ka pa mawawala sa akin. Unfair naman yun Vet. Ako ang nauna pero naunahan ako ng iba." may hinanakit sa mga tono niya at alam kung ang tinutukoy niya si Vice. "Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo kasi eh." Mahinang sabi ko "Ikakasal na ako." mas mahinang sabi ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang gulat sa mukha niya . "Pakiulit Vet" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ikakasal na ako." I said while hurting. Kailangan matapos na tong usapan na to. Ang sakit na ng dibdib ko. Nakita kong sinuntok niya ang manibela niya ng napakalakas tumunog ang busina ng napakalakas. Paulit ulit niya pa tong ginawa. Pinigilan ko siya pero ayaw niya talaga papigil. Ang ingay na sobra. "Ton please nakakabulahaw tayo sa mga kapitbahay." I begged him to stop. "Bumaba ka na Vet, ok na sa akin lahat ng narinig ko. Sh*t lang talaga. Bwiset na buhay to. Ngayon ko lang napagtanto. Mahal mo nga yung lalaki na yun, pinili mong iwan ang trabaho mo at pinili mong saktan ang taong lubos na nagmamahal sayo. Ako lang naman yun Velvet eh. Si Hampton lang naman kasi ako eh" galit na sabi niya sa akin. "Sana lang hindi ka niya saktan dahil hihintayin kita Vet. Sana lang hindi pa ako mapagod hintayin ka. Andito lang ako alam mo naman yun diba? Friend mo kasi ako diba? Friend lang." mapait na sabi niya. Tumulo na naman ang mga luha ko. Nakagat ko na lang ang labi ko ng sobrang diin, ang sakit sakit kasi. "Ton please tama na. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Masakit din to para sa akin." daig ko pa ang nakipagbreak. Daig ko pa ang namatayan sa sakit na nararamdaman ko. Mas doble pa pala to sa naramdaman kong sakit ng magbreak kami ni Mateo. "Sorry Vet, kung pwede mo lang makita laman ng puso ko ngayon ikaw lang talaga tinitibok nito eh. " hinawakan niya ang kamay ko he moved closer to me. Para itapat ang palad ko sa dibdib niya. "Ikaw lang ang iniisip ng utak ko. Ikaw lang din ang hanap ng katawan ko. Buong pagkatao ko ikaw lang ang hanap Vet. Ikaw lang ang gusto ko." Umiyak na naman siya. Napangiwi na lang ako sa sakit na nakikita ko. If only I could turn back the time. Yung panahon na hindi ko hinayaan si Hampton na ipadama sa akin ang pagmamahal niya. Sana hindi siya nasaktan ng todo ngayon. Kung pwede ko lang siya painumin ngayon ng pain reliever ginawa ko na. Pati ako iinom na din. Pero wala naman kasing gamot na nabibili para sa sakit ng puso at damdamin eh. "Ton please. Stop it na. I hope you can forgive me. I hope that someday you can find that someone that worth your love. Hindi ako karapat dapat sayo. Sana mapatawad mo ako for giving you this false hope. I didn't mean to hurt you kung alam mo lang. God knows I don't want to hurt you but I need to do this. Please let go of your feelings. If you really love me." Iniangat ko ang mukha niya hinawakan ko ang mga pisngi niya, basang basa na ang mga palad ko ko sa mga luha niya. "If you really love me please let me go. Please forgive me for hurting you so much" niyakap ko siya. At niyakap niya din ako ng napakahigpit. "Vet I can't let you go" bulong niya."Hindi ako galit sayo okay there's nothing to ask for forgiveness eto na yata yung sinasabi nilang karma. Ang gago ko kasi eh. Ang dami kung pinaiyak na babae. Sh*t ganito pala feeling nun." Natatawang sabi niya. "Wala akong pakialam noon sa mga nararamdaman nila umiyak sila hanggang gusto nila pero ang gago ko ganito pala maheartbroken ng todo." Iyak tawa ang na sambit niya. "Pero bakit ba feeling heartbroken ako? Hindi naman ikaw naging akin. You're not mine. I'm just yours but you're not mine" tumawa ulit siya. I pulled away from the hug and hold his hand. "Ton friend mo pa din ako okay. Hindi mawawala yun. Sana maging okay na tayo. Hindi ko na kaya ang sakit na ng dibdib ko. Feeling ko any moment need ko na ng oxygen. Tama na please." mukha naman siya nag- alala. Seryoso ako hirap na ako huminga. Naghalo halo na kasi ang iyak ko mga emosyon at sakit sa dibdib ko. "Sorry, for now I will let you go I just hope that you will be happy with him coz if I'm not babawiin talaga kita at hindi na ulit ako papayag na mapunta ka pa sa iba." may pagbabanta sa mga sinabi niya. And a sincere smile formed in his face. "Thanks Ton" Nagpaalam na ako sa kanya at bumaba na ako sa kotse niya. Sana tama ang mga desisyon ko. Sana hindi dumating ang panahon na manghinayang ako dahil pinakawalan ko ang taong sobra sobrang mahal ako. Masarap ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo. Maswerte ako sa kanya. Sana hindi ako nagkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD