Hindi pa rin ako makamoveon sa nangyari kagabi with Hampton. Feeling ko nag-iwan ito ng sugat sa puso ko. Sugat na gagaling lamang pag alam kung okay na si Hampton. Pag alam kung he's over me.
"Anak handa na ang mga gamit natin" napaigtad ako ng biglang sumulpot si Mama, nakahiga kasi ako ngayon sa kama ko. Papunta na kasi kami sa province ngayon. Nag status muna ako sa sss ko at tumayo na din para mag-ayos na.
"Halika na Ma" Chineck ko lahat ng mga plug kung nakatagal na at sinara ko rin ang lahat ng pinto.
Sa totoo lang hindi ako nakatulog kaninang madaling araw kaya eto para akong bangag nakalutang bumabalik-balik kasi sa isip ko lahat ng sinabi ni Hampton sa akin. I feel so guilty.
Nakarating na kami ng Pasay. Buti na lang may byahe na sakto sa dating namin ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng makaupo kami ni Mama ay nakatulog na ako. Hindi ko namalayan na anim na oras na pala akong tulog ginising kasi ako ni Mama stopover kami ngayon dito sa may Quezon. Bumaba lang ako para mag banyo chineck ko ang cellphone ko pero himala wala man lang kahit isang message.
Inaasahan ko pa man din na magtetext si Hampton pati na rin si Brandon kung nakauwi na siya pero wala man lang siyang kahit isang text since nagkahiwalay kami. Buti na rin yun para iwas stress, nakakastress kasi si Brandon sa totoo lang.
Natapos na ang 30mins na stopover namin at pinaakyat na ulit kaming mga pasahero. Dahil sa pagod at puyat ay nakatulog ulit ako kaagad. Hindi na ako ginising ni Mama kaya paggising ko andito na kami sa Bicol. Sabi ni Mama ay mga 15 mins na lang ay bababa na kami.
After 10 hours ng byahe nakarating na din kami sa lugar nila Mama. Ilang beses pa lang ako nakarating dito huling dalaw ko dito ay noong highschool pa ako masyadong matagal na din ang nakakalipas.
Ang ganda pa din ng lugar nila Lolo madaming puno at malapit sa dagat. Pagpasok ko naawa ako sa Lolo ko ang laki kasi ng pinayat niya. Sinalubong din kami ng mga kamaganak namin. Alam kasi nila na darating kami ngayon kaya lahat sila ay andito sa bahay ng Lolo.
"Velvet ang laki laki mo na. Dati dalagita ka pa lang ng huling nakita kita." bati ng isa sa mga Tita ko, si Tita Amy. Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti at nagmano sa mga ito.
Dumeretso ako sa kinauupuan ng Lolo ko masisilayan ang ngiti sa mga labi ni Lolo ng makita niya muli kami agad ko siyang niyakap. Pinaghanda kami ng mga Tita ko ng agahan at sabay sabay kaming nagsalo-salo sa hapag-kainan.
Naiwan ako dito sa kwarto ko nagpacheckup na sila kasama si Mama, pinaiwan na lang ako para makapagpahinga daw ako. Nahiga muna ako masakit din kasi ang katawan ko dahil sa tagal ng byahe. Napaigtad ako ng may magbukas ng pinto.
"Hello Vet" si Diana ang pinsan ko agad akong tumayo at nilapitan siya. Kararating lang niya galing daw kasi ito sa kabilang bayan at may inasikaso maaga palang. Medyo nalate na siya at hindi na naabutan si Mama.
"Hi D kamusta ka na, Namiss kita." bati ko sa kanya then I hugged her.
"Ayos lang naman namiss kita tagal natin hindi nagkita. Kamusta ang buhay sa Maynila?"
"Ayos naman. Kami lang ni Mama dalawa sa house at nagwowork na din ako" isang taon lang agwat namen sa isa't isa, siya ang pinakaclose ko sa mga pinsan ko. Nagpupunta siya dati sa house at nagbabakasyon pero matagal na din yung last na nagkita kami at nawalan na din ng communication after that.
"Oo nga balita ko singer ka na din sabi ko na nga ba malayo mararating mo. Gusto ko minsan makanood ng performance mo." Anito at sabay kaming umupo sa kama.
"Oo bah pagpunta mo sa amin isasama kita. Musta naman ang buhay dito?" ayun nagsimula na siya magkwento ng mga kaganapan dito noong time na hindi na kami nakakauwi. Pati lovelife niya naikwento na niya.
Halos isang oras din kami nagkwentuhan. Pagkatapos non niyaya niya ako maglakad-lakad sa tabing dagat. Agad akong nagpalit ng damit at excited na ako makalanghap ng sariwang hangin.
Bughaw na tubig. malinis na buhanginan at tahimik na alon ng dagat ang agad na sumalubong sa amin. Ang sarap ng hangin ibang ibang keysa sa Maynila.
"Ikaw magkwento ka naman ng buhay College mo malamang nagka-boyfriend ka na sa ganda mong yan siguro ang daming nanliligaw sayo noh?" nakaupo kami ngayon dito sa ilalim ng punong malapit sa dalampasigan. Napangiti naman ako sa sinabi ni Diana, I sigh before I answer.
"Ayun D medyo mahirap ang College life ko, especially nang si Mama na lang ang tumataguyod sa akin. Papa left us hanging kaya dalawa ang trabaho ko para naman makaganti naman ako sa mga ginawa ni Mama sa akin, kahit papaano maibigay ko ang mga pangangailangan niya. Boyfriend?Hmm wala pa sa ngayon kaka-break lang namen." naalala ko na naman ang Papa hindi sana ako magkakaron ng ganitong deal with Brandon if he continue supporting me. Siguro wala ding Hampton akong nasaktan I can probably give him a chance. Kung wala lang akong deal. Siguro puwede.
***
Eto na talaga ang sinasabing Manic Monday...
Ang dami kung pending na work pala. Hindi na ako nakapag breakfast hinatid ko pa si Amanda sa condo niya. Nagpunta siya kagabi sa pad after kong makauwi ng hinatid ko si Velvet.
Lasing si Amanda ng pumunta sa akin, doon ko na siya pinatulog antok na rin ako kaya hindi ko na siya hinatid.
"Sir you have an emergency meeting in 30mins our stockholders will be there too." sabi sa akin ng sekretarya ko.
"Okay thanks and by the way please cancel the second ticket to Cebu on Friday. Just keep my ticket okay." she just nodded and leave my office.
Ang dami kong aasikasuhin ngayon. Nagkaroon kasi ng problema sa mga staff sa Cebu and my parents are so worried about it kailangan ko talaga pumunta din ng Cebu to help them.
Busy ako sa pagbabasa ng mga contracts and some information about the issue in Cebu I need to think what will be the best thing to do so we can resolve it as soon as possible and not to experience it again in the future. Medyo affected ang income ng Hotel don dahil sa nababalitang welga ng mga staff and it's not good. Nagbukas ulit ang pintuan ng opisina ko hindi ko na lang tinignan kung sino ang iluluwa nito malamang ang sekretarya ko lang ulit. I need to focus on what I'm reading right now.
"Hi sweety dinalhan kita ng food." Nag-angat ako ng ulo ko and saw Amanda walking towards me.
"Bakit ka andito?"
"I just want to bring you food, miss na kita Brandon and thank you for taking care of me kanina."
"Thanks upo ka muna diyan, medyo madami akong ginagawa hindi kita maasikaso." sabi ko sa kanya pero sa mga papeles na ako nakatingin. Imbes na umupo siya pumwesto siya sa likod ko at niyakap ako.
"I really want you back Brandon, it's clear naman that Cham don't want you bakit hindi na lang ako."
"Amanda, what i felt to you before is not love pareho nating alam yan it's just l**t. Kung ano man yung mga namagitan sa atin noon hanggang doon lang kaya ko ibigay sayo."
"Beside i'm getting married na. Kaya kung okay lang Amanda let's all move on."
"Arrgh i can't basta gagawa ako paraan para bumalik ka sa akin." she said then walked out.
Napakamot na lang ako sa batok ko hindi ko na inintindi ang sinabi ni Amanda and just continue with what i'm doing. po
Dumating ang Friday ang flight ko sana with Velvet but it was cancelled since wala siya dito pero I still need to go to Cebu to help my parents fix the ongoing problem there.
Nakarating akong matiwasay sa Hotel sinalubong ako ng mga staff pati na din sila mom and dad.
"Anak salamat at nakarating ka ng safe" bati sa akin ni mommy. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Yes mom musta naman po ang sitwasyon as of today?" andito na kami ngayon sa office nila daddy. Binigyan ako ng kape ng sekretarya nila.
"Son it is getting worse I tried to speak with the leader of the union but they refuse my offer" malungkot na sabi ni daddy.
"Mukhang mahihirapan tayo ah. Don't worry Dad I will try to fix it asap" binuksan ko ang laptop ko at pinagaralan kung bakit ayaw pumayag ng mga staff sa offer namin.
Dad sent me some documents to help me figure it out how we can solve this problem. Iniwanan muna nila ako to think sumasakit na ang ulo ko it's my first time and almost one month ko pa lang hinahawakan ang Hotel then now problema na kaagad ang bumungad sa akin. But on a positive side I take it as a challenge.
Hindi ko namalayan na lunch time na pala kung hindi pa pumasok si mommy para alukin ako kumain. We eat along with other stockholders dito sa Cebu. It serves like a lunch meeting na din. Pinakilala ako nila mommy as a new CEO sa Makati branch. And all of them know me well especially my background and my course sa College and they we're so impressed dahil natapos ko ang Masteral at a young age.
"And iho balita ko you're getting married soon? Bakit hindi mo sinama ang fiancé mo so you can have an inspiration and we can also meet her." nagulat ako sa sinabi ng isang stockholder namen si Mr. Ang.
"Oo nga I thought you will be here with Velvet? Where is she?" akala ko hindi na maalala ni mom about don, I told her last time kasi that I will bring Velvet here.
"Ah sorry po she's busy right now attending some important matters. But don't worry you'll meet her soon." sa sobrang busy ko sa work I forgot to contact her. Kamusta na kaya siya? As far as I remember since overload na ang utak ko, she will go to her province with her Mom.
"Oh that's why. Maybe when everything's alright we can prepare the wedding na. I can't wait for it." sagot ni mom sa akin.
Natapos na ang meet and greet namen. Hinayaan muna ako ni mom na makapagpahinga at bukas na lang daw ako magstart sa trabaho ko. They just give me one room in the hotel to stay with para hindi na daw ako lumayo since mga 1hr away pa ang house namin dito.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan at pagod ng utak ko from these past few days. Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. I want to know how is she right now.
I suddenly missed Velvet, yung katarayan niya, yung pangiirap niya sa akin.
I dialed her number.
The number you dialed is not accessible at the moment please try again later.
Sh*t! Ngayon ko na nga lang siya makakausap hindi ko pa siya makontak. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Gusto kong marinig ang boses niya baka sakaling mawala lahat ng pagod ko. I tried it again after 30 minutes.
The number you dialed is not accessible at the moment please try again later.
Nayayamot na ako. Tumawag ako sa bar at nagpadala ng alak dito sa kwarto ko. Uminom na lang ako.
Velvet occupied my mind for the past 2hours, hindi ko siya maalis sa isip ko ngayon bakit pa kasi nabanggit sa akin tong babaeng to eh. Hindi ko na nga siya naiisip for the past few days.
Binuksan ko ang tv para malibang. Sakto pagbukas ko ng tv nasa MTV ang channel.
Pag minamalas ka nga naman oh.
Ed Sheeran music video of Thinking Out Loud. Pati ba naman tong tv ikaw pa din ang naalala ko Velvet. Binato ko ang remote control sa inis ko.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko. Baka lowbat lang siya kanina so I tried to dialed it again.
The number you dialed is not accessible at the moment please try again later.
Bwiset na buhay to. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang f*******: account ko baka dito naka-online siya. Tinignan ko ang mga online sa friends list ko at wala siya dun. I searched for her timeline.
Going to Bicol with my Mom.
Last update pa niya noong Monday nung umalis siya. Nag-alala naman ako bigla.
Nakarating kaya sila ng safe sa province nila?
Baka naman naaksidente sila kaya hindi ko siya makontak?
Baka naholdap?
Baka kasama niya yung lalaki niya kaya hindi siya nagbubukas ng cellphone niya?
Sh*t ang dami kung naiisip. Bahala na nga siya sa buhay niya pakialam ko ba sa kanya. Ininom ko na lang ang alak hanggang makatulog na ako.