Chapter 28

2911 Words
Lumipas ang mga araw at unti unting naaayos na ang problema dito sa Hotel sa Cebu. Halos tatlong lingo ko na nililigawan ang mga staff para lang maniwala sila sa mga pangako ng kumpanya. Hindi namin basta basta pwede I-let go ang mga ito dahil sila ang mga tumulong sa amin mula simula, sila ay bahagi ng pagunlad ng aming Hotel. Araw araw din akong subsob sa trabaho ko maipakita lang kina mommy that I really deserve this position and good thing that they we're impressed with the progress ng issue with the staff konting pag-uusap na lang ay resolve na ito. Nararamdaman ko. Kailangan na lang I-double check lahat ng agreement namin between the employer and the employees. And even the President of the Union were so happy with what I offered. Masaya ako it feels like an achievement. They always ask where is Velvet. I don't have a chance to go back to Manila to find out where she is. I just always tell them that she's busy and she don't have time to go here. Until now I'm not sure what happened with her. We don't have any communication since the last time I saw her. There's really a lot of speculations coming into my mind why I cannot reach her. Maybe: Naaksidente siya. But I did not hear any news on tv or newspaper with any accident happened in Bicol. Maybe: She's already with her other guy. Her boss! Baka nagpakalayo layo na sila. Maybe: Niloko niya lang ako to get some money at tinaguan na ako. And I don't know how will I explain it to my parents. Once everything is settled here they said that we need to plan our wedding. How will I tell them that I don't know where she is right now? I cannot reach her mobile, she's not even answering my pm's on f*******:. How will I know what happen to her if I'm just here. I need to completely resolve the issue here asap coz I need to find her.. At lagot siya sa akin once I find her. I need to speak with my mom now i need to go back to Manila pagkatapos ng meeting ko with the President of the Union ay agad akong pumunta sa opisina ni mommy. "It's okay you can go back na. You're really a big help to us here. I know you miss Velvet ang tagal mo na din kasi na andito." Isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ko ng sumangayon si mommy sa request ko na umuwi na. "Thanks mom and one more thing I will also ask if it's not too much for a week of vacation?" hirit ko sabay yakap sa likod ni mommy na kasalukuyang nakaupo. Sana pumayag siya I really need to find Velvet. I'm so worried about her. "Yeah sure that would be fine. Just make sure to open your line so if there are some emergency call we can reach you.Okay.?" Nakahinga ako ng maluwag. I already ask my mommy's secretary to book me a flight today. I need to act asap. "Yes mom promise." I also asked some help from Eddie to find out the exact location nila Velvet sa Bicol and I hope he will give me some good news when I come back. I kissed mom on her cheek at nagpaalam na magaayos na ako ng mga gamit ko. Bumalik na ako sa hotel room ko at inayos ang mga gamit ko. My flight will be in 3hours from now. Nagpaalam na ako sa mga staff at kina mommy hindi na ako nagpahatid sa kanila sa driver na lang nila. After an hour andito na ako sa airport nakikita ko na sila Eddie at Salve sa waiting area nagpasundo kasi ako kanila. "Bro welcome back may pasalubong ba kami diyan?" agad na bati sa akin ni Eddie, talagang pasalubong muna ang banat niya hindi man lang ako tinanong if kamusta na ako. "Hi Brandon long time no see. Musta na?" bati naman ni Salve. "Oo madami akong pasalubong sa inyo andon sa paperbag na yun pakikuha na lang. Eto Salve naging busy kasi sa work sa Cebu but overall okay naman ako." Naglakad na kami papuntang parking lot. Hindi ko kayang magsayang ng oras ngayon. "Any news about Velvet?" kakaupo ko pa lang sa backseat ng kotse ni Eddie gusto ko na talaga malaman if may balita na sila kay Velvet. "Bro medyo malabo pa. I tried to ask sa bar kung saan siya kumakanta but they don't know. Baka alam mo ang middle name niya maybe it can also help if we search it." sagot ni Eddie Hindi ko naisip yun ah. "Paminsan minsan matalino ka din pala pre." sabay tawa ko. Napakamot na lang siya sa ulo niya. Kinuha ko ang ipad ko at nagopen ng f*******: ko. Bakit ngayon ko lang naisip to? I searched for her timeline. And dang...I found it... Velvet Escaro Santino "Found it. Escaro ang middle name niya. Salve maybe you can also help me search it. Para mas mabilis." pumayag naman siya at nagopen na din ng ipad niya and we search it in Google and f*******:. "Mahal mo na ba pre?" nabasag ang katahimikan ng magsalita si Eddie. "Hindi ah.Kailangan ko lang siya mahanap nag-aalala kasi ako." Paliwanag ko habang nakatutok sa paghahanap ng possible person na link kay Velvet. "Saan ba nagi-istart ang love? Diba when you start to care and worry about them?" sabat ni Salve. Natawa na lang ako sa dalawang to pagkaisahan ba naman ako. "Oo nga bro, hindi ka na nga nagkwekwento about Cham eh. I think naka-moveon ka na sa kanya noh?" banat ni Eddie. Napakibit balikat na lang ako. "Ang dami mong alam magdrive ka na nga lang diyan." Tumawa na lang ako ng pagak at nagpatuloy ako sa pagsearch ng mga possible source that will lead me to Velvet's location. "Brandon I found someone here, Velvet and her are mutual friends so it's possible na relatives sila." tinuro niya sa akin ang nakita niya. Fortunately and location niya ng nakita ni Salve ay saktong sakto sa province ni Karylle. Caricaran, Bacon Sorsogon Bicol. "Ang galing mo talaga Salve dahil diyan treat ko kayo ng lunch. Kaw na bahala Eddie kung saan mo gusto." may parang kung anong nabuhay na ugat sa katawan ko. Gusto ko magtatalon sa tuwa. Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng lihim. "Yan ba ang hindi inlove? Tsk Tsk tsk" pangaasar ni Eddie, nakita niya pala ako sa rearview mirror na nakangiti. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagresearch paano makapunta sa lugar na yun . Aalis din ako mamaya para makarating ako ng maaga. Lagot ka talaga sa akin Velvet. Lintek lang ang walang ganti. "Brandon I'm so happy for you I hope you will find her soon. Denial king ka kasi eh. Ayaw pa umamin."Pang-aasar rin ni Salve at sumangayon naman ang jowa niya. Sabay pa nila ako pinagtawanan. Sila na ang may alam sa nararamdaman ko buti pa sila alam nila. Sa isang Steakhouse ang napili nila na maglunch kami. Minadali ko silang kumain dahil kailangan ko pang umuwi sa pad at kumuha ng mga damit ko. Hinintay na rin nila ako dahil sila din ang maghahatid sa akin sa terminal sa Pasay. Mas pinili ko na lang magcommute kesa magdala ng kotse or magpadrive mas exciting kasi pag nagco-commute ako. "Bro wag mo kami kalimutan I-update sa mangyayari sayo don ah." Bilin ni Eddie. Papunta na kami sa Pasay ngayon magtatanong pa kasi ako sa mga driver at konduktor don if alam nila yung lugar na pupuntahan ko kaya gusto ko maaga din makarating. "Oo naman. Salamat sa inyong dalawa at napakasupportive niyo." Natatawang sabi ko. Maasahan talaga silang dalawa kahit anong mangyari andito lang sila para sa akin. At ilang beses ko ng nasubukan sila. "Brandon umamin ka na kasi kay Velvet. Sige ka baka maunahan ka ng iba magsisi ka pa sa huli."Nagulat ako sa sinabi ni Salve. hindi ko alam saan nila nakukuha tong mga pinagsasabi nila. "Bakit ko naman yun gagawin? Hehe hindi ko naman siya type at alam niya yun" natatawang sabi ko sa kanila. "Hoy sinong niloko mo kolokoy, itsura mo pa lang alam ko na. Hindi ka mag-eefort ng ganyan kung wala lang siya sayo. Wag mo nga kami niloloko." pasigaw na sabi ni Eddie sabay g**o sa buhok ko. "No bro it's not what you think. I just need to find her coz mom keeps asking me where is she. Hindi ko na alam ang isasagot ko pa. Pag natapos na kasi ang ongoing issue sa Cebu they want us to prepare na for our wedding." explanasyon ko sa kanila. Pero parang hindi pa rin convince tong magjowa na to sa akin at seryoso lang na nakatingin sa akin. "Ganon lang ba talaga kadali ang kasal sa'yo? Hindi ba dapat mahal niyo ang isa't isa bago ikasal mahirap naman kung hindi diba? Para lang ba hindi magalit parents mo sayo kaya mo ito gagawin?" seryosong tanong ni Salve. Napaisip ako, tama naman siya and I really do believe that marriage is sacred. It must be done because you love each other. Pero iba talaga ang sitwasyon ko ngayon. I need to do it to grant my parents request. "Ganon na nga. May annulment naman madali na lang yun." Hindi na sumagot pa si Salve, nakita kong nagdikit ang kilay niya. Babae talaga affected pag annulment na ang pinaguusapan. "Bahala ka na nga pre pag naunahan ka ng iba. Wag na wag mo kaming itetext or tatawagan para damayan ka." Pangaasar ni Eddie. "Ang kulit yun lang talaga ang pakay ko sa kanya okay matapos lang tong kalokohan na to." Bumuga ako ng isang malalim na hininga. "Sana wag mong kainin ang mga sinasabi mo ngayon friend." Mahinang sambit ni Salve. Buti na lang at nakarating na kami sa terminal. Kinuha ko ang backpack ko at bumaba na. "Salamat sa inyo ah. Text text na lang" nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na sa loob ng terminal. Nagtanong tanong muna ako if paano papunta sa lugar nila Velvet at medyo nahirapan ako kasi ang puro alam lang nila ay yung pinakaterminal na bababaan sa Sorsogon. Hindi ako mawawalan ng pagasa bumili na ako ng ticket pero after 2 hours pa ang alis ko. Nakakainip, naglaro muna ako ng mga games ko sa ipad ko minsan f*******: naman ang pinagkakaabalahan ko. Napatigil ako ng may narinig ako sa katabi ko na nabanggit ang lugar nila Velvet. "Ate excuse me po." Kinapalan ko na ang mukha ko at kinausap siya. Sumagot naman siya at nagtanong na ako if alam niya ang lugar na yun at ang swerte ko dahil doon din ang punta niya. "Taga doon ang aking mga magulang pero laki ako dito parang naririnig ko na ang apelyidong yun. Hayaan mo at ipagtanong natin pagdating natin don" sakto ay pareho kami ng oras ng byahe. Pag sinuswerte nga naman ako sana tuloy tuloy na ang swerte ko at makita ko na si Velvet. Dumating na ang oras ng byahe namen. May mga number kasi ang upuan so hindi ko katabi si Ate pero malapit lang siya dito at ipinaalala ko sa kanya na wag ako kalimutan pagbaba mamaya sa terminal sa Bicol. First time ko lang makapunta ng Bicol kaya hindi ko alam gaano katagal ang byahe. Natulog na lang ako. Pagising ko ay nasa stopover na kami at madilim na nakita ko si Ate at sumabay ako sa kanya pababa ng bus. Sabi niya ay nasa Quezon pa lang kami binilhan ko siya ng pagkain pasasalamat sa mga information na binigay niya sa akin. Sabi niya matagal pa daw ang byahe baka mga limang oras pa after ng kalahating oras na stopover ay bumalik na kami sa bus at natulog na lang ulit ako. Nagising ako sa naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko maingay na din sa paligid. Andito na pala kami sa Sorsogon, nang makababa kami ay agad kaming sumakay ng jeep papunta sa Bacon. Sabi niya ay tatagal ng isang oras ang byahe namin. Kinakabahan ako. Malapit ko na siyang makita natatakot ako sa makikita ko at malalaman kung bakit ba hindi ko siya makontak for the past few weeks. "Sino pala ang pupuntahan mo sa Caricaran?" tanong sa akin ni Ate. "Yung girlfriend ko po." Mabilis na sagot ko. "Aba ang sweet mo naman. Talagang dinayo mo pa siya dito ah." kinikilig na sabi niya. "Pero bakit hindi mo alam ang papunta dito sa kanila?" usisang tanong niya. "Hehe gusto ko lang po siyang isorpresa, saka first time ko kasi makapunta dito." nginitian niya lang ako at nagkwento na maganda daw sa lugar nila mamangha daw ako dahil sa beach na pinagmamalaki nila at magagandang tanawin pati na rin ang mga mababait na mga tao dito. Hindi na namin namalayan na andito na kami dahil napasarap na rin kami sa pagkukwentuhan. "Oh siya tumuloy ka muna sa amin at mag-agahan tapos ipagtatanong ko kina Inay kung tagasaan ang nobya mo." Tumuloy na kami sa kanilang bahay at pinakilala sa mga magulang niya. Tuloy tuloy na talaga ang swerte ko dahil kilala nila ang mga Escaro. Nabanggit ko kasi na my sakit ang Lolo niya kaya siya andito at kilala din nila ang Lolo ni Velvet. Malapit lang daw yun dito kailangan lang daw sumakay ng tricycle. Hindi na ako nagpasama sa kanila, nakakahiya na at makakakaabala pa ako. Kilala naman ng tricycle driver ang mga Escaro. Nagpaalam na ako sa kanila at todo todo ang pasalamat ko sa kanila sa tulong na naibigay nila. Sumakay na ako ng tricycle at ngayon ang hindi ko alam bakit ang lakas lakas ng t***k ng puso ko hindi ko maintindihan kung anong dahilan at pinaghuhugutan ng puso kong to. Saglit lang ang byahe ko mga 15minutes lang at andito na daw ako. "Iho ayun ang bahay ng mga Escaro." turo sa akin ni Manong driver. Nagpasalamat ako sa kanya at bumaba na. Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay nila. Natatakot ako na baka mali ang bahay na napuntahan ko. Baka wala dito ang pakay ko. Yung kanina excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba. Feeling ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Ano kaya ang sasabihin ko sakanya once nakita ko siya. Pansinin pa kaya niya ako? Baka ideny niya ako na kilala niya ako. Tapos andito pala yung lalaki niya ano? Hays! Bahala na, pahakbang na sana ako palapit sa gate ng may nagsalita. Napaatras ako at hinanap ko kung nasaan ang nagsasalita nasa taas pala sa terrace sa second floor. "Sino ka? Ano kailangan mo?" tanong sa akin ng isang hindi gaanong katandang babae. Mga nasa late 30's siguro ito. Ang tagal ko bago nakasagot. Lumunok muna ako ng sunod-sunod para makakuha ng lakas ng loob. "A-ahh may hinahanap po kasi ako" nauutal na sabi ko. "Andito po ba si Velvet Escaro Santino?" sa wakas nasabi ko din. Nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon niya sa tanong ko. "Oh bakit mo hinahanap ang pamangkin ko?" medyo mataray na tanong nito. Nagliwanag ang mukha ko ng marinig ko ang sagot niya ramdam ko na malaki ang chance na andito siya. "Kaano ano ka niya?" sunod na tanong niya. "Ah—ahh.Ako po ang boyfriend niya." Nahihiyang sambit ko sabay kumawala ang malakas ng buntong hininga ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggat paa tipong kinikilatis niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Teka lang. Diyan ka lang." umalis siya at pumasok. Paglabas niya ay may kasama na siyang isang babae na nasa 20's siguro. "Totoo bang boyfriend ka ni Velvet?" tanong ng dalaga. "Opo. Andiyan po ba siya?" nakangiting sagot ko. "Hindi siya dito nakatira pinsan ko siya." so wala pala siya dito? Nanlumo ang mga tuhod ko. Nasaan na kaya yung babae na yun? Napayuko ako due to disappointment. "Doon siya sa Lolo namen nakatira sasamahan kita wait lang ah" automatikong lumakas ulit ang tuhod ko sa narinig ko. Isang malakas na buga ulit ang ginawa ko. "Salamat po ate ah. Ako nga po pala si Brandon" inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. "Walang anuman, napakamasikreto nitong pinsan ko hindi niya sinasabi na may ubod pala siya na gwapong boyfriend. Ako pala si Diana." nagpatuloy lang kami sa paglalakad malapit lang daw dito ang bahay ng Lolo nila. "Siguro ay miss mo na ang pinsan ko noh kaya napasugod ka dito?" napangiti ako sa sinabi niya. Halata bang ganun ako kaya andito ako? Tumango lang ako at napangiti ng kimi. "Andito na tayo."Napatigil ako, Eto na naman ang kaba ko. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko nauna siyang naglakad papasok sa bahay ng Lolo nila at ako eto napangko lang dito sa may labas. Wala man lang akong pasalubong nakakahiya. Nawala na sa isip ko sa sobrang excited ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para ihakbang papasok sa bahay nila. Ilang minuto din ang itinagal ko doon. Namaligno na ba ako? Hindi talaga ako makahakbang. Sumabay pa ang puso ko ang lakas lakas talaga ng t***k nito. Ano kaya una kung sasabihin sa kanya pag tinanong niya bakit ako andito? Sana hindi niya isipin na namiss ko siya kaya ako andito nakakahiya talaga. Paano ko ba uumpisahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD