"And I like you for my son, sa lalong madaling panahon aayusin na namin ang kasal niyo, ayaw ko na pakawalan ka pa niya. Baka magbago pa ang isip mo sa anak ko. At least pag kasal na kayo you two will always make a way to patch up things together diba"
"Diba iha? Mahal mo naman ang anak ko diba? Handa ka naman pag tiisan siya kahit anong mangyari diba?"
Naalala ko na naman ang sinabi ng mommy ni Brandon sa akin kanina, nahimatay na lang ako hindi na kasi kinaya ng powers ko at ipasok sa utak ko ang mga nangyayari.
At eto pa andito ako sa napakalaking bahay nila. Sabi ko kay Brandon uuwi na ako hindi naman ako pinayagan ng mommy niya. Kung panaginip lang itong nangyayari sa akin. Please pakigising na ako. Ayaw ko ng ganitong biro.
"Iha, pinaayos ko na ang guest room hindi ka pa pwede sa kwarto ni Brandon hanggat hindi pa kayo kasal, wag muna kayo magsasama sa isang kwarto you need to do it after the wedding okay? Diba anak?" tinapunan ng mommy niya si Brandon ng makahulugan na tingin.
"Opo mom" nakangiting sagot nito. Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako. Grabe na talaga ito, ano bang ang trip nila?
"Sige na son samahan mo siya sa kwarto niya at pag matutulog ka na make sure na doon ka sa kwarto mo ah" paninigurado ng mommy niya, dahil siguro to sa nakita niya kanina.
"Opo mom ako na po bahala kay Velvet." hinawakan na naman niya ang kamay ko at umakyat na kami papunta sa magiging kwarto ko. Nakakadami na tong lalake na to ah lagi niyang hinahawakan ang kamay ko tapos minsan may hawak pa sa bewang. Ano siya sinusuwerte!
"Dito ang magiging kwarto mo, eto pala may nakaprepare na damit ka na." turo niya sa damit na nakalagay sa kama.
"Sige magbibihis lang ako, salamat" haggard na ako. Daig ko pa dinaan ng bagyo. Nagpalit na ako at inayos ang sarili ko. Paglabas ko sa cr nagulat ako na andito pa din siya.
"Bagay sayo yang damit ni mommy" sabay ngiti, with that killer smile. Sabay tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Hoy manyak, bakit ganyan ka makatingin. Madami ka pa atraso sa akin tandaan mo!" singhal ko sa kanya at inirapan ko siya kinuha ko ang bag ko para tignan ang cellphone ko.
"Wala akong atraso sayo, napakaswerte mo nga at ipapakasal ka sakin?" Wow! Ang lakas ng hangin ah. Pinanlakihan ko siya ng mata, ang yabang talaga nitong antipatiko na to.
"Anong sabi mo? Ako swerte? Sino ba nagsabi sayo na papakasal ako sayo? I don't even know you I don't even love you. Kung ikakasal man ako I want it to someone that I love. CHE!" mataray na sabi ko. Tumayo siya at lumapit sa harapan ko.
"Ako ba gusto ko din makasal sayo? Diba nga hindi kita type. Even minimum requirements ng gusto ko sa babae wala sayo. " he said while looking at me from head to toe. Natameme ako doon, ang harsh niya talaga. Napayuko na lang ako sa hiya.
"Kung wala ka ng sasabihin na maganda, pwede mo na ako iwan dito gusto ko na magpahinga" bulong ko sa kanya, nakita kong naglakad na siya palayo. Nanlulumo akong humiga ang lambot ng kama, pero parang lutang ang pakiramdam ko. Ang sakit naman niya magsalita..
Hindi ba niya alam na makakasakit siya ng damdamin?
Narinig kong sinara na niya ang pinto.
Hindi ko tuloy napigilan ang umiyak.
Kaya ba ako iniwan ni Mateo, dahil mas may higit sa akin? Na walang nakaka-appreciate kung ano ang meron lang ako. Naramdaman ko na naman ang sakit..
Sakit na maiwanan...
Ang mga tanong ko sa sarili ko bakit niya ako iniwan ngayon bumalik na naman sa isipan ko?
Mayaman sila Mateo, parang si Brandon at ako mahirap lang pero pinaglaban ako ni Mateo sa pamilya niya nakita ko yun naramdaman ko.
Hindi naman ako ambisyosa pero ng nakilala ko siya natuto akong mangarap. Mangarap na sana siya na ang makakasama ko sa habang buhay.
Mayaman, mabait, maginoo at hindi mapanlait. Kahit mahirap lang ako tanggap niya ako. Hindi nga lang tanggap ng pamilya niya. Siya ang first boyfriend ko, nangako siya sa akin na ipaglalaban niya ako hanggang huli. Pero siguro napagod na siya, pero hindi maliwanag sa akin bakit niya ako hiniwalayan. Kaya hanggang ngayon umaasa ako na babalikan niya ako.
Paano naman kasi hindi maliwanag? Sa text niya lang ako hiniwalayan. After that hindi na niya ako kinakausap.
"Velvet, Im so sorry. Even if we can't be together in the end, I'm glad that you were a part of my life. It's hard for me to say this but I think I can't make you happy, you deserve someone else. Someone that will really give you the true happiness. Maybe this is not the right time for us."
Andito pa siya sa cellphone ko. After ng text niya na yan wala na kami communication, hindi na niya sinasagot ang mga text ko at pm ko sa sss.
Ganon lang pala sa kanya yung pinagsamahan namin? Hindi ako expert pagdating sa love first time ko nga na masaktan ng ganito eh. hindi ko pa din alam paano mababalik ang wasak kung puso?
Tumawag kaya ako kay Papa Jack? Baka matulungan niya ako makapagisip.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at pumunta sa fm station ni Papa Jack sakto Love confession na. Sayang hindi ko naumpisahan ang kwento ng caller kasi si Papa Jack na ang nagsasalita.
"Alam mo kung ano ang shortcut sa pagmo-moveon? Umiyak ka lng ng umiyak... Hanggang sa dumating ang punto na wala ka ng luhang ipapatak" sabi ni Papa Jack sa caller niya.
Umiyak na naman ako. Hindi pa talaga ako nakaka-moveon kasi madami pa akong luha eh. Haysss. .
"Hindi bale na siya ang bumitiw, basta alam mong wala kang pagkukulang" sabi niya ulit sa caller niya.
Tama wala naman ako ginawa na masama sa kanya minahal ko lang siya. Siya ang unang umayaw.
"Maraming babae ang hindi perpekto, pero hindi dapat sila niloloko"
Teka ako ba ang caller? Bakit lahat sakto saken? Hindi ako perfect wala naman perpekto eh pero tama dapat hindi kami niloloko. Nakakaloka tong si Papa Jack feeling ko talaga para sa akin lahat ang mga sinasabi niya.
"We will never learn to survive unless we experience pain"
Tama! Iiyak na lang ako hanggang sa mapagod na ang mga mata ko, sana malapit na yung time na maubos na siya. Pagod na pagod na kasi ako.
Nagising ako sa silaw ng araw sa labas. I opened my eyes at bumuluga sa akin ang mataas na sikat ng araw, hindi pala nakaayos ang kurtina kaya welcome na welcome ang liwanag sa kwarto na to'.
I rolled to the other side of the bed I am now facing the side of the door. Nang madako ang mata ko sa gilid ng kama muntik na akong mapasigaw sa gulat ng makita ko na nasa tabi ko si Brandon nakaupo siya while smiling at me.
"Morning" bati niya saken. Hindi pa rin natatangal ang mga nakakalokong ngiti niya sa akin.
"Morning din" agad ko siyang nilayasan at pumunta sa c.r nakakahiya bagong gising ako tapos siya mukhang fresh na fresh. Nasaan ang hustisya don?
"Bilisan mo diyan dahil kakain na tayo ng breakfast, they were waiting for us" sigaw niya sakin. Hindi na ako sumagot bahala siya. After kong maghilamos at magtoothbrush lumabas na din ako.
"Let's go, andun na sila hinihintay tayo." Hinawakan na naman niya ang kamay ko. Dapat kailangan laging holding hands kami sa harap ng parents niya? Kinaladkad na niya ako pababa sa dining area. Pag tipong aalisin ko ang kamay ko lalong humihigpit ang hawak niya sa akin, napagod na ako makipagbuno. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko, infairness naman sa kanya malambot naman kamay niya hindi na ako lugi diba?.
"Good morning iha, how are you? Are you feeling better now?" she greeted me and give me a quick hug.
"Yes po." pinaghila ako ni Brandon ng upuan at inalalayan makaupo.
"Iha bakit namamaga ang mata mo?" puna ng Daddy niya. Bakit ba hindi ko yun naisip? Nakatulog kasi ako na umiiyak kagabi.
"Iho bakit mo pinapaiyak si Velvet huh, anong ginawa niya sayo iha. Tell me." Ang sama ng tingin ng mommy niya kay Brandon, si Brandon naman halata na clueless siya.
"Nagtalo lang po kami mom, iyakin lang po talaga si Velvet pero wala po akong masamang ginawa sa kanya diba MINE?" he explained aba teka bakit may endearment na, may diin pa sa MINE ah. Mine mo mukha mo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil, agad kong kinurot ang kamay niya. Siguro gusto niya na ipagtanggol ko siya.
"Opo, don't worry po. Minsan po kasi sobrang sensitive ako kaya kahit maliit na bagay umiiyak po ako. Wala po to, okay po kami" ginatungan ko pa, ako na ang baliw nakikiride pa ako sa trip nitong si Brandon.
"Kala ko naman inaway ka ni Brandon, magsumbong ka lang sa akin Iha ah. Ako bahala diyan." sabay tawa ng mommy niya si Brandon naman napakamot na lang sa batok niya.
"Iha, saan ka na nga ulit nagwo-work?" tanong ng daddy niya sa akin, dumating na ang katulong nila at isa-isang inihahain ang mga pagkain. Sinalinan niya din ako ng kape.
"Full time po ako sa callcenter at part-time singer po" sagot ko ito lang siguro ang totoo sa mga sinabi ko.
"Wow interesting, so u have a good voice I guess?" manghang sambit ng daddy niya.
"Yes dad angelic voice indeed" singit ni Brandon. Ang aga-aga binobola na niya ako.
"Kaya ka siguro na-inlove sa kanya iho ano?" sabi ng mommy niya na parang kinikilig pa nakita kong napa-angkla ang kamay niya sa braso ng asawa niya at pinagpapalit-palit niya ang tingin sa amin ni Brandon.
"Yes mom, una ko palang siya na marinig kumanta tumibok na ang puso ko sa kanya" our eyes met, and he looked at me sweetly. I looked down dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Echosero. Hindi niya nga ako type diba?.
"I'm so happy for you son, bukod sa mabait itong si Velvet talented pa pala."his daddy also smiled at me, buti pa ang mga ngiti nila alam kong totoo. Pero ewan ko ba dito sa pamilya ni Brandon ang weird talaga nila.
"Iha, ok lang ba na magresign ka na sa full time na work mo, pero sa pagkanta mo ok lang you can continue with it. Maganda kasi na maging full time housewife ka. After we got married sa bahay lang ako, ngayon na lang ako sumali sa pag-aasikaso ng business namin, magfocus ka lang sa pag-aalaga kay Brandon." Nainom ko tuloy ng straight ang kape ko, napahawak ako sa lalamunan ko napaso tuloy dila ko.
Paano na ang mama ko? Wala ako pang suporta sa kanya if I will resign. Teka bakit ko ba naiisip yun hindi naman ako magpapakasal sa hambog na anak niya.?
Lahat sila ay nakatingin sa akin, they were waiting for my answer. Pinisil ulit ni Brandon ang kamay ko, aba nakakadami na siya.
"Ok po" tipid na sagot ko. Hala! Bakit ko ba nasabi yun!?
"Good, iho dito na lang kayo tumira ni Velvet after the wedding, wala naman tao dito at bihira lang naman kami dito sa Manila." suhestiyon ng daddy niya.
"Sige po dad. Ok lang naman sayo diba mine?" sabay hawak sa kamay ko ulit at pinisil ito na parang sabihin na sumasang ayon ako sa sinabi niya.
"Yes no problem." Ngumiti sa akin ang mommy at daddy niya.
"I'm so happy talaga son. You're getting married and then after that magkaka-apo na ako. I'm so excited, I can't wait for that day that there will be little voices that will echo in this house and they will say Lola, Lolo let's play." his mom's happiness are all over her face. I can't deny it. Even her dad, makikita din ang sobrang kasiyahan sa ekspresyon ng mukha niya.
Pero teka kasal tapos apo? Baka mahimatay na naman ako. Wag naman po.
"Syempre po mom, ilan po ba gusto niyong apo?" ginatungan pa eh. Kung pwede lang sabunutan, tadyakan tong si Brandon ginawa ko na. Tinapakan ko nga siya sa paa niya, napangiwi siya ng saglit pero inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi ko.
"Alam mo ba napagusapan namin yan ng mommy mo kagabi bago kami matulog kung ilan ang gusto naming apo? We both think na mas madami mas masaya. Anim sana kung okay lang kay Velvet? 3 girls and 3 boys" anito.
Napaubo talaga ako ng todo. Naramdaman ko na hinahagod ni Brandon ang likod ko.
Huwat! May apo thingy pa. Hindi ko na kaya to. Ang sakit na ng ulo ko. Daig ko pa ang sumakay sa roller coaster na mga tipong umikot ng 100 times.
"Ok lang naman yun sayo mine diba? The more the merrier" gumawa ka mag isa mo.
Pilit na SMILE! Yan lang ang sagot ko.
"And iha I almost forgot I want to meet your parents probably next week we need to go back kasi sa Cebu and when we come back mamanhikan na kami sa inyo para mafinalize na din ang kasal." ang daddy niya.
Hindi pwede! Baka atakihin sa puso si Mama...
"Ahhhh, kakausapin ko po muna si Mama" kinakabahan na sagot ko. Sana pag-uwi ko tapos na tong kalokohan na to, Naii-stress nako!
"Don't worry mine, ako muna ang magsasabi about it sa Mom mo." Lihim ko siyang inirapan. Ewan ko sayo, grabe na siya makiride sa trip ng parents niya. Hindi na ako natutuwa.
After that there is a moment of silence, nawalan ako ng gana kumain kahit gutom na gutom na ako.
"Ok we're done we need to go, we will attend a meeting sa hotel then diretso na kami sa flight namin pa Cebu nagkaroon kasi ng emergency so as much as I want to be with you guys kailangan muna namin umalis." sabi ng daddy niya. Tumayo na rin ako at nag beso beso kami ng mommy at daddy niya. Mabait sila. Maswerte si Brandon kanila.
"Anak ikaw na bahala kay Velvet ah. Yung promise mo wala munang you know? After kasal na ok?" habilin ng mommy niya kay Brandon.
"Yes mom don't worry, Promise" itinaas niya pa ang kamay niya, he hugged her mom and dad. Dumating na ang driver nila para sunduin sila. Naiwan kami ni Brandon sa living room.
"Pwede mo na ba ako ihatid?" gusto ko na talagang umuwi walang kasama si Mama.
"Sige pagkatapos nating magusap" mukha siyang seryoso, tumabi siya akin.
"Ano naman ang paguusapan naten?"
"Diba gusto mo magexplain ako, and I told you I will diba?" hindi ko na inaasahan ang explanation niya.
"Ok go ahead" I answered unconsciously.
"About sa kasal that's true, and we need to do it." Namilog ang mga mata ko.
"Don't worry hindi ko ipaparegister ang kasal natin siguro after 6 months to 1 year maghihiwalay na rin tayo magpapanggap lang tayong kasal, I need to grant their request ayaw ko talaga sila ma-disappoint sa akin. Siguro naman hindi na nila tayo pipilitin after that if hindi talaga nag-wowork ang relasyon natin and I'm sure they will let us go" ganon lang ba ang kasal sa kanya LARO lang?
Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Let me explain first after that ka na magreact okay?" umaatake na naman ang pagiging rude niya. Nakakainis.
"Ok fine!" iritadong sabi ko.
"Magresign ka na sa work mo, ako na ang bahala sa expenses mo. I'll give you monthly allowance until kasal pa tayo. Ikaw na bahala if gusto mo magpatuloy sa part time job mo. Mapakita lang natin sa kanila na inaalagaan mo ako." ano ba ako laruan? Pagkatapos mo gamitin itatapon na lang. Parang ganon kasi ang pagkakaintindi ko eh.
"Bibigyan din kita ng work pag naghiwalay na tayo. Napakaswerte mo na sa setup natin. Alam mo ba yun? Hindi ko gusto ito pero kailangan ko to gawin. Makikinabang ka din naman dito eh. Kaya wala kang choice kundi ang makipag cooperate sa akin. Ako ang tagapagmana ng kompanya namin at ayaw kung mawala yun dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto nila" Nanlulumo ako sa mga sinasabi niya. Pilit kong inaabsorb at pinapaintindi sa utak ko.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko, ang hirap ng gusto niya? Marriage is so sacred for me, kailangan pag pumasok ka sa ganoong sitwasyon dapat yung taong mahal mo at mahal ka. I can't imagine myself marrying the guy I don't even know, all I know is his name that's all. Wala pa ngang 48 hours kaming magkakilala eh.. Nakakaloka diba?
"Pwede na ba ako magreact?" hindi ko na kinaya mga pinagsasabi niya.
"Yes" tipid na sagot niya.
"Labag ito sa loob ko, pero papayag ako. Maganda naman ang offer mo eh. Saka mabait ang parents mo sa akin hindi sila matapobre ayaw ko din sila saktan, kahit isang araw ko pa lang sila nakikilala alam ko na ang gusto lang nila ang kabutihan para sa iyo. Mahal na mahal ka nila, pero isa lang hihilingin ko sayo." hindi naman masamang tumulong. Para sakin din to.
Baka sakaling makalimutan ko na si Mateo pag nasa ibang mundo na ako.
"Ano yun?"
"Wag na wag mo ako pag-isipan ng masama, na baka dahil pumayag ako kasi sa pera mo at karangyaan na pwede mo ibigay sa akin. Gagawin ko to para tulungan ka. At isa pang kundisyon" mayaman siya mahirap ako pinangunahan ko na siya ayaw ko na isipin niya na pera lang ang habol ko.
"Ano na naman?" medyo iritadong sabi niya.
"Kasi iniisip ko, we will be in the same roof and we might be together for few months, Hindi kasi imposible eh, pero please" naramdaman ko ang pamamasa ng palad ko. Minasahe ko ang mga daliri ko ganito kasi ako pag kinakabahan.
"Don't let me fall for you. Yun lang." nakakahiya ano ba sinabi ko? Gusto ko bawiin.
"Ah yun lang pala. Don't worry I already told you twice at uulitin ko, hindi kita type." I looked at him with baffled anger. Ang sama talaga ng ugali kailangan ulit-ulitin pa na hindi niya ako type. Nanigurado lang ako.
"Magiging sweet lang tayo pag andito sila pero pag wala let's just be civil wala tayong pakialamanan, you can do what you want I can do what I want. But make sure if makikipag date ka discreet lang dahil kilalang pamilya kami someone might see you at ganun din ang gagawin ko" pahabol pa niya.
"Ok deal" I said shyly. Inalahad niya ang kamay niya sa akin at nagkamay kami. Nagpaalam siya saglit at may kukunin lang daw siya sa kusina.
"Oh eto, baka makalimutan mo yung pasalubong mo sa mama mo." Iniabot niya sa akin ang bigay na cake ng mommy niya
"Salamat" umakyat ako sa guest room para kuhain ang gamit ko. Tinignan ko ang cellphone ko. Ang daming miscall from Nadine at pati text ang dami din.
"Hoy Velvet!! Andito ako sa house niyo, hindi ka pala umuwi kawawa naman si Tita walang kasama andito lang ako hihintayin kita kahit anong oras ka umuwi. Madami ka ng atraso sa akin." Patay. Nakalimutan ko na pupunta pala siya today sa house.
"Ok ka na ba, hatid na kita?"napalingon ako, sumunod pala siya sakin dito. Tumango lang ako sa kanya. Bumaba na kami at dumeretso sa kotse niya.
Trapik na naman. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Kanina pa kasi kami tahimik tanging ang music player niya lang ang naririnig namin.
"Pwede magtanong?" anito.
"Ano yun?"
"Bakit pala namamaga ang mata mo kanina? Umiyak ka ba dahil sa sinabi ko na hindi kita type?" Wow!! Laki din ng tiwala mo sa sarili mo boy!Napailing ako ng sobrang dami, I can't believe that he will say that to me.
"Ok lang ba na hindi ko sagutin? It's none of your business" naiinis na naman ako. Feeling ba niya dahil dun. In your dreams never akong iiyak dahil sayo.
Natawa siya sa sinabi ko. As in ang lakas ng tawa niya after that.
"Ok lang" tipid na sabi niya after that bumalik ang katahimikan.
Naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko agad ko itong hinanap sa pouch ko. Si Nadine.
"Hello" sinagot ko na kanina pa kasi siya tawag ng tawag eh.
"Hoy Velvet! Asan ka na ba huh? Namumuti na ang mga mata ko kakahintay sayo ah"
Ang lakas ng boses niya halos mabingi ako.
"Relax lang bes, on the way na ako wait lang. May pasalubong naman ako sayo"
"Siguraduhin mong matutuwa ako diyan. Sige bye"
Buti na lang hindi na humaba pa ang usapan namin, basta pasalubong nanahimik siya.
"Pwede ba ako magstay sa house niyo kahit mga 1-2hrs lang? If ok lang sayo?" tiningnan ko siya na nakataas ang kanang kilay ko.
"At bakit?"
"I want to know you more and your family, para if tanungin ako nila mommy may isasagot ako at magtugma ang sagot natin diba?" he smiled at me, yung smile na kita ang mapuputing ngipin niya.
"Pagiisipan ko, ilang araw na tayo magkasama nag-sasawa na ako sa pagmumukha mo!" pangaasar ko sa kanya.
"Grabe ka naman, umpisa pa lang to. Matagal mo pa ako makakasama masanay ka na saka ang daming babae diyan na gusto ako makasama ikaw pa kaya" bakit ko sasanayin ung paningin ko sa pagmumukha mo ma-miss pa kita pagkatapos na deal natin. No way!!!
"Whatever!! Mr. yabang"
"Sungit" he mocked me with his evil wicked over reacting smile.
"Masanay ka na din masungit talaga ako sa mga antipatikong living thing at hambog na nilalang like you"
"Ganon ba ako?" nagtatampo na tanong niya. Talagang tinanong pa niya. Hindi ba siya nainform ng sarili niya?
"Talk to my hand" tinapat ko ang palad ko sa mukha niya. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya at nanahimik na lang siya.
Ayaw ko na sana papasukin si Brandon but he insisted.
"Hello Tita good afternoon po" bati niya kay Mama ng salubungin kami sa gate pa lang.
"Good afternoon din iho, kanina pa andito si Nadine nakatulog na oh kakahintay sayo. Pasok ka iho" pagpasok namin nakita kong tulog si Nadine sa sofa. Kawawa naman ang bes ko nakatulog na kakahintay sakin may shift pa to kanina eh.
Inabot ni Brandon ang cake na hawak niya kay Mama, pumasok na kami at si Mama dumeretso sa kusina.
Pinaupo ko na si Brandon sa katabing upuan at ginising ko si Nadine, pupungay pungay pa ang mata niya. At biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking nakaupo sa tapat niya.
"Besshyy, shino yansh kasamashs mo?" Magpacute ba?
"Bes si Brandon, Brandon ang bestfriend ko si Nadine" ngshake hands sila, Kinilig ang loka nangingisay pa. Nakakahiya.
"Bessh siya na ba ang new boylet mo?" ayan na ang sinasabi ko eh. Ang bunganga niya.
"Yes, I'm her boyfriend" napatuptop ako sa bibig ko sa sagot ni Brandon. After that may narinig kaming nabasag sa kusina.