Chapter 21

2039 Words
Ang sakit sa bangs ng mga kaganapan ngayong gabi. Sana natulog na lang ako sa bahay natuwa pa ako. Bakit pa kasi sumama ako dito kay Brandon? Nawindang lang ang utak ko. Una, iiwanan lang din naman niya ako dito at makikipaglandian sa ubod ng ganda na ex girlfriend niya. Masisisi ko ba siya eh ang ganda talaga ng ex niya ano naman ang laban ko don diba? Pangalawa nakita ko pa ang duwag kong ex boyfriend tama naman diba? Duwag siya! Pinaglaban na niya ako hindi niya pa naituloy, umurong ang buntot niya tapos nagusap nga kami hindi naman siya nag-explain. Bahala na siya, basta ako continue sa pagmo-moveon. Iniwanan ko na si Mateo dun sa park, ayaw ko ng g**o baka mamaya makita pa kami ng girlfriend niya mageskandalo pa yun at ayaw ko naman mangyari yun. Dumeretso ako sa cr pagpasok ko pa lang feeling ko nasira na ang makeup ko at need ko ng mag-retouch. Pagbalik ko sa table namin lahat sila ay nakatingin sa akin. Pero wala na naman si Brandon. "Velvet saan ka nagpunta? Hinahanap ka ni Brandon" agad na tanong ni Eddie pagkaupo ko pa lang. "Nagusap lang kami sa labas at saka hindi ko naman nakita si Brandon." Sabagay ang dami talagang tao ngayon dito at sa sobrang bilis maglakad ni Mateo baka hindi na niya siguro kami nasundan kanina. Tumabi sa akin si Salve. "Friend sino yung boylet na yun? Alam mo ba ang tagal bago nagreact si Brandon kung kailan wala ka na sa paningin namin saka ka hinabol parang ewan lang, binatukan ko nga ang kupad eh." Inis na kwento ni Salve tumango lang ako. At bakit naman niya ako hahabulin as if he care? "Ganon ba hayaan mo nga siya. Friend ko lang naman yun eh" humingi ako ng iniinom nila wala na kasi yung iniinom ko kanina. Nawala ang tama ko sa mga ininom ko kanina. Gusto ko magpakalango, maglasing ng todo todo! "Ay" nagulat ako ng kumuha ng baso ko. "Saan ka nagpunta?" si Brandon at ang sama ng tingin niya sa akin. Anong pinaglalaban niya? "Bakit ba? Ikaw ba tinanong kita ng wala ka dito kanina?" inis na sabi ko at sabay kuha sa baso ko na hawak niya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at naupo sa tabi ko. "Kargo kita syempre pag may masamang mangyari sayo. Tama na yan paginom mo." Suway niya sa akin at akmang kukunin na naman ang baso ko. Pero iniiwas ko ito. "Kaya ko sarili ko okay! Just enjoy" sabi ko sabay inom sa alak sa baso ko. "Oo nga naman sweety enjoy your night." napalingon kami ng sabay sa nagsalita na babae, siya yung kanina na nakita namin sa restroom at kinausap si Salve. "Amanda" si Brandob. So ito yung ex niya kaya pala kay Salve ko pala narining ang name niya kanina. Tumayo si Brandon at tumabi dito. "Why don't you introduce me to her?" malanding sabi nito bigla akong nairita sa magandang babae na to at sabay angkla pa nito ng kamay niya sa braso ni Brandon. "Ahh Amanda this is my fiancé Velvet." nahihiyang sabi niya. Inabot niya sa akin ang kamay niya at nagdadalawang isip ako pero nakipag-shakehands pa rin ako sa kanya baka isipin niya suplada ako sa personal. "Excuse me" si Brandon umalis muna may tumawag sa kanya. "Nice meeting you Velvet, so you are the fiancé of Brandon. Pwede na pero hindi pa rin sapat para ikaw ang ipalit niya sa akin." sarkastikong sabi nito sa akin nakita kong inismiran niya ako. Aba! Anong problema niya huh? "Just so you know we already reconcile and Brandon will just fix everything and will dump you right away." may mga pagdidiin sa bawat salita niya, agad na hinawakan ni Anne ang kamay ko. I dunno what to react, in the first place I don't have the right to be hurt with what she said. There's never an us! Hindi kami, deal lang ito. "That's good to know" mahinang sambit ko at nanghingi ulit ako kay Eddie ng alak na iniinom nila at straight na ininom ito. "So you better back off, Brandon is only mine." Tinignan ko siya ng masama. "Eh di isaksak mo sa baga mo, magsama kayo." Tumayo ako at naglakad papuntang cr, sinundan ako ni Salve. "Friend, ok ka lang ba?" nanginginig ang boses ni Salve I just looked at her at nagulat ako ng yakapin niya ako. "Ano ka ba Salve ok lang ako." paliwanag ko kay Anne, pakiramdam ako any moment babagsak ang mga luha ko. Hindi dahil sa nasasaktan ako, naaawa lang ako sa sarili ko. Feeling ko kasi kinakaawaan nila ako dahil sa sitwasyon namin ngayon ni Brandon. She pulled away from the hug at parang gulat si Salve na makita na hindi man lang ako umiiyak. "Hindi ka man lang ba nasaktan? Ako kasi nainis ako sa sinabi sayo ni Amanda napakabrat talaga niya ang hilig niyang manakit ng damdamin ng tao eversince." Bakas talaga ang galit sa itsura ni Salve, maybe she also don't like her. "Hindi naman, alam mo naman siguro setup namin diba? I don't have the right to react nor feel hurt. What we only got is just a deal aside from that, wala na." nakangiting sabi ko sa kanya. Pure business no emotions attached period! Naudlot ang sanang sasabihin ni Salve ng magring ang cellphone ko at nag-excuse ako na sasagutin ko lang ito. Saved by the bell. Si Hampton.. "Vet, where are you? Tapos na ako sa meeting ko pwede na kitang sunduin" lumuwag ang dibdib ko buti na lang andito si Hampton.. "Dito ako sa Q Events Place dito sa may Makati Ave" walang alinlangan na sagot ko. "Alam ko yan sige wait me there maybe in 10mins, I'll call you pag nasa labas na ako" napapapikit ako, salamat naman makakauwi na ako sa impyerno na lugar na to'. "Friend sure ka ok ka ah" tanong ulit ni Salve pagbalik ko sa kanya. "Yup uuwi na din ako may hinihintay lang akong sundo ko" nginitian ko lang siya to assure her that I'm really okay. Bumalik na din kami sa mesa namin. Andon pa din ang bruha at andon na din si Brandon. Nagsalin ulit ako ng alak.Pagtapos kung inumin ang isang baso tinignan ko sila at ang sama na ng tingin sa akin ni Brandon. Si bruha naman busy sa panonood ng kumakantang banda. Inirapan ko lang siya sabay salin ng alak ulit. Inenjoy ko na lang ang last shot ko. Anytime I'm sure tatawag na si Hampton. Pupunta siya dito para isave ako sa mga impakta dito. Ang sakit na ng ulo ko, nakita kong may tumawag sa bruha at umalis ito. Si Brandon naman ay tumabi sa akin bakit ba kasi hindi ako gumitna sa mga friends niya para walang bakante ng upuan eh. "Velvet, I'll explain everything later ok. I'm really sorry." he whispered sapat na para marinig ko. Sorry mo mukha mo! Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa at pinisil ito. "No need to explain, remember pure business lang ito ang bilis mo naman makalimot" sarkastikong bulong ko sa kanya. Nakita ko siyang natameme. Naramdaman kung nagvibrate ang cellphone ko, padabog kong tinangal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Vet, im here in the parking lot let's go" hindi na ako sumagot binaba ko na ang phone ko. Tumayo ako at pinigilan ako ni Brandon. "Where are you going?" "Uuwi na ako Salve, Eddie, guys thanks ah nice meeting you. Mauna na ako. Ingat kayo paguwi ah." Paalam ko sa kanila, lahat naman sila ay nakatulala lang sa akin, si Vice at ako naghihilaan ng braso ko ayaw niya kasi ako bitawan. Nagipon ako ng lakas para matanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin, after that mabilis akong naglakad palabas. Sinusundan ako ni Brandon I heard him shout my name, deadma lang! Nakalabas na ako pero nararamdaman ko na nasa likod ko lang si Brandon. Agad kong nakita si Hampton na nakatayo sa labas ng kotse niya. Nabigla ako ng yakapin ako ni Brandon from my behind.. Sobrang higpit. "Bakit ka sa kanya sasama pauwi ako ang kasama mo dito papunta ah ako ang maghahatid sayo." bulong niya at agad na pumunta sa harapan ko sabay hinawakan ang dalawang kamay ko. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa ang tanging nakikita ko lang ay ang mga mapupungay na mga mata niya. Nagulat na lang ako ng biglang bumulagta si Brandon. Lumingon ako at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Hampton. "Tarantado ka ah bastos, Vet sino ba yan?" sigaw ni Hampton. Agad akong hinila ni Ton papunta sa kotse niya. "Subukan mong sumunod hindi lang yan ang aabutin mo" pagbabanta ni Ton, akma kasing lalapit si Brandon sa amin habang hawak hawak ang pisngi niya. Tinignan ko lang saglit si Brandon bago ako sumakay sa kotse ni Hampton. "Gago yung lalaki na yun ah. Balak ka pang manyakin. Nag-init ulo ko dun ah" sabay suntok sa manibela ni Hampton. Hindi ako nagsalita parang ang lakas ng suntok niya kay Brandon kanina. Naramdaman kong nagvi-vibrate ang cellphone ko. Si Brandon. "Hello" "Hindi ba sabi ko sayo iwasan mo na yang lalaki mo, bakit sumama ka padin sa kanya?" singhal niya sa akin. Baliw din tong lalaki na to eh noh? Unfair lang ang peg... "May amnesia ka na yata. Rule no.4 maybe you need to read it again. Para maintindihan mo." napatingin sa akin si Ton mukha siyang nagtataka sa mga sinasabi ko sa kausap ko. Rule #4. We can date whoever we want. Bwiset siya. Pinakelaman ko ba siya kanina? Hindi diba? Kaya wala siyang karapatan na sigawan ako at sabihin na iwasan ko si Hampton. "But I can change that" banat niya. Lalo akong nainis. "Sige na bye" ibaba ko na sana pero humabol pa siya. "Velvet wait mo ako sa bahay niyo ok. We need to talk." Peste siya parang ayaw ko tuloy umuwi. Ayaw ko siyang makausap not now. "Hindi ako uuwi" malamyang sagot ko. Binabaan ko na siya ng phone at pinatay ito. Nilingon ko si Hampton na mukhang curious sa kausap ko. "Ton you know what I saw Mateo awhile ago at nagusap kami" pagiiba ko ng usapan para hindi na magtanong si Ton kung sino ang kausap ko. Laking gulat niya at bigla na lang siya napapreno at buti na lang at nakaseatbelt ako kung hindi baka tumalsik na ako sa labas. "Sorry Vet, ayos ka lang ba? Sorry hindi ko sinasadya" pag-aalala nito. Hinawakan niya ang mga braso ko at isa isang tinignan kung may galos ba ako. "Ok lang ako hindi naman ako nasaktan." "Do you want to talk somewhere about it? I'm willing to listen" "As much as I want to share it to you but I'm so tired, ok lang ba na ihatid mo ako kina Nadine?" dun muna ako matutulog ayaw ko pa kasi umuwi. Binuksan ko muna ang phone ko para itext si Mama na wag na ako hintayin para hindi na rin siya mag-alala. Pag minamalas ka nga naman oh. Pagdating namin kina Nadine walang tao. Saan kaya ako magpapalipas ng gabi? "Badtrip naman ayaw ko pa umuwi eh" pagdadabog ko ng bumalik ako sa kotse ni Ton. "Sa bahay ka na lang muna magstay kung okay lang sayo" alok nito. Naku magisa lang talaga siya sa condo niya mahirap na. Nahalata niya siguro na nag-aalangan ako. "Don't worry I won't do anything magpalipas ka lang ng gabi sa amin then hatid kita early in the morning" alam ko babaero si Ton pero when it comes to me I know that he respect me a lot. "Sige pero hatid mo din ako kaagad ng maaga ah ayaw ko lang talaga umuwi pa" sabi ko at sumakay na ulit ako sa kotse. Ayaw ko kasi makita ako ni Mama na ganito ang itsura ko. Umakyat kasi lahat ng alak sa ulo ko at ngayon ko lang naramdaman ang alak sa katawan ko. I look so wasted, sa sobrang daming alak na nainom ko pati sa mga nangyari sa akin sa buong gabi. Sino ba naman hindi maha-haggard diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD