Chapter 20

2984 Words
Napansin ako ng mga friends ni Brandon na kanina pa ako salin ng salin ng alak sa baso ko. "Velvet are you okay?" tanong ni Eddie at pinigilan ang pagkuha ko ng alak. "Yeah ayos lang ako sensya na ah sarap kasi ng alak na to. Ngayon lang kasi ako nakatikim nito eh" explanation ko kay Eddie, hindi ako makatingin sa kanya ayaw ko kasi makita niya ang itsura ko ngayon. Baka kasi magaalala sila. Feeling ko kasi mukha na akong badtrip, tapos umalis pa si Salve may humila sa kanya friend niya siguro malamang sumama siya eh. "Lika dito ang layo mo naman kasi. Para makapagkwentuhan tayo" niyaya ako ni Eddie na tumabi sa kanya buti pa tong si Eddie he make sure na hindi ako maboboring or ma-out of place dito. "Sige pero cr muna ako ah. Babalik din ako kaagad." paalam ko kinuha ko ang purse ko at naglakad na papunta sa restroom. Mukhang nahihilo na ako. Pagtapat ko sa salamin nakita ko ang sobrang pamumula ng mga pisngi ko agad akong naghilamos baka sakaling mawala. After that nagretouch na din ako. Palabas na sana ako ng nagring ang cellphone ko. Si Hampton. "Hello" "Velvet where are you? Bakit ang ingay?" agad na tanong niya. "Ah andito lang ako sa Makati may inaasikaso lang ako" "Saan sa Makati pupuntahan kita?" "Hindi na Ton may mga kasama ako kaya may kasama naman ako pauwi don't worry." Tanggi ko sa kanya, sana lang wag na siyang mangulit. "I will go there hindi ako at ease I want you to go home safe. Wait for me I'll call you later." he said then he ended the call. Paano na to? Hinayaan ko na lang baka joke lang yun saka hindi naman niya alam kung saan ang exact location kung nasaan ako ngayon hindi ko na lang sasagutin ang tawag niya mamaya. I glanced at myself in the mirror bago ako tuluyang lumabas. Kapal talaga ng mukha nitong lalaki na to. Wala pa din siya halos dalawang oras na niya ako iniwan dito. Layasan ko kaya siya? Nakita ko si Salve na hinahanap ako at patingin tingin sa paligid. "Velvet" sigaw nito. Lumapit ako sa kanya. "Akala ko umuwi kana eh." May pagaalala na sabi nito. "Hindi ng cr lang ako" naupo na ulit ako at nagsalin ako ulit ng alak na iniinom ko. Ang sarap sa pakiramdam ng pagbaba ng alak sa lalamunan ko. Pumunta ako sa may buffet table at kumuha ng makakain nakakagutom. Pagdating ko sa buffet table naririning ko na naman ang mga bubuyog. "Look at her! Such a loser, she didn't know na ginamit lang siya ni Papa Brandon. Look where is Brandon he's with Amanda na." "Yah, if I were her I will go home na and then will make iyak-iyak na lang sa isang sulok." "Kawawa naman isa lang sa mga toy ni Brandon. Kawawa naman siya at sinama pa dito noh?" Hindi ko na sila pinatulan mauubos lang ang energy ko mas pinili ko pa ang kumuha ng pagkain. Pero parang narinig ko na yung name na Amanda na yun kanina I don't know lang kung kanino. So ayun ang ex siguro ni Brandon at baka andito siya kaya wala siya sa tabi ko. Fine! She can date whoever she wants. I... don't... care! May biglang kumirot sa isang parte ng katawan ko at hindi ko alam saan banda ito. Bakit kasi sinama pa ako dito? Harapan na pambabastos diba? Why he would introduce me as her Fiance then he's with someone else right now? Feeling ko ego ko ang masakit. Pati pride. Tama ego at pride. Eh! Hindi naman part ng katawan ko yun ah. Napakamot na lang ako sa noo ko kung ano-ano kasi ang naiisip ko. Basta yun ang alam ko mukha lang naman kasi akong tanga dito. Pinagchichismisan na siguro nila lahat ako. Eh ano naman kung pagchismisan nila ako? Hindi ko naman true na jowa tong si Brandon. Kiber ko ba? Deal nga lang diba? D- Di E- Enough A-Ang L-Love Natawa ako sa sarili ko, kung ano-ano ang naiisip ko nabigyan ko pa tuloy ng meaning ang salitang DEAL. Bumalik ako sa mesa namin at kumain nitong mga nakuhang kong pagkain. Nang medyo nabobored na ako para kasing may mga sariling mundo na sila nagpaalam muna ako kay Salve na kunyari ay magccr. Lumabas ako sa at nagpunta sa parking lot feeling ko kasi suffocated na ako and I need to breathe some fresh air. Naglakad-lakad lang ako buti pa dito tahimik. Walang mga bubuyog. Nakakita ako ng bench kaya naupo ako doon, tinitignan ko lang ang mga labas pasok sa parking lot. Tinignan ko din ang cellphone ko wala naman text or tawag ni Hampton hindi naman siguro niya ako mahahanap. Ano siya may special power para malaman kung nasaan ako ngayon. Nang may mukhang pamilyar na kotse na papasok at parang dito ito banda magpa-park. Alam ko kung kanino yung kotse na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Andito si Mateo! Ano naman kaya ang gagawin niya dito hindi naman sila schoolmate ni Brandon kami kaya ang schoolmate ni Mateo. At tama ang kutob ko dito siya banda magpa-park. Hala anong gagawin ko? Magtatago ba ako? Tatakbo papasok? Tatalikod na lang kaya ako? Or hayaan ko na lang na makita niya ako? Wala na akong time mamili nakapark na sila! Tama ako si Mateo nga, tumalikod na lang ako sa kanila para hindi nila ako mamukhaan. Nanginginig ang mga tuhod ko, pakiramdam ko malalaglag ako sa kinauupuan ko ngayon. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang dibdib ko, wag naman po! Nang marinig ko na mukhang nakasara na ang pintuan ng kotse niya dahan-dahan akong napalingon at nakita ko na silang naglalakad palayo na magkahawak ang kamay. Kasama niya ang bagong jowa niya! Hindi na ako makaalis sa kinauupuan ko, nalungkot ako bigla. Parang nag-flashback lahat ng nakaraan namin halos walong buwan ko na siya huling nakita. Gusto ko siyang yakapin at tanungin kung mahal pa ba niya ako? Automatic na namasa ang mga mata ko. Kainis naman ang lakas pa din ng tama ko sayo Mateo bakit ba hindi ka pa umaalis sa puso at utak ko end of contract na tayo eh! Nasabunutan ko ng slight ang buhok ko sa sobrang inis sa sarili ko, dahil sa nararamdaman ko ngayon. Bakit may sakit pa rin? Ayaw ko na tong maramdaman pero bakit bumalik na naman? Todo emote ako kaya nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Nagpahid ako kaagad ng mga luha ko. "Velvet bakit ka nandito?" tanong nito, isa sa mga friend ni Brandon. "Ah nagpapahangin lang ako medyo nakainom na kasi ako, gusto ko lang ng fresh air." Kiming sabi ko iniwas ko ang mukha ko sa kanya ayaw ko kasi na makita niya na galing ako sa iyak. Sino nga ba to? Hindi talaga ako matandain sa pangalan unless nakasama kita ng ilang oras ang dami kasing friend ni Brandon nagrumble na ata ang name nila sa utak ko. "Okay ka lang ba? May kinuha kasi ako sa kotse ko at napansin kita dito" nag-aalalang tanong nito. "Sorry ano nga name mo ulit?" natatawang sabi ko. Nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Lee ok lang ba na samahan kita dito?" "Ok lang naman kaya lang baka hanapin ka nila don?" buti hindi niya nakita na umiiyak ako. Baka sabihin niya kay Brandon. "Mukhang malungkot ka, care to share? Nakita ko kanina na mukhang nagseselos ka. Kaya ka din ba lumabas? Dahil hindi mo na matake ang nakikita mo?" nagulat ako sa pagiging diretso niya sa pagtatanong sa akin, I glanced at him and smile a bit. Ako nagseselos hindi noh! Asar lang. "Hindi ah may tiwala naman ako sa kanya." hindi ko naiwasan na paglaruan ang mga daliri ko, kinakabahan kasi ako sa mga tanong niya. "Kahit ex niya ang kasama niya balewala lang sayo?" anito na parang hindi makapaniwala. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya na hindi ko alam na ang ex niya pala ang kasama niya, malay ko ba hindi ako nainform eh. "Ex na nga diba? So nakaraan na yun ang babaw ko naman kung pagseselosan ko pa." sagot ko sabay ngiti sa kanya. Narinig ko siyang humalakhak, tinignan ko siya ng medyo masama pero saglit lang. Ano ba nakakatawa sa sinabi ko? "Ayos ka din ah ikaw lang ang babaeng nakita kung ganyan, kung ibang babae kasi yun for sure nagkagulo na sa dance floor kanina but I salute you. Kasi tahimik ka lang, pinahanga mo ako. Pero baka tinatago mo lang kasi mukhang badtrip ka na kanina eh" tinapik ko siya sa braso niya at tumawa ng kimi. "Hindi ah napadami lang siguro inom ko ang sarap kasi ng mix ng drink." Pagsisinungaling ko. "Sige sabi mo ah. Sabagay ikakasal na nga kayo bakit ka pa magaalala kung kausap niya ex niya tama ba?" sabay tawa niya ulit. Ano kaya nakakatawa dun? Nahawa na lang ako at napabungisngis na din. Tama ikakasal na kami and besides I don't care if kasama niya ex niya buhay niya yun. Kung saan siya masaya go lang ng go! "Korek, that's my point. Galing mo ah nakuha mo din" nag-apir pa kami at sabay nagtawanan. Ang kwela ng isang to tawa ng tawa kahit hindi naman nakakatawa. "Cool ka nga tama ang sabi ni Eddie. Mukhang magkakasundo tayo" Naudlot ang pagkwenkwentuhan namin ng magring ang cellphone ko, nagexcuse muna ako sa kanya at lumayo ng bahagya. Si Hampton "Velvet asan ka ba ngayon dito sa Makati? Andito kasi ako sa Makati site natin may meeting lang ako susunduin kita mamaya ah" anito. "Ah kaya pala andito ka. Ok lang ako Ton, sabi ko naman sayo may kasama ako." "Susunduin kita whatever happens ok baka umiinom ka diyan wala akong tiwala sa mga kasama mo kung sino man yan." naku pag ganito na tono niya hindi pwedeng hindi niya gagawin na hanapin ako. "Bahala na ok hindi pa ako tapos dito text na lang kita." pumayag naman siya. Bumalik na ako kay Lee na mukhang may kausap din sa phone niya. "Velvet sila Eddie hinahanap ka na, halika na pumasok na tayo" medyo matagal na din pala kaming andito. Ayaw ko pa talaga sana pumasok what if makita ko si Mateo. Hindi ko alam gagawin ko. Tumango na lang ako at sinundan siya papasok. Nakita ko na si Brandon na nakaupo na sa mesa namin. "Saan ka ba nagpunta? Akala ko umuwi ka na eh" sabi ng bwiset na lalaki na to. Tinanong pa talaga niya ako ah pagtapos niya ako iwan dito? Ang lakas ng loob. "Diyan lang sa labas, pwede naman ako umuwi if gusto mo na." walang gana na sabi ko. "Hindi naman sa ganon, nagaalala kasi si Salve hindi ka niya mahagilap kaya pinuntahan nila ako at tinanong ako kung nasaan ka na." So kung hindi pa siya pinuntahan ni Salve hindi siya babalik dito. Nakaabala pa ako sa kanya dahil kasama niya ang ex niya. "OK!" tipid na sagot ko sabay irap sa kanya, kumuha ulit ako ng alak. Buti pa tong alak walang iwanan. Andyan lang siya nagpapasaya ng gabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis ang baso sa kamay ko. "Tama na yan kanina ka pa daw umiinom?" suway nito. Pakialamero ng taon. "Ayos lang ako noh. Malakas ako uminom diba? Don't worry hindi naman ako magpapabuhat sayo mamaya." inalis ko ang kamay ko at uminom ulit. "Talaga lang ah remember sumuka ka last time at binuhat kita hindi basta basta ang pagbuhat sayo ilang araw masakit ang likod ko" nangasar pa. Bwiset talaga. "Eh di kaladkarin mo na lang ako. Ayos lang yun." Sarkastikong sabi ko. "Excuse me" sabay kaming napalingon ni Brandon sa nagsalita sa may likuran. Si Mateo! I heard him cleared his throat. "Velvet pwede ba tayo magusap?" Mateo asked me, hindi na ako nakasagot kasi hinawakan na niya ako sa kamay ko at hinila palayo sa mesa namin. Wala man lang ginawa tong si Brandon nakita ko na tinignan lang niya kami na palayo na. Naririnig ko ang mga tanong ng mga friends ni Brandon kung sino daw ang kasama ko. Tahimik lang ako habang naglalakad kami ni Mateo. Kinilabutan ang buong katawan ko, ngayon ko na lang siya ulit nahawakan at nakadikitan ng balat. Para bang lahat ng masayang panahon na pinagsamahan namin ay muling bumabalik. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng lihim. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nakalagpas na kasi kami ng parking lot at medyo malayo na din tong nilalakad namin. Hindi ako nakarinig sa sagot from him, we just continued walking. Napahinto ako ng tumigil siyang maglakad, andito kami sa isang park na medyo malayo sa event place pero kita pa rin naman ito mula dito. He let go of my hand at niyaya akong maupo. Nakatingin siya akin at ako naman ay nakayuko lang, nahihiya kasi ako. "How are you?" now I heard his voice, the voice that I long to hear for a long time. "A-ayos lang" hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko para makita niya. Nahihiya kong tinignan ang gwapong mukha niya, lalo siyang gumwapo ngayon. "Hindi ka pa din nagbabago, ikaw pa din ang Velvet na nakilala ko noon" anito, I never changed. Kung sino ang nagbago sa amin dalawa siya lang yun. "Ikaw lang naman ang nagbago sa atin walang nagbago sa akin." may pagtatampo sa mga sinabi ko. "Hindi ko akalain na dito ulit kita makikita, sa ganitong pagkakataon pa. Sino pala kasama mo dito?" he said while looking at my eyes, iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Ayaw ko kasing umasa, I can still see the spark in his eyes. The same spark he had when he still loves me. "Ah mga friends ko lang." mahinang sambit ko. Bakit ba hindi maalis ang tingin niya sa akin para na akong kandila na nauupos. "Yung totoo? Kilala ko yung kausap mo kanina at ang pamilya niya." Pinigil kong tumawa. Bakit pa siya nagtatanong kung alam naman niya kung sino kasama ko?. Pambihira! Slow na ba siya ngayon? "Ah si Brandon yung kausap ko, saka mga college friends niya" sagot ko. "Ano relationship mo with Brandon?" tanong niya ulit. Bakit ba ito ang mga tinatanong niya. hindi ito ang gusto kong pagusapan namin. Gusto ko yung tungkol sa amin. "Kaya mo ba ako dinala dito para tanungin ang about kay Brandon? Akala ko pa naman kasi kaya mo ako gusto kausapin dahil sa ating dalawa, about us." disappointed na sabi ko. "Alam ko kasi ikakasal ka na, bakit pa natin babalikan ang nakaraan? Dinala kita dito para kausapin tungkol dun at tanungin kung totoo ba yun balita.?" wala man lang expression ang mga mukha niya ng sabihin niya about sa ikakasal na ako. Balewala lang ba yun sa kanya? Hindi ba siya nagseselos. Hindi niya man lang ba ako pipigilan at babalikan? "Matagal ko tong hinintay na makausap ka ng personal, para ka naman kasing hindi lalaki Mateo eh. Pinaglaban mo na nga ako ng todo hindi mo pa napanindigan. Hindi mo ba alam dahil sa pagkikita natin ngayon sa tingin mo ba hindi ako apektado? Ngayon ko kasi napatunayan ko na may nararamdaman pa rin pala ako sayo" Naiyak na ako. Hindi ko na napigilan. Madami pa akong gusto sabihin at isumbat sa kanya. Ang sakit na ginawa niya bumalik lahat. "Sorry" he said and looked away... Yun lang sorry lang? "Makikipagbreak ka lang sa text pa, ano ba naman yun ano ba yung relasyon na naganap sa atin? Laro lang ba yun? Madami akong tanong hanggang ngayon naghihintay pa din ako ng sagot! Oo ikakasal na ako dahil gusto ko makalimot pero hindi ibig sabihin naka-moveon na ako" . I said while sobbing. niyakap niya ako. Lalong dumami ang luhang naguunahan sa mga mata ko ng maramdaman ko ang init ng mga yakap niya. "May mga bagay na hindi mo na kailangan malaman, isipin mo na lang ginawa ko to para sayo din. Ayaw kong masaktan kita ng todo. Mas mabuti ng mapunta ka sa iba na alam kung mas higit pa sa akin. Mahihigitan din nila ang naibigay kung kaligayahan sayo. Sana lang sa desisyon mo na pagpapakasal sana hindi ka niya saktan katulad ng ginawa ko sayo." bulong niya sa akin, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit pa kasi siya nagpakita nagulo na naman ang nanahimik ko na puso. Mas lalong hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, dahil alam kong huli na to. But the reality pokes me. Wala na talaga! Hindi na kami pwede. I pulled away from the hug, kailangan ko tong gawin para hindi na ako lalong masaktan. The more I can feel him, the more I want and need him. "Tama na Mateo sana hindi mo na lang ako kinausap. Nasa kalahati na ako ng pagmo-moveon eh. Pero bumalik ako sa umpisa sana lang hindi nalang tayo nagkita ulit. At least ngayon nasabi ko na kung anong gusto ko sabihin sayo ng personal kahit hindi pa lahat. Mapapagod lang ako magsalita feeling ko wala naman mangyayari eh. Hinding hindi ka naman babalik sa akin. Wala na rin point" pinunasan ko ang mga luha ko. Doon ko narealize sa huling patak ng luha ko na masasayang lang ang luha ko kung iiyakan ko pa siya ulit. Hindi na kami magiging ulit. Malinaw na malinaw pa sa crystal clear na hindi na kami pwede. Gusto ko man damahin ang mga yakap niya. Ang panahon na magkasama kami pero kailangan ko ng tigilan. Parang niloloko ko lang ang sarili ko. Overstaying na siya sa puso at utak ko. Expired na ang kontrata niya. Kailangan ng paalisin. Why oh why! Why love is always too much? It hurts you know!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD