Chapter 19

2773 Words
Nakatulog pala ako sa sala kanina. Grabe wala na akong ginawa ngayong araw kundi ang matulog. Tinignan ko ang ang wall clock. What?! 5pm na. Agad akong umakyat sa kwarto ko at hinanap ang cellphone ko. Halos malowbat na ito, dahil sa dami ko na namang text at missed calls at ngayon hindi lang si Hampton pati si Brandon at Salve. "Why aren't you answering your phone Mine? I just want to remind you 7pm sharp I'll be there so be ready ok?" received 4:58pm It's from Brandon. Nakalimutan ko na yung lakad namin buti na lang at nagising ako kaagad. Mamaya ko na lang babasahin ang iba pang text. Kailangan ko na muna mag-prepare. Naalala ko may mga binigay nga pala siya sa aking mga damit. Naligo muna ako after that hinanap ko ang mga paper bag. Ang dami pala nitong binigay niya. Ang hirap mamili lahat sila maganda at sosyalin. Black lace above the knee sheath half sleeve. Sinukat ko siya at mukhang mainit to baka mamaya hindi aircon ang venue magpawis pa ako. Haggard yun. Light green sheath V neck, 3 inches above the knee length. Sinukat ko siya at tumingin sa salamin . Mukha naman akong masyadong formal nito. I don't like it, gusto ko yung komportable sa katawan at bagay sa place. Eh teka hindi ko nga alam saan kami pupunta eh. Basta alam ko college reunion. Black tank top dress. Sukat ulit at tingin sa salamin, umikot pa ako para makita ko ang kabuoan ko. Maganda siya for me pero hapit na hapit sakin naman to. Feeling ko luluwa na ang mga baby fats ko. Ayaw! Hinubad ko na ito at kinuha ang huling dress na nasa paperbag. Pure black sheath off shoulder above the knee. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin sa bagong suot ko na dress. OMG! This looks perfect on me. Kinuha ko ang red peep toes shoes ko na 3inches. Wow bumagay. Umikot ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Great! Bagay na bagay siya akin parang sinukat lang not to tight not to loose. Ngayon naupo naman ako sa tapat ng salamin at inayos ang buhok ko. Pinlansta ko ang buhok ko sa taas para hindi naman buhaghag then iniwan ko lang ang kulot nito sa baba. Habang busy ako sa pagaayos nagring ang cellphone ko. Si Brandon. "Hello" "Malapit na ako, ready ka na ba?" tanong niya, hala hindi pa ako tapos magayos ng buhok ko. Maglalagay pa ako ng make-up nakakahiya naman if pale ako dapat medyo may kulay naman ang face ko. "Medyo wait kita ingat ka huh" we ended the call para matapos ko na ang ginagawa ko. Eto ang hirap sa mahaba ang buhok ang tagal ayusin. I curled my eyelashes and put a light mascara, I also applied a light eyeshadow and a lil bit of blush on then a pink lipstick. Narinig ko na ang kotse ni Brandon sa labas after few minutes naririnig ko na ang pagkatok ni Mama sa pinto. Agad naman akong tumalima at kinuha ko ang bigay din ni Brandon na black purse sa akin. Nilagay ko doon ang cellphone ko. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko kaagad na nakatingin sa akin si Brandon. He's checking me from head to toe then pabalik-balik, ano siya ngayon lang nakakita ng tao? Parang natutunaw tuloy ako. Bumagal tuloy ang paglakad ko feeling ko kasi parang naging gelatin ang tuhod ko, nahihiya ako. Ang panget ko ba sa suot ko? "Hi mine you look so stunning tonight" he said with his matching signature smile. I gulped nakakainis tong lalaking to! My heart boomed and my cheeks burned. "Hoy umayos ka ah hindi ko gusto ang mga ngiti mo. Uupakan kita diyan eh" inis na singhal ko sa kanya pero hindi nawala ang mga ngiti niya sa mga labi niya. Inabot niya sa akin ang dala niyang flowers at chocolates. Wow lume-levelup na siya may chocolates ng kasama ngayon. I gave it to Mama alangan naman kasi dalhin ko pa to sa pupuntahan namin. Nakita ko ang lihim na ngiti sa mga labi ni Mama. "Anak uuwi ka din ba? Kung hindi itext mo lang ako para hindi ako mag-alala huh" paalala ni Mama. Tumango lang ako at nagpaalam na din sa kanya. On the way na kami, sa Makati pala ang venue isang event place. Sakto lang naman pala ang suot ko. Saglit lang din ang byahe wala pang isang oras ay nasa venue na kami. Pagbaba pa lang ng kotse ni Brandon namangha na ako sa lugar, I can't help but to look around. Isa itong malaking tent with a lot of colorful lights surrounding it. Brandon held my hand at naglakad na kami papasok, as we enter the place ang dami na kaagad tao. Mukhang mga anak mayaman ang mga andito, all of them were wearing elegant dresses. Buti hindi ako pinapababayaan ni Brandon nakahawak lang siya sa kamay ko habang hinahanap ang table namin. Medyo naconscious ako bigla kasi naman bawat madaanan namin ay napapatingin sa akin. May mga bumubulong pa at kahit maingay hindi nakalagpas ang mga ito sa pandinig ko. "Who's that girl? Is that the new toy of Brandon" Narinig kong sabi ng isang hindi kagandahan na nilalang I looked back at them and give them my sweetest smile. "Hindi sila bagay friend, she looks cheap. Look at her!" Ano daw? Ang ganda mo Ateng ah kung makapanglait ka sana pinapahasa mo muna yang baba mo, yan kasi ang papatay sayo. Binalikan ko siya ng tingin sabay smile ulit. Kalma lang Velvet! Mga badvibes lang yang mga yan. Don't let them ruin your night. Sa wakas ay nakita na namin ang table ng mga friends ni Brandon, agad kong nakita si Salve patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Hi Velvet, I missed you friend you look so pretty tonight. Bagay na bagay kayo ni Brandon tignan perfect couple for me, I'm so happy for both of you" hyper na sabi ni Salve, bigla naman ako nahiya sa mga sinasabi niya dahil lahat na tuloy nakatingin sa akin. Inumpisahan na ni Brandon ang pagpapakilala sa akin, mga kateam pala ito ni Brandon varsity player pala tong si Brandon noong college, well mukha naman bagay sa kanya matangkad pa siya. Halos lahat din ng friends niya ay may kasamang mga girlfriend nila. "Pare tama nga si Eddie, ang ganda ng soon to be Mrs Aleman" sabi ng isa sa mga friends niya. Hindi ko matandaan ang name niya kahit kakasabi lang ni Brandon. I'm not that good in memorizing names. Sensya na. Napayuko ako saglit dahil sa hiya. "Oo pre ang swerte mo, wag mo na pakawalan yan ah." Sabi pa ng isa sa mga friend niya. "Hoy tigilan niyo kakatitig kay Velvet baka matunaw na siya." suway ni Salve sa mga ito. Sabay tawanan ng mga ito, Brandon grabbed a chair for me at naupo na kami. "Eto naman si Salve, humahanga lang kami sa girlfriend ni Brandon. Saka mukha siyang mabait." napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga friend ni Brandon mukha rin na mababait ang mga ito. "Ok ka lang ba mine?" bulong sa akin ni Brandon. "Oo naman, i'm fine." Kiming sagot ko. After few minutes niyaya ako ni Brandon na maglakad-lakad. "Hanapin natin yung bestfriend ko matagal ko ng balak kang ipakilala sa kanya." "Sige let's go." "Cham" tawag niya sa isang girl na nakatalikod, lumingon ito. "Brandon" agad na tumayo ito at bineso beso ito ni Brandon. "Velvet this is Cham, bestfriend ko noong college until now." Natulala ako sa kanya girl pala bestfriend niya. Grabe ang ganda niya, kumikinang ang puti niya sa black dress niya. Ang tangos ng ilong ang kinis ng mga pisngi niya ang nipis ng mga labi. Hala feeling panget tuloy ako ngayon. "Hi Velvet." nagulat ako ng bineso beso niya ako. "H-Hello" tanging nasabi ko. "Uy Brandon kakatampo ka ah, ako na lang ata ang late sa balita ah. But i'm so happy for you, you finally found the girl for you. Bagay kayo." Napakamot naman sa batok niya si Brandon. "Sorry hindi kita nasabihan kaagad, busy kasi ako sa bagong work ko, and i also tried to reach you pero lagi mo kasama kasi boss mo." "Talaga hindi ko yun alam ah." then she look at the guy sitting beside her awhile ago. "Masyadong possessive yang boss mo." "Ehem." tumayo ung lalaki na katabi ni Cham at hinapit ang bewang nito palapit sa kanya. "Si Thor pala boss ko. Si Velvet fiancee ni Brandon." Wow boss pero grabe makahapit kay Cham, mukhang magjowa naman tong dalawa. "Hi Velvet, nice to know na may fiancee ka na pala Brandon." "Sige Cham mauna na kami, papakainin ko muna to si Velvet. See yah later." Niyaya na ako ni Brandon at pinakilala sa ibang table. Pinakilala niya ako sa mga professors niya dati. As usual hindi maiwasan marinig ang bulungan ng mga bruha sa tabi. "Did you hear that? Ikakasal na si Brandon diyan sa girl na yan I can't believe it." "Wala man lang siya sa kalahati ni Amanda or ni Cham." Ang daming mga bubuyog. Kakairita! Tinignan ko sila at pinakitaan ng Velvet look ko. Insert the maldita y unkabogable smile, taas kilay left and right. Nakakainis na eh akala nila hindi ko naririnig. "Brandon, hindi mo naman sinabi na nasa garden pala tayo ang daming bubuyog sa tabi tabi, magingat ka ah baka makagat ka" hindi ko naiwasan sabihin sa kanya. Kanina pa tong mga lukaret na to nagpaparinig eh. "Hayaan mo lang sila, inggit lang sila sayo." pagpapakalma niya sa akin sabay kindat sa akin. Hinawakan niya din ng sobrang higpit ang kamay ko. "Ganon ba? Nahiya naman ako at kinaiingitan ako eh hindi nila alam pasakit ka sa invisible bangs ko." bulong ko, sabay irap ko naman sa kanya. He just smirk on me. "Fiance mo kasi ang heartthrob ng campus namin." Wow ang hangin naman. Kinurot ko siya ng bahagya sa tagiliran ng mabawasan ang kayabangan. "Wow ang lamig bigla sana pala nagdala ako ng jacket below zero ang lamig dito ang lakas talaga ng confidence mo ah." tinawanan niya lang ako at after namin sa table ng mga professors niya ay niyaya na niya ako sa buffet table. "Halika kain muna tayo, mahaba haba pa ang gabi natin. Madami ka pa makikilala baka maubusan ka ng energy." buti naman at niyaya na niya ako kumain ang dami ko ng gutom. Bumalik na kami sa table namin. May mga napeperform na banda at ang saya ko andito ang mga favorite na banda ko. Like Southboarder, Side A, Freestyle at madami pang iba ang sosyal diba ang daming banda na magpeperform tonight. Dito palang solve na ako. Madami na din ako kakwentuhan, cool din pala ang mga friends niya. Madami akong nalaman din kay Brandon binuking siya ng ibang friends niya. Like suplado daw talaga si Brandon sa totoong buhay number one na suplado sa university nila at number one bully din madaming napaiyak na babae daw ito dahil mahilig mangtrip kunyari liligawan tapos pag napasagot na niya bigla na lang niyang ibe-break. At nalaman ko din na head over heels pala ito kay Cham yung bestfriend niya daw. Hindi na ako magtataka, ang ganda ni Cham eh. Habang busy ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila. Si Brandon naman ay busy sa pakikipagchikahan sa ibang table, iniwan na niya ako dito buti na lang at andito si Eddie and Salve. "Velvet, tuloy na tuloy na ba talaga ang kasal niyo?" nagulat ako sa tanong ni Salve. Bigla kasi sa akin napunta ang kwentuhan namin. Busy na din ang mga ibang boys sa pakikipagusap sa mga ibang girls. "Wala na akong choice, utos ng parents niya kasi." She just nodded at wala na siyang nasagot sa sinabi ko. Niyaya na lang niya ako magrestroom para magretouch. Pagpasok namin ng restroom biglang nagiba ang expression ni Salve. May bigla kasing lumapit sa kanya na isang babae, napanganga ako sa sobrang ganda niya. Mukha siyang model ang tangkad niya, maputi, ang ganda ng hair niya at mukha siyang mannequin sa sobrang perfect ng mukha niya. "Hi Salve my friend. Did you miss me?" sabay beso beso nito sa kanya. "Hi Amanda, I thought you're in Australia.?" parang gulat na tanong ni Anne. "Yah kakauwi ko lang ulit you know back and forth lang naman ako sa Philippines and Australia, I just need to fix something here, then will spend some time to relax away from work. Good thing nakaabot ako sa reunion natin." Anito, Salve looked back to check kung andito pa siguro ako. She also looked at me from head to toe at nakita kong inirapan niya ako then bumalik ang tingin niya kay Salve. Anong meron, inaano ko kaya siya? Pasalamat siya hindi ko nasagot ang irap niya. "Ah ganon ba good to know" parang wala sa mood na sagot ni Salve sa kanya. "Sige friend I need to talk to someone pa, kakarating ko nga lang kasi see yah around" umalis na ito hinawakan ni Salve ang kamay ko at niyaya na ako sa tapat ng salamin para magsimula na kaming magretouch. "Velvet" tawag sa akin ni Salve. Tumingin lang ako sa kanya. "Sure ka na ba na papakasalan mo si Brandon? Kasi syempre sacred ang kasal dapat ang papakasalan mo lang yung taong mahal mo diba? Hindi ka ba natatakot na masaktan?" napatingin lang ako ng alanganin kay Salve. Bakit kaya niya nasabi sa akin yun? "Oo, siguro hindi naman ako masasaktan may usapan na kami ni Brandon" hindi ko pwede sabihin lahat sa kanya, hindi ko kasi sure if alam nila ang setup namin. "Basta andito lang ako if you need someone to talk to. Ako sasapak kay Brandon pag sinaktan ka niya." She smiled at me at tinapik ang likod ko. "Salamat Salve ah." Niyakap ko siya magaan talaga ang loob ko sa kanya. After that lumabas na kami sa restroom at bumalik sa mesa namin. Wala pa rin si Brandon sa mesa namin. May mga nagsasayaw na sa dance floor. Ang ganda naman kasi ng kanta lalo na Freestyle ang kumakanta. Inabutan ako ni Eddie ng maiinom, isang cocktail drink. Ang sweet ng mga nagsasayaw. Kakainggit lang. Hindi man lang ako sinayaw ni Brandon. Speaking of Brandon, parang nakita ko siya bigla at andon siya sa dance floor aba my kasayaw pa ah. Hays bakit ba kasi malabo mata ko hindi ko tuloy masyadong maaninag ang itsura ng kasayaw niya pero sure ako na siya yun at ang lapit pa ng katawan nila sa isa't isa ah. Ewan ko ba at hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Grabe talaga tong lalaki na to, dadalhin ako dito tapos iba ang isasayaw ano nalang kaya ang iisipin ng mga friends niya. Naramdaman kong kinalabit ako ni Salve. "Okay ka lang ba friend?" tanong niya napansin niya siguro na nakita ko si Brandon na may kasayaw. "Oo naman, kayo ba hindi magsasayaw ni Eddie?" tanong ko sabay nagsalin ako ng alak sa baso ko. Ayaw ko sana uminom pero naiinis ako sa lalaki na to. Wala man lang pakialam sa iisipin ng mga tao sa amin. Pagkatapos niya ako ipakilala sa halos buong tao dito na FIANCE niya ako tapos may iba siya kasayaw ngayon. Nasaan ang hustiya aber? "Mamaya na busy pa sa paginom tong jowa ko" sabay tawa niya. Buti pa siya masaya. Ako naiirita na ako. Tumingin ulit ako kung saan nandon sila Brandon, ngayon naman ang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Kanina lang katawan ngayon pati mukha. Nainom ko tuloy ng straight ang alak ko! Anong klaseng lalaki talaga to. Ang sakit talaga sa bangs! Napahawak ako sa dibdib ko ng makita kong hinalikan siya sa mga labi niya ng babaeng yun. Nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko naubos ko ng wala sa oras ang alak na iniinom ko. Gumuhit ito sa lalamunan ko at agad na humapdi ang tiyan ko. Tinignan ko ulit sila. Nakapatong naman ang ulo ng babae sa dibdib niya. Nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko at inubos ulit ito. Pakiramdam ko tuloy uhaw na uhaw ako. Sana hindi na lang niya ako sinama dito kung ganito rin lang naman ang gagawin niya, gusto ko sana magteleport na lang bigla at mawala dito sa kinauupuan ko. Lalo na ng tinignan ako ng mga friends ni Brandon na may pag-aalala sa mga itsura nila. Feeling ko tuloy I'm so kawawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD