Ginising na ako ni Brandon andito na kami sa house namin. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ng natutulog ako sa kotse ni Brandon, feeling ko tulo laway ko sa sobrang pagod ko. Sobrang dilim na ng nakarating kami. Ganun katagal ang byahe namin? 7pm na. Halos dalawang oras na byahe ang trapik kaya pala ang sarap ng tulog ko, kawawa naman siya hirap yata magdrive ng trapik sakit sa pwet.
"Pasok ka muna, magpakita ka muna kay Mama" yaya ko sa kanya. Pinapasok ko na siya at sinalubong kami ni Mama.
"Kala ko anak saan ka na nagpunta, nagaalala ako sayo hindi ka man lang nagtext." Naku nakalimutan kong itext nga pala si Mama at pagtingin ko sa cellphone ko kaya pala hindi ko naririnig na tumutunog lowbat na pala ako.
"Hello mama! Namiss ko po kayo" agad na nagmano siya kay Mama at pumasok na sa sala.
"Oo nga iho matagal kang hindi nadalaw. Nga pala sakto nagluto ako ng hapunan mag-aayos lang ako sa kusina at tatawagin ko kayo pagkatapos okay" nagpaalam din ako kay Brandon para maghilamos nangangati na ako sa suot ko. Isang araw ko na yatang suot to.
Agad kong chinarge ang cellphone ko pagpasok ko pa lang sa kwarto ko, nag quick shower muna ako feeling ko ang lagkit ko na ang at ambaho ko dahil nga kagabi ko pa suot tong damit ko na to. Pagbaba ko ay saktong naguusap si Mama at si Brandon.
"Anak halika na kakain na tayo" agad na sabi ni Mama ng makita ako na pababa na.
Kumain lang kami ng tahimik wala na akong energy na magsalita. Nagpahinga lang din ng saglit si Brandon at umuwi na din siya.
Bukas ko na lang kakausapin si Mama. Hindi ko alam paano ko uumpisahan tanungin siya about sa bahay. Kailangan niya din malaman about doon.
Nang makaalis na si Brandon ay umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga hays ang sarap sa pakiramdam pagod na pagod ang katawang lupa ko.
Tinignan ko muna ang cellphone ko na nakacharge at binuksan na. Nagulat ako sa dami ng text. 105 text messages and 59 missed calls. Kaya pala nalowbat ang cellphone ko. I put it on silent mode kasi after ng tawag ni Hampton. Nagbasa ako ng mga messages all came from him.
"Paano ako makakatulog nito Vet? You said you will text me once your home but you're not even answering my phone call. I told you I will fetch you so you can go home safe. Please answer my text and tell me that you're safe." received 8:15 pm. Oo nga pala sabi ko magtetext ako pag house na ako. Nawala siya sa isip ko kanina na magkasama kami ni Brandon. Pero ano sasabihin ko malamang magtatanong yun. Nagbasa pa ako ng mga ibang text niya
.
"I went to your house but you're not there. Are you okay? Mababaliw na ako sa kakaisip sa iyo. Wala pa akong tulog I can't sleep without even knowing if you're safe" received 5:30pm.
Bakit kaya hindi nabanggit to sa akin ni mama na nagpunta pala dito si Hampton? Baka dahil kasi andito si Brandon kanina.
Magbabasa pa sana ako ng iba pang text message ng biglang nagring.
Si Hampton!
"Hello" sagot ko.
"Vet? Are you okay? How are you? Where are you? I will go there hindi talaga ako mapakali." sunod sunod na tanong niya, mahahalata talaga ang pagaalala sa boses niya.
"I'm ok Ton, don't worry about me. I'm home now may pinuntahan lang ako kaninang importante after ko manggaling sa banko." nakakaguilty naman kasi he's waiting for my text then pinaghintay ko siya at halatang nag aalala siya. Naawa naman ako bigla sa kanya, may pasok pa tong lalaki na to eh. Samantalang ako aabsent na ako sa work ko. Hindi ko na kaya pumasok pa tonight.
"I want to see you please" Pag mamakaawa nito.
"Sorry Ton if nag-alala ka sa akin, I can't meet you right now. I'm dead tired I need to sleep na." tanggi ko sa kanya, gusto ko na magpahinga talaga.
"Ok sige hindi na kita pipilitin but please I want to see you tomorrow" hirit niya.
"Hindi ako sure, I need to attend some important matters tomorrow. Sige na huh matutulog na ako antok na talaga ako." paalam ko wala na siyang nagawa I ended the call at hindi ko pa nilalapag ang cellphone ko sa mesa ng magring ulit ito. Ang kulit naman ni Hampton eh. At asusual hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot na lang ito.
"OH!!" asar na sagot ko.
"Oh ka diyan, sino kausap mo? Kanina pa ako tumatawag ah." Ay! Si Brandon pala.
"Ah may tumawag lang, bakit ka napatawag?" tanong ko.
"Ang bilis lang ng biyahe ko buti wala ng trapik just wanna inform you lang na andito na ako sa house. And don't forget tomorrow ah 7pm yung lakad natin. Nga pala matutulog ka na ba?" paulit ulit siya pinaalala niya yan sa akin din bago siya umalis kanina.
"Oo pagod na pagod na ang katawang lupa ko. Bakit?"
"Wala lang gusto pa sana kita makausap. Pero sige bukas na lang. Pano yan gabi lakad natin may gig ka bukas diba?"
"Buti pinaalala mo nakalimutan ko na. Itetext ko na lang siguro si Caleb. Sige mag beauty rest pa ako, nakakahiya naman sa mga college friends mo pag nakita ako at ang laki ng mga eyebags ko diba? Ikaw din magpahinga ka na okay?"
"Sige mine, prepare yourself for more next week kaya dapat magresign ka na kaagad. Okay? Sasamahan na kita kahit sa Monday" ano ba to! Ang dami kong nakakalimutan ang sabi ko nga pala sa kanya basta ng agree siya sa terms ko magreresign na ako. Since everything are settled I need to do my part. Magreresign na talaga ako.
"Okay fine! Sige na okay babush na!" I ended the call na. Super antok na talaga ako.
Kinaumagahan alas dose na ng tanghali na ako nagising, grabe sakit ng likod ko sa sobrang haba ng tulog ko. Halos 15hrs akong tulog. Ganon ba ako napagod at bumawi ako ng tulog? Pagbaba ko ng kwarto ko nakita ko si Mama na nanonood ng tv.
"Anak kumain ka na, hindi na kita ginising mukhang pagod na pagod ka kasi." Pumunta na si Mama sa kusina at naghain ng pagkain ko. Tamang tama gutom na gutom na ako.
Pagkakain ko dumeretso ako sa sala at balak ko ng kausapin si Mama.
"Ma, asan na po pala ang titulo ng bahay?" panimula ko. Nakita ko ang gulat sa reaksyon ni Mama.
"B-bakit mo naman n-naitanong?" nauutal na sambit ni Mama.
"Curious lang po Ma." Nag-iwas siya ng tingin sa akin, parang may tinatago siya sa akin. Nagbalik din siya ng tingin sa akin at halata ang paglungkot ng mukha ni Mama.
"Anak, pagpasensyahan mo na ako ah. Alam ko karapatan mo malaman to. Dahil isa ka sa mayari ng bahay na to." Ano kaya ibig sabihin niya? Hindi na lang muna ako sumagot at hinintay ko na lang muna siya ang magsalita.
"Hindi ko alam if mababawi ko pa tong bahay. Isinanla namin ito ng Papa mo para makaalis siya pa-abroad. At hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran hindi na kasi siya nagbibigay ng pera sa atin diba?. Iniisip ko na nga lang na sa probinsya na lang tayo tumira dahil hindi ko alam paano babayaran tong bahay. Simula ng iniwan tayo ng Papa mo hindi na niya ako binibigyan ng pera para sa bayad dito sa utang namin." Hindi na naiwasan ng Mama ko na maiyak habang kinukwento ang tunay na dahilan bakit nasangla ang bahay.
Umusbong ang unting galit sa dibdib ko hindi lang dahil sa pagiwan niya amin dahil na din sa hinahayaan niya lang na mawala itong bahay sa amin buti na lang noong College ako nasa scholarship ako dahil kung hindi hirap na hirap siguro si Mama na maghanap ng pambayad ng tuition ko pati ang responsibilidad niya sa akin ay kinalimutan na niya.
Anong klaseng ama ba siya?
Niyakap ko si Mama ng sobrang higpit para maramdaman niya na andito lang ako at hinding hindi ko siya iiwan lalo na sa tulad ng ganitong sitwasyon.
"Mama, tahan na po. Ako na po ang bahala sa bahay. Hayaan niyo na ako naman ang umayos nito." Nakita kong sumilay ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Mama. Mahal na mahal ko si Mama at lahat gagawin ko para wala na siyang problemahin.
"Pero anak, mareremata na tong bahay hindi ko na alam paano pa isasalba" pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ni Mama. At hinawakan ang dalawang pisngi niya. nakangiting sinabi ko sa kanya with an assurance na wag na siyang magalala.
"Mama, hayaan mo na ako naman ang magresolba ng problema na'to. Wag na po kayo magaalala Mama ako na po bahala don okay?" and I saw her sweetest smile. Hay! Siya na lang talaga ang natitirang tao na alam kong mahal ako ng wagas. Hindi ko hahayaan na masaktan siya ulit. Kami na lang ang magkakampi siya na lang ang lakas ko.
"Anak salamat"
"Walang anuman Ma, salamat din sa lahat ng ginawa mo sa akin. Hayaan mo naman na suklian ko lahat ng ginawa mo sa akin Ma. Gusto ko masaya ka lang ayaw ko nalulungkot ka ah" hinalikan ako ni Mama sa pisngi. Ang sarap sa pakiramdam na kahit kulang pero buong buo padin ang nadarama ko pag kasama ko si Mama.
Inihiga ko ang ulo ko sa lap ni Mama, habang hinahaplos niya ako sa mga buhok ko. Feeling ko isa akong sanggol ngayon na punong puno ng pagmamahal galing sa ina niya.
Sa lahat ng hakbang at desisyon na gagawin ko sa mga susunod na araw para sa kanya ito, ayaw kong masaktan siya, patawarin niya sana ako kung this time magsisinungaling ako sa inyo. Para rin to sa atin.
Pipilitin kong hindi masaktan.
Kung masaktan man ako sa huli, sana ako lang.