bc

BROTHERHOOF OF BOS S4: THE SEDUCTION OF Marko Salazar

book_age18+
34
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
forced
badboy
confident
campus
another world
like
intro-logo
Blurb

THE SEDUCTION OF Marko Salazar

Brotherhood of Bos S#4

Marko Lyde Salazar

"Ako pa rin 'to Kitty, hindi nagbago. Saiyong-saiyo pa rin ako, mahal ko." — Marko Salazar.

Nang malaman ni Kitty na ikakasal na sa ibang babae si Marko, kaibigan ng kuya Jacob niya ay hindi na siya makapag-isip ng mabuti. Naging despirada na siya kung kaya't matapang na sinamantala niya ang kalasingan nito.

Ang akala niya ay iyon ang sagot para makuha niya ang atensyon at pagmamahal ng binata matapos silang ikasal. Iyon din pala ang dahilan para makilala niya ito ng lubusan na hindi niya inaasahan at dahilan para siya na rin ang kusang bumitaw.

At nang muli silang pagtagpuin ni Marko, mapigilan kaya niya ang sariling maakit sa mga pang-aakit ng dating asawa?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ISANG MALAKAS na pagkatok ang nagpamulagat kay Marko ng umagang iyon. Mabilis na bumugso ang galit sa kaniyang ulo dahil alam niya kung sino ang gagawa noon. Si Kitty na ngayon ay asawa na niya. Mabigat na itinaas niya ang dalawang palad papunta sa kaniyang mukha at saka galit na inihilamos iyon. Yuon ang pinakaayaw niya sa lahat; Ang gisingin siya sa ganoong oras lalo na't kung walang permiso ito sa kaniya. Napuyat pa naman siya kagabi dahil magdamag siyang nakipag-inuman sa mga ka- grupo at mga iba nilang bisita sa kasal. Nangalit ang pangang tumayo siya sa pagkakahiga at saka inis na umupo sandali sa kama ng maramdamang nanakit ang ulo niya. Sinipat niya ang orasan na nakasabit sa pader para tiyakin kung anong oras na ba. Gigil na napakagat siya ng pang ibabang labi ng makitang mag a -alas otso pa lamang ng umaga. Mabilis siyang tumayo upang pagbuksan ito at kumprontahin. Pagagalitan at sisigawan niya ito sa paraan na alam niyang masasaktan ito, bilang higanti sa ginawa nito sa kaniya. Malalaking hakbang ang ginawa niya palapit sa ilang hakbang na pintuan, at ng makalapit sa harapan ng pinto mabilis niyang pinihit ito pabukas. Wala siyang pakialam kung makita ba nito na ganoon ang pagmumukha niya. Nabungaran niya ang asawang maluwang ang pagkakangiti nito sa kaniya pero mabilis din nagbago ng gigil na magsalita siya sa harapan nito. "H'wag na h'wag mo akong gigisingin sa oras ng pagtulog ko!" madiin at pabulyaw na wika niya. Awtomatikong mapaawang ang labi nito ngunit sandali lamang iyon. "Per—." magkakatwiran pa sana ito sa kaniya ng agawin niya. Hindi niya hahayaan gawin nito ang gusto. Kasabay ng kanang kamay niya ay mahigpit na hinawakan niya ito sa baraso nito noong magsalita siya. "Sundin mo ang sinabi ko Kitty! Wala kang gagawin sa bahay ko hanggat wala akong pahintulot!" gumagalaw ang baraso nito habang nagsasalita siya. Pilit kinukuha ang sariling baraso na hawak niya. Dahang umiling siya kasabay ng malakas na pag bagsak niya sa baraso nito, "Huwag mong paghihimasukan ang buhay ko!" duro pa niya sa sintido nito at napapikit naman ito sa takot, "Buhay ko 'to Kitty! Buhay mo ang pakialaman mo! Kinasal tayo hindi dahil sa mahal natin ang isa't isa, kinasal tayo dahil hindi ko alam ang dahilan!" madiin na wika niya kahit alam niyang mahal siya nito kaya nagawa nito ang pikutin siya. Tahimik lang itong nakatayo at nakatingin sa kaniya, hindi na rin maitatangging nag tutubig na ang dalawa nitong mga mata. Nagwagi siya, nasaktan nga niya ito."Gumalaw ka ng sarili mo't huwag mo 'kong idadamay dahil kailan man hindi kita kayang mahalin at ituring bilang asawa." Sabay kumpas ng kamay niya. Mabilis naman nitong naunawaan ang pagkumpas niya, mabilis itong umurong ng isang hakbang matapos malakas niyang isinarado ang pintuan. Sirang -sira talaga ang umaaga niya. At dahil hindi na rin siya makatulog, nagtungo na lamang siya ng kusina dahil nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Naka amoy kase siya ng pagkain ngunit wala siyang balak kainin ang iniluto nito. “Nakahanda na ang pagkain Marko. Pasensya ka—." anito sa likuran niya. na hindi niya namalayang sumunod pala sa kaniya. "Please will you shut up!" bulyaw niya rito hindi niya naramdaman na na sumusunod pala ito. Tinalikuran niya ito ulit. "Pinagluto kita ng paborito mo." nasa mababang boses na wika habang patuloy sa pag sunod sa kaniya. "Oo nga pal—." "Ano ba?! Are you crazy? Ang sabi ko sa'yo huminto ka! At huwag na huwag mo ng gagawin ang gisingin ako sa umaga! Pati pagsilbihan ako!" malakas na bulyaw niya sabay harap rito. "Sorry. Ginagawa ko 'to bilang mag-asawa natin." Malamlam na sagot nito sa kaniya, pilit inaalis ang takot sa mukha. "Gusto mo na bang mag -almusal? Pi-pinag luto kase kita ng umagahan mo. Alam ko paborito mo ito," pangungulit at nanginginig na boses nito, saka tumalima sa nakalapag na pagkain. Inabot nito sa hapag kainan ang isang plato, nakangiting inabot nito ng corned beef at fried rice na paborito niya sa harapan niya. Itsurang nagtitimpi ito dahilan alam niyang mahal siya nito. Tinitigan niya ito, mula ulo hanggang paa. Kilala niya ito, bata pa lamang ito ay nakikita na niya dahil kapatid ito ni Jacob Saavedra na kaibigan niya. Ngunit kailanman hindi niya kayang mahalin ito tanging naka- babatang kapatid lamang ang kaya niyang ipukol dito at higit sa lahat may iba siyang mahal. Segundo, tahimik niyang pinagmasdan ang dalaga, hindi dahil sa itsura nito at suot. Dahil alam naman niyang maganda ang dalaga at may ipaglalaban na katawan dahil isa itong modela. Pero ni minsan hindi pumasok sa isipan niyang galawin ito o pagnasaan. Nangalit ang bagang niya, lalo na't naalala niyang nakatali na sila sa isa't isa. Galit at malakas na hinablot niya ang kamay nitong may hawak na pagkain, imbes na kainin o ilapag iyon sa lamesa ay dumiretso siya sa basurahan at walang sabing itinapon niya iyon sa harapan ni Kitty. Halos paitsa niyang inilagay sa lababo ang pinggan. Mabibigat na yapak ang pinakawalan niya palapit rito at saka madiin hinawakan ang pang-ibabang mukha nito habang itinutok niya ang mukhang may halong galit. "Isang malaking dagok sa pagka lalake ko ang ginawa mo sa 'kin Kitty Marie Saavedra!" Umpisa niya, nais niyang maintindihan nito at iparinig dito ang sakit na nasa dibdib niya na nararamdaman niya ngayon. "Masyado mong tinapakan ang pagka lalake ko dahil wala akong nagawa kundi sundin ang utos nila dahil sa mga ginawa mo. Tandaan mo, kailanman hindi kita kayang mahalin, kaya huwag kang umastang asawa mo 'ko. Kinasal tayu dahil sa kagustuhan mo at ng pamilya natin, pero ako, malaking hindi!" madiin niyang bigkas. "So-sorry Marko!" lumuluhang mabilis na sagot nito. "Oo, aaminin ko at paulit- ulit na sasabihin ko, kasalanan ko! Dahil mahal na mahal kita! Iyon ang dahilan. Hindi ba ganoon kadali na mahalin mo din ako? Kilala mo 'ko mula pagkabata. Anong kulang pa sa 'kin at dadagdagan ko sa ganoon, matutunan mo din akong mahalin?" pumipiyok na bigkas nito. Pagak siyang napangiti. "Hindi kita kayang mahalin! Hindi ko kayang mahalin ang isang kapatid lang ang turing ko!" Naiiling niyang paintindi dito. "Please Marko, hayan mo akong pagsilbihan kita. Hayaan mo ako na gawin ito at sa ganoon matutunan mo akong mahalin." pakiusap nito na tanging malalaking iling ang naisagot niya. "Hanggang sa magising ka sa isang umaga na —mahal mo na pala ako." Sa boses nito hindi maitatangging nasasaktan ito. "Baliw ka na!" alpas sa labi niya. "Oo! Baliw na baliw ako sa pagmamahal ko sa iyo!" anito na hindi papatalo. "Pero sana naman ituring mo 'kong isang asawa, dahil may pinirmahan tayo! Kung lalake ka, gagawin mo 'yon!" madiing hiyaw nito sa kaniya. Tila ba sinusubukan nito ang pagka lalake niya. Nangalit ang magkabilang panga niya kaya hindi mapigilang umangat ang kaniyang kanang kamay at malakas na dumapo iyon sa pisngi ng dalaga. Matapos siya nitong alisan ng karapatan sa desisyon niya sa sarili, tapos ito ang ihihiyaw nito sa kaniya. “Binabalaan kita Chantal. . ." nag aapoy na matang babala niya. Matapos niyang masabai iyon, walang paalam na tinalikuran niya ito. NANLALATA at nanginginig ang mga laman ni Kitty ng maupo siya sa upuan. Hindi niya inaasahang magagawa nitong saktan siya sa unang araw ng maging mag- asawa nila ni Marko. Awtomatikong tumaas ang dalawang palad niya papunta sa mukha at saka impit na napahagulgol sa sakit na nararamdaman. Nagmahal lamang siya! Nagmahal ng sobra! Nagmahal at higit pa sa kaniyang buhay. Tandang -tanda niya kung paano siya nito ihiga at halikan. Tandang -tanda niya kung paano siya nito haplusin na tila walang alinlangan at hinayaan lamang niya habang lagok ito sa kalasingan. Ngayon, malayo sa nakikita niya ngayun sa ugali nito. Minahal niya ito dahil may ugali itong nagustuhan niya. Maalalahanin, malambing at dahil mas matanda sa kaniya ito ng anim na taon kilalang kilala niya ito. Hinayaan niyang ibigay ang sarili rito dahil iyon naman ang plano niya. Nakatulugan na nga nito na nasa ibabaw siya nito. Masakit ang pakiramdam niyang dahan- dahan niyang ibinababa ito pababa sa tabi niya ng maalala ito. Hanggang sa kapwa sila'y nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook