Chapter 5: Serendipity

1477 Words
TULALA NANG LUMABAS si Blaze ng bahay ng mga de la Vega. Marami siyang iniisip nang mga sandaling iyon. Hindi niya lubos maisip na kung ano na namang dahilan ng mga kalaban nila upang balikan sila. Matagal na nilang pinili ang tahimik na buhay. Nang mailigtas nila ang maraming buhay sa isla ay hindi na sila gumawa ng makakatawag ng pansin ng iba. Bukod sa pagtulong ng mga de la Vega sa nangangailangan, wala na siyang makitang iba pang dahilan para idamay ang kanilang pamilya. Ilang ulit siyang sumigaw upang ilabas ang galit. Wala siyang magawa… Hindi niya alam ang gagawin… Tila isang buhawi ang dumating sa kanilang problema pagkatapos ng tahimik na mga taon. Hinampas sila ng hamon ng buhay sa panahong hindi nila inaasahan. Walang emosyon na nakatingin si Blaze sa kalangitan. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang sinusubok kung kailan nararamdaman niya na ang kasiyahan. Hindi siya naniniwalang may nakikinig sa kanya mula sa kalangitan. Pakiramdam niya’y nabuhay siya sa mundo upang bigyan ng paulit-ulit na pasakit. Nasa ganoong sitwasyon lamang siya sa loob ng ilang minuto ngunit pakiramdam niya’y sasabog ang kanyang dibdib kung hindi niya muling mailalabas ang emosyon. Paulit-ulit niya na namang ginamit ang namamagang kamao. Sa bawat pagsuntok sa puno niya nararamdaman ang sarili. Ang sakit na nararamdaman ang nagpapaalala sa kanya na narito pa rin ang dating siya. Na kailangan nitong muling magbalik. Nang hindi niya na maramdaman ang kamao, saka lamang siya huminto. Nanghihinang bumagsak si Blaze sa damuhan habang walang tigil na pumapatak ang kanyang luha. Narito na naman ang masakit na alaalang pilit niyang tinatakbuhan. Napakabigat na ng kanyang pakiramdam. Ayaw niyang ipakita ang kanyang kahinaan ngunit nang mga sandaling iyon ay kailangang niyang maglabas ng emosyon. Hindi siya maaaring mawala sa sarili. Kailangan siya ng kanyang kapatid at pamilya. Dali-daling nagpunas ng luha si Blaze nang makarinig ng yabag ng paa. "Blaze..." malungkot na pagtawag ni Diezel. Nang marinig niya ang boses ng kaibigan ay awtomatiko na namang tumulo ang traydor niyang luha. "Nandito lang ako, Par. Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako.” Hindi sumagot si Blaze. Pareho silang natahimik nang matagal. Hindi niya alam kung paano napagtyatyagaan ni Diezel ang ugali niya. Hindi niya rin alam kung bakit sa dami ng miyembro ng kanilang pamilya, siya ang napili nitong samahan parati. "Paulit-ulit na lang akong naiiwan…” hindi niya inaasahan na masasabi niya iyon. "Hindi ka nila iniwan. Wala iyon sa plano nila." "Maybe He hates me because I was too bad. I am sinful, Diezel." “Aysshh!” alam niyang ginulo na naman ni Diezel ang buhok nitong kulot. Ganito ito kapag hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kausap. Natahimik ito kaya ang akala niya’y hindi na muling magsasalita. "Totoo namang garapal iyang ugali mo. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Basta masabi mo lang ang gusto mo. Ayos na! Talo mo pa ang babae sa pagiging moody. Parang araw-araw ka ring may dalaw. Napakalamig mo! Walang feelings. Manhid! Gusto na nga kitang bigyan minsan ng Rebisco para sumarap na iyang feeling mo. Pasintabi lang ha?" "Tsk," tanggap niya namang ganito siya. Bastos din ang bunganga ng kaibigan niya. "Hindi talaga kita gustong maging kaibigan–” Awtomatikong nag-angat ng tingin si Blaze upang samaan ng tingin si Diezel. “Oh, tapos iyan tingin na ganyan!” nanlalaki ang mga matang sigaw nito habang nakaturo sa kanya ang daliri. “Totoo naman ang sinasabi ko ha! Kala mo pag-aari mo ang lahat. Napilitan lang talaga ako sa simulang makipagkaibigan sa ‘yo dahil sa pangakong binitawan ko. Pero, nang makilala ko ang totoong ikaw, nagbago iyong lahat! Baliktad ka pala sa una kong pagkakakilala sa ‘yo. Kung hindi pa nila iyon makita, ang tanga lang nila! Kung hindi nga lang sayang lahi ko baka ako pa ang nanligaw sa ‘yo! Nakikita ko na ang nagustuhan sa iyo ni Goldee." Lalong naging blangko ang tingin ni Blaze kay Diezel. Wala talagang preno ang bibig nito. Nagawa pa nitong ngumiti habang tinatapik ang kanyang balikat. "Kamahal-mahal ka, par. Crush nga kita. Jowable ka sa totoo lang!" "Tang1namo!” malutong niyang mura dito matapos na tumayo mula sa kinauupuan. Nagulat si Blaze nang yakapin ni Diezel nang makatayo rin ito sa kinauupuan. Mahigpit iyon kaya hindi siya makawala. “May sasabihin ako, yakapin mo na lang din ako pabalik—” “G4go! Bakit kita yayakapin—” Hindi na nagawang magsalita ni Blaze nang takpan ni Diezel ang bibig niya. "Don't find me, let me find you. Don't rush every moment, just cherish it. Everything will fall to its right place. Remember the word serendipity, finding something without looking for it.” Tuloy-tuloy nito na sabi na naging dahilan upang hindi siya gumalaw. "Copy paste ko lang iyan kay, Goldee! Huwag kang ma-inlove sa akin, Par–aray g4go! Bakit mo ako binatukan?" Masama na naman ang tingin ni Blaze kay Diezel. Nagsunod-suno naman ang kanyang pag-iling nang huli bago ngumisi. "I love you too, Blaze!" saka ito humagalpak ng tawa bago magseryo. "Sabi ko na nga ba, may gusto ka rin sa akin. Pero mag-move on ka na kaagad kahit wala pang tayo kase hindi tayo talo!" Natawa siyang muli bago lumipad na naman ang kamay upang batukan ang kaibigan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay mabilis na ito at nasalag ang kanyang kamay. Ikinuyom ni Diezel ang kamay at handang makipagsuntukan sa kanya. "Hindi ko alam kung paano kita dadamayan sa problema mo. Feeling ko ako ang nagluwal sa ‘yo! Ganoon ang sakit na naramdaman ko ngayon—tagos hanggang kidney!" "But, you're not." "Ayooo! Garapal talaga ang ugali. Punas-punas din ng sipon kapag may time!" Nanlaki ang mata ni Blaze, at kinapa kung may lumabas ngang uhog. Lalong humagalpak ng tawa si Diezel ng mauto ang kaibigan. "Syempre joke lang! Uto-uto talaga." "Let's find that place, Diezel," walang ano-ano’y sabi niya sa kaibigan matapos na tumingala. "Sasama mo ako, Blaze?" nanlaki ang mga matang tanong nito. Lumingon si Blaze sa kanyang likuran, at luminga-linga pa sa paligid. "May iba pa ba akong kausap bukod sa ‘yo?" "Iyang pagiging masama ng ugali mo naka-high definition level din!" nakatikwas ang ngusong na wika ni Diezel. "Pero sinabi ba talaga iyan ni Goldee?" duda niyang tanong. "Kailan ba ako nagbiro?" "Lagi. Kahit iyang mukha mo, isang malaking biro." "Wow ha! Gwapo ka?" "Ingay! Parang babae—” "Pwede na ba akong sumingit?" "Santisima!" hawak ni Diezel ang kanyang dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Alluka. Inilaylay ni Alluka ang kalahating katawan mula sa itaas ng puno nang nakabaliktad. Kaharap nito si Diezel nang maibaba ang ulo kaya ganoon na lamang ang gulat ng kaibigan niya. "Unggoy ka ba, Alluka? Huwag mo ng tanungin kung bakit kase mukhang oo! Anong ginagawa mo riyan?" nakabaligtad ito ng pwesto at nakasabit ang mga binti sa puno. "Diezel, sarap talagang lamukusin niyang bibig mo!" blangkong saad nito nang walang kahirap-hirap na bumagsak sa damuhan. “Nakiki-tsismis. Inaalam ko kung kayo talaga ang magkakatuluyan—” “Hoy!” galit na bulalas ni Diezel at handa ng manghamon ng away ngunit inakbayan pa ito ni Alluka at tinawanan. "What are you doing here, Alluka?" "I know that place, Blaze." "And?" "May traydor sa grupo natin.” Tiim-bagang na napahalukipkip si Blaze sa sinabi ni Alluka. Tama nga ang kanyang kutob. "Pupuntahan nating tatlo ang lugar na iyon," saad muli ni Alluka. "As in we? Together! Us?" gulat na tanong na naman ni Diezel. "Dalawa na lang pala. Iwanan nating ang maingay na iyan." Napasimangot na lamang si Diezel habang siya naman ay umiiling. "Sa ating tatlo lang ang napag-usapan natin ngayon. Walang makakaalam nito. Delikado ang lugar na iyon. Wala kayong kahit na anong dadalhin maliban sa sarili niyo. Lalo ka na, Diezel. Pigil-pigilan mo muna ang pagiging tsismoso." "Bakit?" nagtatakang tanong ni Diezel. "That place is too dark and mysterious, Diezel. We don’t what will happen to us if they found out what we are doing. Malalaman ng system nila kung may nakapasok sa teritoryo nila.” “Paano ka nakakasiguradong makakalabas tayo?” tanong ni Diezel. “The interesting point of view right now is maybe your one that got away was there, Blaze,” saad ni Alluka imbes na sagutin si Diezel. "Pero bakit ngayon mo lang sinabi na feeling mo pala nandoon si Goldee?" tanong na naman ni Diezel. "Dahil, walang kasiguraduhan kung makakalabas pa tayo nang buhay." Napalunok na lamang ng laway si Diezel. Mukhang kinakabahan ito. "Magkita tayo sa gasoline station, twelve a.m. sharp." Basta na lang tumalikod si Alluka at hindi na lumingon pa sa kanila matapos magsalita. Naiwan naman silang dalawa na malalim ang iniisip at maraming tanong sa sarili. Anong alam nito na hindi sinasabi sa kanila? May alam ‘din ba ang de la Vega sa patagong misyon na ginagawa ni Alluka?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD