KATULAD NANG NAPAG-USAPAN nila, pumunta nga sina Blaze at Diezel sa gasoline station na pinakamalapit sa lugar. Nag-taxi lamang sila at hindi na gumamit ng sasakyan. Sa mga ganitong pagkakataon, alam nila na may tracking device ang kanilang mga sasakyan. Siguradong maninigurado ang mga de la Vega na wala sa kanilang gagawa ng padalos-dalos na desisyon kahit pa may nawawalang miyembro ng pamilya sa mga ito.
Mayamaya pa ay dumating na rin si Alluka na naka-taxi rin. Katulad ng bilin nito sa kanila, wala rin itong dala na kahit ano.
"Hindi tayo dadaan sa kahit na anong may CCTV. Pagkalagpas natin dito ay magpapalit tayo ng damit at maghihiwa-hiwalay. Magkita na lang tayo sa binigay kong mapa sa inyo. Delikado kung malalaman nila ang pupuntahan natin. Lalo na ang ulupong niyong kaibigan. Hindi ako niyon titigilan sa paghahanap,” patukoy ni Alluka sa boyfriend na si Sage. "Ikaw, nagpalit ka na naman ng kulay ng buhok, Diezel. Ginagawa mo na bang trip iyan?"
Ang dating blonde na buhok nito at kulot ay itim na namang muli.
"Alam mo, magsimula ng maging boyfriend mo si Sage naging maingay ka na, Alluka. Ano iyon hawa-hawa?" hindi mapigilang komento ni Diezel habang nakanguso. “Huwag mo sabihing gusto mong maging second runner up sa akin? No way!”
Nginisian lamang ito ni Alluka at dali-daling naglakad sa isang eskinita. Ganoon din ang ginawa nila ni Diezel matapos maghiwalay ng paglalakaran. Dahil may lokasyon namang ibinigay si Alluka, magkikita-kita rin sila mamaya.
Madilim sa lugar na dinadaan niya. Tanging mga pagtahol, pagngiyaw, at nag-aaway na pusa lang ang naririnig ni Blaze. May mga kalat ring basura sa eskinitang iyon. Halatang napag-iwanan na dahil ganoon na lamang kabaho ang basura. Kung hindi siya nagkakamali ay pinaalis na ang mga nakatira sa lugar dahil kasama sa mga ide-develop ng isang pribadong kompanya para sa expansion.
Narating din niya ang isang abandonadong gusali. Tuloy-tuloy lamang sa pag-akyat si Blaze. Mayamaya pa ay nakarinig din siya ng yabag sa ibaba ng hagdan. Kadarating din lang ni Diezel. Sigurado siya na ang kaibigan iyon dahil sa likuran dumaan si Alluka.
Tatlong palapag ang kailangan niyang akyatin kaya nagtuloy-tuloy lamang si Blaze at hindi na hinintay si Diezel.
Pagdating niya sa rooftop ng gusali, pinagmasdan niya kaagad ang nasa kanyang paligid. Isang malaking trapal ang kaagad na pumukaw ng atensyon ng binata. May tinatabingan iyong bagay mula sa ilalim.
Magkapanabay lamang ang pagdating ni Alluka at Diezel. Inutusan naman kaagad sila ni Alluka na tanggalin ang tabing nang makalapit sa direksyon nila.
"What is this?" nagtatakang tanong ni Blaze nang makita ang isang helikoptero.
"Your question was too obvious. You know how to use that, Blaze?"
Pagngisi lamang ang isinagot ni Blaze sa naging tanong ni Alluka at binuksan kaagad ang pinto ng helikoptero.
"Silence is deadly. We can't turn back everything after this, Blaze. Diezel, you can step aside and clean your hands if you want. The decision is all yours," seryosong wika ni Alluka habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"No retreat, no surrender is my motto," todo bigay pa na itinaas ni Diezel ang kamay. "Kung saan kayo, doon ako. Bakit ako tatakbo kung wala pang nakatutok na baril?"
"Self is our enemy,” saad ni Alluka. “If everything’s falling apart, don’t blame anyone. It's your decision."
"That’s not us. Idiot people do that," seryoso niyang pahayag bago umakyat sa helikoptero. Sinimulan niya kaagad na paandarin iyon nang makaakyat.
Alam niyang sa oras na lumipad iyon sa ere ay wala ng urungan. Hindi na nila maibabalik ang lahat sa dati. Magbabago na namang muli ang takbo ng buhay nila.
Bago ang lahat ng naging desisyon niya, kinumbinsi niya pa si Diezel na huwag sumama sa kanila ngunit nakapagpasya na ito. Hindi niya na iyon mababali.
Kaagad ding sumakay si Alluka at Diezel nang magsimulang umikot ang elesi ng helikoptero.
Nang mga sandaling lumipad sila ay wala ng nagtangkang magsalita pa sa kanila. Tanging pakiramdaman na lamang ang kanilang ginagawa. Tila kung sino ang titibag ng katahimikan ay kanya itong pagsisihan.
Matagal din ang itinagal nila sa ere. Patuloy naman ang pagsunod ni Blaze sa ibinigay na mapa ni Alluka.
Nang magsimula ang pagkakalat ng liwanag, saka lamang nagsalita si Alluka. "Tatalon tayo. Hindi nila pwedeng malaman kung nasaan tayo. Hindi tayo pwedeng mag-iwan ng bakas!”
"Papasabugin natin ito sa ere?" hindi makapaniwalang tanong ni Diezel. Natataranta na ito.
Nilingon ni Alluka ang mga bombang nasa likuran niya.
"Blaze, malapit na tayo."
Hindi man siya tumango sa sinabi ni Alluka ay inayos niya naman ang pindutan ng helikoptero upang mapunta ito sa stand by mode.
Panandaliang tinanaw ni Blaze ang walang hanggang karagatan. Pansin niyang napalunok ang si Diezel sa kadahilanang mapapasubo ito sa pagtalon.
"We have five minutes before this helicopter turn into mess," pagpapaalala ni Alluka habang nag-aayos ng equipment na inilalagay sa katawan. Matapos ayusin ang parachute ay walang pagdadalawang-isip na tumalon na rin ere si Alluka.
Ilang ulit pang nagdasal si Diezel ngunit hindi pa rin tumatalon.
"Hoy!" untag niya sa kaibigan. Naiinip na siya sa kahihintay.
"Ano ka ba naman, Blaze? Huwag ka ngang nanggugulat!" hawak-hawak nito ang dibdib at ilang ulit na huminga sa eksaheradong paraan. Naging relihiyoso ring bigla ang kaibigan niya at paulit-ulit na nag-usal ng dasal. “Sure ba talagang tatalon? Hindi ba pwedeng gumamit ng hagdan o ‘di naman kaya pababain ito?” sunod-sunod namang tanong ngayon ni Diezel.
Pinaikot na lamang ni Blaze ang mga mata dahil sa paghihintay. Hindi sila pwedeng magtagal dahil may timer ang bomba.
Matapos huminga nang malalim ng binata, walang pagdadalawang-isip niyang itinulak si Diezel.
Ganoon na lamang ang malakas na pagsigaw nito habang tuloy-tuloy ang pagkahulog sa ibaba. Hindi na nito naisip na buksan ang parachute dala ng pagkataranta.
"Siraulo talaga!" Pumalatak si Blaze at dali-dali ang naging pagtalon patungo sa kaibigan. Hinila niya muna ang tali ng parachute upang bumukas.
Pinuntahan niya kaagad ang kaibigan matapos na i-navigate ang helikoptero.
"Parachute!" sigaw niya rito.
Hindi nito napapansin ang sinasabi niya dahil sa malakas na hangin at pagsigaw-sigaw nito. Isang malalim na naman na buntonghininga ang pinakawalan ni Blaze bago lapitan ang kaibigan. Nang makalapit siya dito ay dali-daling namang yumakap sa kanya si Diezel. Pinabayaan niya na lang ang pagkakayapos nito habang nakasimangot siya. Kasalanan niya rin naman dahil tinulak niya si Diezel nang walang pasabi.
Nang tuluyan silang makalayo, sumabog naman ang helikoptero na sinakyan nila kanina.
Nakarating din sila sa tabi ng pangpang nang matiwasay. Hindi naman nag-asaya ng panahon si Diezel at nahiga kaagad sa buhanginan. Habol nito ang paghinga habang pulang-pula ang mukha.
"Double time guys!" sigaw ni Alluka. "Hindi tayo pwedeng abutan ng dilim."
Hinila kaagad ni Blaze papatayo si Diezel. Hindi naman kaagad ito naglakad. Nakahawak lamang si Diezel sa tuhod at may kung anong sinasabi.
"Double time! Double time. Ito na ang aking ikakamatay! Hindi ba pwedeng magpahinga muna? Muntikan na ako roon! Gusto ko pa kayang mabuhay. Bakit naman kase ako sumama-sama nang walang briefing na nangyari?" hinahaplos-haplos pa ni Diezel ang dibdib. Mukhang kinakabahan pa rin ito.
Nagkatinginan naman sila ni Alluka at parehong tumango. Nagkasundo silang pareho na magpahinga muna. Nang mapansin iyon ni Diezel, kaagad itong nahiga sa buhanginan.
Ilang minuto rin ang kanilang itinagal doon bago magyaya si Diezel na yumakag na sila.
Dumaan sila sa masukal na parte ng kakahuyan at puno pagkatapos ng mahabang lakaran sa buhanginan kanina. Kung gaano katagal ang paglalakad nila, hindi niya alam. Ngunit sa itsura ng tirik ng araw ngayon, mukhang matagal-tagal din iyon.
Nang makakita sila ng malaking butas ay ibinaon nila roon ang parachute na ginamit kanina. Maririnig pa sa paligid ang huni ng ibon at lagaslas ng ilog. Tahimik sa lugar. Halatang walang nagawi sa islang iyon.
"Nasaan na tayo?" tanong ni Diezel.
"Hindi tayo lumabas ng bansa. Huwag kang mag-alala, hindi ka pa kukunin ng mga kamag-anak mong unggoy," seryosong wika ni Alluka.
“Wow ha!” galit na sabi ni Diezel. Lumaki pa ang butas ng ilong nito.
"Alam kong marami kayong gustong itanong sa akin. Spill it."
"Paano mo nalaman ang lugar na ito, Alluka?" tanong niya rito.
"Remember when Koddie hacked the system of this country? After that day, I was so curious about everything. I did not stop until I found what I was looking for."
"Then?"
"I found out that Naraja Clan is also located in Reiffton City. We’re originally from that place."
"Hindi pala totoo ang nalaman nila Sage?" nagtataka niyang tanong rito habang patuloy sa paghawi ng mga sanga.
Sandaling nahinto sa paglalakad si Alluka.
"That old bastard!" galit nitong sigaw habang nakakuyom ang kamay.
"Kalma... ulo mo, umiinit" segunda ni Diezel. “Sa totoo lang wala akong naintindihan sa pinag-uusapan niyo pero gusto ko pa ring makitsismis.”
Nahinto sa paglalakad si Alluka. Ito ang nasa unahan kaya kailangan din nilang huminto.
Tatawirin ba nila ang isang ilog na may mga water lily sa tabi? May mga nagtatalunan na isda roon. Napakarami. Halatang mayaman ang ilog sa mga pangangailangan ng isda para lumaki ng ganito.
"I need fifty fishes in less than twenty minutes," seryosong wika ni Alluka.
"Are you serious?" gulat na wika ni Diezel.
"No. I'm Alluka."
“Ano namang gagawin natin doon? Hindi natin mauubos kung kakainin!” katwiran pa rin ni Diezel.
Puno ng konsentrasyon siyang tumingin sa mga isdang nagtatalunan doon. Ang problema na lang nila ngayon ay kung papaano mahuhuli ang mga isdang naroon sa maaaring pinakamabilis na paraan. Alam niya kase na kahit maraming silang nakikita ay kakain ng malaking oras ang panghuhuli. Hindi sila pwedeng abutin ng gabi. Hindi nila teritoryo ang lugar.