Chapter 7: Path

1466 Words
PARE-PAREHO SILANG nakatingin sa katubigan. Nag-iisip ng paraan kung paano mahuhuli ang mga isda. Kilala ni Blaze ang mga kaibigan, hindi lulusong ang mga ito para manghuli nang isa-isa. "Kung magpi-picnic pala tayo dapat sinabi niyo!" reklamo pa rin ni Diezel habang hinihinila nito ang tali ng parachute para lomobo iyon. "You know that crazy lady, Diezel. Sumunod ka na lang," mahina niyang wika sa kaibigan nang mapansing seryoso nga talaga si Alluka. Tinanggal nito ang mga pinagkakabitan ng parachute sa katawan. Pinagbubutas din nito iyon gamit ang dagger upang maging labasan ng tubig. Napangisi na lamang si Blaze nang makuha ang nais na gawin ni Diezel sa parachute. "Hindi ko na papahirapan ang sarili ko na manghuli nang paisa-isa. Alluka! Tulong-tulong din kapag may time. Huwag puro ganda ang ambag," pagpaparinig ni Diezel. Ikinatawa lamang ni Alluka iyon bago magpunta sa hangganan ng ilog mula sa itaas upang hawakan ang isang dulo ng parachute. Ihaharang nila iyon sa butas ng lagusan upang masala ang mga isdang pupunta sa lugar. "Blaze, takutin mo na ang mga isda para lumapit dito!" sigaw na naman ni Diezel. Mahinang natawa si Blaze dahil sa dami ng energy ni Diezel. Napapakinabangan din talaga ang utak ng kaibigan niya kapag nagseseryoso ito. Sumisid siya kaagad sa katubigan matapos na lumusong. Ginulo rin ng binata ang mga isda sa ilalim upang magtungo sa isang direksyon. Nahawi naman ang mga iyon at nagpunta sa pasalungat na direksyon ang iba. Habang ang iba naman ay nagtungo sa hangganan ng ilog. Nang mapansin nilang madami-dami na ang isda na nasa parachute ay hinawakan ni Blaze ang magkabilang bahagi kung nasaan si Alluka upang hindi na ito mabasa. "Now!" sigaw ni Alluka. Buong pwersang hinila ng dalawa ang parachute na tila isang lambat. Kailangan nilang madaliin ang paghatak dahil anumang oras ay maaari iyong mapunit at lumikha ng butas. Umikot si Alluka patawid sa kaliwang bahagi upang tumulong sa pag-akyat ng parachute matapos na lagyan ng malaking bato ang kabilang bahagi. Sina Diezel at Alluka ang nasa itaas habang nakasuporta naman sa ilalim si Blaze. Mayamaya pa ay matagumpay na nilang naiakyat ang mga nahuling isda. "Naging mangingisda pa ako ng wala sa oras! Mabuti na lang pala naisipan ko na hindi gamitin ang parachute ko kanina. Edi napakinabangan ngayon," pagpapahanging parinig ni Diezel na ikinailing na lamang nila. Naghintay pa sila sandali para mabawasan ang tubig ng parachute saka hinila nang hinila. Nang erolyo nila ang parachute na naglalaman ng isda ay nagtatalunan pa ang mga nasa loob. Higit pa sa bilang na kailangan nila ang nakuha nilang isda. Pinagtulungan din nila iyong hilahin upang mapabilis sila. Pinili rin nilang kumain muna ng umagahan dahil alanganin na ang oras. Alam din nila na mapapasubo sila mamaya kaya kailangang may laman ang sikmura nila. Matapos nilang kainin ang ibang nahuling isda, nagpatuloy silang muli sa paglalakad. Mga ilang minuto pa ang nagtagal nang maging masukal na naman ang kanilang dinadaanan. Kalaunan, huminto rin sa paglalakad si Alluka matapos magkaroon ng patag na lugar. Nakatingin na ito ngayon doon. Sinusuri ang bermuda grass na iyon lamang ang matatapakan. Sa dulong bahagi naman niyon ay may isang bahay na gawa sa kahoy. Malayo-layo pa sila roon kaya hindi niya maaninag nang mabuti ang kabuuang itsura. "Nandito na tayo," bigla ang pagseseryoso ni Alluka. Pansin ni Blaze ang pag-aalala sa mga mata ni Alluka na minsan lamang niyang makita. Hinawakan ni Diezel ang balikat ni Alluka bago bahagyang pinisil iyon atsaka tipid na ngumiti. Ipinapahiwatig nitong magiging maayos din ang lahat. Na malalampasan din nila ang pagsubok na kinakaharap ngayon. Nang lumapit pa sila sa patag na lugar, saka nila napansin ang kubuuan ng bahay. Sa itaas ng bahay ay maraming puno at baging. Hindi aakalaain ng kahit sino na may bahay sa ilalim ng mga halamang iyon kung titingnan nang malapitan. “Illusion?” mahina niyang tanong na hindi narinig ng dalawa dahil parehong abala. Pinaliit pa ni Blaze ang mga mata upang malaman ang sagot sa tanong niya ngunit bigo siya. Nang bumababa ang tingin niya, pansin niyang may daanan din sa gitnang bahagi na nakasemento. Nanghingi si Alluka ng isang isda at ipinakita sa kanila ang mangyayari kung lalapit pa sila sa bahaging iyon. Napangiti siya nang makitang natusta ang isda na katulad ng pinaghihinalaan niyang mangyayari. Habang si Diezel naman ay nanlalaki ang mga mata. Hindi tumitigil ang laser sa pagpuntirya sa isda hanggang sa maging abo iyon. Nagre-reflect ang kulay ng laser sa mga dahon kaya hindi iyon makikita basta-basta ng mata. "What's the plan?" tanong ni Blaze. "Kailangan nating makahanap ng mahinang parte ng laser," pagbibigay alam ni Alluka. "Pero hindi magiging ganoon kadali iyon." Itinuro ni Diezel ang magkasalungat na direksyon. "Ang kanan at kaliwang bahagi sa magkabilaang dulo ay kakaiba. Bakit may poste na iba-iba ang laki at layo? Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin ito sa imbesyon ng uncle." "Yes. Kinda. Ang mga obrang ito ay isa sa mga planong nanakaw sa de la Vega. Kaya isinama kita dito dahil ikaw ang may alam sa pamilya niyo, Diezel." Pasimple ang naging paglingon ni Blaze kay Diezel. Pansin niya ang pagkatulala nito. Halatang malalim ang iniisip. NANG AMPUNIN si Diezel ng Mr. de la Vega, namulatan niya ang ama na palaging may inaayos sa laboratoryo nito. Minahal siya nito nang walang kapantay dahil sa pangungulila ni Jude sa bunsong anak na lalaki. Napaisip si Diezel, kasama niya palagi ang mga katulong at ito ang nag-aalaga sa kanya. Kailan niya lang din nakilala ang mga anak ni Jude dahil itinago siya pansamantala. Matinding kaguluhan ang nangyari dati at ayaw ng mga itong pati siya ay madamay pa. Wala siyang masyadong maalala na makakatulong sa kanila. "We need to be wise and think twice," paalala ni Blaze. Paggawa ng mga obrang sumasabog mula sa mga simpleng materyales lamang ang isa sa mga natutunan niya kay Jude at Patrick. "Ang sabi ni uncle, ang bawat imbensyon na ginagawa niya ay may kanya-kanyang kahinaan. Kung hindi ito makikita sa maliliit na detalye, maaaring nasa harapan mo lamang ang sagot." Itinuro ni Diezel ang magkabilaang bahagi. May mga puwang doon. Posibleng makatawid sila. Naghagis muli ng isda si Alluka. Hindi iyon natusta. "Ang mga isda ay para doon?" tanong ni Blaze. Sabay na tumango ang dalawa. Ngunit si Diezel ay ngayon lamang iyon naintindihan. "Paano mo nalaman?" tanong niya kay Alluka. "Ang sikreto ng pamilya niyo ay naidaldal na sa akin ni Pink, Diezel. Hindi man ganoon kadami ay sapat na para maintindihan ko ang ibang bagay. Pero hindi ako pwedeng manghula lang. Buhay natin ang magiging kapalit sa bawat desisyong gagawin natin. Nandyan ka para kumpirmahin ang mga iyon." Nagsimula na silang kumilos. Bawat dadaanan nila ay naghahagis muna sila ng isang isda. Nasa unahan si Blaze at ito tagatapon ng isda habang nakasunod naman si Alluka. Si Diezel naman ang nasa likuran at nagbabantay sa galaw ng kasama. "Sa tingin ko, kailangan na nating dalian," puna ni Diezel. "ayaw ko pang maputulan ng paa!" Nang tumingin ang dalawa sa likuran, sa bandang gawi niya ay ganoon na lamang ang paglaki ng mata ng mga ito. Ang mga hindi natatamaan ng lasers kanina ay tila may sariling buhay na ngayon at nagkusang lagyan ang hindi naabutan nito kanina. Ang mga nasa unahang bahagi ay nasusunog na at unti-unting natutusta kaya ganoon na lamang ang pagmamadali ni Blaze na lagyan ang ibat-ibang parte ng isda sa unahan upang malaman ang mga pwede nilang daanan. Alam ni Diezel na hindi siya maaaring mauna. Kailangangan sundin niya pa rin ang pila nila kahit nanganganib na ang buhay niya. Dapat niyang ipagpatuloy ang pagtitiwala sa mga kasama. Sa ganoong paraan lamang sila mabubuhay. Nagmamadali man ay sinigurado ni Blaze na magiging ligtas sila. Alam nito ang ginagawa kaya nagtyatyaga siya kahit abot-abot na ang kabang nadarama niya. Kaya naman nang makarating sila sa gitnang bahagi ay ganoon na lamang ang paghabol niya sa hiningang hindi naramdaman kanina. Ngunit hindi niya akalain na kahit hindi pa sila natatapos sa isang kalbaryo ay may paparating na namang isa. Isang palaso ang patungo ngayon sa direksyon niya na hindi niya napaghandaan! Nakadilat lamang ang mga mata ni Diezel nang sandaling iyon dahil hindi siya makagalaw. Ngunit bago pa man tumama sa kanya ang palaso ay nahila na siya ni Alluka. “Ayos ka lang?” tanong ni Alluka habang bakas sa mga mata ang pag-aalala. Mabilis ang naging pagtango niya bago ibaling ang tingin sa palaso na bumaon na sa lupa. Kung hindi naging maagap si Blaze, hindi malabo na sa katawan niya na iyon nakabaon ngayon. Alam niya na panibagong pagsubok na naman ang kanilang pagdadaanan dahil wala pa sila sa kalahati. Alam niya rin na gagawin ng dalawang kasama ang makakaya marating lang nila ang misteryosong bahay na iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD