NAKAHANDA NA SILA sa b****a ng Wardron sa may bandang hindi pansinin ng tao. Ito ang lugar pinag-usapan nilang tagpuan kapag nakalabas na ang mga ito sa kulungan. Malalim na ang gabi ngunit wala pa ring Diezel at Blaze na lumalabas sa pinag-usapan nilang lugar. Naghintay pa sila nang kaunti. Kapag wala pa ring makikitang senyales ng mga ito, kailangan na nilang gumawa ng paraan. "Sigurado ka ba rito, Zina?" pag-uulit na tanong ni Goldee. Kanina pa hindi mapakali ang dalaga habang palakad-lakad sa loob ng sasakyan. "Yes, I am sure. Mapagkakatiwalaan ang dalawang taga-Wardron na iyon." "If that's the case, we don't have any choice but to wait," isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Alluka matapos magsalita. Nagwagi ang mga kuliglig ng ilang minuto sapagkat walang nagtangka

