MULING ITINUON NI Blaze ang atensyon sa kanyang paligid. Kailangan na nilang magmadaling kumilos dahil tumatakbo ang oras. "Blaze!" mahinang pagtawag ni Diezel sa kanya. Tumango lamang siya rito. Nakangiting ngumiti sa kanya ang kapatid niya nang muling ibaling niya ang tingin dito. Nasa tabi na ito ngayon ni Pink. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang kapatid. Gagawin nito ang iniuutos niya dahil naiintindihan nito kung para saan at para kanino iyon. Binuhat nila ang mga bata sa dulong bahagi kung saan malayo sa pinto. Maaaring ang mga batang iyon ang isa sa mga nawawala na hinahanap ng mga taga-Seldron. Kailangan nilang makagawa ng paraan na maibalik ang mga ito nang hindi natutuklasan ng kahit sino sa mga kalaban nila. "What's up, young man," bruskong bati niya rito. Nakabusango

