NANG maiparada ni Tazmania ang kotse niya, tiningnan niya si Odie sa passenger seat. Napangiti na lang siya nang makitang tulog pa rin ito. Mukhang pagod na pagod ang dalaga. Kanina kasi, nakipaglaro muna sila sa kambal bago umalis ng bahay nina Garfield.
Pagkatapos niyang magpalipas ng gabi at isang buong maghapon sa mga Serrano, nabawi na niya ang kanyang lakas. Saka lang siya pinayagang umalis ng kambal na Odie at Garfield. They could be pretty stubborn, especially when they joined forces.
Sumama kay Tazmania si Odie pabalik sa condo unit niya dahil kukunin na nito ang mga gamit. Nakakalungkot, pero wala naman siyang karapatang pigilan ito at pakiusapan na manatili sa bahay niya dahil wala na ang kambal.
Marahan niyang niyugyog ang balikat ni Odie. Ayaw sana niyang istorbuhin ang tulog nito, pero baka sumakit ang katawan nito dahil sa posisyon. "Odie, wake up. Kung inaantok ka pa, sa bahay ka muna matulog."
Umungol sa protesta si Odie. "I'm too sleepy to move."
"Kung inaantok ka talaga, puwede naman kitang kargahin."
Napangiti si Odie, pero nanatili itong nakapikit. "That sounds so tempting."
Natawa nang mahina si Tazmania. Bumaba siya ng sasakyan, at lumigid sa passenger's side. Binuksan niya ang pinto, pagkatapos ay maingat na binuhat si Odie palabas. Hindi nagreklamo ang dalaga, at sa halip ay ipinulupot pa ang mga braso sa leeg niya. Then, she sighed contentedly and laid her head on his chest.
Sinipa ni Tazmania pasara ang pinto ng kotse, saka inayos sa mga bisig niya si Odie. Hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi dahil sa posisyon nila. He loved being this close to her.
"Hindi ko alam na may pagka-spoiled ka rin pala, Odie," tukso ni Tazmania habang naglalakad papunta sa ground floor elevator.
"Napagod lang talaga ako. Puwede mo 'kong ibaba kung nabibigatan ka na sa 'kin. Kaya ko namang maglakad nang nakapikit," antok na antok na sabi ni Odie.
"No way," tutol ni Tazmania, saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Odie. "Hindi ka naman mabigat. Matulog ka lang diyan."
"Mmm..."
Lumuwang ang pagkakangiti ni Tazmania. Odie looked like a baby right now and it was really adorable. Lalo tuloy niyang gustong alagaan ang dalaga.
Naputol ang pagmumuni-muni niya at napaderetso siya ng tayo nang may maramdamang nakatingin sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng parking lot, pero wala naman siyang nakitang ibang tao roon. Maging ang nakaparadang mga kotse ay wala namang sakay na tao. Naisip niyang baka guniguni lang niya iyon dahil gabi na.
Nang dumating ang elevator ay sumakay na siya roon, karga pa rin si Odie na natutulog sa kanyang mga bisig. Hanggang ninth floor ay karga niya ang dalaga, pero kahit nakakaramdam ng pangangalay ay masaya pa rin siya. Bakit naman hindi? She was literally in his arms.
Pero kinailangan ding ibaba ni Tazmania si Odie nang makarating siya sa unit niya dahil hindi niya mabuksan ang pinto habang buhat niya ang dalaga. Nagkusa rin naman itong bumaba nang dumating sila sa unit niya.
"Kung pagod ka pa, puwede namang bukas ka pa umuwi," sabi ni Tazmania kay Odie pagpasok nila sa unit niya.
"Baka nakakaistorbo na ko sa 'yo."
"Nah, just sleep for now. Bakit ba mukhang antok na antok ka?"
"Hindi kasi ako natulog kagabi," pag-amin ni Odie, saka ito umupo sa sofa.
"Bakit? Ano ba'ng ginawa mo?" curious na tanong ni Tazmania, saka nirolyo ang polo na suot hanggang sa mga siko. Naghahanda siya sa pagluluto ng hapunan nila.
"Tinapos ko na ang material na kailangan mo para sa kuwento namin ni Pluto," sagot ni Odie, saka kinuha mula sa bag ang isang CD case at inabot iyon sa kanya. "Hindi ko na kayang ituloy ang 'journey' na sinasabi ko sa 'yo noon. Kaya nag-video na lang ako ng sarili ko kagabi habang tinutuloy ko ang ilang importanteng nangyari sa amin ni Pluto noon. Hanggang sa mock wedding namin sa ospital na naging viral hit. Sana enough na ang material na nakuha mo."
Tinitigan ni Tazmania ang CD case na hawak na niya. Masaya ang negosyanteng bahagi niya dahil puwede na nilang simulan ang paggawa ng pelikula, tutal ay na-finalize na ng casting director ang mga artistang gaganap. Oreo refused to do the movie because Odie was a friend. Kaya kumuha na lang siya ng ibang magaling na direktor.
Ngayong hawak na niya ang materyales na kailangan, puwede na niya iyong ibigay sa creative team niya para masimulan na ang script base sa kuwento ni Odie.
"Kung may kulang, o kaya ay magulong parte, tawagan mo na lang ako o kaya i-e-mail," pagpapatuloy ni Odie. "Magbabakasyon kasi ako kaya baka hindi muna tayo magkita nang ilang linggo. Malaki naman ang tiwala ko sa 'yo kaya alam kong hindi mo hahayaang maging sobrang layo ng script sa totoong nangyari sa amin ni Pluto."
Sa dami ng sinabi ni Odie, isa lang ang naproseso ng utak ni Tazmania. "Aalis ka?"
"Oo, pero hindi na sa malayong lugar. Doon na lang sa rest house namin sa Laguna. Nauubusan na ako ng designs para sa clothing line ko, kaya naisip kong magbakasyon muna at baka-sakaling bumalik na ang muse ko. I'll be staying there for a couple of weeks."
Ah, Tazmania already missed Odie. Pero mas mabuti na iyong nasa Laguna lang ang dalaga, kaysa naman sa "malayong lugar." Saka kailangan talaga nito ng pahinga at oras para sa sarili kaya hindi niya pipigilan ang dalaga dahil lang mami-miss niya ito.
Kaso, babalik na rin ang buhay niya sa normal na routine. Ang boring siguro kapag hindi na niya kasama si Odie.
"Pero babalik ka naman, 'di ba?" paniniguro ni Tazmania.
Napangiti si Odie. "Oo naman."
"You'll come and see me when you come back, right?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Odie, pero nanatili pa rin ang maliit na ngiti sa mga labi nito. "Tazmania..."
"Tell me we'll still see each other. Please."
Naging seryoso si Odie. "Bakit, Tazmania? Bakit gusto mo pa rin akong makita kahit tapos naman na ang deal natin?"
"Dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikitang masaya ka na."
Natawa nang mahina si Odie. Patagilid itong humiga at ipinatong ang mga braso sa armrest ng sofa, pagkatapos ay inihilig ang ulo sa mga braso at pumikit. "Hindi ko alam, Tazmania. Hindi ko talaga alam. Puwedeng pareho na tayong busy pagbalik ko."
"I won't be too busy to see you. I'll make time," pangako ni Tazmania.
"Tingnan na lang natin."
Napabuntong-hininga siya. Ang akala pa naman niya, natibag na niya ang malaking pader sa pagitan nila ni Odie. Pero wala namang nagsabing magiging madali ang pagpasok niya sa puso ng dalaga. Binalaan na siya ni Oreo na mahirap ang kalaban niya—mga alaala ng taong namayapa na.
But I'm not going to give up.
Lumapit si Tazmania sa sofa. He got down on one knee, then touched Odie's face gently as he gazed lovingly at her. Her face was so close it took all he had not to kiss her. "Bumalik ka agad kapag na-homesick ka ro'n."
Napangiti si Odie, saka nagmulat ng mga mata. Mukhang hindi naman ito nagulat sa pagsakop niya sa personal space nito. "Bakit naman ako maho-homesick, eh, do'n ako lumaki? Saka nasa Pilipinas pa rin naman ako."
"Gusto ko lang sabihing sana ma-miss mo 'ko, dahil sigurado akong mami-miss kita."
Hinawakan ni Odie ang kamay ni Tazmania na nakikialam sa mukha nito. Naging malamlam ang mga mata ng dalaga. "I'm probably going to miss you, Tazmania."
Hindi na niya napigilan ang sarili na halikan sa noo si Odie. Pagkatapos ay idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga at pumikit. "Huwag mong sasabihin sa 'kin ang eksaktong address mo sa Laguna kahit pilitin kita. Dahil baka puntahan kita at maistorbo ko ang 'me time' mo."
Natawa nang mahina si Odie. "Okay, hindi ko sasabihin."
***
NAGTATAKA si Tazmania dahil isang linggo nang hindi sinasagot ni Odie ang mga tawag, text, at kahit e-mail niya rito. Sa pagkakaalam naman niya ay hindi pa ito umaalis para magbakasyon dahil noong isang araw lang, nakita niya ang dalaga na kalalabas lang ng Tee House. Hindi yata siya nito narinig at nakita kaya nagtuloy-tuloy ito sa pagsakay ng kotse nito at pinaharurot pa ang sasakyan.
Fuck. She's obviously hiding from you!
Iyon ang kutob niya, pero wala naman siyang maalalang ginawang masama para layuan, iwasan at pagtaguan siya ni Odie.
Alam ni Tazmania na hindi niya dapat pilitin agad si Odie na makipaglapit sa kanya, pero nag-aalala na talaga siya. Pupuntahan uli niya ito sa Tee House at sisiguruhing makakapag-usap na sila. Gusto lang naman niyang malaman kung bakit siya nito iniiwasan.
Palabas na siya ng opisina niya nang masalubong si Oreo. Seryoso ang mukha ng kaibigan at higit sa lahat, wala itong subo na lollipop. His friend always looked intimidating whenever he wasn't acting like a child.
"Saan ka pupunta?" istriktong tanong ni Oreo.
Kumunot ang noo ni Tazmania. "Kay Odie. Bakit?"
Pumalataktak si Oreo. Hinawakan nito si Tazmania sa kuwelyo at hinila pabalik sa opisina niya sa kabila ng pagtutol niya. "Hindi mo pupuntahan si Odie. Hindi ngayon."
Kinutuban ng masama si Tazmania. Tinapik niya ang kamay ni Oreo sa kuwelyo niya at pinihit ang kaibigan paharap sa kanya. "What do you mean? Ano ba'ng nangyayari?"
Bumuga ng hangin si Oreo. "I knew it. Wala ka pang alam sa nangyayari. Tell me, Taz. Hindi ka na ba marunong gumamit ng social media?"
Babad noon si Tazmania sa social media dahil madalas niyang i-promote ang mga pelikulang inilalabas ng Devlin Films. Pero nitong nakaraan ay hindi niya iyon nagagawa dahil abala siya sa ibang bagay. Okay, fine. Abala siya kay Odie. "Hindi. Ano ba'ng meron ngayon?"
Sa halip na sumagot ay lumigid lang si Oreo sa mesa niya, pagkatapos ay pinakialaman ang laptop niya. "Panoorin mo 'to."
Tumayo si Tazmania sa tabi ni Oreo, pagkatapos ay sinilip ang binuksang video ng kaibigan sa YouTube. Napaderetso siya ng tayo nang makita ang sarili sa video habang buhat-buhat niya si Odie. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang gabing binuhat niya ang dalaga dahil antok na antok ito. "Sino ang kumuha ng video na 'yan?"
"I don't know. Probably a woman whose name starts with N and ends with A."
Bumangon ang galit sa dibdib ni Tazmania. "Si Natalia?"
"Just a hunch. Si Natalia lang naman ang nang-i-stalk sa 'yo, 'di ba? Saka ang sabi mo no'ng nakaraan, nagbanta siya na guguluhin ka."
Tinawagan ni Tazmania si Natalia. Hindi niya napigilang mapasinghal nang marinig ang boses ng babae. "Sinusundan mo ba ako at kinunan kami ng video ni Odie nang magkasama? At ikaw rin ba ang nag-upload ng video na 'yon?"
"Nakalimutan mo na ba, Taz? I'm a reporter. It's easy for me to gather data. Nalaman kong 'yong babaeng naging viral dahil namatayan ng boyfriend pala ang kinahuhumalingan mo ngayon. Well, naisip ko lang na ano kaya ang magiging reaction ng mga tao kapag nalaman nilang 'yong akala nilang super faithful na girl ay nakapag-move on na pala at nakikipaglandian pa sa may-ari ng Devlin Films?" nang-uuyam na tanong ni Natalia, saka tumawa nang malakas.
Nagtagis ang mga bagang ni Tazmania. Kaya naman pala kompleto ang impormasyon niya at ni Odie sa video, si Natalia ang nag-upload niyon! Hindi siya nananakit ng babae, pero nang mga sandaling iyon, parang gusto niyang maging kauna-unahang biktima si Natalia. "Listen to me, Natalia. And you listen very carefully. Huwag na huwag ka nang magpapakita uli sa 'kin dahil hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko sa 'yo. Sa susunod na guluhin mo uli kami ni Odie, ipapakita ko sa 'yo kung gaano puwedeng maging kagago ang tulad ko. You hear me?"
"H-hindi ako natatakot sa 'yo, Taz," pagsisinungaling ni Natalia. Halata namang natakot ito base pa lang sa panginginig ng boses. "Nakaganti na ko sa 'yo so I am done with you!"'
"Good," mapait na sagot ni Tazmania, saka pinutol ang tawag.
"Witch," iiling-iling na komento ni Oreo. "Ang mga tulad niya ang dahilan kung bakit takot na 'ko sa mga babae."
Bumuga lang ng hangin si Tazmania. "Kailan lumabas ang video na 'yan?"
"Isang linggo nang naka-upload ang video sa YouTube. Pero no'ng isang araw lang, may nag-upload ng video na 'yan sa fanpage na ginawa ng fans para kina Odie at Pluto, kaya mabilis na kumalat. At ngayon nga, pinagtsitsismisan ka na ng mga empleyado mo."
Napamura si Tazmania. Isang linggo na siyang iniiwasan ni Odie. Ibig bang sabihin, nakita agad nito ang video? Pero ano naman ang masama sa video na iyon?
Nagpunta si Tazmania sa fanpage na ginawa para kina Odie at Pluto. Nakita agad niya ang video. Binasa niya ang mga komento sa ibaba:
"Malandi pala 'yang babaeng 'yan, eh. XD"
"Doon na siya nakatira sa condo unit ng guy? Nagli-live in na sila?"
"Baka naman friends lang... friends with benefits! LOL."
"Naawa pa ko sa kanya dahil nakakaiyak 'yong tribute na pinost niya para sa death anniversary ng boyfriend niya, pero may iba na pala siya."
"Ano ba 'yan? Isang taon pa lang. Ang bilis namang nakahanap ng kapalit."
"Nangati siguro, kaya nagpakamot na sa iba. Mahirap nga naman kapag patay na ang jowa. Intindihin natin, guys. Ha-ha!"
"Paano na 'yong movie nila ni Pluto? :O"
"Plot twist: 'yong may-ari ng Devlin Films na ang bida sa movie."
Bumaon na ang mga kuko ni Tazmania sa mga palad niya. Nagtagis na ang mga bagang niya sa matinding galit na nararamdaman habang binabasa ang mga komento, lalo na ang masasakit na mga salitang ipinupukol kay Odie.
Isinara ni Oreo ang tab ng f*******: ni Tazmania dahilan para mawala ang video, pagkatapos ay tinapik siya ng kaibigan sa balikat. "Huwag mo nang basahin ang mga comment. Baka makapatay ka niyan."
Humugot ng malalim na hininga si Tazmania, pero hindi pa rin iyon sapat para kalmahin ang sarili. Gusto niyang pagmumurahin at saktan ang mga taong nang-insulto kay Odie, pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya sa dalaga. "Alam na kaya niya ang tungkol sa video?"
"Malamang. May nag-post ng video sa f*******: account niya, eh."
"Mag-hire ka ng mga tao na puwedeng magtanggal ng video na 'yan nang hindi na kumalat pa. Baka hunting-in ko isa-isa ang mga nag-comment diyan."
"Okay."
Naiinis na ginulo ni Tazmania ang buhok. Pigil na pigil siyang magwala dahil alam niyang hindi makakatulong iyon sa sitwasyon "s**t! Ano ba'ng problema ng mga taong 'yan? Ano ba'ng gusto nilang gawin ni Odie? Habang-buhay na magluksa sa pagkamatay ni Pluto dahil 'romantic' at 'madrama' 'yon?"
Sumandal si Oreo sa gilid ng mesa at namulsa. "Alam mo naman ang mga Pinoy. Mapanghusga sa kababayan, pero galit na galit naman kapag ibang lahi ang lumalait sa atin." Dumukot ito ng lollipop sa bulsa at binalatan iyon. "Katulad niyang nangyari kay Odie. Nahusgahan agad ng mga taong wala namang alam, at akala mo kung sinong malilinis."
Naihilamos ni Tazmania ang mga kamay sa mukha. "Kailangan kong makausap si Odie."
"Kalat na ang mukha n'yong dalawa sa social media ngayon. Baka may makakilala sa inyo kapag nakita kayong magkasama."
"I don't give a f**k!"
"Paano na ang movie na gagawin ng Devlin Films kung sira na si Odie sa mga tao?"
Muling nagtagis ang mga baga ni Tazmania. "I don't give a damn about it. I need to protect Odie. Hindi puwedeng masaktan siya dahil lang sa salita ng mga walang-kuwentang tao na walang ibang alam gawin kundi magbabad sa Internet at sumira ng buhay ng iba."
Pumito si Oreo. "Careful, friend. You're being too judgmental yourself."
Pinukol lang ni Tazmania ng masamang tingin si Oreo. Pero agad ding nawala ang galit niya nang maalala si Odie. Sigurado siyang nasaktan ito sa mga nabasang komento. Hindi pa man din sila nagkakaigihan ng dalaga, nabigyan na agad ng malisya ng ibang tao ang pagkakaibigan nila. Ang masakit pa, naging masamang babae si Odie sa paningin ng marami.
"Wala na bang karapatang maging masaya sa ibang lalaki si Odie dahil lang namatayan siya ng boyfriend?" pabulong na tanong ni Tazmania sa sarili niya. Kaya nagulat siya nang sumagot si Oreo.
"Miserable people hate seeing others happy. 'Yong mga taong hindi natutuwa na nakapag-move on na si Odie ay 'yong mga taong malulungkot at galit sa mundo na naghahanap ng iba pang mahihila nila pababa. Crab mentality really disgusts me." Nang hilain ni Oreo mula sa bibig ang lollipop, stick na lang iyon at malamang, naiwan ang candy sa loob. "You know how to get even with people like that? Ignore them and be happy with your lives. Manggagalaiti sa inggit ang mga bitter sa mga taong masasaya at in love."
Pinigilan ni Tazmania ang mapangiti, pero hindi siya nagtagumpay. Oreo never failed to make him calm. Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. "Salamat, pare."
Iwinasiwas lang ni Oreo ang kamay. "Go and protect Odie, lover boy."
***
DAHIL hindi alam ni Tazmania kung saan pupuntahan si Odie, nagtungo muna siya sa Tee House. Kung wala roon ang dalaga, lalakasan na niya ang loob niya na hanapin ito kay Garfield.
Pagdating sa Tee House, nagtaka siya nang makitang may SUV sa parking lot, pero "Close" ang nakalagay sa signage ng shop. Sumilip siya sa loob mula sa salaming pinto. Nakita niya si Odie na may kausap na matandang mag-asawa na mukhang may sinasabi sa buhay.
At sa pagkagulat ni Tazmania, sinampal ng matandang babae si Odie na napayuko na lang. Habang ang matandang babae naman, patuloy sa tila pagsigaw sa dalaga. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nanggalaiti siya sa eksenang nakita. Hindi siya papayag na may mananakit kay Odie, kahit pa sabihing matanda iyon! Kinalampag niya ang pinto, pero mukhang hindi siya pinapansin ni Odie at ng mag-asawang matanda. Mabuti na lang, nakita niya si Sylvester, isa sa staff ng Tee House. Sinenyasan niya itong buksan ang pinto. Noong una ay nag-aalangan ang lalaki, pero sa huli ay tumalima rin ito.
"Ang kapal ng mukha mo! Isang taon palang namamatay ang anak ko, may lalaki ka na agad!" galit na galit na sigaw ng matandang babae, na narinig ni Tazmania.
Napaderetso ng tayo si Tazmania. Kung ganoon, mga magulang pala ni Pluto ang matandang mag-asawa. Malamang sa oo, napanood na rin ng dalawa ang video nila ni Odie.
"Honey, calm down," saway ng matandang lalaki sa asawa.
"Calm down? Paano ako kakalma pagkatapos ng napanood natin?" Muling hinarap ng matandang babae si Odie at dinutdot ang noo ng dalaga. "Hindi ko akalaing magagawa mong bastusin ang alaala ng anak ko, Odie! Pinagtatawanan tuloy siya ng ibang tao dahil sa kagagawan mo! Nakikipag-live-in na kaagad sa ibang lalaki? Gaano katagal na? O baka naman buhay pa ang anak ko ay may nakareserba ka na bilang kapalit niya?!"
Nag-angat ng tingin si Odie, bakas sa mga mata ang matinding paghihinanakit. "Hindi ho totoo 'yan, Mama. Wala akong ibang lalaki—"
"Huwag mo na 'kong tatawaging Mama!" sansala ng ginang kay Odie, saka muling sinampal nang malakas ang dalaga. Sa pagkakataong iyon, dumugo na ang gilid ng labi ni Odie.
Alam ni Tazmania na hindi siya dapat makialam, pero nang makita niya ang dugo sa gilid ng labi ni Odie, at ang muling pagtaas ng kamay ng ina ni Pluto, hindi na siya nakatiis. Humarang siya sa harap ni Odie, at siya ang tumanggap ng malakas na sampal ng ginang.
Napamura siya sa isipan. Kung siya na lalaki ay nasaktan sa malakas at mabigat na sampal ng matandang babae, paano pa kaya si Odie? At hindi niya alam kung ilang beses nang nasaktan ang dalaga. That was enough to make him really mad.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa Tee House, hanggang sa isa-isang makabawi mula sa pagkagulat ang lahat.
"Aren't you the guy in the video?" tanong ng matandang lalaki. "Si Fortunate na may-ari ng Devlin Films."
"Ako nga ho," magalang na sagot pa rin ni Tazmania, pigil na pigil ang galit.
Nagpalipat-lipat ng tingin ang ginang kay Tazmania at Odie, pagkatapos ay tumawa nang pagak. "This only proves that the rumors are true. Totoo ngang may ipinalit ka na sa anak ko."
Napabuntong-hininga si Odie, mukhang pagod na pagod na. "Wala ho kaming relasyon ni Tazmania, Ma—" Umiling-iling ito. "Mrs. Santiago."
"Hindi 'yan ang nakikita ko, Odie. Mukhang masayang-masaya ka na sa buhay mo ngayon at nakalimutan mo nang magluksa para sa anak ko," mapait na sabi ng ginang.
"Kasalanan ho ba na maging masaya si Odie?" hindi napigilang tanong ni Tazmania sa naghihinanakit na boses.
"Tazmania," saway ni Odie.
Namula ang mukha ng ginang sa galit. "Ano'ng sabi mo?"
"With all due respect, Ma'am, I believe that Odie deserves to be happy," mariing sabi ni Tazmania, kuyom-kuyom pa rin ang mga kamay upang kalmahin ang sarili. "Nakikisimpatya ho ako sa pagkawala ni Pluto, pero huwag ho sana kayong maging makasarili. Hindi naman ho dahil wala na si Pluto ay dapat nang magluksa habang-buhay si Odie."
Bumigat ang paghinga ng ginang dahil sa matinding galit. Dinuro nito si Tazmania. "Hinding-hindi ako papayag na masama ang pangalan ng anak ko sa kahit anong pelikulang gagawin ng kompanya mo! Tandaan mo 'yan!"
"Honey, tama na 'yan. Let's go," saway ng matandang lalaki sa asawa. Pagkatapos ay hinila na nito ang ginang palabas.
Nang makaalis ang mag-asawa ay mabilis na hinarap ni Tazmania si Odie. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya. Napamura na lang niya nang makitang namamaga ang kaliwa nitong pisngi. Pumutok ang gilid ng labi nito. "Gamutin natin 'yang sugat mo."
Inalis lang ni Odie ang mga kamay niya sa mukha nito, pagkatapos ay patakbo itong umakyat sa second floor.
"Odie..."
"Kuya," untag ni Sylvester kay Tazmania, at inabot sa kanya ang cold compress na hawak. "This will help."
"Salamat," sinserong sabi ni Tazmania, saka sinundan sa ikalawang palapag si Odie. Bukas ang pinto ng kuwarto nito kaya doon niya ito sinundan. Nakita niyang nakaupo ang dalaga sa pasimano ng bintana, yakap-yakap ang mga binti. "Odie, gagamutin ko ang sugat mo."
"Bakit ka ba nagpunta dito, Tazmania?" Hindi galit ang tanong ni Odie pero may hinanakit sa boses.
"Nag-aalala lang ako sa 'yo."
"Napanood mo na ang video?"
"Oo."
"Saan galing 'yon?"
"Hindi ko rin alam, maniwala ka. Pero aalamin ko at pagbabayarin ko ang taong 'yon," pangako ni Tazmania, at talagang gagawin niya iyon.
"Para saan pa? The damage has already been done," nayayamot na sabi ni Odie.
Sinuntok ng konsiyensiya si Tazmania. Tama naman si Odie. Hindi niya ito naprotektahan. "I'm sorry."
Nilingon siya ni Odie, bakas sa mukha ang pagtataka. "Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. It's my fault. I became too comfortable with you. Pero no'ng una pa lang, hindi na dapat ako tumira sa condo unit mo kasama ang kambal."
Hindi nagustuhan ni Tazmania na parang pinagsisisihan ni Odie ang pinakamasasayang araw ng kanyang buhay. "Wala namang may kasalanan sa nangyari." Well, except for the person who took the video and uploaded it.
Tumingin sa labas ng bintana si Odie at naging tahimik. Bumalik ito sa dating Odie na parating malayo ang tingin. Pakiramdam ni Tazmania, unti-unti na namang nawawala sa kanya ang dalaga. That scared the s**t out of him.
Umupo si Tazmania sa tabi ni Odie, hinawakan ito sa baba, at marahang pinihit ang mukha paharap sa kanya. Bago pa ito makapagtanong ay marahang ipinatong na niya ang cold compress sa namamaga nitong pisngi. Napapiksi ito. "Tiisin mo lang, Odie."
Tinitigan lang siya ni Odie, pagkatapos ay mabilis na tumulo ang mga luha nito.
"Masakit ba?" natatarantang tanong ni Tazmania.
Tumango si Odie. "Mahigit seven years kaming naging magkarelasyon ni Pluto. Mahigit pitong taon akong naging bahagi ng pamilya nila. Hindi ko maintindihan kung paanong naisip ni Mama na magagawa ko kay Pluto 'yon. Na magkakaroon ako ng reserba habang buhay pa ang fiancé ko. Gano'n ba kababaw ang tingin niya sa pagkatao ko matapos ng mahabang panahong pagkakakilala namin?"
Muling sinuntok ng konsiyensiya si Tazmania. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat ng iyon. "Maybe she's also in pain. At kapag nasasaktan ang isang tao, hindi siya nakakapag-isip nang maayos."
Napahikbi si Odie. "I feel guilty."
"Bakit naman?"
"Tama 'yong sinabi ni Mama kanina. Isang taon pa lang mula nang mamatay si Pluto, pero heto ako, masaya. Parang nakalimutan na ang nangyari..."
Hindi makapaniwala si Tazmania sa narinig. Iniisip ba talaga ni Odie na kulang pa ang pagluluksa nito para kay Pluto? Ilang beses nitong pinagtangkaan ang buhay, at kung maging masaya man ito ngayon, karapatan iyon ni Odie. "Don't feel guilty just because you're happy now, Odie. You deserve to be happy!"
Umiling-iling si Odie, tila nawawala na naman sa sarili. "Dapat ginawa ko na lang 'yong plano ko. Dapat itinuloy ko na lang ang pagpunta sa malayo. Wala na si Pluto dito..."
Iniisip na naman ba ni Odie na magpakamatay? Hindi papayag si Tazmania, lalo pa ngayon at mahal na niya ang dalaga. "Tama ka. Wala na si Pluto dito. Pero nandito ka pa, Odie. Buhay ka pa kaya natural lang na umikot uli ang mundo mo. Walang masama kung matututo kang maging masaya kahit wala si Pluto."
Inihilamos ni Odie ang mga kamay sa mukha na para bang hindi na nakikinig kay Tazmania. "Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ng pamilya ni Pluto sa pagiging malapit natin..."
Napaderetso ng upo si Tazmania. Hindi na talaga siya natutuwa sa ikinikilos ni Odie. Kailangan niya itong ibalik sa huwisyo. Hinawakan niya sa pulsuhan ang dalaga, at dahan-dahang inalis ang mga kamay na nakatakip sa mukha nito. She looked at him in confusion, he gazed back at her with all the love in his heart. "Walang masama kung makikipaglapit ka sa ibang lalaki, Odie. Huwag mong itali ang sarili mo sa alaala ni Pluto."
Lalong lumakas ang mga hikbi ni Odie. "Nagi-guilty ako, Tazmania. Tama sila. Isang taon pa lang mula nang mamatay si Pluto. Pero hindi ko mapigilang masaya kapag ikaw ang kasama ko. Gusto kong nandiyan ka lang sa tabi ko, pero mali 'to."
Nagulat si Tazmania sa mga sinabi ni Odie. Ramdam niya na unti-unti silang naging malapit sa isa't isa nitong nakaraang mga araw. Pero hindi niya inakalang kahit paano pala ay may lugar na siya sa puso ng dalaga. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon.
"Hindi mali 'yang nararamdaman mo, Odie. Hindi mali na maging masaya ka sa 'kin. Kalimutan mo na ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga lang, ikaw at ako."
Bumakas ang gulat at pagkalito sa mga mata ni Odie. "What do you mean, Tazmania?"
"I love you, Odie. Mahal na mahal kita."
Ilang beses nang inisip ni Tazmania kung paano niya sasabihin kay Odie na mahal niya ito. He had thought of a hundred possible ways to say those three words to her, but in the end, he realized that the best way to tell a woman that you loved her was to simply say it. Then work your ass of to prove it in every possible way.
Bahagyang bumuka ang bibig ni Odie para magsalita, pero mukhang nagbago ang isip nito dahil wala itong nasabi.
Bumaba ang tingin ni Tazmania sa bahagyang nakaawang na mga labi ni Odie. Ah, s**t. Ilang linggo na niyang kinokontrol ang sarili, pero sa tingin niya, naabot na niya ang kanyang limitasyon ngayon. Tumingin siya sa mukha ng dalaga. Nangingislap ang mga mata nito dahil sa mga luha, namumula ang ilong sa pag-iyak, namamaga ang pisngi dahil sa sampal, at namumula ang mga labi dahil sa dugo.
But she was still the most beautiful woman in his eyes.
Masuyong hinaplos ni Tazmania ang magaling na pisngi ni Odie, at ang isang kamay naman niya ay dahan-dahang kinabig ang batok ng dalaga palapit sa kanya habang unti-unti niyang ibinababa ang mukha niya.
Nang walang matanggap na pagtutol mula kay Odie, tuluyan na niyang hinalikan ang dalaga. Nang maramdaman ang mga labi nito sa mga labi niya, may kung ano ang nabuhay sa dibdib niya. Gusto niyang sakupin ang bibig nito, gaya ng madalas niyang pangarapin. Pero pinigilan niya ang sarili niya dahil sa sugat nito.
So he kissed her slow and gentle, and he realized he enjoyed savoring the taste of her lips that way. Pero sinipa siya ng konsiyensiya nang mapansing hindi naman tumutugon si Odie.
Pakakawalan na sana ni Tazmania ang mga labi ni Odie dahil naisip niyang baka sinasamantala na niya ang kahinaan nito. Pero pinigilan siya ng dalaga. Ipinulupot nito ang mga braso sa leeg niya at tinugon ang kanyang mga halik.
Odie kissed Tazmania fast, hot, and long.
Umungol si Tazmania sa bibig ni Odie at kinabig ang katawan ng dalaga palapit. Hinapit niya ang baywang nito at kinandong nang hindi pinuputol ang malalim at mainit na nilang halikan.
"Thank you, Tazmania," bulong ni Odie sa mga pagitan ng halik ni Tazmania. "Thank you."
Tazmania felt like he was in a trance. Odie's kisses were driving him really crazy. "Mmm. Just kiss me, baby." He couldn't get enough of her, so he captured her mouth again for another searing kiss...
...without realizing that a first kiss could also be the last.