HINDI makatulog si Tazmania nang gabing iyon. Unang-una, hindi siya mapakali dahil nag-aalala siyang baka pagtangkaan ni Odie ang sariling buhay dahil ang lungkot-lungkot nito kanina. Pangalawa, napalakas ang pinapanood na pelikula ng dalaga kaya dinig na dinig niya iyon hanggang sa kuwarto niya.
Tumawag si Oreo sa kanya. Sinagot niya agad iyon. "Oreo."
"Taz, alam mo bang bukas pala ang first death anniversary ni Pluto?"
Napabangon si Tazmania. "Seriously?"
"Yeah. Nag-post si Odie ng video na tribute para kay Pluto. Check it out."
"Yeah, I will," sagot niya habang inaabot mula sa bag niya ang iPad.
"At tumawag ako para sabihin sa 'yo na don't be too hard on Odie. Alam kong lahat tayo, gustong makapag-move na siya. Pero hindi makakatulong kung mamadaliin natin siya. Alam ko rin na para siyang time bomb na papasabugin ang sarili anumang oras niya gustuhin. Intindihin na lang natin. Sometimes, the best comfort we can offer someone is our understanding."
"You're being a little too mushy right now, Oreo."
"Yeah. You should watch the video. Tingnan natin kung hindi ka maapektuhan."
"I'm hanging up."
Pagkatapos makipag-usap kay Oreo ay kinuha ni Tazmania ang iPad niya. Nag-log-in siya sa kanyang f*******: account. Nakita agad niya ang sinasabi ni Oreo na post ni Odie dahil maraming nag-comment sa video na ginawa ng dalaga. At karamihan sa mga iyon, mutual friends nila.
Pagkabasa pa lang ni Tazmania sa caption ng video, para na siyang sinuntok sa dibdib. The message was simple, but heartbreaking: "The world didn't end in 2012. But mine did."
Ah, oo nga pala. Noong 2012 pumanaw si Pluto, ang taon din kung kailan sinasabing magugunaw na dapat ang mundo. Buo pa rin ang mundo, pero hindi si Odie. Namatay ito nang namatay ang kasintahan isang taon na ang lumilipas.
Tazmania played the video. Puno ng masasayang pictures nina Odie at Pluto ang laman niyon, habang ang kantang tumutugtog ay "Grow Old With You."
Mahigit pitong taon naging magkasintahan sina Odie at Pluto. Hindi nga siguro ganoon kadaling kalimutan ang ganoong kahabang panahon ng pagsasama sa loob lang ng isang tao. Ngayon lang din napagtanto ni Tazmania na wala siyang ideya sa kung gaano kalalim ang naging ugnayan ng dalawa. But obviously, they had a very strong bond that even death couldn't break.
Tazmania stopped the video. Unti-unti nang may pumipiga sa puso niya habang sinisilip ang masasayang alaala nina Odie at Pluto sa mga nakikita niyang larawan, kaya hindi na niya nagawang tapusin ang panonood. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit naging emosyonal si Oreo matapos nitong mapanood ang video. It was painful to watch, especially if you had seen how miserable Odie was.
Umabot na sa libo ang likes ng video, at daan naman ang nag-share niyon. Binasa ni Tazmania ang ilang komento. Lahat halos ng tao ay nakikisimpatya kay Odie.
Dapat matuwa siya bilang movie producer dahil base pa lang sa reaksiyon ng publiko, alam na niyang tatangkilikin ang mga tao ang pelikula na base sa istorya nina Odie at Pluto. Pero nang mga sandaling iyon, wala siyang ibang naramdaman kundi awa at pag-aalala para kay Odie.
Tazmania played the video again, but only to pause it in the part where Odie's smiling face was shown close-up. Pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi ng dalaga sa screen gamit ang kanyang daliri. "You should start rebuilding your world again, you know. Kung kailangan mo ng karpintero, construction worker, architect, engineer, o kahit janitor para lang mabuo uli 'yang mundo, nandito lang ako."
"I feel good, I knew that I would. Now I feel good. I knew that I would. So good. So good. I got you..."
Naputol ang pagmumuni-muni ni Tazmania ng malakas na kantang nagmumula sa pinapanood ni Odie sa labas.
Tumingin siya sa relong-pambisig niya. Mag-aalas-dose na ng madaling-araw. Dapat ay nagpapahinga na si Odie dahil siguradong napagod ito sa adventure park na pinuntahan nila kanina kasama kanilang mga kaibigan.
Tumayo siya at lumabas ng kuwarto para sana sabihan si Odie na matulog na. Pero nagulat siya nang makitang wala naman pala ito sa sala, kahit bukas ang TV at nakasalang ang DVD ng Garfield movie na kanina pa niya naririnig.
Kinuha niya ang remote control, at hininaan muna ang TV bago sana niya iyon patayin. Pero habang pahina nang pahina ang volume ng palabas, palakas naman nang palakas ang naririnig niyang mga hikbi.
He froze. Sigurado siyang si Odie ang umiiyak.
Shit!
Hindi na nakatiis si Tazmania at pinuntahan na niya si Odie sa kuwarto nito. Tinangka niyang kumatok, pero naisip niyang baka magalit lang sa kanya ang dalaga kapag nakita siya. Marahil ay nilakasan nito ang TV dahil ayaw nitong makita niya na umiiyak. So he just slowly opened the door—which was unlocked—and took a peek inside.
Madilim ang buong kuwarto ni Odie, maliban sa malamlam na liwanag na nagmumula sa bintana. Nakaupo si Odie sa pasamano, yakap ang mga binti, nakayukyok ang mukha sa mga tuhod, at yumuyugyog ang mga balikat sa labis na pag-iyak.
Tazmania felt his heart break at the sight of her.
Pero bukod sa awa, nakaramdam din siya ng matinding paghanga para kay Odie. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng kasimpuro nito kung magmahal. Sige, aaminin na niya kung bakit nakuha ni Odie ang atensiyon niya, at kung bakit nagdesisyon siyang protektahan ang babaeng ito.
He was grateful to Odie because he made her believe in marriage and in love again. Odie showed her the beautiful side of love and the kind of selflessness that he had failed to see in his parents. She had given him hope.
Pag-asa na balang-araw, may babaeng kagaya ni Odie na magmamahal sa kanya nang buo, tapat at walang-hanggan. Pag-asa na balang-araw, makikilala rin niya ang babaeng gugustuhin niyang mahalin, alagaan, at makasama habang-buhay.
Odie showed Tazmania that there was still hope in this world. That it wasn't all over for him yet because he had finally realized what he wanted in life—to love and be loved.
Dahan-dahang isinara ni Tazmania ang pinto. Pagkatapos ay umupo siya sa sahig, nakasandal sa pader habang yakap-yakap ang mga binti. Torture para sa kanya ang pakinggan ang magdamag na pag-iyak ni Odie, pero kailangan niyang manatiling malapit sa dalaga dahil natatakot siyang may gawin itong masama sa sarili. Kailangan nandoon siya para mapigilan niya ito kung sakali ngang magpapakamatay na naman si Odie.
Tumingala siya sa kisame, at inisip ang imahen ng mukha ni Pluto. You're lucky, dude. You were loved by a good woman.
Tazmania had dated so many women in the past, but none of them probably loved him the way Odie loved Pluto. All they had ever given him was amazing s*x. Hindi naman niya masisisi ang mga babaeng nakarelasyon niya, dahil pakikipagtalik at panandaliang saya lang din naman ang kaya niyang ibigay sa mga ito.
Hindi naman siya naghahanap ng babaeng magmamahal sa kanya noon. But Odie's love for Pluto inspired him. He wanted to have a love like they once had. Gusto rin niya ng babaeng mamahalin siya habang-buhay. At siyempre, gusto na rin naman niyang matutong magmahal.
Pakiramdam kasi niya, nag-aaksaya siya ng oras mag-isa. Ngayon lang niya naisip kung gaano siya kasuwerte dahil buhay pa siya ngayon, at may pagkakataon pa para gumawa ng pakinabangan sa mundo.
Ah, hindi. Kahit sa isang tao lang, gusto niyang maging importante ang paghinga niya.
Ngumiti si Tazmania nang mapait. Look at what you've turned me into, Odie.
Pumikit si Tazmania habang pinapakinggan ang pag-iyak ni Odie, umaasa na sana, huminto na ito sa pag-aaksaya ng mga luha. Hindi niya alam kung kailan siya hinila ng antok, at kung kailan siya nagpatalo sa pagod ng katawan at nahimbing. Nagulat pa siya nang may yugyog sa balikat na gumising sa kanya.
"Hey, wake up."
Nang imulat ni Tazmania ang mga mata, hindi si Odie ang sumalubong sa kanya, kundi ang kakambal ng dalaga. Napabalikwas tuloy siya. "Garfield."
Kumunot ang noo ni Garfield. "Ano'ng ginagawa mo sa bahay ng kapatid ko?"
***
GISING na ang diwa ni Tazmania habang nagkakape sila ni Garfield sa coffee shop na malapit sa Tee House. Pagkatapos siyang gisingin ng lalaki ay niyaya siya nitong magkape dahil may pag-uusapan daw sila.
"Nagpunta ako sa Tee House para sana sunduin ang kapatid ko," basag ni Garfield sa katahimikan. "Pero wala na siya nang dumating ako. Nang tawagan ko naman siya, ang sabi niya nasa sementeryo na siya."
Kumunot ang noo ni Tazmania. Hanggang sa maalala niyang iyon na ang araw ng unang taon ng kamatayan ni Pluto. "Oh. Okay lang ba si Odie? I mean, mag-isa lang siya..."
Umiling si Garfield. "Don't worry. Kasama ni Odie ang mga magulang ni Pluto. Sa tingin ko naman, hindi siya gagawa ng..." Umiling-iling ito, hindi na tinuloy ang sinasabi. "Anyway, balak ko namang sunduin ang kapatid ko mamaya dahil nakabalik na sa bansa ang mommy namin."
Natahimik si Tazmania. Sigurado siyang gustong sabihin ni Garfield kanina ang tungkol sa tendency ni Odie na saktan ang sarili. Pero hindi na niya binuksan ang paksa dahil ayaw niyang mag-alala si Garfield kapag nalaman nito ang "plano" ng kakambal. Iniba na lang niya ang usapan. "Galing ibang bansa ang mommy n'yo?"
Ngumiti si Garfield. He seemed relax now. "Yes. Nagbakasyon si Mommy sa States, dinalaw ang mga kapatid niya ro'n."
"Oh. I see."
Pumagitna ang katahimikan. Ano ang magagawa ni Tazmania? Wala siyang maisip na puwede nilang pag-usapan ni Garfield. Isa pa, ramdam niyang sinusuri siya ng lalaki.
"Bakit ka nakatira sa kapatid ko?" deretsahang tanong ni Garfield na tila hindi na nakatiis. "Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa pribadong buhay ng kakambal ko, pero hindi ako komportable sa sitwasyon niya. My sister is vulnerable right now."
"I haven't been taking advantage of Odie," mabilis na tanggi ni Tazmania. "Nagtutulungan lang kami. Hindi ko na idedetalye, but trust me. I mean your sister no harm in any way."
"Siguruhin mo lang. Ayokong masaktan uli ang kakambal ko sa kahit anong paraan."
"Look, Garfield. Nagsimula kami ni Odie bilang, well, magkatrabaho dahil sa pelikulang gagawin ng kompanya ko. But along the way, we somehow built a friendship. Aaminin ko na rin. I care for her. Gusto ko siyang tulungan dahil naniniwala akong may karapatan pa rin siyang maging masaya, kahit pa nawala na sa kanya si Pluto," pag-amin ni Tazmania, dahilan para bigla siyang makaramdam ng pagkailang. Gusto niyang pagkatiwalaan siya ni Garfield, dahil gusto niyang ipaalam dito na ligtas ang kakambal ng lalaki sa kanya.
Mataman siyang pinagmasdan ni Garfield, saka ito tumango-tango. "Thank you. Thank you for believing that my sister still deserves to be happy."
"You don't need to thank me for that."
"Still, nagpapasalamat ako dahil nararamdaman kong concern ka talaga sa kakambal ko. Kung meron lang sana tayong magagawa para tulungan siyang maka-move on na nang tuluyan," iiling-iling na sabi ni Garfield. "Pati nga ang mommy namin, nag-aalala pa rin kay Odie. Kung kaya nga raw niyang alagaan si Odie kasama ng mga kambal, ginawa na niya."
"What do you mean?"
"Umuwi kasi ang mommy namin para alagaan ang kambal ko. Maselan kasi ang pagbubuntis ni Snoopy, kaya kailangan niya ng complete rest. Hindi niya 'yon magagawa dahil hands-on siya sa mga anak namin. Ayaw naman niyang kumuha ng ibang tao para mag-alaga sa mga bata, kaya nagprisinta si Mommy na sa amin muna tumira," kuwento ni Garfield.
"Ah. I see."
Mahirap mag-alaga ng kambal, lalo na ng kambal na singkulit nina Tom at Jerry. Kaya ngayon pa lang, nakikita na ni Tazmania kung gaano magiging ka-busy ang mommy nina Garfield at Odie...
Wait. Kailangan ni Odie maging gano'n ka-busy.
"Garfield, I have a suggestion."