Chapter 12

1227 Words
SO WE meet again, huh? Nakikipagtitigan si Tazmania kay Jerry, ang isa sa kambal nina Garfield at Snoopy. Makulit ang batang ito dahil katulad noon, nakakapit ang paslit sa binti niya at kinakagat-kagat ang kanyang tuhod. Puno na tuloy ng laway ang pantalon niya. Naroon sila ngayon sa pinakababa ng hagdan sa Tee House, dahil may importanteng pinag-uusapan sina Garfield at Odie sa ikalawang palapag. "Chocoyeyt," nanggigigil na sabi ni Jerry, saka muling kinagat ang binti ni Tazmania. "Mukha ba kong chocoyeyt?" nayayamot na tanong ni Tazmania sa bata, habang dumudukot ng tsokolate sa bulsa niya. "Handa na 'ko ngayon kaya tantanan mo ang pantalon ko." Inabot ni Tazmania ang Snickers kay Jerry, na mabilis umupo sa baitang ng hagdan at tahimik na kinain ang chocolate. Ah, iyon lang pala ang makakapagpatahimik sa pasaway na bata. Ang totoo niyan, bumili siya ng chocolate bar dahil alam niyang makakatagpo uli niya ang kambal. Nilingon ni Tazmania ang magkapatid na Garfield at Odie—na kandong ang tahimik lang na si Tom—na nag-uusap sa sala sa second floor. Seryoso ang dalawa, at dahil hindi naman kalakihan ang Tee House, naririnig niya ang bahagyang pagtatalo ng kambal. Kanina, ikinagulat ni Odie nang dumating si Garfield dala ang kambal na Tom at Jerry. Napansin ni Tazmania ang panlulumo ni Odie, na napansin din at minasama agad ni Garfield kaya noon pa lang ay nagkainitan na ang kambal. Hindi rin naman masisi ni Tazmania si Odie. Pagod ito nang makabalik sa Tee House mula sa sementeryo. Hindi nga rin siya kinausap ng dalaga na nag-request ng katahimikan. Napansin din niyang namumula at namamaga ang mga mata nito. Dala siguro ng pag-iyak. Iyon siguro ang dahilan kung bakit mainit ang ulo nito. Who could blame Odie, anyway? It was Pluto's first death anniversary. "Hindi puwede, Garfield," tila naiinis nang sabi ni Odie. "Bakit hindi na lang si Mommy? 'Yon naman ang plano, 'di ba?" "Hindi kaya ni Mommy sina Tom at Jerry. At alam mong ayaw na ayaw niya pati ni Snoopy na kumuha ng ibang tao para mag-alaga sa kambal," naiinis na rin na katwiran ni Garfield. "Kaya nag-decide kami na si Mommy na lang ang umalalay kay Snoopy. At ikaw naman sa kambal." Bumuga ng hangin si Odie. "Garfield, I'm busy. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagma-manage sa Tee House, at ang pag-aalaga sa kambal." Matagal bago muling sumagot si Garfield. "Akala ko madali kitang mapapakiusapan dahil mga pamangkin mo naman ang mga batang 'to." Umungol ng protesta si Odie. "Oh, please, Garfield. Alam mong mahal ko ang mga pamangkin ko." Tumayo na si Garfield. "Pasensiya na sa abala. Sige, kukuha na lang kami ng yaya." "Wait. Akala ko ba ayaw ni Snoopy ng yaya dahil na-trauma siya noon sa yaya niya na pinabayaan siya?" Nagkibit-balikat si Garfield. "Wala kaming choice. Hindi kaya ng mommy natin ang kambal. Si Mommy Sandra naman, may iniinda na ring sakit." Akmang kukunin ni Garfield si Tom mula kay Odie, pero yumakap si Tom kay Odie. "Tadie," sabi ni Tom, saka sinubsob ang mukha sa dibdib ni Odie. Ah, lucky child, sabi ni Tazmania sa isipan. He suddenly felt like he wanted to bury his face in the deep valley of Odie's breasts. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili. You're really starting to sound like a f*****g p*****t, man. "Mukhang ayaw niyang umalis," nakangiting sabi ni Odie, habang hinihimas-himas ang buhok ni Tom. "Alam mo namang attached 'yang si Tom sa 'yo," sabi naman ni Garfield. "And has missed you so much. Parati ka niyang hinahanap sa 'min." Matagal bago muling nagsalita si Odie. "Pumapayag na 'ko, Garfield. Sa 'kin muna ang kambal hangga't hindi pa puwedeng magkikikilos si Snoopy." "Really?" "Oo. Ayoko rin namang ibang tao ang magpalaki sa mga pamangkin ko kung puwede namang ako na lang. May mga katuwang naman ako dito sa Tee House." "Thank you," masayang sabi ni Garfield, saka niyakap si Odie. Napangiti si Tazmania. Sa wakas ay nagkasundo na rin ang kambal. Matutupad na rin ang plano nila ni Garfield. "Let's go, brat," yaya ni Tazmania kay Jerry, saka kinarga ang bata na tahimik pa rin. Pero ang dusing na ni Jerry dahil sa chocolate na kinakain. Eksakto namang pag-akyat ni Tazmania ay pababa na si Garfield. Nakakarga na si Tom kay Odie na para bang ayaw nang humiwalay sa dalaga. "Daddy! Chocoyeyt!" masayang sabi ni Jerry kay Garfield. Ngumiti si Garfield, at kinuha mula kay Tazmania si Jerry. "Ang dirty mo naman, baby." "Kukuha lang ako ng tissue," maagap na sabi ni Odie, saka nagpunta sa kuwarto bitbit si Tom. Pag-alis ni Odie ay niyaya si Tazmania ni Garfield sa ibabang palapag ng Tee House. Malamang ay may ibibilin ang lalaki sa kanya. "Sana maging epektibo itong plano mo," mahinang sabi ni Garfield. "Na kapag distracted si Odie sa ibang bagay, makakalimot siya sa problema kahit paano." "Magiging masaya si Odie kapag kasama niya ang kambal," dagdag ni Tazmania. "Mukha namang mahal na mahal ni Odie ang mga pamangkin niya." Naisip ni Tazmania na ang pinakamabisang paraan para ma-distract si Odie mula sa planong pagpapakamatay ay ang maging busy ito sa ibang bagay—lalo na ang pag-aalaga sa kambal. Kung may mabigat na responsibilidad na ibinigay sa dalaga, magiging focus ito at magkakaroon pa ng direksiyon. Lalo na kung ang pinakamamahal nitong mga pamangkin ang inaalagaan. "Bakit mo tinutulungan ang kapatid ko?" seryosong tanong ni Garfield mayamaya. Nailang na naman si Tazmania. Nasabi na niya kay Garfield noon na nagmamalasakit lang naman siya kay Odie bilang kaibigan. Pero para bang may hinahanap pa sa kanya ang lalaki. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto nitong marinig sa kanya. "Makikinabang din naman ako sa sitwasyon. If Odie's mood improves, mas mapapabilis ang trabaho namin." Seryoso siyang pinagmasdan ni Garfield. Kung naniwala ito o hindi sa kanya, hindi na nito ipinahalata. "Ikaw na sana ang bahala sa kapatid at mga anak ko. Don't make me regret trusting you, Tazmanian Devlin Fortunate." Tumango si Tazmania. "Hindi ko sila pababayaan." Bumuga ng hangin si Garfield habang iiling-iling. "Snoopy will kill me if something bad happens." "Mommy! Mommy!" masayang bulalas ni Jerry nang marinig ang pangalan ni Snoopy. Nakangiting binalingan ni Garfield ang anak. There was longing in his eyes. "Mommy and Daddy will miss you, baby. Behave lang kayo ni Tom kay Tita Odie, ha?" "Tadie! Tadie!" Ah, "Tadie" siguro ang tawag nina Tom at Jerry kay Odie dahil hindi pa mabigkas nang buo ng kambal ang mga salitang "Tita Odie," kaya pinagsama na lang sa isang salita. "Bakit, Jerry?" nakangiting tanong ni Odie na kabababa lang ng hagdan, karga si Tom na nakatulog na. "Chocoyeyt!" masayang bulalas ni Jerry. Natawa nang mahina si Odie. "Sige, bibili pa tayo ng chocoyeyt mamaya." "Mami-miss ko ang kakulitan ng batang 'to," malungkot na sabi ni Garfield, saka hinalikan sa noo si Jerry. "Dito muna kayo kay Tita Odie, baby. Mami-miss namin kayo ni Mommy." "Bitawan mo na siya, Garfield. Baka hindi ka na makaalis niyan," iiling-iling na sabi ni Odie. Bumuga ng hangin si Garfield, saka tumingin kay Tazmania. Nagkusa na si Tazmania na kargahin si Jerry na hindi naman tumutol. "Bye, baby. Aalis na si Daddy," paalam ni Garfield. Pagkatapos ay si Tom naman ang hinalikan sa noo. "Take care of my sons for me, Odie." "I will," pangako naman ni Odie. Dumaan ang takot sa mukha ni Jerry, pagkatapos ay itinaas ang mga kamay na parang humahabol kay Garfield. "Daddy! Karga!" Dumaan naman ang sakit sa mga mata ni Garfield na parang hindi magawang lumayo sa mga anak. "I'll see you next week, baby." Nang lumabas ng Tee House si Garfield ay nagwala na si Jerry. Umiyak nang malakas ang bata at nasuntok pa sa mukha si Tazmania dahil gustong magpababa nito. Shit! Masakit, ha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD