Chapter 14

922 Words
NAGISING si Tazmania sa malakas na iyak ng bata. Napabalikwas pa siya, nagtataka kung bakit may bata sa condo unit niya. Hanggang sa unti-unting bumalik sa alaala niya na nakatira sina Odie at ang kambal na Tom at Jerry sa kanya ngayon. Tumayo siya at nag-inat. Ngayon lang siya natulog sa sofa, at mabuti na lang talaga ay malaki ang sofa sa sala niya kaya naging komportable naman siya. Kagabi, pagkatapos nilang magkuwentuhan ni Odie, ay kumain sila ng hapunan habang natutulog ang kambal. Pagkatapos ay sa sala na siya natulog. May sofa rin sa kuwarto niya, pero ayaw naman niyang mailang ang dalaga. "Stop crying na, Jerry," narinig ni Tazmania na pakiusap ni Odie sa bata. "Iiyak na rin si Tom kapag hindi ka pa tumahan." Kumatok siya sa pinto, at nang pumasok na siya sa loob ay tinamaan siya ng rattle sa mukha. Narinig niyang napasinghap si Odie kasabay ng pagmumura niya. Tinamaan kasi ang ilong niya kaya nasaktan siya. Ang gulo ng kuwarto niya. Nakaupo sa kama si Odie habang pinapalitan ng diaper si Tom, samantalang nagwawala naman sa sahig si Jerry at hinahagis ang mga laruang hawak. "Jerry, that's bad!" saway ni Odie. "It's okay," sabi na lang ni Tazmania kahit masakit pa rin ang kanyang ilong, para hindi na pagalitan ni Odie si Jerry. "Bakit umiiyak si Jerry?" "Hinahanap na ang mommy at daddy nila," malungkot na sabi ni Odie. "Ah. That sucks." "Socks?" pag-uulit ni Jerry na biglang tumahan. "Tadie! Socks!" Pinanlakihan ng mga mata ni Odie si Tazmania. "Watch your language, Tazmania. May mga bata tayong kasama." "Sorry," mabilis na paumanhin niya, saka kinarga si Jerry na tumahan na sa pag-iyak. "Ano'ng problema, kiddo?" "Socks! Socks!" Napangiti si Tazmania. Nagugustuhan na niya ang pasaway na batang ito. Lumapit siya sa drawer niya, at kumuha ng isang pares ng malinis na medyas at ibinigay kay Jerry. "Here are your socks, kiddo." Bumungisngis si Jerry at ipinasok ang mga kamay sa mga medyas. Ibinaba na ito ni Tazmania sa kama dahil tahimik naman na ang bata, at mukhang kailangan ni Odie ng tulong. "Do you want me to help you?" tanong agad ni Tazmania paglapit niya kay Odie. Sa pagkagulat niya, idinikit ni Odie sa mukha niya ang nakabilot na diaper na amoy... amoy... "Argh! Is that Tom's poop?" "Poop! Poop!" pag-uulit naman ni Jerry. "Parrot ba ang batang 'yan?" naiinis na tanong niya, saka hinawakan sa pulsuhan si Odie nang tangkain nitong muling idikit sa pisngi niya ang diaper. "Hep! Nakaisa ka na. Bakit ka ba nagagalit?" "Kung ano-anong salita kasi ang itinuturo mo kay Jerry," naiiling na sabi ni Odie. "Saka huwag ka ngang maarte. Diaper lang 'yan. Kung umarte ka naman, para 'yong dumi mismo ang dumikit sa 'yo." Eksaheradong sumimangot si Tazmania. "That still smells like shi—" "Tazmanian Devlin Fortunate!" saway ni Odie. Sa pagkakataong iyon ay napangiti siya. Odie's cheeks turned pink. She looked like she wanted to strangle him, and it was cute. "Fine. I'll try to watch my language from now on." "Itapon mo na nga lang 'yang dirty diaper," naiiling na sabi ni Odie. "Argh. Do I really have to touch that?" nandidiring tanong ni Tazmania. Pinukol siya ng masamang tingin ni Odie. Mabilis na kinuha niya ang diaper. "Heto na po, mahal na reyna." Paglabas ni Tazmania ng kuwarto, inilagay niya sa garbage bag ang maruming diaper at inilabas iyon. Eksakto namang paglabas niya ng condo unit ay nasalubong niya ang maintenance staff, at kinuha nito mula sa kanya ang supot. Pagbalik sa condo unit ay dumeretso siya sa kusina, at naghugas ng mga kamay. Tutal ay naroon na, naisipan na niyang magluto ng agahan. Abala si Odie sa kambal kaya siya na ang nagkusang magluto. Nagsaing muna siya para habang nagluluto siya ng ulam mamaya ay naluluto na ang sinaing. He lived alone, so he knew how to cook a little. "Jerry! No!" malakas na sigaw ni Odie. Nag-alala si Tazmania, kaya tinigil muna niya ang pagluluto. Nagpunta siya sa kuwarto, pero wala na roon sina Odie at ang kambal. Naririnig niya ang mga ito sa loob ng banyo. Bukas ang pinto kaya dumeretso na siya sa loob at— Oh, gods, naibulalas na lang ni Tazmania sa isipan nang makitang basa na si Odie. At dahil doon, humakab sa katawan nito ang suot na damit. Now, he could clearly see her lacy black bra, the shape of her breasts, and her beautifully-curved body under the thin and wet fabric of her shirt. She looked so hot. "Taz, favor? Puwede mo bang kunin ang shampoo ng kambal?" pakiusap ni Odie. Pinuwersa niya ang sarili na iangat ang tingin sa mukha ni Odie. Maling desisyon dahil ang sexy pa rin nitong tingnan ngayong basa na ang buhok nito. The tiny drops of water trickling down her body were enticing him to lick them off her skin. Nagwawala na ang bawat hormones niya sa katawan at inuutusan siyang dambahin ang dalaga at paliguan ng halik. In every nook and cranny of her gorgeous body. Nagtagis ang mga bagang ni Tazmania sa pagpipigil, lalo na nang magsimula na talagang mag-init ang katawan niya. Malapit na siyang mawalan ng kontrol. He was hardly paying attention to the twins playing in the huge tub. "Wait a sec," he said hoarsely. He felt like he needed a drink of water. Pero bago iyon, kinuha muna niya ang shampoo mula sa mga gamit ng kambal at ibinigay iyon kay Odie. Odie smiled sweetly at him. "Thank you." Iyon na ang naging katapusan ni Tazmania. Her sweet smile gave him a major hard-on. Naglakad siya paatras, palabas ng banyo bago pa may mapansin si Odie. "Gusto sana kitang tulungan, but I have to go, Odie. Call me if something comes up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD