"AHH, TAZ... You're so merciless tonight," paungol na sabi ni Natalia.
Breathless, Tazmania continued pounding into Natalia from behind. He thrust in and out of her body, again and again, and as fast and as hard as he could. To add to her pleasure, he squeezed one of her breasts hard with one hand, while the other remained firmly on her waist.
"Ahh... ahh... Tazmania..." palakas na nang palakas ang ungol ni Natalia. "I'm coming, babe..."
"I know," paanas na sabi niya. Soon, he felt her release. He thrust faster and harder until it was his turn to come. Then he collapsed beside her, and dozed off to sleep.
Hindi alam ni Tazmania kung gaano katagal siyang nakatulog. Nang magising siya, nasa ibabaw na niya si Natalia, hinahalik-halikan siya sa leeg habang dinadama ng mga kamay ang dibdib niya.
"That was amazing, babe," nang-aakit na bulong ni Natalia sa tapat ng tainga niya.
"s*x with me is always amazing, Nat," pilyong pagpaalala ni Tazmania.
"I've missed you, babe," bulong ni Natalia, habang unti-unting bumababa ang kamay sa kanyang p*********i. Moments later, her hand was already working on his shaft.
Tazmania groaned, but he didn't feel the need for a second round. After taking Natalia, he couldn't help but feel ashamed by what he'd done. Ngayong nawala na ang kalasingan niya, saka lang siya natauhan. At napagtantong nagkamali siya nang gabing iyon.
Iniwasan niya si Natalia dahil nakukulitan na siya rito. Pero kanina, matapos siya nitong akitin sa bar kung saan siya natagpuan, ay nagpadala siya sa dikta ng kanyang katawan. Nakainom na kasi siya noon, at mahirap labanan ang pang-aakit ni Natalia lalo na at alam na alam na nito kung paano siya pasasayahin.
Ang masama nga lang, ibang babae ang nasa isip niya buong gabi. Napakagago talaga niya para gumamit ng ibang babae para lang mapakawala ang init na naramdaman niya para sa babaeng alam niyang hindi niya puwedeng makuha.
Hinawakan ni Tazmania ang kamay ni Natalia at pinigilan ito sa ginagawa. "Stop. I need to go, Nat."
"So soon?" tila dismayadong tanong ni Natalia. Nagpaawa rin ito ng mukha. That tricked had worked on him before, but not tonight.
Habang nakatingin siya kay Natalia, wala siyang ibang nakikita kundi si Odie. Hindi maalis ang huli sa isipan niya. Nakakatawa pero kahit ilang oras pa lang niyang hindi nakikita si Odie, para bang nami-miss na niya ito. Pati ang kambal.
Bigla naman siyang nakonsiyensiya. Ginamit niya lang si Natalia para sa gabing iyon, pero iba siguro ang iniisip ng dalaga. He had probably given her false hope because she was looking at him with lovestruck eyes.
"I'm sorry, Nat," nagsisising sabi ni Tazmania. "Hindi dapat 'to nangyari... ayokong paasahin ka."
Kumunot ang noo ni Natalia. "What do you mean, Taz?"
Tumayo si Tazmania at nagbihis na. Pagkatapos ay saka niya hinarap si Natalia. "Nat, what we've always had was just physical relationship..."
Tumayo rin si Natalia, hindi na pinagkaabalahang balutan ng kumot ang kahubdan. "And we're having so much fun together, aren't we, Taz?"
"Yes. But you want more. I can't give you that."
Humalukipkip si Natalia, saka umiling-iling. "Natutuhan ko na ang pagkakamali ko, Taz. If I wanna make you stay, I shouldn't ask for more. I want you to stay with me, kaya hindi na ko hihingi ng kahit ano sa 'yo. Kaya kong makontento sa kung ano'ng kaya mong ibigay."
Noon, hindi nahihirapan si Tazmania na mang-iwan ng mga babae dahil alam niyang mababaw lang ang damdamin ng mga ito sa kanya. Hindi naiiba si Natalia, pero sa pagkakataong iyon, naging maingat na siya. Ayaw niyang may masaktan na babae dahil gusto niyang maging mabuting tao alang-alang sa nag-iisang babae nagkaroon siya ng purong damdamin—kay Odie.
"I'm sorry, Nat," sinserong sabi ni Tazmania. "Hindi na 'ko puwedeng makipagkita sa 'yo. O sa kahit sinong babae."
"Bakit?" kunot-noong tanong ni Natalia.
Hindi siya nakasagot. Hindi rin niya alam kung paano sasagutin iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Natalia. "Are you in love?"
Napalunok si Tazmania. Posible bang ganoon na kalalim ang nararamdaman niya para kay Odie? Was he already in love with her?
"So you're really in love," tila nanghihinang kongklusyon ni Natalia. Pagkatapos ay dumaan ang galit sa mukha nito. "Sino ba 'yang bagong babaeng kinahuhumalingan mo, Taz? Mas maganda ba siya? Mas magaling sa kama? What kind of slut is she?!"
"Huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan dahil hindi mo siya kilala," banta ni Tazmania. Nagpanting ang mga tainga niya dahil sa pinagsasasabi nito tungkol sa babaeng mahal niya. "Look, Natalia. I'm really sorry for everything. You're better off without a jerk like me."
"Taz..." pagmamaakaawa ni Natalia.
"Trust me, Natalia. You deserve better," seryosong sabi ni Tazmania, saka walang lingon-likod na lumabas ng apartment ni Natalia.
Ipinangako niya sa sarili na si Natalia na ang huling babaeng masasaktan at mapapaasa niya. Sa ngayon kasi, ang gusto na lang niyang gawin ay ibuhos ang buong atensiyon niya sa babaeng mahal niya.
Shit! Did I really just say that!
Pagsakay ni Tazmania sa kotse ay kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Oreo. Wala siyang pakialam kahit alas-dos na ng madaling-araw.
"You f*****g hang up now or I'll f*****g kill you when I f*****g see you," iritado at inaantok na "bati" ni Oreo nang sagutin ang tawag niya.
"I'm in love with Odie," hindi makapaniwalang pagbabalita ni Tazmania, hindi pinansin ang mga pagbabanta ni Oreo. O ang katotohanang sinira niya ang tulog ng kaibigan.
"I f*****g know it already, you goddamn idiot."
Napakurap-kurap si Tazmania sa gulat. "Alam mo nang mahal ko si Odie?"
Narinig niyang bumuga ng hangin si Oreo, mukha namang unti-unti nang kumakalma. At nahihimasmasan. "s**t, dude. Kung hindi mo napapansin, handa kang gawing shield 'yang katawan mo para kay Odie. Ilang beses mong inilagay sa panganib ang buhay mo para sa kanya. Pagkatapos, kahit ang dami mong property na puwedeng 'pagtaguan,' ipinagsiksikan mo pa rin ang sarili mo sa Tee House. And you've never cared for a woman like you care for Odie. Noon, wala kang pakialam kahit may babaeng umiyak at magmakaawa sa harap mo. Pero pagdating kay Odie, hindi ka papayag na may pumatak na luha sa kanya. Kaya nga nagpapaalipin ka sa kanya para mapasaya siya uli, 'di ba? Hindi mo gagawin ang lahat ng 'yon kung hindi mo mahal si Odie."
Wow. Wala nang ibang nagawa si Tazmania kundi ang sumang-ayon sa lahat ng sinabi ni Oreo. Mahal nga niya si Odie. Hindi tuloy niya mapigilang mapangisi.
"Huwag kang tumawa-tawa diyan," iritadong saway ni Oreo. "Mahal mo ang babaeng handang sundan sa kabilang buhay ang namatay niyang boyfriend. Taz, mas mahirap kalabanin ang mga alaala ng taong patay na, kaysa sa buhay na karibal."
Nawala ang ngiti ni Tazmania. Tama si Oreo. Mahal na mahal ni Odie si Pluto hanggang ngayon. Hindi siya makakaeksena agad.
Narinig ni Tazmania na naghikab si Oreo sa kabilang linya. "Ano na'ng balak mong gawin ngayon?"
Matagal bago sumagot si Tazmania, pinag-isipan ang bawat salitang binitawan niya. "Maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa kaya na akong tingnan ni Odie sa ibang paraan. Pero hangga't hindi pa niya kaya, nandito lang ako bilang kaibigan niya."
"Kailangan ko na yatang tumawag sa Malacañan at gumawa ng petisyon."
Kumunot ang noo ni Tazmania. "Petisyon?"
"Oo. Ipapagawa kita ng rebulto bilang pagkilala sa 'yo na bagong ama ng mga na-friendzone, at ipapanukala kong ipalit ang rebulto mo sa rebulto ni Rizal sa Luneta."
"Ulol!"
***
NANG dumating si Tazmania sa unit niya, naabutan niya si Odie sa kusina na naghuhugas ng mga feeding bottle ng kambal. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang balot na balot ito sa suot na pajama na may print ng iba't ibang klase ng tuta. Her hair was done up in a messy bun, but she still looked amazing.
"Hey," bati ni Tazmania kay Odie.
Nilingon siya ni Odie at nginitian. "Hey. Late na, ha? Babae kasama mo, 'no?"
Tumabingi ang ngiti ni Tazmania. "Uhm..."
Natawa si Odie, saka iwinasiwas ang kamay. "Ano ka ba? Hindi mo kailangang magpaliwanag. Nagbibiro lang naman ako."
Nakahinga nang maluwag si Tazmania. Isinusumpa na talaga niya ang reputasyon niya bilang babaero. "Ako na diyan. Magpahinga ka na. Madaling-araw na, naghuhugas ka pa."
"Salamat sa alok, pero hindi na. Tapos naman na 'ko. Naubos na kasi 'yong mga bote ng kambal sa lakas nilang dumede, kaya hinugasan ko na. Sigurado kasing maghahanap 'yan ng gatas mamaya."
"Napansin ko ngang ang lakas nilang dumede," natatawang sang-ayon ni Tazmania. Siya na ang nagbuhat ng basket na naglalaman ng mga hugas na bote, at sinamahan si Odie sa pagbalik sa kuwarto. Inilapag niya ang basket sa night table.
Mahimbing ang tulog nina Tom at Jerry sa kama. Nakapagitna ang kambal sa dalawang malaking unan. Napangiti si Tazmania nang makitang magkayakap ang magkapatid.
"They look cute," komento ni Tazmania, saka umupo sa sofa sa gilid ng bintana. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. "Sit here."
Tumalima si Odie. Pagkatapos ay humalukipkip ito at ngumiti habang iiling-iling. "Cute lang silang tingnan kasi tulog sila. Pero kapag gising sila at nagkukulitan, naku. Ang sakit sa katawan. Lalo't pareho silang boys."
Nakonsiyensiya naman si Tazmania. Dahil sa pag-iwas niya kay Odie, lumabas siya para magliwaliw. Naiwan tuloy sa dalaga ang lahat ng responsibilidad sa kambal. "Pasensiya ka na, Odie. Hindi kita natulungan sa pag-aalaga sa kambal ngayon."
Pabirong binunggo siya ni Odie sa balikat. "Wala 'yon, 'no. Ang laking tulong mo na kaya sa amin. Kung tutuusin nga, hindi mo naman ako kailangang tulungan sa pag-aalaga sa mga pamangkin ko."
"Pero gusto ko," katwiran ni Tazmania. Binigyan siya ng nagtatakang tingin ni Odie, kaya nagpaliwanag agad siya. "Ang ibig kong sabihin, napalapit na rin naman ang kambal sa 'kin."
Ngumiti nang pilya si Odie. "Aha! Mukhang gusto mo nang magkaroon ng sariling pamilya, ha?"
Dumekuwatro si Tazmania, isinampay ang isang braso sa likod ng sofa. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil ang babaeng gusto niyang makasamang bumuo ng pamilya pa ang nagtatanong sa kanya ngayon kung gusto na ba niyang magkapamilya. "Bakit hindi? Nasa tamang edad na 'ko. Financially stable naman ako. Saka pagkatapos kong makilala sina Tom at Jerry, naisip kong hindi naman pala gano'n kasamang magising sa malakas na iyak ng bata."
Bumuntong-hininga si Odie. "Hindi madaling maging magulang. Nakita ko sina Garfield at Snoopy na nahirapan noong kapapanganak lang sa kambal. But they learned along the way. And now, masasabi kong mabuting magulang sila. Ngayong araw nga, nakabeinte mahigit na tawag sa 'kin sina Snoopy para kumustahin ang kambal."
"Hindi naman mahirap mahalin ang kambal. Kahit siguro ako ang magulang nila, hindi ako mapapakali kapag nawala sila sa tabi ko nang matagal."
Naging malayo na naman ang tingin ni Odie. "Halos lahat ng mga kaibigan ko, may mga anak na. Ang mature na nilang mag-isip. Siguro nakuha nila 'yon sa pagiging magulang nila. Gusto ko ring maranasang tawaging 'Mommy.'"
"Handa ka na ba?" maingat na tanong ni Tazmania. Alam naman niya na ang katumbas ng tanong niya ay ang tanong na kung handa na ba si Odie na magmahal uli. Sa totoo lang, parang nasa lalamunan niya ang kanyang puso habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
"Hindi pa 'ko handa. Kahit may technology na para magbuntis ang isang babae na walang asawa, hindi ko pa rin siguro kaya ang gano'n kabigat na responsibilidad."
Inaasahan na ni Tazmania na hindi pa handa si Odie na magkaroon ng pamilya, o bigyan ng pangalawang pagkakataon ang sarili na tumanggap ng bagong lalaki sa buhay nito. Pero nalungkot pa rin siya sa sagot nito.
Sa tono kasi ng pananalita ni Odie, para bang isang malayong ideya na lang para dito ang magkaroon ng pamilya. Na para bang suntok sa buwan ang umasa si Tazmania na may hinihintay siyang pagkakataon.
Nilingon si Tazmania ni Odie, puno ng kuryosidad ang mga mata. "Ikaw, Tazmania? Gusto mo na bang magkapamilya?"
Ngumisi si Tazmania, saka umiling. Kahit paano, nagagawa pa rin niyang pagtakpan ang sakit dahil nang sandaling aminin niya sa sarili na mahal niya si Odie, tinanggap na niyang hindi magiging madali ang laban. "Kahit gusto ko na, hindi pa rin puwede."
"Bakit naman?"
"Hindi pa raw kasi handa 'yong babaeng gusto kong maging mommy ng mga magiging anak ko," seryosong sagot niya, na itinago niya sa pagtawa. Pagkatapos ay tumayo siya at nag-inat para iwasan ang tingin ni Odie. Ayaw niyang malaman kung may nahalata ba ito o wala sa sinabi niya. "Matulog ka na, Odie. Goodnight."