Chapter 16

1056 Words
NASA events hall ng isang hotel si Tazmania habang naghihintay sa pagsisimula ng press conference ng movie na ilalabas ng Devlin Films para sa buwang iyon. Nakakuwentuhan na niya ang mga reporter, at ang mga artista na dumalo sa pagtitipon. Sa ngayon ay hinihintay na lang ang pagdating ng lead stars ng pelikula. "Hey," bati ni Tazmania kay Oreo na katabi niya sa upuan, bilang ito ng direktor ng pelikula. Pero gaya ng madalas, mukhang bored na bored na ang kaibigan at naglalaro na lang ng games sa iPad nito. "Huwag mo namang ipahalata na malapit ka nang mamatay sa pagkabagot." "Siguro dapat pagbantaan mo ang mga artista mo na sa bawat minutong male-late sila, babawasan ng isanlibong piso ang TF nila. Tingnan natin kung hindi dumating on time ang mga 'yon. So unprofessional," nayayamot na sabi ni Oreo. Tinapik niya ito sa balikat. "Relax. Parating na ang mga 'yon." Problema na talaga ni Tazmania ang attitude ng mga artist ng Devlin Films. Baka nga oras na para ayusin niya ang pag-uugali ng mga iyon. Kung hindi lang talaga mahusay umarte ang mga artistang hawak nila, matagal na rin siyang naubusan ng pasensiya sa mga iyon. Pero nagagampanan naman nang maayos ng mga artista niya ang trabaho ng mga ito—ang pasikatin ang mga pelikula niya. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang kanyang cell phone. Napangiti agad siya nang makita ang pangalan ni Odie sa caller ID. Hindi na niya pinansin ang kakaibang tingin na ibinigay ni Oreo sa kanya, at sa halip ay sinagot niya ang tawag. "Hey," bati ni Tazmania kay Odie. "Toto! Toto!" Lumuwang ang pagkakangiti ni Tazmania nang marinig ang boses ni Jerry sa kabilang linya. "Jerry." "Taz! Taz!" boses naman iyon ni Tom. Natawa nang mahina si Tazmania. These kids were so adorable. "Hi, Tom. Bakit kayo tumawag? May gusto ba kayo?" "Pizza! Pizza!" sigaw ni Jerry. "Chicken! Fried!" sigaw naman ni Tom. Sa background ay naririnig ni Tazmania ang mahinang pagtawa ni Odie, dahilan para lalo siyang mapangiti. Mapupunit na nga yata ang mga pisngi niya kakangiti. "Okay, I got it. Pizza for Jerry. Fried chicken for Tom. Kids, tanungin n'yo naman si Tadie n'yo kung ano'ng gusto niyang pasalubong." "Tadie! Food!" sigaw ni Jerry. "Tadie! More chicken!" ungot naman ni Tom. "Narinig ko 'yon, Tom," natatawang sabi ni Tazmania. "Bibigyan kita ng maraming fried chicken, but I want you to ask what Tadie wants to eat." "Tadie!" ungot ni Tom kay Odie. "Tell Toto I'd like lasagna for dinner," narinig ni Tazmania na "bulong" ni Odie sa mga bata. "Toto! Sagna!" sabay na sigaw nina Tom at Jerry. Hindi na napigilan ni Tazmania ang matawa nang malakas, dahilan para pagtinginan siya ng mga nakarinig sa kanya. Pero wala na siyang pakialam. "All right. Uuwi agad ako." "Kung may trabaho ka pa, hindi mo kailangang magmadaling umuwi," singit naman ni Odie sa pag-iingay ng kambal. "Napatawag ako kasi ang kulit nitong kambal. 'Toto' ng 'Toto.' Mukhang nami-miss ka na. Pasensiya ka na kung naistorbo ka namin." Buong araw na wala si Tazmania dahil maaga ang meeting niya nang araw na iyon, at hindi rin naman siya tumawag kay Odie para kumustahin ang mga bata dahil ayaw niyang isipin ng dalaga na masyado siyang "feeling close" sa mga pamangkin nito. Mas gusto na niyang ito ang nagsasabi kung saan ang lugar niya sa buhay ng mga bata. "Nah, wala naman na kaming ginagawa," pagsisinungaling ni Tazmania. Nagpanggap na "inuubo" si Oreo habang sinasabing: "Wala raw." Siniko ni Tazmania si Oreo, saka siya tumayo para lumayo sa kaibigan. "May iba ka pa bang gusto bukod sa lasagna?" "Beer? Parang gusto kong uminom ngayon, eh, napansin kong wala ka ng beer sa ref mo." "Okay. Ano pa?" "Puwede ka bang sumaglit sa drugstore para bumili ng diaper? Paubos na kasi ang pabaong diapers nina Garfield. Kung okay lang naman. Hindi kasi ako makalabas na bitbit ang kambal," pakiusap ni Odie sa malambing na boses. "Sure. Diaper lang ba? How about milk? May gatas pa ba ang mga bata?" "'Buti pinaalala mo. Baka dalawang timpla na lang 'to. Hindi kasi nag-rice si Tom ngayon. Puro milk lang." Kumunot ang noo ni Tazmania. "Bakit hindi nag-rice si Tom? Patingnan kaya natin sa doktor bukas? Malakas naman kumain ng rice ang batang 'yan." "Nagngingipin yata. Kalma ka lang," natatawang sabi ni Odie. "Bumili ka na rin ng—" "Toys!" sigaw ni Jerry. "Bobot!" "No robots for bad boys," saway ni Odie kay Jerry. "Never mind that, Tazmania. 'Yong diapers at gatas na lang ang bilhin mo." Ngumiti lang si Tazmania. Bukas pa naman ang mga mall para makabili siya ng robot para kina Tom at Jerry. "Okay. 'Pag may naalala ka pa, i-text mo lang ako. Huwag kang mahihiyang magsabi, ha?" "Thanks, Tazmania. Don't worry. I'll pay you when you get home." Sumimangot si Tazmania, hindi nagustuhan ang ideyang babayaran ni Odie ang mga bagay na ibibigay niya rito nang walang hinihintay na kapalit. Pero sa bahay na nila iyon pagtatalunan, dahil sigurado siyang hindi papayag si Odie na hindi niya tanggapin ang bayad nito. Hindi ko rin tatanggapin ang ibabayad niya. "Pauwi ka na ba?" tanong ni Odie. "Yeah, why?" "Magluluto kasi ako ng dinner. Makakasabay ka ba sa amin kumain ngayong gabi?" "Sure," mabilis na sagot ni Tazmania. Sa isang linggong pananatili nina Odie at ng kambal sa bahay niya, ngayon lang magluluto ang dalaga. Madalas kasi ay inuunahan niya ito sa pagluluto, o di kaya ay nagpapa-deliver na lang siya. "Nandiyan na ako mayamaya." "Kids, say ba-bye to Toto." "Ba-bye!" "Toto! Bye!" Napangiti muli si Tazmania. "Bye." Pagkatapos makipag-usap kay Odie ay saka lang napansin ni Tazmania na natahimik sa paligid. Nang pumihit siya paharap, saka lang niya napansing pinagtitinginan siya ng mga kakilala niya, lalo na ng mga reporter na maluwang ang mga ngiti. Habang si Oreo naman ay iiling-iling lang sa sulok. "Mr. Fortunate, may secret baby ka bang itinatago?" pang-iintriga ng bading na reporter. Naging sunod-sunod na ang tanong ng iba pang mga reporter. "Para yatang wala naman kaming nababalitaan na serious girlfriend mo." "And I remember, ang sabi mo noon, forever kang magiging single? Sino ang girlalu na nagpa-change of heart sa 'yo?" Maganda ang mood ni Tazmania kaya tinawanan lang niya ang pang-iintriga sa kanya sa halip na mainis. Mabuti na lang at dumating na ang hinihintay ng lahat—ang lead stars ng pelikula. Itinuro niya ang mga ito sa mga reporter. "They're here, finally." Nang mabaling ang atensiyon ng mga reporter sa dumating na mga artista, saka nakakita ng pagkakataon si Tazmania para tumakas. "Family man all of a sudden?" nanunuksong tanong ni Oreo na nahuli siyang patakas. Ngumisi lang si Tazmania, saka itinaas ang kamay. "Gotta go, dude. I have some shopping to do."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD