Chapter 4

3644 Words
NGAYON lang may babaeng nagmaneho para kay Tazmania. Sa ordinaryong okasyon, hindi siya papayag sa ganoong setup. Pero mapilit si Odie. "Injured" daw siya kaya dapat lang daw na ito ang magmaneho para sa kanya. "Masakit pa ba ang braso mo?" basag ni Odie sa katahimikan. Tiningnan ni Tazmania ang braso niyang may benda. "Nah, it doesn't sting anymore. I told you, wala kang dapat ipag-alala." Sinulyapan siya saglit ni Odie, bago ito muling bumaling sa daan. Pero nahuli niya ang pagngiti nito. "You don't look comfortable, Tazmania." Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako sanay na pinagmamaneho ng babae." "Talaga? Kahit injured ka?" "When I can't drive, nagta-taxi ako. Hindi ako pumapayag na ipagmaneho ng babae." "Are you sexist?" "No," mabilis na tanggi ni Tazmania. "I just like making my woman feel like a queen, kaya hindi ko siya hinahayaang gumawa ng kahit ano para sa 'kin." Natawa nang mahina si Odie. "Eh, di okay lang pala 'to. I'm not your woman, anyway. Ginagawa ko 'to bilang kaibigan mo." Kumunot ang noo ni Tazmania. Did this woman just put him in the "friend zone?" "Oh, sorry," biglang bawi ni Odie nang mapansin marahil ang reaksiyon niya. "I just thought we were already friends after everything that's happened. Pasensiya ka na kung FC ako." Lalong kumunot ang noo ni Tazmania. "'FC?'" "Feeling close." "Ah. Hindi naman, okay lang naman sa 'kin na maging magkaibigan tayo. Hindi lang ako sanay. I'm used to women asking me to date them, not making me their friend." Kinagat ni Odie ang ibabang labi na parang nagpipigil tumawa. "Since magkaibigan na tayo, let me tell you this, my friend: ang guwapo mo!" "Salamat," sagot ni Tazmania kahit alam niyang sarkastiko ang pagkakasabi ni Odie niyon. She still called him handsome. Natawa na nang tuluyan si Odie habang umiiling. "God, you're the most egotistical man I've ever met in my twenty-eight years of existence, Tazmanian Devlin Fortunate." Tazmania smiled proudly. "I'll take that as a compliment, Odie Serrano." Humupa na ang pagtawa ni Odie, pero nanatili itong nakangiti habang iiling-iling. "Pareho kayo ni Pluto." "Paanong pareho kami?" "Hindi rin niya 'ko hinahayaang gumawa ng kahit ano para sa kanya. Gusto niyang siya lang ang nag-aalaga sa 'kin noong buhay pa siya." Biglang natahimik si Odie. Nang muling magsalita, malungkot na ang boses nito. Pati ang ngiti ni Odie ay naging mapait. "Ang weird marinig ng sarili ko na sinasabing 'noong buhay pa siya.'" "I'm sorry," sinserong sabi ni Tazmania. Kanina pa niya gustong sabihin iyon, pero ngayon lang niya naramdaman ang tamang pagkakataon. "Para saan?" "For making you remember everything." Mukhang naintindihan naman ni Odie ang ibig niyang sabihin dahil umiling ito, malamlam ang mga mata habang nakatingin sa daan. "I remember him all the time. Every moment with him. Every word he said. Every memory we made." Tumingin sa labas ng bintana si Tazmania. Hindi siya mahilig makisimpatya sa ibang tao. Pero tuwing kasama niya si Odie, hindi niya maiwasang hindi maramdaman ang lungkot at sakit nito. Her emotions were so pure and so intense that he could almost taste the sadness in her voice and the misery in her eyes. "Don't feel guilty, Tazmania," pagpapatuloy ni Odie. "Huwag mong isipin na pinapaalala mo sa 'kin ang memories namin ni Pluto dahil wala naman akong balak kalimutan ang mga 'yon. Why would I want to forget the only thing I have left of him? "May mga alaala na naka-capture sa pictures. May mga alaala naman na sa kuwento na lang mabubuhay. So I want to capture them once again. Kaya nakiusap ako sa 'yong i-document ang journey ko habang binabalikan ko ang nakaraan namin ni Pluto. In that way, I will never forget. It's a win-win situation for the two of us. You get the materials for your story, and I get to document my journey." Nilingon ni Tazmania si Odie. He felt the urge to touch her, to make sure that she really existed. Because he couldn't believe that a woman could love one man this deeply, even after he was gone. Mabuti na lang at hindi napapansin ni Odie na nakatitig siya rito, dahil nasa labas ng bintana ang atensiyon ng dalaga habang nakahinto sila dahil sa traffic light. "May baha sa labas. Umulan pala kanina." "Siguro," distracted na sagot ni Tazmania, nakatitig pa rin kay Odie. He suddenly wondered what he could do to make her look at him. To look at him and really see him. Mukha kasing si Pluto ang nakikita at makikita ng dalaga. It was sad, because Pluto was not coming back anymore, and he did not want her to be sad for the rest of her life. Nilinga ni Odie si Tazmania, may munting kislap sa mga mata. "Puwede ba tayong huminto saglit?" "Huh?" "Sandali lang 'to," nakangiting sabi ni Odie, saka tinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pagkatapos ay dumukwang ito at kinuha sa backseat ang backpack nito. Then, she pulled out a clean sheet of paper from her bag. "Gagawa lang ako ng paper boat." "Para saan?" "Basta." Inabutan siya nito ng bond paper. "Make one, too." Tumalima na lang si Tazmania dahil hindi na siya kinausap ni Odie nang magsimula itong gumawa ng bangkang-papel. Nang matapos sila, niyaya siya nitong bumaba ng kotse, at sinabihan siyang dalhin ang camera niya dahil may ikukuwento raw ito sa kanya. Pagbaba nila ng kotse, naglakad si Odie at lumusong sa hanggang talampakang baha, pagkatapos ay ipinaanod nito sa maruming tubig ang dalawang bangkang-papel. "Odie?" nag-aalangang tawag ni Tazmania, hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya dahil ayaw niyang lumusong sa baha. Nakasabit sa leeg niya ang camera. Pumihit paharap sa kanya si Odie, may maluwang at totoong ngiti sa mga labi. "Capture this moment, Tazmanian Devlin Fortunate." Sa ganda ng ngiti ni Odie, nahirapan si Tazmania na tanggihan ang hiling nito. He focused the lens on her face. "What story are you going to tell me this time, Odie Serrano?" Natatawang iminuwestra ni Odie ang mga bangkang-papel na inaanod na sa baha. "Tuwing umuulan at bumabaha, gumagawa kami ni Pluto ng paper boats at nagwi-wish. Wini-wish namin na sana, tumagal kami habang-buhay. But I guess, hindi sapat 'yong paper boats na nagawa namin kaya hindi natupad ang wish namin." Binaba ni Tazmania ang lente ng camera para maharap niya si Odie. Hindi niya ugaling makialam sa buhay ng ibang tao, pero hindi na niya matagalan ang kalungkutan ng babaeng ito, dahil puwede pa rin naman itong maging masaya kahit paano. "Sa tingin ko, mali ka." Nawala ang ngiti ni Odie. "What do you mean?" "Ang sabi mo, hinihiling n'yo ni Pluto parati sa mga pinapaanod n'yong paper boats na sana, tumagal kayo habang-buhay. Pero ang sabi mo rin, hindi 'yon natupad." "He died, Tazmania," mapait na pagpaalala ni Odie sa kanya, biglang naging mapanganib ang tono ng dalaga. Tumango si Tazmania, kalmado pa rin. "I'm just an outsider, kaya wala akong karapatang sabihin 'to, pero hindi ko mapigilan, eh. I can see that Pluto is the only man that you will ever love this way, Odie. Shouldn't you be a little happy that you were the last woman he loved? A love that lasts even after death. Don't you think that's already your own version of forever?" Dumaan ang galit sa mga mata ni Odie dahil marahil sa panghihimasok ni Tazmania sa buhay nito. Pero mabilis din iyong napalitan ng pang-unawa. Pagkatapos ay kumalma ito. Natahimik. At sa huli, natawa nang may kaunting buhay. "Our own version of forever? A love that lasts even after death?" nangingiting tanong ni Odie. Tinakpan nito ng likod ng mga kamay ang mukha. "Thank you for those beautiful words, Tazmania. Thank you..." Something hit Tazmania hard in the gut. Bigla rin siyang nakaramdam ng hiya dahil iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya ang sinserong pasasalamat ng isang tao sa kanya. Napakamot tuloy siya ng kilay. "Uh, no problem." Umiiyak ba si Odie? Hindi sigurado ni Tazmania dahil sa pagitan ng magkapatong na mga kamay ng dalaga sa mukha nito, nakita niyang nakangiti ito. Lalong hindi niya alam kung luha ba ang nakita niyang likido sa mga pisngi nito dahil bumagsak na ang malalaking patak ng ulan. Tumingala si Tazmania at noon lang niya napansin ang malaking dilim sa kalangitan. Pero ang totoo, tumingala lang siya dahil hindi niya kayang tingnan si Odie nang mga sandaling iyon. "Let's go, Odie. Umuulan na uli." *** PAGLABAS ni Tazmania ng kusina bitbit ang isang tasa ng kape, nakita niya si Odie na mahimbing na ang tulog sa sofa. Tahimik niyang ibinaba ang tasa sa center table, saka siya dahan-dahang pumunta sa kuwarto niya para kumuha ng comforter. Pagkatapos ay bumalik siya sa sala, at maingat niyang ipinatong ang comforter sa katawan ng dalaga. Pagkatapos ay umupo siya sa armrest ng settee, at pinagmasdan ang maamo at payapang mukha ni Odie habang natutulog. Napangiti siya nang humikbi ang dalaga. She looked like a child. And her red nose only made her more adorable. Inihatid si Tazmania ni Odie sa condominium unit niya. Pero dahil malakas na ang ulan, kinumbinsi niya muna ang dalaga na magkape sa loob habang hinihintay tumila ang ulan dahil sigurado siyang baha na rin naman sa dadaanan nito, at baka ma-stuck pa ang dalaga sa traffic. Pagkatapos ng mahabang pakikiusap—at pagsumpang wala siyang masamang intensiyon sa pag-imbita rito sa loob ng unit niya—ay napapayag niya rin ito. Kinuha niya ang camera at pinanood mula roon ang ilang pangyayari at kuwentuhan sa pagitan nila ni Odie kanina. "Odie?" tanong ni Tazmania habang inililibot ang camera sa paligid ng kanyang unit. Paglabas kasi niya ng kuwarto—pagkatapos magbihis—ay hindi na niya naabutan sa kusina si Odie kung saan niya ito iniwan kanina. "I'm here," sagot ni Odie. Nagmumula sa laundry area ng condo unit ang boses ng dalaga, kaya doon niya ito pinuntahan. Naabutan niya si Odie na isinasampay ang mga nilabhan nitong medyas sa hanger, na ikinawit sa alambre. Homemade sampayan ng kasambahay niya—na dalawang beses isang linggo lang kung pumunta roon para maglinis at maglaba. Narinig ni Tazmania ang sarili na tumawa dahil sa printed socks ni Odie. Si Dora the Explorer ang print niyon—kilala niya ang batang gala na iyon dahil may pamangkin sa pinsan siyang mga batang babae, at madalas ay iyon ang pinapabiling regalo ng mga ito sa kanya. Namaywang si Odie, at pabirong pinaningkitan siya ng mga mata. "Ang bully mo. FYI, gift sa 'kin ni Pluto ang mga medyas ko as a prank." "Ginagamit mo naman?" Ngumiti si Odie. "Pluto was a very spontaneous person. Mahilig siyang magregalo sa 'kin ng kung ano-ano lang na maisipan niya. Minsan nga, binigyan niya ko ng malaking snowman statue sa kalagitnaan ng summer. Siyempre, kahit ano pa'ng ibigay niya sa 'kin, iingatan ko naman..." Tinanggal ni Tazmania ang sound ng video, at tinitigan ang magandang mukha ni Odie habang nagsasalita ito. Nagkakaroon lang talaga ng buhay ang mga mata nito kapag nagkukuwento tungkol kay Pluto. In-off na niya ang camera dahil habang tumatagal, lalo lang siya naaakit sa dalaga. Napabuga siya ng hangin. There, he admitted it. He was growing attracted to a girl who had lost her fiancé and couldn't seem to move on. Pero kilala naman niya ang sarili. Kapag hindi interesado sa kanya ang isang babae, hindi na niya pinipilit. He didn't want to put in the extra effort because he knew it would only lead to something deeper. Wala siyang balak magseryoso sa babae, kaya ang kadalasang nakakarelasyon niya ay iyong mga gaya niyang gusto lang ng makakasama nang panandalian. Tumingin siya kay Odie, pagkatapos ay sa labas ng bintana. Malakas pa ang ulan sa labas kaya hindi niya muna gigisingin ang dalaga dahil mahimbing na ang tulog nito. Umupo na lang siya sa sette at pinanood nang paulit-ulit ang lahat ng video na kuha niya kay Odie, hanggang sa unti-unti na siyang hinila ng antok. Umaga na nang magising si Tazmania. Napabalikwas siya sabay linga sa paligid. Napabuga siya ng hangin sa panghihinayang nang makitang wala na si Odie sa sofa. Malamang ay umalis agad ito nang magising. That also explained the comforter draped over him when he woke up. Sigurado siyang ang dalaga ang nagkumot sa kanya. Tumayo siya, at naghikab habang nag-iinat. Sinuklay lang niya ng mga daliri ang buhok, saka nagtungo sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay dumeretso siya sa kusina para magkape. Napansin niyang nahugasan na ang mga tasa na ginamit nila ni Odie kagabi. Mayroon itong iniwan na note—na ang papel ay mukhang nagmula sa pinunit na notebook—na nakadikit sa pinto ng refrigerator gamit ang magnet. Dalawang salita lang ang nakasulat sa note: Thank you. Napangiti si Tazmania. "You're welcome." Nagtungo siya sa sala para manood ng TV. Kinuha niya ang throw pillow na ginamit ni Odie kagabi, at hindi sinasadyang nasamyo niya ang dumikit na amoy sa unan. It smelled nice and sweet. It was probably her shampoo. Ah, s**t. You're acting like a goddamned p*****t, saway ni Tazmania sa sarili, saka hinagis sa sette ang unan bago pa siya magkasala. Sumalampak siya ng upo sa sofa, pero agad din siyang napatayo nang may naupuan. Kinuha niya iyon at kunot-noong tinitigan. "A notebook?" Wala siyang matandaang may notebook siya na kulay-pink at may disenyo ng Eiffel Tower, kaya sigurado siyang hindi sa kanya iyon. Binuklat niya ang unang pahina. "This is a gift from Python to Ate Odie. Thank you for taking care of my Kuya Pluto." May picture na nakadikit sa unang pahina ng notebook. Sa litrato, parehong nakangiti sina Odie at Pluto, kasama ang isang binatilyo na kamukha ni Pluto. Iyon siguro si "Python," na marahil ay nakababatang kapatid ni Pluto. Sa binatilyo pala galing ang notebook na iyon ni Odie. Napangiti si Tazmania. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa ideyang may naiwang gamit si Odie sa kanyang unit. Pinitik niya ang notebook. "Ah, kailangan kitang isauli sa nagmamay-ari sa 'yo, 'di ba?" Sa susunod na linggo pa sana uli sila magkikita ni Odie dahil may gagawin daw trabaho ang dalaga, pero hindi naman puwedeng hindi niya isauli ang notebook dito dahil baka importante iyon. Kaya kailangan nilang magkita. Bago pa niya namalayan, naghahanap na siya sa Google Map ng iPhone niya ng malalapit na coffee shops sa Tee House ni Odie. Pero mabilis din siyang natauhan. Ipinukpok niya ang notebook sa kanyang ulo. "Ano ba'ng ginagawa mo, Tazmanian Devlin Fortunate?" sermon niya sa sarili, na agad ding nawala sa isip nang may mahulog na papel mula sa notebook. Nahulog iyon sa kandungan niya. Nang pulutin at buklatin niya iyon, nabasa agad niya ang nakasulat sa itaas dahil sinulat iyon sa malalaking letra. May "listahan" pa sa ibaba ng mga salitang iyon. DUMB WAYS TO DIE AND MAKE IT LOOK LIKE AN ACCIDENT 1. Set fire to your room before going to sleep 2. Get bitten by a dog and die of rabies 3. Stand on the edge of a train station platform 4. Take expired vitamins 5. Ride a bike with no brakes and get hit by a van 6. Jump off somewhere really high without a harness 7. Eat poisoned cake 8. Get killed by a random criminal Kumunot ang noo ni Tazmania. Paulit-ulit niyang binasa ang "listahan." It didn't make sense to him at first. Hanggang sa mag-flashback sa isip niya ang eksena kung saan natutulog si Odie habang nasusunog ang kuwarto, at ang sinabi nito nang araw na iyon: "It was stupid of me na makalimutang patayin ang mga kandila bago ako matulog. I offered a prayer for Pluto kasi kaya nagsindi ako ng kandila. Kung nandito lang siya, siguradong pagagalitan ako n'on." Binasa niya ang number one sa listahan. Naka-cross out iyon: "Set fire to your room before going to sleep." Naka-cross out ba iyon dahil hindi iyon natupad nang iligtas niya si Odie? "Hindi ba nakakamatay ang rabies?" Nanlaki ang mga mata ni Tazmania nang marinig ang sinabing iyon ni Odie sa isipan niya, pagkatapos ay binasa niya ang number two sa listahan: "Get bitten by a dog and die of rabies..." Kung ganoon, sinadya ni Odie na galitin ang askal para sakmalin niyon ang dalaga? Pakiramdam ni Tazmania ay lumaki ang ulo niya dahil sa realisasyong nabubuo sa kanyang isipan. Odie had been trying to kill herself, and wanted her death to look like an accident! Gusto niyang malaman kung ano ba ang pumasok sa isip ng babaeng iyon, kaya binuklat na niya ang notebook at binasa ang mga nakasulat doon. Nagbabaka-sakali siya na baka may isinulat pa si Odie roon, at hindi naman siya nabigo. Apparently, the notebook was some sort of a journal. Pero maiikli lang ang mga nakasulat sa bawat pahina. "I want to disappear. I can't take this sadness and loneliness anymore, Pluto." "Take me away with you, Pluto. Please. Please. Please." "You won't forgive me if I follow you there immediately, right? So I'm going to wait... I'm going to wait for the perfect moment." "Perfect moment to what? To kill yourself?!" naiiritang tanong ni Tazmania habang naghahanap ng ibang nakasulat sa notebook na mas makakasagot sa kanyang tanong. Hanggang sa makita niya ang mahabang sulat sa bandang gitna. "I want to die with you, Pluto. I tried to kill myself the day you died, but Garfield caught me and stopped me from cutting my wrist. I thought my brother was going to get mad at me, but he didn't. Instead, he just hugged me tight, and cried on my shoulder. Mommy cried, too, when she learned what happened. She begged me to stay alive for them. For so many months, they took care of me. They made sure that I wouldn't be able to try to hurt myself. I swear I've done everything to convince myself to live for my family. For my friends. For whatever reason. But whenever I think of you, all I want is to be with you. I miss you so much, Pluto. So much that it's starting to kill me inside. I want to be with you again. Slowly, I began to learn how to fake a smile. How to force a laugh. How to pretend that I'm glad to be alive even if I'm slowly dying inside. The only way my family would let me go was by showing them that I was strong. They believed me when I said I wanted to get back on my feet and start anew. They trusted me when I said I was going to take care of myself this time. But still, whenever I was alone, I kept thinking of ways to kill myself. But I knew my mom and my only brother would be heartbroken if I committed suicide. They might even blame themselves. That is why I could never find the courage to do it. Then a crazy idea just popped into my head. Why not die in the dumbest way possible that it would look like an accident? To die in an "accident" is probably the only way my family would be able to deal with my death without hurting and grieving too much..." Hindi akalain ni Tazmania na sa edad niyang iyon, makakaramdam pa siya ng matinding sakit, awa at simpatya para sa isang tao sa pamamagitan lang ng isang sulat. He felt Odie's desperation, pain, depression, loneliness and even the madness in the letter she wrote. His heart ached for her. This woman was definitely out to kill herself. And he was going to stop her no matter what. *** TINAKBO ni Tazmania ang hagdan paakyat sa MRT station. Wala na siyang pakialam sa mga taong nabubunggo niya, at sa mga iilan na minumura na siya. Kailangan niyang magmadali dahil sigurado siyang binabalak ni Odie na magpasagasa sa tren! Iyon ang number three sa listahan ng dalaga. Kanina, bago siya umalis ng kanyang unit ay tinawagan niya si Odie at tinanong kung nasaan ito. Nasa jeep daw ang dalaga at papunta sa MRT station. Pinakiusapan niya ito na bumalik muna dahil may sasabihin siyang importante, pero tumanggi ito, at pinatayan siya ng telepono. He just drove to the nearest MRT station from his unit. Iniwan na niya ang kanyang kotse sa ibaba, at wala nang pakialam sa puwedeng mangyari sa kanyang sasakyan. Kailangan muna niyang makita si Odie at masigurong ligtas ito. Sana lang ay tamang MRT station ang napuntahan niya. Gusto sana ni Tazmania na sumingit sa pila ng ticket booth, pero siguradong mapapaaway na siya at lalong tatagal, kaya pumila na lang siya. Palinga-linga siya sa paligid, hinahanap si Odie. Pero hindi niya ito makita sa dami ng tao. Nang makuha ang magnetic card, hindi na niya hinintay ang kanyang sukli. Tumakbo siya at halos isuksok na niya ang card sa machine, at muntik na rin niyang makalimutang kunin iyon sa sobrang pagmamadali. Nang makalagpas sa harang, sinuyod niya ng tingin ang bawat pila sa platform. Hanggang sa nakuha ng isang tao ang kanyang atensiyon. Ang nag-iisang babae na dumudukwang na parang sinisilip kung may darating ng tren. It was Odie who was standing on the edge of the platform. Pagkatapos niyang mabasa ang nasa notebook nito, masama na ang kutob niya sa ginagawa ng dalaga. Pumito ang guwardiya at kahit hindi naririnig, alam ni Tazmania na pinagalitan nito si Odie na humakbang paatras, palayo nang kaunti sa platform. Humugot ng malalim na hininga si Tazmania, hinahanda ang baga niya sa panibagong pagtakbo. Nasa dulo ng pila si Odie, sa pila na nakalaan para lang sa mga babae. Malayo-layo iyon mula sa kanyang puwesto, kaya tumakbo na uli siya. Parating na ang tren. Shit! Mas binilisan ni Tazmania ang pagtakbo. Hindi niya inaalis ang tingin kay Odie, kaya nakita niya nang humakbang na naman ito palapit sa platform nang tumalikod ang guwardiya. At nang napakalapit na ng tren, nakatayo na ang dalaga sa pinakadulo ng platform. Pumito uli ang guwardiya, kasabay ng paghapit ni Tazmania sa baywang ni Odie. Pinihit niya paharap ang dalaga na narinig at naramdaman pa niyang suminghap, bago niya itong niyakap nang mahigpit. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Habang yakap-yakap si Odie, naalala at naramdaman niya ang lahat ng emosyon sa nabasa niyang sulat. She probably felt like dying each time she faked a smile or forced a laugh. While a lot of people were fighting to stay alive, here was a woman who was ready to give up her life to be with the man she loved. The man who was gone and was never coming back. He closed his eyes and let the tears fall. For the first time in his life, he was crying for another person. Number three is out. Hindi ako papayag na magpasagasa ka sa tren, Odie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD