TAZMANIA focused the camera on Odie's beautiful face while she painted a mural on the wall. Naroon sila ngayon sa Emerald University, ang unibersidad noon ng dalaga at lugar kung saan daw nito nakilala si Pluto. Naipagpaalam na nila sa presidente ng unibersidad ang ginagawa nila kaya may permiso ang pagpasok at pagkuha nila ng video roon.
Gaya ng ipinangako ni Odie, bumalik nga ito isang linggo matapos ang huli nilang pagkikita. Ang dalaga pa mismo ang tumawag sa kanya. Nagkapirmahan na sila ng kontrata, kaya ngayon ay tumutupad naman si Tazmania sa kondisyon ng dalaga: ido-document niya ang "journey" ni Odie habang ikinukuwento ang mahahalagang sandali sa buhay nito at ni Pluto noon.
Hindi alam ni Tazmania kung bakit gusto ni Odie na i-document niya ang pagkukuwento nito, pero hindi na siya nagreklamo dahil gusto na niyang mapabilis ang "task" niya nang makapagsimula na rin ang staff niya sa totoong trabaho. Hindi kasi puwedeng simulan ang pelikula hanggang wala pang materyales na gagawin.
Sa ngayon, ang casting director pa lang niya ang pinapagalaw niya para kausapin ang mga napipisil niyang artista na gaganap bilang Odie at Pluto. Of course, it was with Odie's consent. Pero nang sabihin niya sa dalaga kung sino ang naiisip niyang babagay na artista dito, natawa lang si Odie at sinabing wala itong pakialam kahit sino pa ang gaganap, kaya siya na raw ang bahala sa pagpili. Pabor na sa kanya iyon, dahil ayaw rin naman niyang ikinokonsulta sa ibang tao ang desisyon niya bilang movie producer.
Natigil lang sa pagmumuni-muni si Tazmania nang lumingon si Odie sa camera. May tilamsik ng pintura sa mga pisngi at baba nito. And her hair was twisted up into a cute, messy bun that emphasized her heart-shaped face.
"Hindi ka ba magtatanong?" nagtatakang tanong ni Odie.
Ibinaba ni Tazmania ang camera para makita mismo niya sa mga mata si Odie. "Huh?"
Namaywang ang dalaga at bumungisngis. "You're supposed to ask me questions. Gaya ng kung ano ang significance ng school na 'to sa amin ni Pluto. Interview-hin mo 'ko. Mas komportable kasi akong magkuwento kapag tinatanong ako."
"Oh, okay." Bumalik si Tazmania sa pagkuha ng video kay Odie. "So ano'ng significance ng school na ito sa inyo ni Pluto?"
Natawa si Odie, pero habang tumatawa ito ay nag-iwas ito ng tingin habang tinatakpan ng braso ang ibabang bahagi ng mukha nito. "Ginaya mo naman 'yong sample question ko, eh."
"I told you, I'm not the right person for this."
Lalo lang natawa si Odie. Wala itong kaide-ideya kung paanong naapektuhan na si Tazmania dahil sa simpleng tunog ng tawa nito. It didn't help that her dimpled cheeks turned pink when she laughed, so it made her look more adorable in his eyes.
Bumuntong-hininga si Odie, saka namaywang bago yumuko habang maluwang pa rin ang ngiti, bago ito nag-angat ng tingin. "Well, pareho kaming graduate ni Pluto ng Emerald U. Ka-batch sana namin si Garfield, pero nagloko 'yong kakambal ko kaya nasipa rito. Anyway, dito kami unang nagkita ni Pluto." Iminuwestra ng dalaga ang pader na tinawag nitong "freedom wall" kanina. "Eksaktong sa lugar na 'to."
"Paano?" curious na tanong ni Tazmania. Nagsisimula na siyang maging interesado sa kuwento ni Odie dahil ngayon lang niya nakitang may kislap sa mga mata nito. Maybe she was reliving her happy memories with Pluto.
"Fine Arts ang kurso ko no'ng college. Madalas akong nagpe-paint ng kung ano-ano sa pader na 'yan," nakangiting pagkukuwento ni Odie habang nakatingin sa pader. Her eyes were warm and gentle. "One time, I saw Pluto taking a picture of the wall I painted. And it was love at first sight."
He couldn't help but scoff. "Love at first sight? Seriously?"
Humarap si Odie sa camera at pabirong pinaningkitan siya ng mga mata. "It was love at first sight!" giit nito. Pero napabungisngis din ito sa huli. Then, she sighed dreamily and turned to the wall once more. "I loved the way he looked at my mural as if it was the most beautiful piece of art in the world."
"What happened next?"
Muli, humarap si Odie sa camera. Hindi na yata maalis ang maluwang na ngiti sa mga labi nito kapag si Pluto ang pinag-uusapan nila. "Pagkatapos ng araw na 'yon, sinubukan kong hanapin si Pluto sa buong university, pero hindi ako sinuwerte. So I painted his face on every wall I could. Nanawagan ako sa mga schoolmate namin na sabihin sa 'kin kung may nakakakilala sa lalaking ipininta ko. Hanggang sa isang hapon, may grupo ng kalalakihan na lumapit sa 'kin, hila-hila si Pluto na kinakantiwayan nilang magpakilala sa 'kin.
"Siyempre, kinilig naman ako. Kaya lang, ang lakas mambasag ng trip ni Pluto. Sinabihan ba naman ako na ginulo ko ang tahimik niyang buhay. 'Tapos nag-walk out pa! Pinagtawanan tuloy ako ng schoolmates namin. Nakakahiya talaga."
Muli, naapektuhan si Tazmania sa pagtawa ni Odie. Pero hindi na dahil gusto niya ang tunog ng tawa nito sa pagkakataong iyon. Naapektuhan na siya dahil nararamdaman niya ang saya sa boses ng dalaga habang ikinukuwento ang nakaraan nito at ni Pluto.
"Paano naging kayo kung ayaw naman pala sa 'yo ni Pluto no'ng una?" hindi napigilang tanong ni Tazmania.
"Matagal na 'kong crush ni Pluto no'n," natatawang giit ni Odie. "He was just too shy to admit it, lalo na raw at pinapanood kami ng schoolmates namin. No'ng dineadma ko siya, siya naman itong lumapit sa 'kin. Nag-sorry dahil hindi naman daw niya sinasadyang ipahiya ako. Na gusto raw niya 'ko, pero nahihiya lang siyang aminin. Ang sabi ko sa kanya, patatawarin ko lang siya sa isang kondisyon. Alam mo kung ano'ng hiniling ko?"
"No. You tell me."
Sumenyas si Odie na parang gumuguhit ng kahon sa hangin gamit ang mga kamay. "Inutusan ko si Pluto na gumawa na may nakasulat na: I like you, Odie Serrano."
"Ginawa niya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Tazmania.
Odie smiled proudly. "Of course he did. Kung hindi niya 'yon ginawa, hindi magiging kami."
"Wow. Naging kayo na agad nang gano'n kabilis?"
Odie smiled a heatbreakingly sad smile. "Maybe God knew that Pluto and I weren't going to be together that long, so He made us make the most out of what little time we had."
Hindi inaasahan ni Tazmania na maapektuhan siya sa kalungkutan ni Odie. He was taken aback by the pain in her eyes and the bitterness in her voice. Maybe he was wrong about thinking that she had already moved on. Maybe she had loved Pluto in a way that an outsider like him would never understand. Maybe, just maybe, she was the kind of woman who would love only one man in her life. And that person was now gone.
Gone. He didn't realize that a word could feel so heavy, until he saw Odie on the verge of tears.
In-off ni Tazmania ang video at nag-iwas ng tingin kay Odie. Hindi niya ito magawang tingnan gayong may luha sa gilid ng mga mata nito. "I think magandang isama nang buo sa movie ang kuwento no'ng unang pagkikita n'yo ni Pluto."
Narinig ni Tazmania na tumawa si Odie, pero wala iyong buhay. Nakita rin niya sa gilid ng mga mata niya na nagpupunas ng mga luha ang dalaga gamit ang mga kamay.
"Sabi ko na, eh. Pang-movie talaga ang love story namin ni Pluto," biro ni Odie.
Naglakas-loob si Tazmania na muling harapin si Odie. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang natauhan na ito, at nawala na ang sakit sa mga mata. O mas tamang sabihing naitago na nito ang nararamdaman. Pero alam niyang hindi okay si Odie. For the first time in years, he actually felt genuinely concerned for another person. "Gusto mo bang ipagpatuloy pa natin 'to?"
Nakangiting tumango si Odie, may determinasyon sa mga mata. "Oo naman. Halika, ililibot kita sa mga lugar dito sa school na special sa amin ni Pluto, at ikukuwento ko sa 'yo ang ilang mahahalagang importanteng nangyari sa amin dito."
***
NAKAUPO si Tazmania sa pandalawahang mesa sa HappyChic—isang fast-food chain—habang hinihintay ang take-out order niya. Nag-crave kasi si Odie sa pagkain doon, pero napansin niyang napagod ito sa paglilibot nila buong maghapon sa Emerald University, kaya iniwan niya muna ito sa park na pinuntahan nila—doon daw ito madalas i-date ni Pluto noon—para makapagpahinga. Saka napansin niyang relaxed ang hitsura ng dalaga sa lugar na iyon, kaya nagkusa na siyang bumili ng pagkain nila.
Habang naghihintay, pinapanood niya sa SLR camera niya ang video na kinunan niya kanina.
"Dito kami nag-celebrate ng first monthsary namin," kuwento ni Odie sa video, habang iminumuwestra ang rooftop ng College of Fine Arts building. "Pinuno niya ito ng heart-shaped balloons. 'Tapos may candles at petals pa ng roses sa sahig. Ang cheesy-cheesy talaga, pero kilig na kilig ako no'ng time na 'yon..."
Tazmania muted the video, and zoomed in on Odie's face. Nakangiti ito habang nagsasalita, pero sa pagkakataong iyon, nakita na niya ang napansin niyang kulang dito doon. There was no glow in her eyes, even if she was smiling or laughing. Pilit lang ang pagiging masigla at masiyahin nito sa harap ng ibang tao.
He could imagine Odie crying herself to sleep. Pagkatapos marinig ang ilang kuwento nito, at maramdaman kung gaano ito kasaya kapag binabanggit si Pluto, may ideya na siya kung gaano nito kamahal ang namatay na nobyo.
He couldn't imagine how painful it must have been to lose her fiancé. How devastated she must have felt.
Ang akala ni Tazmania ay kilala na niya ang lahat ng klase ng babae. Na gaya lang ang mga ito ng kanyang ina na makasarili. Kahit ang mga babaeng nakakarelasyon at nakakasama niya sa kama, pare-pareho lang. They all just wanted him, but never really loved him. Not that he wanted them to, anyway.
Pero kakaiba si Odie sa lahat. Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng kasimpuro ng pagmamahal at kasintapat sa lalaking mahal nito. Kahit na wala na ang lalaking iyon.
Somehow he envied Pluto for having a woman like Odie love him.
You're lucky, dude, pagkausap ni Tazmania kay Pluto kahit hindi niya alam kung maririnig ba siya nito. She really loved you. And she still does.
"Here's your order, Sir," masiglang sabi ng service crew na pumutol sa pakikipag-usap ni Tazmania sa sarili.
"Uh, thanks," sagot ni Tazmania, saka tumayo at binitbit ang supot ng pagkain sa pag-alis matapos niyang ibalik sa bag ang camera. Naglakad lang siya dahil malapit lang naman ang HappyChic sa parke kung saan niya iniwan si Odie kanina.
Nakita ni Tazmania si Odie sa eksaktong lugar kung saan niya ito iniwan kanina—sa may bench sa ilalim ng malagong puno. Nakaupo lang ito roon, nakatingin sa malayo. Napabuntong-hininga na lang siya nang makaramdam ng awa para sa dalaga. How could she even smile when she was still hurting?
Iyon ang bagay na hindi niya maintindihan sa mga babae. Kung paano nagagawa ng mga ito na ngumiti at sabihing "okay" sila kahit hindi naman. Hindi tuloy niya alam kung senyales ba iyon ng pagiging matapang.
O senyales na kailangan nilang mga lalaki na maging mas sensitive para huwag maniwala kapag sinabi ng isang babae na okay ito? But men weren't mind readers. So how the heck was a guy like him supposed to know what was running through a woman's mind if she wasn't going to tell him straight?
Namomroblema si Tazmania dahil hindi niya alam kung paano papakiramdaman si Odie. All along, he thought she had been doing fine. That she had moved on. Pero kanina, nakita niyang hindi pa ito okay.
Tinutubuan tuloy siya ng konsiyensiya. Hindi niya naisip na sa pagpilit niya kay Odie na isapelikula ang kuwento nito at ni Pluto ay ibinabalik niya rito ang mga alaalang siguro ay gusto nang kalimutan ng dalaga.
Pero hindi naman siya papayag na gawin ito kung hindi pa niya kaya, depensa niya sa sarili. Maybe I'm just overthinking things.
Naglalakad na si Tazmania palapit kay Odie nang napansin niyang kumilos ito, at may kung anong tinitingnan. Bago pa niya makita kung ano iyon, napansin niyang pumulot ng bato sa may paanan nito ang dalaga, saka iyon hinagis sa kung ano.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may malaking aso na galit na umuungol pala ang malapit kay Odie. Kung hindi siya nagkakamali, askal iyon. At muli, nagulat siya nang batuhin ng dalaga ang aso.
Sa pagkakataong iyon, tumahol nang malakas ang malaking aso at tumakbo papunta kay Odie na mukhang hindi na nakakilos sa kinauupuan dala siguro ng takot.
"Odie!"
Binitawan ni Tazmania ang bag at supot na bitbit, at tumakbo para ipagitan ang sarili mula kay Odie at sa malaking aso. Napasigaw na lang siya sa sakit nang bumaon ang matatalas na ngipin ng askal sa kanyang braso.
***
HINDI makapaniwala si Tazmania na nasa ospital siya sa ikalawang pagkakataon nang dahil kay Odie. This time, he had been bitten by a dog for saving that accident-prone woman. Pero kalmado na siya ngayon dahil naturukan na siya ng antirabies vaccine at ayon naman sa doktor na gumamot sa kanya kanina, ligtas na siya.
Sa ngayon ay nasa ward siya, hinihintay si Odie na binayaran ang hospital bills niya bilang pasasalamat daw at paghingi na rin ng dispensa. Hindi niya gusto na ang babae ang gumagastos para sa kanya, pero nawalan na siya ng lakas para makipagtalo pagkatapos ng nangyari kaya hinayaan na niya ang dalaga.
"Tazmania?"
Nalingunan ni Tazmania si Odie na tila nag-aalangang lumapit sa kanya. Hiyang-hiya siguro ito dahil sa nangyari. He forced a smile to encourage her to come closer. "Hey, Odie. Okay na ba? Puwede na ba 'kong lumabas ng ospital?"
Doon lang lumapit sa kanya si Odie. There was guilt in her eyes. "Oo, clear ka na for discharge." Humugot ito ng malalim na hininga bago siya tiningnan nang deretso sa mga mata. "Tazmania, I'm sorry. I really am."
Bumuntong-hininga rin si Tazmania. "Odie, kanina ko pa sinabing okay lang ako at pinapatawad na kita. Stop apologizing, okay?"
"I feel guilty..."
"Why did you throw rocks at the dog, anyway? Alam mo bang magwawala ang PETA kapag nalaman nila ang ginawa mong 'yon?"
Napapiksi si Odie, saka nag-iwas ng tingin. "N-natakot kasi ako nang makita kong umuungol 'yong aso. Akala ko aatakihin niya 'ko, kaya binato ko siya para paalisin."
Tinitigan ni Tazmania si Odie. Kunsabagay, sa laki ng asong iyon, hindi niya masisisi si Odie kung natakot man ito. At siguro, walang alam si Odie sa mga aso kaya nataranta ang dalaga. "Next time, don't throw anything at dogs. Kung natatakot ka, huwag mong ipahalata. Basta kalmado ka lang dapat habang naglalakad. Huwag kang tatakbo dahil lalo ka lang nilang hahabulin."
Tumango si Odie, hindi pa rin makatingin sa kanya. "Okay. Thanks."
Ah, Odie probably felt guilty and Tazmania couldn't help but think it was cute. Napangiti siya dahil natutuwa siyang makitang nag-aalala ang dalaga sa kanya. "Don't feel guilty, Odie. Ako naman itong nagkusang iligtas ka. Hindi naman kita sinisisi sa nangyari."
Nag-angat ng tingin si Odie. May takot sa mga mata nito. "M-mamamatay ka ba dahil sa rabies?"
Lumuwang ang ngiti ni Tazmania. "No, silly. Naturukan na ako ng vaccine so I'm good as new."
Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Odie, at pabulong na tinanong: "Oh. Hindi ba nakamamatay ang rabies?"
Nawala ang ngiti ni Tazmania. "Gusto mo ba 'kong mamatay?"
Tila natauhan naman si Odie. Nanlaki ang mga mata nito, saka mabilis at mariing umiling. "Hindi, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Nag-alala lang ako na baka malala 'yong rabies at baka mamatay ka dahil sa 'kin. I'm sorry."
Ah, akala niya gusto ni Odie na mamatay siya sa rabies. Siguro ay natakot talaga ito sa nangyari kanina kaya natataranta pa rin ito hanggang ngayon at kung ano-ano na ang nasasabi. "Tara na. Ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na."
"Paano ang interview?"
"Ituloy na lang natin bukas," sabi na lang niya, sabay gawa ng mental note sa isip na i-cancel ang meeting niya bukas.
Hay. Ano ba 'tong ginagawa ko para sa babaeng 'to?