Saturday Morning
“Sis! Gising!”
Ano naman ba? Ang aga-aga. Pwede bang matulog muna? Please?
“Kathy mamaya na. Matutulog pa ako.” I groaned.
“Alex, may naghahanap sayo!” Talagang kailangan sumigaw ha.
Fine! Babangon na!
“Sino naman ba ang naghahanap sa’kin?” I said really irritated. At frist time na may naghahanap sa’kin ha, pero wrong timing pa rin. I looked at my watch, it’s 8:32. Sinong magbibisita ng ganito kaaga?
“Ewan ko, friend, pero ang gwapo! Hindi ko muna pinagbuksan.”
Gwapo? Baka si…Dave?
“Baka si Dave?” I said unconsciously.
“Ay! Sige na! Lumabas ka na!” Hinatak ako ni Kathy pababa sa first floor ng bahay niya. Syempre kagigising ko lang kaya medyo lutang pa ako. Muntik pa akong mahulog sa hagdan. Buwis buhay pa ata ito.
“Hey! Is anybody here?” May narinig akong kumakatok sa pinto. Village kasi itong bahay ni Kathy, hindi uso ang gate. May gate nga naman pero kahoy, tapos pag may kailangan ka, dapat kumatok ka talaga sa pinto.
“Wait!” I groaned and opened the door.
Teka lang. Napatigil ako sa kinatatayuan ko.
Anong ginagawa niya dito? Oh my god! Nag bra ba ako? Sino nga ito? Oh no!
“My name is Ash. Do you remember me?” He smiled. I think God smiled at me too, pero bakit ganito pa?
Sa sobrang kahihiyan, sinirado ko bigla ang pinto. Tumakbo sa taas at nag-ayos.
“Uy, friend! Papasukin ko na ha.” Sigaw ni Kathy sa’kin.
15 minutes later
Nakahilamos at nakapg-toothbrush na ako. Sana naman napag-isipan niya nang umalis dahil sa sobrang tagal ko. Ano ba naman kasing ginagawa niya dito nang ganito kaaga?
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Nakita ko agad si Ash na nakaupo sa sofa, at si Kathy naman game na game sa pagsisilbi sa bisita.
“Oh finally! She’s here!” Sinabi ni Kathy kay Ash nung makita niya na ako. Tumingin sa’kin si Ash at ngumiti.
Lumapit si Kathy sa’kin kasi hindi talaga ako gagalaw sa kinatatayuan ko. “Girl, umayos ka. Gwapo yan.” Binulong niya pa at umakyat na sa taas.
Binenta niya na ata ako. Nakakita lang nang gwapo nagbago na ang mundo, anong era na ba tayo? Renaissance period?
Pinuntahan ko na si Ash at umupo sa harap na sofa, “S-so, anung ginagwa mo dito?”Awkward. Lupa! Lamunin mo ako!
“Akala ko naman hindi mo na ako naalala eh.” He smiled. “I’m here to talk to you about Dave’s proposal.”
Alam niya ang tungkol doon?
“N-nasabi niya na ang tungkol dun.” Ba’t ba ako nag-stutter. Porke ba’t gwapo! Ha? Ha? Anong karapatan niyang magkaroon ng mukhang ganiyan?
“Yeah, I heard. Bakit hindi ka pumayag?”
“Uhm, because it’s none of my business?” Exactly! Tama naman ako. “And wala namang dahilan para tulungan ko siya.”
He chuckled, “Do you know na pwede kang ma-r**e nung mga lalaki na nakaaway niya dun sa park? Utang na loob mo na rin yun.”
Seriously? Ita-target niya talaga ang konsensya ko?
“Andito ka ba para pakonsensyahin ako at mapapayag sa gusto ni Dave?” I said smugly. Aba! Hindi na ito tama!
“No,” he said and smirked. “I’m here to propose a deal.”
“A deal?” Ano ba ang nangyayari sa Earth ngayon? Deal or No Deal ba ito? Prank? Nasaan ang camera?
“Yep,” he said casually. “You accept Dave’s deal and I’m gonna give you a hundred thousand and two wishes, any wish! A trip to Europe, house and lot, a car, anything.”
Ano bang pinag-sasabi nito? Akala niya ba makukuha niya ako sa ganyan?
He shifted his seat, “I heard you want to see your mom again. I can do that and you still got one wish. Just say yes.”
Bigla akong natigil. Paano niya nalaman ang tungkol dun?
Kay Kathy!
I was certain that I wouldn’t say yes, pero nung sinabi niyang kaya niyang hanapin si mama, bakit hindi? Sabi ko naman kaya kung gawing para makita lang siya, diba? Kahit hindi ko na siya makasama, basta gusto ko lang siyang makita.
Wala naman sigurong mawawala sa’kin. It’s about time to think for myself. Kaya ko naman itong ipagagawa niya sa’kin eh. What’s the worst thing that could happen? Dying? Hay naku naman.
“Fine!” There! I said it, “Keep the cash. Just find my mom!”
He smirked again, alam niya talagang nanalo na siya. Hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko. “Are you sure you don’t want the money? You still have one wish.”
“Yes! Yes na! Ang kulit! Ano bang gagawin ko?”
“It’s not my side to tell. Just say yes to Dave’s deal and he’ll tell you what to do.” Sumandal siya sa couch and looked at me. “You know Alex, hindi naman talaga ako masamang tao. I just want Dave to be happy. As a friend, masasaktan ka rin pag nasasaktan ang kaibigan mo. The guy is f*cking in love.” Then tumawa siya, “Kristina is outgoing kasi, she’s not the innocent looking type and she’s really very aggressive. Two years na silang mag-on ni Dave, sikat na sikat silang couple sa school, not until she decided to f*ck somebody.” Nakita ko na biglang nagbago ang expression ni Ash. “She broke up with him kasi daw bored na siya sa relationship nila. The guy is so desperate to take her back. Lagi na lang nakikipag-away, laging lasing. Buti na lang they owned the school kaya di pa siya naki-kick out.”
Hay. The things we do for love.
“I’ll start looking for your mom when you tell Dave na pumayag ka na, this is his phone number. Call him,” nilapag niya ang card sa mesa at tumayo na. Aalis na ata, bigla naman siyang tumigil sa pinto. “Wait. This deal is between you and me only, Dave shouldn’t know.”
Tumango na lang ako at lumabas na siya. Tama ba itong ginagawa ko?
Monday Morning
“Hoy girl! Talaga bang pumayag ka na? Eh diba pinahanap ko pa naman dati pa ang mama mo, pero sabi ng detective wala na talagang trace.”
Nagda-drive si Kathy papuntang school dala ang kotse niya kasi #RichKid talaga siya at ako naman ang parasite na nakiki-angkas.
“Sigurado ako. Alam ko namang mahahanap ni Ash si mama, mukha namang maraming connection yun.” True. Para naman kasing member ng mafia yun kung magsalita eh.
“Basta, friend. Andito lang ako. So natawagan mo na ba?”
Si Dave. Ano nga bang sasabihin ko sa kaniya? Na pumayag na ako kasi dapat sabi ng ‘best friend’ niya?
“Wala pa. Hindi ko kasi alam kung paano sasabi –”
Biglang nag break si Kathy at halos mabigti ako ng seatbelt. Thank God for seatbelts!
“Aray ko, Carlo! Dahan-dahan naman!”
Bigla ba namang nag break! Akala ko matatanggal na ang ulo ko eh!
“Andito na tayo sa school. OA ka girl ha!” Tinanggal niya na ang seatbelt niya at bumaba.
Bumaba na rin ako. Lord, lupa! “OA ka diyan! Ba’t bigla ka na lang nag break? Ganun pa kabilis ang patakbo mo.”
“Wala lang. Trip ko. Angal ka.” He said smugly. Che! Sobra ka pa sa babae.
Naghiwalay na kami. May klase na siya, ako naman mamayang 9:30 in the morning pa.
Hinawakan ko yung calling card na binigay ni Ash. Ngayon ko lang nabasa:
Prince Dave Castillo-Weinstein (+63) 998 983 9078
So sa kanila nga talaga ang sikat na school na yun. Castillo-Weinstein International School of Arts. Ang sino man na galing sa school na iyon ay siguradong aangat sa lahat. Maganda ang standards nila, kaso mahal naman. Pang-mayaman yun eh. Sa ibang school, isang kidney lang ibebenta mo. Sa school nila, dalawang kidney tapos atay at balunbalunan pa.
Teka. Tatawagan ko na ba siya?
Paano ko sasabihin?
Bahala na!
I dialed his number, tapos nag ring na.
Ba’t ba ako kinakabahan?
Fuck! Who’s this? Sagot niya sa kabilang linya.
Kahit ba naman sa phone?
“Dave?”
Yeah! Who’s this?! Bullshit! Bakit ba galit nag alit ‘to sa mundo? Hindi ba siya mahal ng nanay niya?
“Uhm. It’s Alex. Remember?”
Biglang nag-silent sa kabilang linya. Binabaan niya na ba ako? Anong gagawin ko?
“Hello? Hello?”
What do you want? Nagulat ako ng bigla siyang nag salita.
“Can we…uh…talk?” Seriously? Bakit ako pa ata ang may kailangan sa kaniya? This better be all worth it.
Hindi pa ba to 'talk'?
Ano ba? Kakausapin ko ba to o aawayin niya na lang ako?
“Papayag na ako.” Bigla ko na lang sinabi. Bahala na siya.
Silence na naman. O sige, kausapin mo sarili mo. Ikaw na.
Huy!
Halos mahulog ko ang phone nang bigla siyang sumigaw. Sakit sa tenga!
“Ano ka ba! Ano na?”
Magkita tayo mamaya sa – Mr. Weinstein! No cellphones.
Wrong timing ata, may klase sila. Hindi man lang sinabi.
Will you shut up old man?! I'm talking to my girlfriend!
Ako ba yun? Ako ba yung ‘girlfriend’? Tumahimik lang ako. Ibababa ko ba ba?
Hey weirdo! I'll see you later!
“Ah. Saa –”
Pinatay niya na ang linya. Magtatanong pa naman ako kung saan kami magkikita. Nice. Binabaan ako. Bastos. Saan naman kami magkikita? Bahala nga siya. Antipatikong bastos na halimaw. Tinawag pa akong weirdo. Ako? Baka siya.