Chapter 4. Pikachu and Pokemon

1361 Words
"Oh here's the bitch." Naman? Angeline? "So, napagsawaan ka na ba ni Prince kahapon?" "Excuse me?" Ano ba ito? Kung si Angeline ay na stuck sa high school drama niya, well ako hindi. Ba’t kasi hindi na lang siya pumirmi? Ano naming kailangan ng higad na ‘to sa akin? "Excuse yourself." Bigla niyang sabi. Ano daw? "Ano naman bang problema mo Angeline?" Tumingin ako sa kaniya. Panira talaga ang babae na ito. Lord! Give me the strength. "You know what I'm talking about." Sabay taas ng kilay niya. Ha! I know. Si Dave ang pinagpuputok niya. Paano ba naman, nakatikim ng 'cold treatment'. For the first time may lalaking nakagawa sa kaniya nun. "Ah. Yung pagbuhos ba ng tubig sayo? Oh.” I said and I walked away from them. Ha! I feel so cool. Binilis-bilisan ko na rin ang paglakad, baka mamaya hablotin pa ako ng halimaw na yun. Pauwi na ako. Tapos na rin ang mga klase ko. Hindi ko rin alam kung nasaan si Kathy, lagi naman kasing wala yun. Kahit pa bestfriend ko yun, napaka-weird pa rin parang ako. Nasaan na kaya si Mr. Prince Dave Castillo-Weinstien? Talaga ba namang PRINCE ha. Sabagay, kung maka-asta eh. Ewan ko ba pero parang nabunutan na ako ng tinik kahit walang kwenta yung pag uusap namin ng adik na yun. Kasi alam ko na first step na yun sa paghahanap sa nanay ko. "Uy Alex! I heard you're dating Prince." "Ha? Saan naman nanggaling yan?" Nilapitan ako ni Clover, isa sa mga classmate ko dito sa school. "Balita sa school. Kasi naman diba, sinundo ka daw niya. Siya yung pinagkakaguluhan nun. Hamakin mo, isang Weinstein ang pumunta sa pitsuging school natin? Weinstein ha." Grabe naman talaga ang effect ng Dave na yan, parang virus. "Tumigil ka nga Clover. May tinanong lang yun about sa…basta." Hindi ko na tuloy alam ang mga ipagsasabi ko. Hindi naman kasi talaga ako kinakausap ng mga tao dito eh, ngayon lang. Alam nilang kilala ko na si Prince Dave na yun. "Oo nga naman. Paano ka ide-date nun? Eh mas marami pang maganda sayo." She murmured tapos umalis. Sabi na! Ipakilo ko lahat ng plastic dito sa school eh! Naglakad na ako palabas ng gate. Mag jeep na lang ako, mahal mag taxi. Tsaka pwede ko namang lakarin papasok sa village nila Kathy. Ay teka! Paano yung halimaw? "Hoy! Nerd na weirdo!" Napatingin ako bigla sa gate dahil kahit pa siguro naka earphones ako, alam ko na siya yun. Oo siya, si Prince Dave Castillo-Weinstein. Tinawag niya naman akong neird at weirdo. Peste talaga ang halimaw na ‘to. "Will you just stop gawking?" Sigaw niya nung naisip niya siguro kong bakit ko siya tinititigan. Gawking? More like if my look could kill him. Parang kasalanan ko pang tumitingin ako sa kaniya, gawking daw. Heh! Naglakad na ako papunta sa kaniya, pero 'di tulad ng dati na ang mga girls nakapalibot talaga sa kaniya, ngayon wala na. Tumitingin-tingin nga lang, parang mga stalker. "Oi!" He poked my forehead nung nakalapit na ako. Epal talaga. "Kailangan talagang i-poke?Pwedeng salita muna?" "Shut up slow-poke! Let's go." Tapos sumakay na siya sa – saan ba siya nakakanakaw ng sasakyan? Could a guy like him, na for sure wala naming trabaho, legally affored a car na ganito? Syempre, scholar ng magulang. "Ano ba Pikachu? We don't have all day!" So ako na ngayon si Pikachu? "Oo na, Pokemon!" Tapos pumasok na kami sa…beast of a car. Okay. Eto na. So dalawa lang kami. Awkward. "Pikachu?" So seryoso talaga siya sa Pikachu niya ha. Eto sayo. Epal ka. "Pokemon?" "F*ck! Stop calling me that!" Pasigaw niyang mura. Ah so kasalanan ko pa ngayon. Huminga ako ng malalim tapos, "POKEMON!POKEMON!POKEMON!POKEMON!POKEMON!POKEMON!POKEMON!POKEMON!" "SHUT THE f**k UP!" Tumigil ako ng sumigaw na siya. I smirked. Akala niya siguro ha. Tapos ayun, hindi niya na naman ako pinapansin. Awkward. Maya-maya, bigla na lang siyang nagsalita. "Are you really… uh…really – f*ck! Why am I even talking to you?!" Sabay hampas sa manobela. Malay ko rin, kasalanan ko rin bang kinakausap niya ako? "Oo na. Pumapayag na ako." Sabay hingang malalim, "pero ano namang makukuha ko dito? Naman! ang- ARAY!" Bigla niya akong pinitik sa tenga! Pinitik niya ako sa tenga! VAWC ba yun? "Ano bang problema mo?!" "Hoy Pikachu! The day we met, you slapped me, then I saved you from some bastards, with NOTHING in return! Tapos tatanungin mo ako kung anung makukuha mo. Sapakin kaya kita diyan?" So konsensya ko na naman ngayon? Fine! Ba't pa kasi ako tanung ng tanung. Pakshit na buhay to. Shut up, mouth! "Oo na. Salamat pala dun." Tumahimik na naman siya. May nakapag sabi na ba na nakakamatay ang sobrang tahimik? Well, ito na yun. Teka. Saan ba kami pupunta? Anak ng tokwang kamukha ni ginger bread! "Pokemon!!!!" Nasobrahan ata ang pag-sigaw ko kasi bigla na lang siyang napahinto. "Now what?!" Huminto ang sasakyan, akala ko made-detatch na ang ulo ko sa katawan. "Ah. Eh. S-san mo ba ako dadalhin?" Now, I look like an idiot. Feeling ko sasakalin niya na ako. Pinaadar niya na lang ulit ang sasakyan, hindi na ulit umimik. So ano ito? Silent treatment? Ilang minuto pa, huminto na kami sa isang race-track-something-na-hindi-ko-alam. "Dave anong gaga-" Biglang bumaba. Nice. Hindi man lang ako pinatapos. Bababa rin ba ako? Okay, fine. Sumunod na ako sa kaniya, hindi man lang lumingon. Pag pasok namin, ang daming car, race cars. May mga sexy grils din na naka skirt. Yung parang taga wave ng flag. Darn! Ano bang gagawin namin dito? May race ba? Wala namang audience. "Tara na." Nagulat na lang ako ng biglang hatak niya sa kamay ko. Hindi na ako makakalas sa sobrang higpit ng kapit niya. Papatayin ba ako nito? Bumaba kami sa mga hagdan, papuntang track. Doon sa mga nagkukumpulang tao. Friends niya ata. Ano ba tong itsura ko? Naka uniform pa ako. "Hey Prince. You're late again." Sabay tapik sa balikat niya nung red hair, hot, manly, yummy, japanese-like heh! Alex tumigil ka! "Who's the chick yo?" Wrong move red head! Halos lahat ng taong nakarinig sa sinabi niya nakatingin sa'kin. Ito na ang magandang time para lamunin ng lupa. Silence. Utter silence. Walang nag-sasalita. Akward. Kailan ba titigil itong awkward silence? Napatingin ako kay Dave. Wala ba siyang balak ipakilala ako o sagipin man lang sa awkward silence? Pero hindi, dahil umalis na pala siya at tahimik na nagsusuot ng race suit. Ipapakilala ko na lang ba ang sarili ko? "Uhm...I'm –" "Oi, Alex!" Bigla akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko. Si Ash. "Ash" I smiled. Thank God! A familiar face. "Guys," Nagulat ako ng bigla siyang umakbay. "This is Alex Cassandra Montero" Feeling ko matutunaw ako sa hiya. Smile lang ako ng smile. Si Ash naman, salita ng salita. Para namang matatandaan ko mga pangalan nila "...this cassanova is Elle Peter Lee, half Japanese 49% Filipino and 1% dog" tapos tinuro niya si red head. Tumigin siya sa'kin tapos kumindat. Nag smile lang ako, babaero siguro ‘to. "...And that one," tinuro niya naman yung naka race-suit-something tapos may hawak na helmet pero nakatalikod siya sa'min "that's Duke Harper Castillo-Weinstein, Prince's brother." Kaya pala parang hawig sila sa likod. Likod pa lang yan. Parang magka-age nga lang sila. Ganito ba talaga kagwapo ang mga angkan ng Weinstein? "Hey! PA ka ba ni Prince ngayon?" Biglang may sumigaw. Lumingon ako. Okay, maganda siya. Sino kaya ito? "That's Kristina Parker, Prince girlfriend. I mean former." Bumulong sa'kin si Ash, hindi pa rin siya bumibitiw sa akbay. Okay na rin siguro ‘to, parang support. Kasi feeling ko matutunaw na ako dito. Lumapit yung model-like na girl sa'amin at sabay sabing "Sino ka?" Okay lang ba yun? Hindi ba against sa etiquette yung bigla na lang tatanungin ang complete stranger like me? "Alex Cassandra Montero" Nag smile  na lang ako tapos inabot ang kamay ko, pero sana hindi na lang pala dapat. Tinaasan lang ako ng kilay, bakit parang ang init ng situation? Lahat nakatutuk sa'min pa – "Hey, Pikachu!" Narinig ko na tumawag si Dave. Lumingon ako pero hindi ko alam na malapit na pala siya sa amin ni Ash. Bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya at nabitawan naman ako ni Ash. Hindi ko alam ang sumunod na pangyayari pero bigla na lang niya akong hinatak sa kaniya at hinalikan! HINALIKAN NIYA AKO! Ang first kiss ko. Nakalapat ang labi naming pero pareho kaming bukas ang mata. Nakatingin ako sa kaniya, siya nakatingin sa malayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang first kiss ko! At sa harap pa ng maraming tao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD