Naka pwesto na ang mga sasakyan nila sa track, ang gara ng mga kotse. Feeling ko naka pasok ako sa isang mundo na hindi mo talaga alam kung totoo. Si Dave ang number 1 sakay ng isang yellow Ferrari.
Si Elle, yung red head kanina, black ang kotse, Maclaren ata. Pagkatapos andiyan din si Duke, ang kapatid ni Dave. Grabe, ang gwapo niya. Ito talaga yung mga mukha na pinag-laanan ng panahon ni Lord.
Nakasakay sa number 7 si Duke. Meron ding isa pang kasali, pero 'di ko kilala, number 4.
Ang daming nanunood. Official race ba to? Ang ibang lalaking alam ko, sa basketball napupunta, pero sila nasa car racing. Iba rin pag #RichKids eh, no? Ang gara ng trip.
"Oi! Okay ka lang?"Napatingin ako kay Ash na kanina ko pa kasamang umuupo sa bench.
"Yep. Drag race ba to?" Ang alam ko sa drag race yung mga habal-habal version lang. Lakas maka jologs.
"Yes, it's a common playground." He looked at me tapos sabay smirk siya, "may usapan na ba kayo ni Prince? Hinalikan ka niya kanina ah."
Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko kasing pula ko na ang pabulok ng kamatis. Feeling ko rin tuloy para na akong matutunaw. Kailangan bang ipaalala yun?
After akong halikan ni Dave na walang pahintulot, na if I may say, is against women’s rights, binitawan niya na agad ako. s**t! Ano ba yung nangyari? Wala naman yun sa usapan! Hindi siya nakatingin sa'kin, nakatingin lang siya kay...Kristina. Hinawakan niya ang waist ko tapos hinarap sa mga tao. I heard whistles. Someone said, "Get a room." Nakaka-hiya. Feeling ko dapat tumatakbo na ako palayo dito ngayon. I felt really used nung hinalikan niya ako. Alam ko kasing ang first kiss ko nakuha ng isang Pokemon.
Hindi naman talaga ganun ka OA eh. Kasi sabi sa'kin ni Papa nung buhay pa siya, nung bata pa daw ako meron daw humalik sa'kin na batang lalaki din habang nasa playground ako nun. So parang second kiss ko yun, like technically. And I am a hopeless romantic! I expected more, pero –
"She's my girlfriend, Kristina." I heard him say. Napatingin lang ako nun sa kaniya. Girlfriend? Oo nga pala. Ako pala ang girlfriend dito.
Hindi ko na nakita ang reaction ni Kristina kasi yumuyuko na lang ako nun. Narinig ko na lang na nag salita siya nang mahinahon. "I see," tapos bigla na siyang umalis.
Nakita ko na lang nag smirk si Dave. Sure, nagawa mo ng pagselosin si Kristina, masaya na?
"Dito ka lang, watch me race. Don't f*cking leave." Sinabi niya, I mean inutos niya sa'kin. So yun, tiningnan ko siyang sumakay sa kotse niya sa track. And that is why I am still here kasama si Ash at ang pangit niyang mga iniisip.
So yun na nga.
"Alex, sinabi ko kay Prince yung tungkol sa deal natin." Biglang banggit ni Ash. Napatingin ako sa kaniya.
"Ha? Diba sabi mo hindi dapat sasabihin?"
"Yep. Ang alam niya lang ay pumayag ka dahil hahanapin ko ang nanay mo. Nagalit pa nga eh, dahil mahirap daw yun. Kaya pansin ko ngang pahihirapan ka niya."
So galit pa siya dahil yun ang gusto kung wish? At parang siya ang nag offer na mag grant ng wishes ha. Kapal talaga.
"Pero hindi niya alam ang tungkol sa second wish mo, wag na nating sabihin sa kaniya. Baka magalit pa eh."
"Ah okay." Tumango na lang ako tapos napatingin sa track. Sige na, sige na. Para matapos na lahat ito.
Parang magsisimula na, nakaprepare na ang lahat.
"Yung number 4…" Tinuro ni Ash yung naka Maclaren. "He's Kristina's new boyfriend."
Ay kaya pala. Parang kakaiba ang aura na binibigay ng mga tao sa kaniya eh. Tumango lang ako. Naalala ko, nakita ko siya kanina. Sobrang gwapo naman, pero mas gwapo si Dave. Oo na, pagbigyan na natin.
"Sumigaw ka.” Bulong ni Ash.
Sigaw? I looked at him. "Ha?"
"Sabi ko, sumigaw ka. I-cheer mo si Prince. Para namang magmukha kang girlfriend diyan."
Ako? Sisigaw? Ayoko nga, parang pinapahiya ko la –
"Aray! Kailangan bang pumitik sa tenga. Oo na. Eto na nga.” Mapanakit talaga itong mga taong to. Pag mayaman ba at may mukhang pinag-laanan ng panahon ni Lord, kailangan mapanakit na agad?
Pasalamat siya hahanapin niya nanay ko, kundi babatukan ko na ‘to eh.
"Bilis na kasi."
Huminga ako nang malalim, tapos –
"Wait lang. Anong isisigaw ko?" Tumignin ako kay Ash. Talagang gagawin ko ‘to ha. Wala na ba akong kahihiyan? Naku naman!
Tinitigan lang ako ni Ash ng parang 'magisip-ka-naman' look. "Sabihin mo na lang ganito." Sabay bulong niya sa'kin.
"What? Ayoko nga!" Sigaw ko. Akmang babatukan ko na siya pero inirapan niya pa ako. Antipatiko talaga.
No way!
Ayoko!
Never!
Fine!
Pagkatapos kung makita ang nanay ko magpapalit na ako ng mukha.
Hingang malalim. Breathe in, breathe out. Kaya mo ‘to, self. Kaya mo to. Tumayo ako.
"Go Number 1! WALA KA NANG KISS PAG NATALO KA!"
Lumingon si Dave sa upuan namin ni Ash. Halatang nagulat siya. Nakakahiya na talaga ako!
Sino ba namang hindi magugulat? Lahat ata nagulat! Kahit kaluluwa ko nagulat. Tumingin ako kay na halos abot langit na ang ngiti niya. Hayop talaga!
Halos hindi na rin ako makatingin sa mga tao sa palibot. Alam ko naming mangyayari ‘to, pero my god! My heart is not prepared. Feeling ko mamatay na ako sa kahihiyan.
Tumigin ulit ako kay Dave na nakatitig pa rin sa'kin, nagka-eye to eye kami pero bigla niya ring iniwas tapos sinuot ang helmet niya. Hindi ko alam kung anong tawag sa reaction niya, pero alam ko gulat yun more than anything else. Tumingin na lang ako kay Ash ulit.
"Wag ka ng magalit.” Bungisngis na naman si Ash.
"Peste ka talaga, Ash.”
Hindi na nakatingin ang mga tao sa'kin pero mayamaya, sisilip sila sa'min ni Ash. Hay! Mamatay talaga ako ng maaga nito.
"Wag kang maingay. Ayan na mag sisimula na." Sabay sundot sa’kin ni Ash sa tagiliran. Sana sundutin niya na lang ako ng ice pick para ikamatay ko na.
Pagkasabi niya nun, may sumigaw na. Yung naka black and white na girl sa unahan, "Ready!" Feeling ko pustaan to eh. Si Ash kasi parang nagkekwenta ng pera dito sa tabi ko. Pft!
"SET!"
"GO!"
Humarorot na yung mga kotse. Nauuna si Dave pero buntot lang si Number 4. Si Elle at Duke naman parang assisting lang ata sa dalawa eh. Hindi naman ata kumakarera, more like nakabuntot lang kila Dave at number 4. At kahit walang nag sasabi, alam naman naming kay Dave lang at sa Number 4 na yun ang karerang ito.
"Hindi magpapatalo si Prince kay Rayven, kaya 100,000 talaga mauuwi ko nito." Sabay smirk ni Ash. Sabi ko na nga ba nakikipag pustaan ito eh.
"Sino si Rayven?"
"Yung boyfriend ni Kristina nga, number 4. Barkada rin namin yan dati, nung hindi pa siya na kick out sa grupo. Galit na galit si Prince sa kaniya, syempre hindi rin namin siya masisi eh. Pinatos ba naman si Kristina. Bros before hoes, nakalimutan ata ng kumag yun."
Kaya pala ganun na lang si Dave maka asta sa harap ni Kristina. Sa tingin ko mahal niya talaga. Ano kayang nangyari kaya naghiwalay sila?
"What happened ba sa kanila?" Sige Alex, eto ka naman sa pagiging curious mo.
Tumingin lang si Ash sa race, nauuna pa rin si Dave. Parang 'di naman ako sasagutin nito eh.
"It's not my story to tell, Alex." At nag smile na lang siya. Okay, I understand.
Nanalo si Dave sa race. Parang expected rin naman ng lahat. Halos lahat lumapit sa kaniya, pero parang cold lang siya sa mga tao. Hindi man lang siya marunong mag smile.
Walang smile man lang diyan, pre?
Ayaw talaga?
Kill joy.
Hindi na ako lumapit at pumunta dun. Sa kahihiyan ba naman ng ginawa ko kanina, may guts pa kaya akong lumapit? No, thank you. Si Ash naman, kinuha niya na yung panalo niya. Kung maka pusta parang wala ng bukas. Naka 100,000 daw yun eh. Akalain –
"Did you enjoy the race?"
Bigla akong napalingon. Holy shi tzu!
"H-ha? Ahhh...Oo?" Tanga, tatanungin mo siya Alex? Ganun?
Tumawa siya. Yung tawa na akala mo kukunin na ako ni Lord tapos okay lang kasi narinig ko siyang tumawa.
"I'm Duke, I heard you're Prince's...girlfriend?" Kinakausap niya ba talaga ako?
"Ah. Parang ganun na rin siguro." Ang tanga ko talaga ngayon, bakit ganun?
"Oh. I guess tinuloy niya talaga yung plan niya. You’re the paid girl." Nag smile siya sa'kin.
Napakunot ang noo ko. Anong paid girl? Tagalog nun is bayaring babae. Ano ako p****k, hindi ako –
"Wait! Don't get me wrong. I mean I know na maghahanap si Prince ng magpapanggap na girlfriend niya. I suppose that's you." Tinitigan ko siyang mabuti. So mali ang pagkaka–intindi ko? Ang mga dukha talaga ang mag a–adjust parati sa mga yayamaning ito, no?
Okay, mali lang ang pagkakaintindi ko.
"Ah. Oo, hindi rin naman pera ang kapalit nito eh. Hahanapin kasi nila ang mama ko."
"Ah, kaya pala. You know what? You're very brave, si Kristina nga hindi nagagawa yung ginawa mo kanina." Tapos parang natawa pa siya sa thought.
Alin ba dun sa mga ginawa ko? Dami kong ganap today.
"Ano bang ginawa ko?"
Napasmile pa siya lalo. Hay, breath taking talaga. Ang gwapo, ang bait pa.
"Eto, parang ganito.” Umatras siya ng konti at tumingin sa kinaroroonan ni Dave. “Huy, Prince! Hinihintay ka nan g girlfriend mo! Ang kiss!"
Ano daw? Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Anong sabi niya?
"Sige Alex mauna na ako. I'll see you very soon." Tapos umalis na siya, nakatayo lang ako dun. Si Dave pati yung mga tao naka tingin lang sa'kin, hindi ko alam kung matatawa ba sila o ano. I look stupid! Quota na ako for today, Lord! Tama na.