"Talaga, Alex? OMG! Hindi ka man lang niya pinagalitan?"
Kausap ko si Kathy habang naglalakad sa hallway ng school. Napapansin ko rin na medyo maraming tumitingin sa'min at alam na alam ko kung bakit. Hindi ko na nakwento sa kay Kathy yung nangyari sa akin kahapon. Hindi rin nga ako makapaniwala na hindi man lang ako ininis nung Pokemon na yun pagkatapos kung ipagsigawan ang hindi naman dapat. At isa pa bakit naman yun maiinis, ako naman dapat eh! Pero ginagawa ko yun on my own will. My fault. Sige.
"Yep. Mabuti na rin yun, no? Si Ash na rin ang naghatid sa akin. Walang kwenta talaga. Siya nagdala-dala sa'kin dun tapos iba rin pala maghahatid.”
"So gusto mo pala, siya dapat?"
"Ha? Ah. Dapat lang no!" Mukhang iba pa ata ang pinapahiwatig ng baklitang ito at naka-smile lang siya sa'kin.
"Wag ka ng mag isip ng kahit ano." Singit pa ni Kathy.
Nakaka-irita naman. Dapat ang mga bagay na ‘to pinag-uusapan sa bahay para walang makasira ng araw! Kung ilalabas ko ‘tong sama ng loob ko ngayon, wala ng matitira sa Earth.
"Napansin ko lang friend, medyo marami ata tayong fans ngayon. Maya-maya, may magbubulongan pag dadaan na si Ms. Kathy and friend eh."
So ako yung friend? Tapos siya si Ms. Kathy. Okay, pero napansin ko rin yan eh. Teka, baka may ginawa si Kathy na something wrong kahapon? "Wala ka bang na-iskandalo kahapon? Baka –"
"Aray!" Napsigaw ako ng binatukan ba naman ako.
"Oh please, Cassandra. Ako pa ha, eh sino bang nakikipaghalikan dito?"
"Tumahimik ka nga!" Sabay takip ng bunganga niya, baka may makarinig pa. Nakakahiya talaga. "Paano naman nila malalaman yun eh –"
Oh my god!
Paano kung may nakaalam nga? Ano nang gagawin ko? Nasa panganib ang aking invisible, anti-social, chismis free life!
"Hoy babaeng mukhang bakla! Okay ka lang?" Tinapik ako ni Kathy sa braso. Okay, back to reality. Palalampasin ko muna yung babaeng mukhang bakla.
"Well look who's here."
Napatigil kami ni Kathy sa paglalakad, tapos nilingon naming si Angeline, the great actress na hindi maka move on sa high school drama.
"Andito rin pala ang palakang bubuka-bukaka." Pinatulan na naman ni Kathy si Angeline. Magsasayang na naman kami ng energy.
"Ano naman bang kailangan mo palaka – I mean Angeline?" Sabi ko sabay smile.
"I heard you were with The Weinsteins yesterday. Napaka landi mo talaga, sabagay wala rin kasing papatol sayo." Sabi niya habang nakapamewang pa.
"Aba –" Susulungin na sana ni Kathy kaya lang pinigilan ko. Syempre, ayoko ng gulo. Nasa school kami.
"Tara na, Kath. We aren't suppose to argue with an idiot." Sabay hatak ko. Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad. Ayoko ng gulo, well, hindi naman talaga yun. Ayoko lang mapaaway dahil sa lalaking yun, he's not worth it. Wala kaming commitment, so what?
"Ano ka ba naman, Alex! Bakit hindi mo maipagtanggol ang sarili mo?"
"Hayaan mo na siya Kathy. Baliw na yun." Kelan pa ba maayos ang utak ng babaeng yun?
"Basta. Pag nangyari ulit yun. Susuntukin ko ang palakang yun eh, lalaki pa rin ako. Baka akala niya, bestfriend ko ata ‘tong kinakalaban niya." Aw. Minsan talaga iniisip ko pag hindi ako magkaka-boyfriend, pipikutin ko na lang si Kathy.
Tumango lang ako tapos nag smile, akin na lang yung iniisip kong kasamaan.
"Oh sige. Dito na room ko, usap na lang tayo sa bahay. Wag mo akong tutulogan, Cassandra." Minsan lang kasi ako maabutan ni Kathy na gising pa. Paano naman kasi, kung hindi gumagala kasama ang mga becky friends niya, nandun sa school at may night class din.
"Yes, Madam." Pumasok na siya sa room niya. Ako naman dun pa sa dulo ng hallway.
Habang naglalakad, mas naririnig ko pa yung mga sinasabi ng mga asal hayop na tao. Hindi ba uso sa kanila ang bulong? Hello?
"Sabi nila ginayuma niya daw si Prince eh.”
Lakad lang Alex, don't mind them.
"Talaga bang girlfriend siya ni Prince?"
"Ganyan ba mga type ni Prince? Hindi naman siya kagandahan ah."
"Hindi naman siguro siya girlfriend ni Prince. Model ang girlfriend niya eh."
Fine! Hindi naman talaga ako ganun kagandahan eh. Akala niyo ba gusto kung mapasama sa gulong ito? Ha?
Ilang lakad pa at sa wakas! Room ko na! I'm safe, for now.
"Oi diba siya yung weirdong girlfriend ni Prince?" Sigaw ni Paul, classmate ko. Akala ko pa naman safe na. Hindi ba nila alam na nasa college na tayo at hindi maganda na pinag-uusapan ang ibang tao? And see? Ni hindi niya nga alam ang pangalan ko, alam niya kaya na classmate niya ako sa subject na ‘to?
Pati ba naman dito sa classroom? Tumawa lang sila. Hindi ko na pinansin, ako na lang kaya si Ms. Ignoranteng-mukhang-hindi-naman. Napayoko na lang ako sa armchair. Tigilan niyo ako!
Sa tingin ko five minutes na ang lumipas at nakayuko pa rin ako. Ang mga classmate ko pinag-uusapan pa rin ako. Nasaan na ba ang mga professor dito?
"Alex? Okay ka lang?" Tinaas ko ang ulo ko. Si Micah, classmate ko. Himala, kinausap ako nito.
"Okay lang ako."
"Hayaan mo na sila. Mga walang magawa lang yan." Tapos nag smile siya sa'kin.
Mabait rin pala ‘to. Hindi lang siguro talaga ako sociable na tao kaya hindi ko rin siya nakaka-usap. "Hindi ko rin naman sila pinapansin eh. Tagal naman kasing dumating ng prof."
"Oo nga. Pasensya ka na, minsan lang kita kinakausap ha, nahihiya rin naman ako sayo." Sabi niya, pero it’s more like hindi niya talaga ako nakausap kahit minsan.
I just shrugged. These are weird times. "Okay lang. Sanay naman din ako."
"Pahingi naman ng number oh. I want to know you more." Kinuha niya yung cellphone niya. Ibibigay ko ba number ko? Parang mabait naman siya. Tapos minsan lang rin naman ako kausapin ng mga classmates ko.
Kinuha ko yung phone tapos tinype ang number ko. "Eto. Text mo na lang ako." Sabay balik ng cellphone niya.
"Salamat." Parang ang amo ng mukha niya, maganda naman siya.
Mag-uusap pa sana kami pero tamang-tama dumating na yung professor kaya hindi na kami nagkausap ni Micah.
Nang matapos na ang mga klase ko around 3:00pm, dumiretso na ako palabas ng gate. Ineexpect kung makita ang halimaw na yun sa labas. Siyempre trabaho ko naman ang maging 'sunod-sunuran'.
Pero, wala siya.
Walang nag-aabang.
Walang mang-iistorbo.
Makaka-uwi na agad ako.
Walang Pokemon.
Hay. Boring.
Pumara na lang ako ng taxi para makauwi na.
Thirty minutes later, nasa bahay na ako. Nasabi ko na ba sa inyong mahal mag taxi? Oo, mahal. Hindi ko na gagawin to sa susunod.
So wala akong gagawin ngayon. Makapag-f*******: na lang nga.
Pag open ko pa lang ng account ko, puro notification na ang lumabas. First time in my f*******:-ing life na pulang-pula ang notification icon ko. Pero –
Clarisa Palones: Yuck! Ikaw ba girlfriend ni Prince?
Jennifer Valdez: Oh my... Wt r u?
*も: あなたがふしだらな*です。
Bianca Touva: méchante sorcière!
Sheena Baldove: Prince is mine!
Uhm. Okay? So may bashers na ako ngayon? Ayoko mag react pero. Sino sila? Hindi ko na maintindihan ‘tong mga iba dito. Death threats na ba ‘to? Kailangan ko pa ba mag enroll sa international studies para maintindihan ‘to sila? Google Translate?
Prince Dave Weisntein! Kasalanan mo ‘to!
Mag de-deactivate na ba ako ng account?
Biglang tumunog ang cellphone ko. May nag text.
Lumabas ang pangalan ng kumag sa screen:
Prince Pokemon: “Hoy! Lumabas ka.”
Naiisip niya bang mag 'hi' muna pag magtetext. At bakit niya ako palalabasin?
Teka. Nandito siya?
Tumakbo ako papunta sa terrace. Muntik pa ata akong mahulog. Papatayin talaga ako ng lalaking ito.
"Hoy! Pikachu! Bumababa ka diyan!"
Pag tingin ko sa baba, nandoon nga siya. The great Prince Dave.
"Sabing baba na eh!" Tinitigan niya ako ng masama na para bang siya pa ang agrabyado sa sitwasyong ito.
Tumakbo ako papasok at pababa ng bahay para puntahan siya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay turo sa kaniya.
Naabutan ko siyan nakasandal sa hood ng kotse niya.
"Tinitingnan kung buhay pa ang girlfriend kung Pikachu?" Tiningnan niya ako at ngumiti.
"So alam mo palang nakakatanggap na ako ng death threats?" I fold my arms and frowned.
"Ganun na ba yun? So suko ka na?" Tumayo siya at naglakad papunta sa’kin.
Ako? Susuko? Pag ganun hindi ko na mahahanap si Mama. "Hindi no! Ano bang gusto mo ngayon?"
Lumapit siya sa'kin. "Date tayo."
Ano daw?
"Wait – Teka! Ano –" Hinatak niya na lang ako bigla papuntang sasakyan niya. Uso talaga ang hatak sa lalaking ito.
"Sakay na."
"Naka pajamas lang ako!" Naka pajamas lang! Okay lang naman, pero hindi pang date!
"So?" Tanong niya sa'kin habang nakataas ang isa niyang kilay.
Wala na akong magawa.
Sakay na lang.
Sige, Alex.
Masyado kang masunurin.
Nag drive siya. Hindi niya naman ako kinakausap at 15 minutes later nakarating na kami sa isang restaurant. Hindi ko na binasa ang pangalan, parang foriegn eh. Ano namang kakainin namin dito? Bahala siya! Siguraduhin niya lang na siya ang magbabayad.
Pumasok na kami. Hindi kami naguusap.
"Table for 2." Sabi niya sa naka-suit na lalaki sa reception. Napatingin rin sa'kin yung naka-suit. Oo na. Alam ko naka slippers and pajama ako. Hindi ko to kasalanan. Oh please!
"This way, sir." Sumunod na kami.
Mamahalin dito. Chandelier pa lang, pati carpeted walls.
Hinila ni Dave yung isang upuan mula sa likod. Uupo ba ako dun?
"Uupo ka ba o hindi?" Tinitigan niya ako.
Umupo na lang ako, ano naman kaya ang plano nito? Habang paupo ako, biglang nahagip ng mata ko ang isang babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Kaya pala. Kaya pala ganun na lang kung manghatak. Nandito pala si Kristina, kasama ang boyfriend niya.
Naupo na rin si Dave sa harap ko.
"Kaya pala. Andito si Kristina." Sabi ko. Bigla kong tinakpan ang bibig ko. Okay lang bang sabihin ko yun?
"Shut up and order." Sabi niya sa'kin na parang irritated pa. So kasalanan talaga ang magtanong sa kaniya.
Tingin sa menu.
Crabcakes with Chipotle Aioli Cobb Salad
Steak Diane on Roasted Garlic Mashed Potatoes Apple Pie à la mode
American Comfort Food Waldorf Salad
Butternut Squash Bisque
Roast Beef with Horseradish Sauce Lobster Twice Baked Potatoes Baked Alaska with Chocolate Sauce
Appetizer Delights Hot Cheese Puffs Tomato Tatins
Chicken Satay with Peanut Sauce Peachy Shrimp
Baby Twice-Baked Potatoes
Chocolate Fondue with Pound Cake & Fresh Fruit
French Flair Vichyssoise
Mustard-Encrusted Rack of Lamb Braised Brussels Sprouts
Potato-Celery Root Puree
Chocolate Soufflé with Caramel Cream
Okay? So saan ang pag-kain dito?
Lumapit ang server at tumayo sa gilid ng table. Feeling ko nag e-exam ako.
"I'll have Crabcakes with Chipotle Aioli." Sabi ni Dave habang naka tingin sa menu.
"And you, Madame?" Nakatingin sa'kin yung waiter. Nakatingin na lang rin ako sa kaniya.
"Uh. Roast Beef with Horseradish Sauce." Yun na lang, parang kakaiba eh. Ano kayang lasa nun? At parang yun rin naman ang madaling i-pronounce. Sa totoo lang talaga.
Umalis na yung waiter.
Napansin kung si Dave sumisilip kay Kristina. "Matutunaw yan."
"Shut up." He looked away from Kristina and glared at me.
Tumahimik lang ako. Nilalaro ko yung magarang table cloth. Maganda yung utensils nila, pwede kaya iuwi ito? Pag –
"I've been really in love with this girl. s**t! Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko ngayon."
Napatingin ako sa kaniya habang naka-yuko siya. So hindi ko ata pwedeng iuwi ang utensils dito. Ano bang nangyari sayo Dave? Ewan ko pero naaawa ako sa kaniya. Never pa akong na in love, pero alam ko naman ‘tong feeling na ‘to. Loneliness recognizes loneliness.
"Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Kaibigan ko pa ang pinatulan niya. I love her so much but she—f*ck! Why am I even telling this to you?" Hindi ko rin alam. Sa toto lang. Pagkatapos tumahimik naman siya at tumingin kila Kristina.
"Okay lang yan. Naiintindihan kita. Pagtitiisan kita kahit na Pokemon ka."
Napatingin siya sa'kin. Seryoso ako sa sinabi ko. Gagawin ko ang lahat para magkabalikan sila. Parang ang sad naman ng situation ngayon. Akala ko ba mag dedate kami?
"Wait lang." Sabi ko tapos tinawag ko yung waiter, "can you get me a paper and a pen?" Nag nod yung waiter tapos umalis na.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong ni Dave. Na-curious rin naman siya.
"Basta." Tapos bumalik na yung waiter dala-dala yung pinakuha ko.
"Maglalaro tayo ng Pinoy Henyo." Nagsmile ako sa kaniya. Masaya ito. May pagka-ignorante din ‘to eh. Feeling ko nag stuck up ang brain niya pagkasabi ko nun.
I explained the rules tapos siya na ang maghuhula.
Sinulat ko. "Pakwan"
"Hawakan mo tong papel – wag kang titingin! Paharap mo sa'kin. Tatanong ka tapos sasagot lang ako kung oo, hindi o pwede." Pinahawak ko na sa kaniya ang papel.
"Yeah. Yeah. Sige na. F*ck! This is so gay!" Natatawa ako sa pagka-irita niya.
"Go!" Sigaw ko.
"Is it a person?"
"Wait! Magtagalog ka nga!" Sabi ko. Mahirap na ma-nosebleed.
"Fine! So tao ba?" Natatawa ako sa noo niyang naka-kunot.
"Hindi."
"Pagkain?"
"Oo!" Napa-lukso pa ako sa upuan ko.
"May sabaw?"
"Wala." Hindi naman yun oo, hindi o pwede ah. Sige na nga.
"Sinusugba?"
Bigla akong napatawa, na ikinainis niya naman. Subukan mo lang din naman kasing isugba, "hindi.”
"F*ck! What the hell is this?" Sa totoo lang, ang cute niya tingnan. Napakamot na siya sa hirap.
"Fried?"
"Hindi." Napapalakpak pa ako. Talon a ‘to.
"Local!?" Tumataas na ang boses niya. Naiirita na siya talaga.
"Oo.”
"Prutas ba toh?" Salamat at nasabi niya rin.
"Oo." Abot langit na ang tawa ko.
PRINCE DAVE’S POV
"Fried?" Siguro naman piniprito na ‘to!
"Hindi." ‘Tong isip bata napatalon pa sa tuwa. Good for her at pinag-bibigyan ko siya sa trip niya.
"Local!?" F*ck! Ba't ba ang hirap ng laro na ‘to! Nakakalalaki na.
"Oo." Yes! Maybe it's a fruit.
"Prutas ba toh?" I said.
"Oo." Holy sh*t! It's a f*cking fruit!
This Pikachu smiles like an idiot, but it suits her. I didn't know she has a cute smile, para siyang bata. Kutong-lupa na bata.
"Is it round?"
"Yes!" She giggled. Mukha talaga siyang engot. Ewan ko ba ba't niya ako napapayag na laruin tong walang kakwenta-kwentang laro. This is so gay! Napansin kong may reflection sa salamin dun lang sa harap, nakita ko yung sulat. Pakvan? Anong prutas yun?
"Hoy! Ano na?" Tiningnan ko siya tapos nag glare. Hindi talaga makahintay. Ano naman yung pakvan?
Ah sh*t!
"Pakwan!" Napasigaw tuloy ako. Nakuha ko na! Napatingin yung mga tao sa table namin. Alex is happy too.
"What the f**k are you looking at?" I glared at the guy staring at us. F*ck! Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?
Foolish people.
Ang saya nito. I can't deny it, ngayon ko lang nalaman na may mga laro palang ganito. Hindi nga lang alam ni Alex na nadaya ko siya. Freak ‘tong babaeng ‘to.
Alam kaya ni Kristina – wait!
Napatingin ako sa table nila. Wala na sila dun. F*ck! Bakit sila umalis? Nakita kaya nila kami? Dapat lang! Sinama ko pa ‘tong Pikachu na ‘to!
ALEX’S POV
"Pakwan!" Napasigaw pa siya. Nakuha niya nga! Ang dali naman para sa kaniya, akala ko maabutan kami hanggang bukas. Ang saya talaga, akalain mo. Napatingin yung mga tao sa table namin. Akala mo naman sumabog ang kaldero sa restaurant.
"What the f**k are you looking at?" Bigla siyang sumimangot tapos nag glare sa isang tao sa kabilang table. Nawe-weirdohan siguro sa kaniya, pero natatawa talaga ko sa kaniya. First time kong nakita siyang nasayahan, para akong nanay niya na happy rin para sa kaniya.
Bigla siyang napatingin sa isang sulok. Alam ko kung saan, sa table ni Kristina. Nakita ko rin kung paano umiba ang aura niya, nilingon ko rin ang lamesa. At yun nga. Kaya pala, wala na si Ms. former-girlfriend.
"Tangna! Ang tagal ng services nila dito!" Nairita na tuloy si Great Prince Dave. Bigla na lang siyang tumayo. Tumayo na rin ako. Lumabas na kami. Hinabol pa kami ng waiter para mag explain, pero ang bilis maglakad ni Dave eh. Wala akong magawa, siya naman ang magbabayad nun.