Tila nawala sa isipan ni Kiara si Heaven. Naging abala kasi ang dalaga sa pagdalaw sa pamilya ng kaniyang ama. At isa pa, unti- unti ng nagbabago ang trato sa kaniya ni Rebecca kaya wala na siyang lungkot na nadarama. Habang si Heaven naman ay abala sa pag- aasikaso ng mga ebidensya na nakukuha niya kay Stella. Napagtatagpi- tagpi na niya ang lahat. "Hoy ang good looking mo now! Hindi ka ba kinakabahang exam na natin mamaya? Ang last exam natin? Eh sabi mo 'di ba hindi ka pa nagpupunta sa apartment ni sir Heaven? Makakaya mo kayang sagutan iyon?" nangangambang sabi ni Jenica. Ngumiti si Kiara. "Napagtanto ko na hindi naman pala talaga ako bobo. Iyon kasi ang iniisip ko sa sarili ko. Tingnan mo kahapon, nag- quiz tayo, 'di ba? Wala akong nakuhang sagot kay sir Heaven dahil hindi pa ako n

