"Kiara! Halika, tingnan mo ito. Mukhang babagay ito sa iyo," nakangiting sabi ni Celina nang tawagin niya ang dalaga. Lumabas ang pamilya ni Christopher at sinama nila si Kiara. Namili sila ng mga kung anu- ano sa mall na iyon. Nahihiya si Kiara dahil pakiramdam niya, siya lang ang naiiba. Halatang mayaman ang postura ng pamilya ni Christopher habang si Kiara, hindi niya alam kung paano aakto katulad ng galawan nila. "Ahm... tita opo maganda siya pero masyado po yatang mahal?" nakangiwing sabi ni Kiara. Hinawakan siya sa balikat ni Celina. "Don't mind the price, walang kaso sa akin iyon. Nagandahan kasi ako no'ng nakita ko siya at alam kong babagay ito sa katawan mo. Napakaganda ng katawan mo. Kaya sigurado akong lalo kang se- sexy kapag sinuot mo ito." Hindi na tumanggi pa si Kiara da

