"Kumusta? Inaway ka ba ng lalaking iyon? Sinaktan ka ba niya? Ang kapal ng mukha niyang magselos eh wala namang kayo," wika ni Damon nang dumating sa resort si Regina. "Hindi niya ako inaway. Mabait naman yun. May topak lang at saka hayaan na natin siya. Eh anong magagawa ko kung talagang kaakit- akit ang gandang taglay ko 'di ba? Na ang isang gwapong katulad niya ay talaga namang naakit sa gandang mayroon ako," mayabang na sabi ni Regina sabay hawi ng kaniyang buhok. Natawa naman si Damon. "Loko ka rin talaga. Sabagay, kahit ako rin naman nagagandahan ako sa iyo. At aamin na rin ako na ginugulo mo na ang isipan ko." Napaatras naman si Regina sabay nguso. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Tigilan mo nga ako, Damon! Mag- focus ka sa pagmo- move on hindi yung lumalandi ka agad!" Tumawa na

