CHAPTER TWENTY-SEVEN

1422 Words

KASALUKUYANG kumukuha si Bernard ng mga gulay sa taniman nila sa likod-bahay. Balak niyang isahog ang mga iyon sa lulutuing dalawang putahe ng bagong huling alimango na dinala ng kaibigan at dating kaklaseng si Arnel kaninang umaga nang dumaan ito sa kanila. Nagulat pa nga siya nang habang nagmimiryenda sila ay naitanong nito ang tungkol kay Tori. Palibhasa'y marami na ring nakakita kay Tori na kasa-kasama niya kagabi at marahil ay nakita rin na naroroon ang dalaga sa bahay nila, mabilis na kumalat ang usap-usapan na itinanan niya raw ito. Bagay na hindi niya sigurado kung pakana ba ng abuelo niya o nagkataon lang talaga na magaling maghabi ng kuwento ang mga tagaroon sa kanila kahit pa nga hindi naman siya direktang tinatanong. Pabalik na siya ng kusina nang tumunog ang cellphone niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD