“HAROLD is here?” hindi makapaniwalang tanong ni Tori kay Maritoni matapos marinig ang isiniwalat nito na naroon din ang best friend niya sa Mindoro. Tuluyan nang nagising ang diwa niya. Napatayo na siya mula sa kama at saka siya humakbang patungo sa may bintana ng kuwarto. “Yes,” kumpirma nito. “And how did you even know that?” duda namang tanong niya rito at saka sumandal sa may haligi na katabi ng bintana. “That’s the advantage of having a police officer boyfriend—” tumatawang sabi ni Maritoni. “What? Oh, my God! Are you for real, Ate? You have a freaking boyfriend na!” gilalas na putol niya sa sinasabi ng pinsan saka kinikilig siya bumalik sa kama at umupo sa ibabaw niyon. “Come on, tell me more about it! Dali!” Tuluyan na niyang nalimutang mag-usisa pa ng kahit na ano patungkol ka

