CHAPTER TWENTY-NINE

1583 Words

“I found someone who could help us find Allie.” Iyon ang pauli-ulit na umuukilkil sa utak ni Bernard na sinabi sa kaniya ni Tori habang nasa bukana siya ng pintuan at nakatitig sa dalaga na masayang nakikipag-usap kay Lola Anita niya. “O, nandyaan ka na pala, apo,” pansin naman agad sa kaniya ni Lola Anita nang bumaling ito sa gawi niya. Nagkunwari na lang siya na papasok noon sa kusina habang bitbit niya ang basket na may lamang mga gulay na pinitas niya mula sa likod-bahay. Nagdiretso siya sa may lamesa kung saan naroon at nakaupo sa bangko ang dalawang babae at ipinatong doon ang basket. Nasa gitna naman ng lamesa ang buhay pa na mga alimango na ibinigay sa kaniya ng kaibigan at dating kaklase na si Arnel. Nakatali lang ang mga sipit ng mga iyon at nasa loob ng palangana na tinakpan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD