NALAMAN ni Gabrielle mula kay Don na nasa probinsiya pa si Agila. Nakita raw nito ang binata sa eskuwelahan isang hapon. Hindi raw nito napansin ang kapatid niya dahil tila malalim ang iniisip nito habang naglalakad-lakad sa school grounds. Nagdesisyon siyang puntahan si Agila sa bahay ng lolo nito. Hindi na siya nakipagdebate sa kanyang sarili. Kailangan na uli nilang magkita at mag-usap. Kinakabahan siya habang palapit sa pamilyar na malaking bahay ngunit pilit siyang nagpakatatag. May bahagi rin sa kanya na nasasabik na muling makita si Agila. Isang matandang kawaksi ang nagbukas ng pinto sa kanya. Si Lolo Lucio muna ang hinanap niya. Nais muna niya itong kumustahin. Iginiya siya ng kawaksi patungo sa hardin kung saan naroon ang matanda. Puti na ang lahat ng buhok ni Lolo Lucio at bah
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


