27

1346 Words

KAAGAD na yumakap si Gabrielle sa kanyang ina pagdating niya sa kanilang bahay sa probinsiya. It was a lovely two-storey house. Ang nais ng mga magulang niya ay simpleng bungalow lang ang ipagawa nila ngunit hindi siya nakinig sa mga ito. Gusto niya ng malaking bahay na paunti-unti niyang pinuno ng mamahaling gamit. “Mabuti naman at nakinig ka sa `kin ngayon,” sabi ng ama niya nang magmano siya rito. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagtatampo. “Akala ko ay bibigyan mo na naman ako ng maraming dahilan para hindi makauwi. Halos isang taon ka nang hindi umuuwi, Gabrielle!” Naglalambing na niyakap niya ito. Naramdaman niya ang paninigas nito. Sa palagay niya ay disiotso siya noong huling beses niya itong niyakap sa ganoong paraan. “Nandito na po ako ngayon. Isang linggo ako rito. Na-miss

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD