NAGTUNGO sila sa isang tahimik na restaurant sa mall. There was an awkward silence after they ordered their food. Gabrielle fixed her eyes on her drinking glass. Hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Basta na lang ba niya sasabihin kay Agila ang gusto niyang sabihin o kailangan muna niya ng mahabang prologue? Napatingin siya rito nang tumikhim ito. “How are you?” He looked like he was struggling also. “Fine,” ang tanging naitugon niya. “Hindi na masakit ang paa mo?” Tumango siya. Tila naghihintay ito na may sabihin pa siya ngunit wala na siyang masabi. Halata namang wala na siyang problema sa paglalakad. Tumikhim uli ito. Huminga siya nang malalim at matapang na sinalubong ang tingin niya. Mababakas ang determinasyon sa mukha nito. “Brie, I want us to start over.” Napatitig siya

