20

1631 Words

“GLOOMY ka yata, Doc. Gloomy na nga ang panahon sa labas, gloomy pa rin dito sa loob ng clinic,” sabi ni Hedwig kay Agila. Bumuntong-hininga si Agila. Kasama niya si Hedwig sa waiting area. Walang pumapasok na pasyente nang hapong iyon kaya nanonood muna sila ng TV sa reception. Makulimlim sa labas at tila uulan. Kapansin-pansin sa lahat ang pagiging walang gana niya buong araw. Kaninang umaga ay napakarami niyang pasyente at ang ilan sa mga nakakakilala sa kanya ay nanibago. Ang sabi ni Apple na umasiste sa kanya, hindi siya tulad ng dati na magiliw at makuwento. Mula nang ihatid niya si Gabrielle sa condo unit nito ay hindi na siya nagkaroon ng gana. “I miss her,” wala sa loob na sabi niya. “I miss her so much.” Gustong-gusto niyang puntahan o tawagan man lang si Gabrielle para marin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD