MAS MAGANDA na ang pakiramdam ni Gabrielle paggising niya kinabukasan. May lagnat pa rin siya ngunit makakaya na niyang kumilos. Wala sa silid si Agila nang magising siya. Dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Napangiwi siya nang mapagmasdan ang repleksiyon niya sa salamin. She was a complete mess. Tila pinamugaran ng ibon ang buhok niya, oily at maputla ang kanyang mukha, mukhang dehydrated ang mga labi niya, at nangingitim ang palibot ng kanyang mga mata. Naghilamos siya at nagsepilyo para kahit paano ay umayos ang hitsura niya at gumanda pa ang pakiramdam niya. Pagkatapos ay lumabas siya sa silid. wala pa rin si Agila. Pinigilan niya ang sarili na lumabas at hanapin ito. Ayaw niyang puwersahin ang kanyang paa. Dinampot niya ang baby picture ni Agila bago siya nagbalik sa

