PINAGMASDAN ni Agila si Gabrielle na muling nakatulog pagkatapos makainom ng gamot. Hinaplos niya ang buhok nito. Payapa ang maamong mukha nito. Hindi mababakas ang katarayan at katapangan sa anyo nito. Sinalat niya ang noo nito. Napangiwi siya nang madamang mas mainit ang temperatura nito ngayon. Bago pa man ito magising kanina ay alam na niyang may sinat ito. Habang lumilipas ang oras ay tumataas ang temperatura nito. Kaya ayaw niyang umalis muna ito ng bahay niya. Alam niyang mag-isa lang ito sa condo unit nito. Walang mag-aalaga rito. Ayaw niyang mag-alala kaya maigi nang nasa malapit ito sa kanya at nakikita ng kanyang mga mata. Hindi rin maikakailang nais niya itong makasama. Pakiramdam niya ay napakalayo nito at hindi niya maabot. He wanted to keep on trying to reach out to her. Ka

