16

1412 Words

“SINABI ko naman sa `yo na hindi mo na ako kailangan pang dalhin dito,” nakasimangot na sabi ni Gabrielle kay Agila. Kasalukuyang nilalagyan ng isang nurse ng plaster ang sugat niya sa sentido. Naka-bandage na ang napinsala niyang paa. She didn’t break her ankle, but it was badly sprained. Ayon sa doktor na sumuri sa kanya sa emergency room, okay naman daw siya maliban sa sprained ankle at maliit na sugat sa sentido niya. Si Agila lang ang mapilit at maraming nire-request at itinatanong. Mas praning pa pala ito kaysa sa kanya. Nalaman niyang doon din ito nagtatrabaho. Bago pa man siya masagot ni Agila ay may isa na namang nurse na lumapit dito. “Nakahanda na po ang private room na ni-request n’yo, Doc,” magalang na sabi ng nurse na malinaw na umabot sa pandinig niya. “Excuse me, what?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD