Sa screen ng cellphone ko, may isang babaeng nakatayo sa labas ng gate. Mahaba ang buhok nito. Nakasuot ito ng puting damit na halos sumayad sa lupa. Nakayuko ang ulo niya, kaya hindi ko makita ang mukha. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo. Napabitaw ako sa cellphone. “Shermaine!” sigaw ni Yana nang muntik na akong matumba. “Ano’ng nangyari?” “May tao sa labas.” Sabay-sabay silang lumingon sa gate. Walang tao. Wala ring babae sa daan. “Anong itsura?” tanong ni Madi. “Puti ang suot. Mahaba ang buhok.” Namutla siya. “Madi?” Umiling siya. “Wala.” “Hindi, may alam ka,” sabi ko. “Nakita ko ang mukha mo.” “Hindi ko alam kung ano ang nakita mo, Shermaine.” “Pero alam mong may mali.” Tumingin siya sa akin nang diretso. “Lahat tayo alam iyon.” Bago pa ako makasagot, may tumunog

