Pareho pa rin kaming gulat ni Millet dahil sa mga nabasa namin sa card.
“Why they care to send me an invitation?” iritado kong tanong.
“Baka lahat ng officer ng hotel inimbitahan nila. Bukod siguro sa gagawing engagement party, ito na rin siguro iyong gabi kung saan ipakikilala na si Madam Cher as the incoming vice president ng Finance Department. RSVP ‘yong invitation kailangan mong mag-reply agad.”
“Hindi ako aattend!” determinado kong sagot.
“Sabi mo friend hindi ka na bitter?”
“Hindi na nga.”
“Anong tawag d’yan sa ginagawa mo? Kilos ba iyan ng isang hindi bitter na tao? Isa ka ng ampalaya girl!”
Natawa ako sa sinabi na iyon ni Millet. May pagkabaliw din talaga ang isang 'to.
“You have to go to that party kung talagang wala ka ng feelings sa ex mo.” I frowned at her. Her smile only widened.
“Ayoko!”
“Hindi ka pupunta kasi nga bitter ka pa. Mahal mo pa si Terrence! “
“Hindi ko na siya mahal! Hindi ko nga alam kung minahal ko ba talaga siya noong naging kami no’ng college.”
“Sige nga kung totoong hindi mo na siya mahal, pumunta ka sa engagement party nila ni Madam Cher. If you don't have any feelings towards him then prove it!”
It’s July 28, around six o'clock in the evening. Manolo and I were patiently waiting for Rina at Cher Hotel's lobby.
“Manolo hindi ayos ang necktie mo,” pagpansin ko sa kasama kong Project Manager.
“Gano’n ba? Pakiayos naman Bea, matagal na kasi akong hindi nakakapagsuot ng corporate suit. Kapag may mga coat and tie events lang na katulad nito sa hotel kaya ako nakakaporma ng ganito.” Inulit ko ang pagtali sa necktie na suot ni Manolo.
Napagkasunduan naming tatlo nina Rina na sabay-sabay kaming pupunta sa engagement party. Piling-pili ang mga empleyadong inimbitahan sa nasabing event, iyong mga pawang nabibilang lang sa executive positions ang mga isinama sa guest list.
Cher hotel has 708 rooms in 8 types over its thirty floors, including 40 deluxe suites, 3 specialty suites and 1 presidential suite. The hotel has four restaurants that specialize in variety of local and international cuisines such as French, Italian, Japanese and Filipino. Kaya naman itinuturing itong isa sa pinakasikat na five star hotel sa buong Pilipinas.
Pagkarating ni Rina sa lobby ay tinahak na naming tatlo ang direksyon ng elevator ng hotel. Pinindot ni Manolo ang numerong “4”.
Madami rin kaming nakasabay na iba pang guest na papunta rin sa engagement party. Pawang mga socialites at pulitiko ang mga panauhin ng nasabing pagdiriwang.
Nakasuot ako ng violet na halter style dress, hanggang tuhod ang haba ng laylayan nito. Si Rina naman ay nakasuot ng asul na backless style dress. Samantalang si Manolo ay nakasuot ng itim na corporate suit na tinernuhan niya ng asul na necktie. Pagdating namin sa fourth floor ng hotel tumungo na kaming tatlo sa Emerald Pavillion.
Isa ito sa pinakamahal na pavillion ng hotel, nasa 500 guest ang kayang i-accommodate ng buong venue. Pagpasok pa lang namin kapansin-pansin na ang pagiging elegante ng lugar. Napapalamutian ito ng iba't ibang uri ng bulaklak katulad ng roses, daisies at tulips.
May mga naglalakihang chandelier din na nagsisilbing disenyo ng mataas na ceiling. Lutang na lutang ang kulay na puti at ginto sa buong venue. Sa bandang dulo ng pavillion ay mayroong itinayong entablado, ito marahil ang siyang magsisilbing stage para sa gaganaping programa mamaya. May matatanaw rin na mahabang lamesa at sampung upuan sa gilid nito. Iyong dalawang upuan sa gitnang parte ng mesa marahil ang magiging uupuan nina Terrence at Cher.
“Engagement pa lang bongga na ang preparations, lalo na siguro sa kasal nila,” sambit ni Rina na mabibikasan ng labis na pagkamangha.
“Anak ba naman ng may-ari ng hotel ang may engagement party kaya all out talaga,” dugtong pa ni Manolo.
Marahan kaming naglakad patungo sa lamesa na naka-assign para sa aming tatlo. Nadaanan pa namin iyong lamesa ng mga beverages, may ice sculpture ito na hugis ng dalawang swan na may hugis puso sa gitna nila.
Pagkadating namin sa aming lamesa ay agad na inilabas ni Rina ang cellphone niya at nag-groufie kaming tatlo. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko, may notifications na ako agad sa i********: account ko. Nai-tag na pala sa akin ni Rina ang groufie namin kanina. Ilang minuto pa ang lumipas nang may nagsalita na sa harapan ng entablado.
“Good evening ladies and gentlemen let us now welcome the arrival of our beloved couple; the soon to be Mr. and Mrs. Gonzales. Let us give them a round of applause.”
Nagsipagtayuan lahat ng nagsidalo sa engagement party upang salubungin ng masigabong palakpakan ang pagdating sa venue nina Terrence at Cher.
Pagkaupo namin ay biglang bumigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko pa ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig. Ang lamig-lamig ng pakiramdam ko ngayon. Sinulyapan ko ang gawi ng entrance ng pavillion.
Kitang-kita ko si Cher Pineda na sobrang elegante sa suot niyang dilaw na tube-style body fitting long gown. Napapalamutian ng mga Swarovski crystals ang kanang bahagi ng kanyang gown. Ang kaliwang kamay niya ay pirming nakakapit sa kanang braso ni Terrence. Napakatamis ng kanyang mga ngiti na ibinibigay para kay Terrence at sa mga taong nakakasalubong nilang dalawa. Tila walang paglagyan ang nararamdaman niyang kaligayahan ngayong gabi.
Matapos nito ay kay Terrence naman biglang napadako ang paningin ko. Sobrang gwapo niya sa suot niyang gray na corporate suit, underneath it is his white polo that was paired with gray slacks.
Hindi magkamayaw ang mga photographer sa pagkuha ng litrato sa kanilang dalawa. Malamang na mai-feature ang engagement party nilang ito sa halos lahat ng society pages ng mga magazine at pahayagan.
Pagkatapos nilang magpakuha ng litrato ay dumiretso na sila ng upo sa puwesto na nakalaan para sa kanila. Pagkaraan ay nakita ko ang pagpasok sa loob ng venue ng may kaedaran ng babae, may nakaalalay rin sa kanyang isang nurse. Hindi ako maaaring magkamali siya si Lola Faustina-ang lola ni Terrence. Nakasunod naman sa kanya ang isang matandang lalaki, namukhaan ko rin siya agad, siya ang lolo ni Terrence. Kasabay niya sa paglalakad ang daddy ni Terrence at ang presidente ng hotel na si Sir Antonio Pineda, kasama ang kanyang asawa. Parang gusto kong ilubog ang sarili ko ngayon sa aking kinauupuan. Nahihiya ako na makita ako ng lolo't lola at ng daddy ni Terrence.
It has been what? Nine years? Naaalala pa kaya nila ako? Sabagay isang beses pa lang naman nila akong nakita noon. Naikwento kaya ni Terrence sa kanila iyong nangyari sa amin noon? Nagsalita na muli ang emcee.
“May I call on the presence of our hotel's president, no other than President Antonio Pineda together with his lovely wife Mrs. Andrea Pineda.”
Nagsipagtayuan na naman ang lahat para salubungin ng masigabong palakpakan ang pagdating ng presidente ng hotel.
Tumayo rin si President Pineda at ang kanyang asawa mula sa kanilang pagkakaupo sa kanilang pwesto sa may entablado. Matapos noon ay nagmuwestra si President Pineda na umupo na ulit ang lahat. Binanggit din ng emcee ang presensya ng isang senador, tatlong mayor, dalawang congressman at limang konsehal na pawang nagsidalo rin.
“May I also call on the presence of our hotel's COO Sir Christopher Pineda, General Manager Sir Robinson Fernandez. Our hotel's supervisors and assistant supervisors. The grandparents of Engr. Terrence Gonzales- Engr. Theodore and Mrs. Faustina Gonzales. The father of Engr. Gonzales no other than Engr. Richard Gonzales. May I also call on the presence of the Vice President of Praxis Engineering Firm-Engr. Alfredo de Guzman and the Praxis Engineering Firm's officers,” pagpapakilala pa ng emcee.
Nagpalakpakan ang lahat matapos banggitin ng emcee ang mga pangalan ng mga importanteng tao na dumalo ngayon sa party.
“Before we proceed on tonight’s program, dinner will be serve first.”
Isa-isang nagsipagdatingan ang mga waiter upang ma-i-serve ang mga naka-set na food list para ngayong gabi.
Bongga ang menu, pawang mga mamahaling pagkain ang nasa food list na ise-serve ng mga waiter. Pagkatapos ng dinner, nagsimula na ring mag-serve ang mga waiter ng mga inoorder na cocktail drinks at variety of wines na nais ng mga guests.
“Bea on diet ka siguro 'no? Kaunti lang kasi ang kinain mo kanina,” nag-aalangangang tanong sa akin ni Rina.
“Wala lang akong ganang kumain ng marami, medyo busog pa kasi ako dahil sa heavy lunch ko kanina.”
“Hindi mo na kailangang mag-diet Bea, you are so slim,” biro pa ni Manolo sa akin.
“Hindi nga ako nagda-diet, wala lang talaga akong ganang kumain. Anyway thank you sa compliments Manolo.”
Sa totoo lang parang gusto ko na talagang umuwi pagkatapos ng dinner na ito, ayoko ng panoorin pa iyong programa na gaganapin mamaya. Buti na lang at masaya kakwentuhan ang mga kasama namin sa table kahit papaano ay na-enjoy ko naman ang pagdalo ko ngayong gabi.
“Ang ganda ng gown ni Madam Cher, I think that is a Monique Lhuillier gown,” ang puno ng kasiguraduhang kwento ni Arianna na assistant supervisor ng HRD.
“May mga babae talaga na parang sila lang ang naambunan ng lahat ng swerte. Nakakainggit talaga si Madam Cher napakayaman na, ang gwapo pa ng jowa.” Rina said while staring enviously at Cher and Terrence.
“Grabe ka Rina, pinagpapantasyahan mo talaga palagi si President Terrence,” Manolo's remarks.
“Gwapo naman talaga siya e! Sinong babae ang hindi hahanga sa isang tulad niya. Gwapo na, presidente pa ng isang kompanya, balita ko nga rin ay tagapagmana raw iyan ng mga real estate property at resort ng pamilya nila.” Mababanaag pa rin ang buong paghanga sa pananalita na iyon ni Rina.
“Mayabang naman!” matigas kong sabi.
“Perfectionist lang siya 'no Bea! Hindi mo pa rin ba siya napapatawad sa mga naging bad comments niya sa project proposal natin?” Rina's inquisition on me.
I just clam-up on her idea. Hindi na ako umimik at nginitian ko na lang si Rina. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang program proper.
Sinimulan ito ng isang maiksing panalangin, kasunod ang pananalita ng ama ng bride at groom to be. Pagkatapos noon ay pinatayo na sa gitna ng entablado sina Terrence at Cher. Ang daddy ni Terrence ang nagsalita upang magpasimuno ng ceremonial toast para sa engage couple.
“Let's give a toast for the engaged couple, Terrence and Cher. Cher welcome to our family.”
Lahat ng naroroon ay sabay-sabay na itinaas ang kani-kanilang champagne glasses upang sumunod sa toast. Noticeably the guests showed stirring emotions of beatitude towards the engaged couple.
Pagkatapos noon ay hiningan ng maiksing mensahe sina Terrence at Cher. Naunang nagsalita si Cher.
“Good evening everyone, thank you for coming tonight and celebrating with us. This is one of the most memorable moments for me and Terrence. I have been praying for a long time to God to bless me with the person whom I will share forever with. I was so fortunate that I found that person already. He was always supportive. He never left my side especially during the hard times. All throughout my stay at the US, he patiently holds on to our relationship. He visited me often. He made me feel that I am his first priority despite of his busy schedule. So to the man I love, I promise you that you will always be my first priority from now on. I am happy and I am not scared to face all the challenges that we may encounter in the future because I know you are always there beside me. We'll face it together.”
Kaagad na nilapitan ni Cher si Terrence pagkaraan ay niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa labi. Base sa mga narinig ko kanina, ramdam na ramdam ko ang pag-uumapaw ng pagmamahal nila para sa isa’t isa. Pinapahalagahan ni Cher ang lahat ng ginagawang pagpupursige ni Terrence para sa kanilang relasyon. Nagbalik tuloy sa gunita ko kung gaano rin kapursigido noon si Terrence sa relasyon naming dalawa na binalewala ko lang.
Masigabong palakpakan ang iginawad sa kanila ng mga guests. Everyone was celebrating on this auspicious occasion. Sumunod naman na nagsalita si Terrence pagkatapos siyang tawagin ng emcee.
“A pleasant evening everyone. Thanks to all of you who celebrated with us. I want to thank our Almighty God for all the blessings and success. My success is the fruit of a lot of hardwork. Pinahiram ako ng malaking pera ng lola ko, noong una nagdalawang isip ako kung makakaya ko na bang tumayo sa sarili ko at magtayo ng sarili kong kumpanya. I bought the company from its previous owner who was about to retire. It's too risky. Pero hindi ako natakot na sumugal. Sa huli naging maganda ang takbo ng aking kumpanya. Nagpapasalamat ako sa mga taong tumulong sa akin para marating ko ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon.”
Nagpalakpakan na naman ang lahat ng naririto sa pavillion dahil sa tinuran na iyon ni Terrence. Namangha ako dahil sa mga natuklasan ko.
Si Terrence pala ang nagtatag ng Praxis Engineering Firm. Dahil sa sikap at tiyaga nagawa niyang palaguin ang kumpanya hanggang sa maabot na nito ang estado ngayon bilang numero unong Engineering firm sa buong Pilipinas.
“What drives me to work this hard? My life is already an open book. I came from a broken family. When I was in highshool I don't have friends because I was scared to maintain a deep relationship with other people besides from my own family. When I was in college, well Cher knew everything about this. There was an incident that happened that made me not to believe in love again-a girl broke my heart. The pain made me suffered in years. I never knew how to trust other people anymore after that incident. Until I met Cher, she showed me the other aspect of my life that I didn't knew existed. She gave me a reason to believe in love again. Because of those struggles I decided to focus on my career. Together with Cher who is always there to support and love me I was able to fulfill all of my dreams.”
A round of applause surrounded the pavillion after Terrence ended his speech. Nilapitan ni Cher si Terrence sa harapan ng stage pagkaraan ay niyakap niya ito nang mahigpit. Mababanaag sa mga mata ni Cher ang pagluha, bahagya niyang pinunasan ng tissue ang kanyang mata.
Hindi ko rin napigilan ang paglaglag ng mga luha ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Terence kanina. Hindi maipagkakailang ako iyon! Ako iyong babaeng tinutukoy niya, iyong babaeng nanakit sa kanya ng sobra!
Nanunuot sa buong pagkatao 'yong mga pananalita na iyon ni Terrence kanina. Nakakakunsensiya! Kaya pala siya ganoon makitungo sa akin kapag nagkikita kami sa Cher Hotel, sobrang hirap pala ng mga pinagdaanan niya noon resulta ng mga nagawa ko. Hindi pa niya siguro ako napapatawad hanggang sa ngayon.
Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko sa lamesa upang magpunta ako saglit sa cr, sa tingin ko kasi ay magtutuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko.